FI 18
FAKE IT | A KENTIN AU
"Jewel? Akala ko ba break na kayo? Pero bakitâ"
"Mom, hindi po siya si Jewel. Siya po si Justin."
"Oh. Magkamukha kasi sila ni Jewel. Ah, siya na ba 'yong kambal ni Jewel?" Nagkatinginan ang magjowa at hindi agad sila nakasagot.
"Mom, may aaminin po ako sainyo. Pero sana 'wag po kayong magalit kay Justin o kay Jewel. Kasalanan ko po ang lahat kaya please sa akin na lang kayo magalit." Kumunot nag noo ng mga magulang ni Ken. Hindi nila maintindihan ang sinasabi ng kanilang anak.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Tanong ng mommy niya sa kanya.
"Hindi po totoo si Jewel. Mom, dad I'm sorry. Niloko ko po kayo. Nape-pressure na kasi ako kasi parati niyo akong hinahanapan ng girlfriend kaya ko po 'yon nagawa. Sorry po."
"Ano'ng hindi totoo si Jewel?" Tanong ng daddy niya.
"Ako po si Jewel. I mean . . . nagpanggap po akong babae. Napanggap po kaming magjowa ni Ken." Pag-amin ni Justin. Matapos niyang sabihin 'yon ay yumuko agad siya dahil sa hiya.
"Pero dad, mom, ako po ang may pakana ng lahat nang 'yon. Please 'wag po kayong magalit kay Justin." Depensa ni Ken sa jowa niya.
"Pumayag din naman ako. Bakit mo ba inaako lahat? Please po, 'wag niyo po sanang itakwil si Ken. Magalit po kayo pero sana mapatawad niyo rin po siya."
"Totoo pala talaga." Napahilot ng sintido niya ang mommy ni Ken. Naguguluhan naman ang dalawa sa kung ano ang ibig sabihin nito.
"Paulo's friend . . . uhm what's her name again?" Tanong ng daddy ni Ken.
"Bea" Sagot ng kanyang asawa.
"Yeah. Bea. Sinabi niya sa amin na hindi totoo si Jewel at wala ka raw talagang girlfriend. Na kaibigan mo lang daw 'yong nagpapanggap na Jewel. Hindi kami naniwala kasi sa mga nakita namin, naramdaman naming mahal niyo ang isa't isa kaya imposibleng hindi totoo si Jewel."
Ngayon lang nila nalaman na nagsumbong nga pala talaga si Bea sa kanila. But they didn't expect that they would still believe in them that's why they feel guilty even more.
"Sorry po. Ayaw po kasi ni Ken na madisappoint na naman kayo sa kanya kapag sinabi niyang wala siyang girlfriend. Wala na rin kasi siyang time na humanap no'n kaya ako na lang."
"Galing niyo ring umarte ha. Nakuha niyo kami." Sabi ng daddy ni Ken.
"Sa isip namin umaarte lang kami pero 'yong puso na namin ang nagdidikta ng mga galaw namin kaya siguro naramdaman niyo rin talaga. Dad, mom, I'm sorry pero . . . hindi po ako nagsisisi na ginawa namin 'yon dahil kung hindi dahil doon hindi namin mahahanap ang isa't isa." Hinawakan ni Ken ang kamay ni Justin kaya nagkatinginan ang mag-asawa.
"Mahal ko po si Justin. Sorry po for disappointing you again. I don't like girls. Si Jewel lang ang tatanggapin ko." Kinurot ni Justin ang tagiliran ni Ken. Naku! May gana pang mabiro. "Kung hindi niyo man po kami matanggap, wala na akong magagawa doon pero mamahalin ko pa rin si Justin. Hindi niyo po ako mailalayo sa kanya kahit ano'ng gawin niyo. Itakwil niyo na lang po ako, 'wag niyo lang pong masabihan ng masasakit na salita si Justin."
Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ng kanilang anak.
"It's my fault. I'm sorry for pressuring you son. I didn't know you resorted to lying because of my eargerness. Hindi ko man lang alam kung ano talaga ang gusto mo." Sabi ng mommy ni Ken. "I will be mindful of my words too. Paulo told me that you get jealous of him because we always talked about him in front of you."
"Epal talaga si Paulo." Pabulong niyang sabi.
"We always talked about you when you're not here son. Kaya kapag nandito si Paulo, siya naman ang topic namin. Ayaw kasi ng mommy mo na lumaki ang ulo mo kapag parati ka naming pinupuri. Kung alam mo lang 'yang mommy mo. Ikaw lang ang bukambibig." Natatawa ang daddy niya habang nagkukwento.
"Ang lawak ng kama, bakit sa akin ka sumisiksik?"Â Pilit niyang tinutulak si Ken pero mas lalo lang itong sumiksik sa kanya.
"Jah, ang saya ko." Idinantay niya ang kanyang paa kay Justin kaya hindi ito makagalaw tapos niyakap pa niya ito ng mahigpit. "Kung hindi siguro naging tayo, hindi ko malalaman ang totoo. Siguro hindi pa rin kami magiging okay ng mga magulang ko. Kaya thank you Jah."
"Magiging okay pa rin siguro kayo pero sa ibang paraan lang. Masyado mo naman akong kinicredit."
"No. Hindi talaga. Ito lang talaga ang paraan." Natatawang sabi ni Ken.
"Baliw. Matulog na nga tayo. Alisin mo nga 'yang paa mo sa akin. Ang bigat kaya. Ginawa mo pa akong unan."
"No. Tatalikod ka sa akin eh." Inirapan ni Justin si Ken. "Parati kang lumalayo kapag magkatabi tayo eh. Parang ayaw mo akong makatabi." Pagtatampo niya.
"Para ka kasing unggoy, kapit ka ng kapit sa akin."
"Ang gwapo ko naman para maging unggoy."
"Wala naman akong sinabing pangit ang unggoy."
"Eh sa gusto kong niyayakap ka habang natutulog. Ayaw mo ba akong kayakap?"
"G-gusto syempre pero kasi . . . "
"Ano'ng kasi?"
"Nasa bahay niyo tayo. Nakakahiya. Baka makita tayo nila Tita. Baka kung ano pa ang isipin nila."
"Ano'ng iisipin nila?" Panunukso ni Ken.
"Wala." Tiningnan niya ng masama si Ken.
"Ano nga? Paano ko malalaman kung ayaw mong sabihin 'di ba?" Ken loves to tease Justin because he gets easily flustered.
"Wala nga. Matulog na tayo."
Gusto talikuran ni Justin si Ken pero nakakulong siya sa mga bisig nito kaya siniksik na lang niya ang sarili niya sa dibdib nito para itago ang mukha niya.
"Maiintindihan naman nila mommy kapag ginawa natin 'yon. Magjowa naman tayo 'di ba?"
"Ken!" Tumingala siya at tiningnan ito ng masama. "Bibig mo. Baka marinig ka nila."
Bigla na lang hinalikan ni Ken si Justin kