Back
/ 23
Chapter 16

FI 14

FAKE IT | A KENTIN AU

"Oo. Si Justin-" Hindi na natapos ni Justin ang sasabihin niya nang yakapin siya ni Ken.

Pagkagising ni Ken kinaumagahan ay nasa kama niya na siya. Hindi rin niya maalala kung paano siya nakauwi. Kumuha muna siya ng tubig para uminom. Napahilot siya sa sintido niya nang maramdamang sumakit ito.

"Matulog ka na Ken."

"Kiss muna."

"The heck?! Ano 'yon?" Bigla na lang siyang may naalala pero hindi niya alam kung totoo ba 'yon o hindi. Lasing ka pa siguro Ken. 'Yan! Inom pa.

Naligo na lang siya para mahimasmasan. Pagkatapos niyang maligo ay naghanda na siya ng kanyang makakain. Kumuha na siya ng pinggan at dadalhin na sana niya sa mesa nang mabitawan niya ito.

Shit.

Naalala na niya lahat ng mga nangyari kagabi.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit nakatulala ka diyan?" Puna ni Paulo.

"Wala."

"May nangyari kagabi ano?" Tiningnan ni Paulo si Justin nang mapang-usisa.

"A-ano?! Wala ah!"

"May nangyari nga." Inirapan siya ni Justin. "Kung walang nangyari, bakit gan'yan ka kung makareact?"

"Wala nga! Ang kulit mo."

"Sige. Sabi mo eh." Natatawang sabi ni Paulo. Halatang hindi kumbinsido sa pagtanggi ni Justin.

"So ano na? Effective ba ang ginagawa natin?" Pag-iiba ng usapan ni Justin.

"I think so? Balita ko hindi na niya masyadong kinukulit si Ken. Sinabihan ko na rin sila Tita na 'wag magpapaniwala sa kanya kung may sasabihin man siya sa kanila. Sabi ko na hindi ko na siya kaibigan." Sagot ni Paulo.

"Buti naman. Hmm. Magbati na kaya kayong dalawa? Parang puro misunderstanding lang naman 'yang dedmahan niyo." Suhestiyon ni Justin. Sa napapansin niya ay kailangan lang talagang mag-usap ng magpinsan.

"Sarado naman kasi ang isip niya. Kala niya siguro aagawin ko ang parents niya sa kanya."

"Pabibo ka rin kasi. Syempre parents niya 'yon tapos ikaw ang bukambibig?" Inirapan siya ni Paulo.

"Kasalanan ko bang seloso siya?"

"Ewan ko sainyo. Ako ang naiipit sa away niyo eh." Aminado naman si Paulo na nadadamay si Justin sa sitwasyon nila ni Ken.

"Sorry. Babawi ako sa'yo. Let's get rid of Bea first."

—

Nakita ni Paulo si Bea na kaaalis lang sa building nila Ken. Napasapo siya sa noo niya. I thought she stopped already.

Inabangan niya ito para kausapin. Nang makita siya ni Bea ay nag-iba agad ang ekspresyon nito.

"What do you want?" Inis na tanong ni Bea kay Paulo.

"When will you stop?"

"Akala ko ba magkagalit kayo ni Ken? Bakit parang pinagtatanggol mo pa siya ngayon? Are you acting like a good cousin now? O baka nagpapabango ka lang kay Justin?" Kumunot ang noo ni Pablo sa mga paratang ni Bea sa kanya.

"You're spouting nonsense again. Alam mo naman na wala ka talagang pag-asa kay Ken kaya tumigil ka na. Tigilan mo na sila."

"Haha You're funny Paulo. Hindi mo ba narerealize that I'm doing you a favor too? If magiging kami ni Ken, may pag-asa ka na kay Justin. Win-win situation, right?" Pathetic.

"You should stop when I'm still asking you nicely Beatrice. You know what I'm capable, right?" Napalunok si Bea sa sinabi ni Paulo.

"Don't touch my people. I'm warning you." Hindi na niya hinayaang makasagot pa si Bea at umalis na.

Paulo may not seem powerful, but he is. He's the president of the student council and very popular at that. One word and people will believe him. One word and your life will be ruined. And Bea knows it well.

"Ken" Napalingon si Ken sa tumatawag sa kanya at nakita niya si Paulo.

"What? Isusumbong mo na ba ako kila mommy? O sinumbong mo na nga talaga ako?"

"Tsk. I'm busy. Bakit ko ba 'yan pag-aaksayahan ng panahon?"

"Sino'ng niloloko mo?" Inis na turan ni Ken.

"It's up to you though. By the way, ibabalik ko na si Justin sa'yo. Take care of him. For real. Kapag nalaman kong pinapahamak mo na naman siya, I will not let him near you again." Umalis na si Paulo pagkatapos ng sinabi niya. Hindi naman maintindihan ni Ken ang ibig niyang sabihin.

Mabibigat ang mga yabag ni Ken papunta sa dorm niya. Ayaw man niyang may karoommate siya pero wala siyang magagawa. Pagkapasok niya ay may mga gamit na ng bago niyang karoommate. Nakaayos na rin ang dating higaan ni Justin. Nanlumo siya nang maalala ang lahat ng kulitan at bangayan nilang dalawa.

Umupo siya sa kama niya habang nakatitig sa dating kama ni Justin. Narinig niyang bumukas ang pintuan pero hindi na siya nag-atubili pang tingnan ito.

"Wala bang pawelcome back diyan?" Napalingon agad si Ken sa may pintuan at napatayo. Hindi niya inaasahan ang nakita.

"J-jah"

Dinala ni Justin ang pinamili niyang groceries sa mini kitchen nila habang nakasunod ang mga mata ni Ken sa kanya. Hindi pa rin ito makapaniwala.

"Para kang nakakita ng multo." Natatawang niyang sabi.

Parang bumalik sa ulirat si Ken at napagtantong si Justin nga ang nasa harapan niya. Dali-dali siyang lumapit at niyakap si Justin habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat nito.

Hinagod ni Justin ang likod ni Ken habang nakayakap ito sa kanya.

"Sorry." Sabi ni Justin. Mas humigpit pa ang pagkakayakap ni Ken sa kanya.

"Miss na miss na kita. Mababaliw na ako kahihintay sa'yo. Akala ko hindi ka na babalik." Kumabog ang dibdib ni Justin sa sinabi ni Ken. "I miss you Jah. I miss you so much." Naramdaman niya ang pag-init ng balikat niya. Umiiyak na pala si Ken.

"Sorry. Kasalanan ko ang lahat. Sorry for making you do things you don't like. I'm sorry." Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Ken kaya nadala na rin siya. Hindi na rin niya napigilang umiyak.

"Buti alam mo. Kasalanan mo talaga." Pilit na nagbiro si Justin para pagaanin ang loob ni Ken.

Humiwalay si Ken sa pagkakayap at pinunasan ang mga luha niya.

"Ken, iyakin." Biro ni Justin. Natawa si Ken sa sinabi niya.

Hindi alam ni Ken na magiging emotional siya ng ganito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya.

"Iyakin ka nga rin eh."

"Nadala lang ako sa iyak mo 'no! Para kang hiniwalayan ng jowa eh." Hindi na maitago ni Ken ang mga ngiti niya.

"Ikaw lang ang iniyakan ko ng ganito kaya dapat magpasalamat ka."

"Thank you po." They laughed at their silliness while looking at each other's eyes.

To be continued . . .

[vee: Ano kaya ang naalala ni Ken? At ano ang tinatago ni Justin? May nangyari ba no'ng gabing 'yon? 🤔 See you on the next update! 😉 Btw, we only have 6 Chapters left and an Epilogue. ☹️ Konti na lang matatapos na ang story na 'to. Thank you po sa mga nag-aabang sa mabagal na updates. 🫶 Have a great week ahead everyone!]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter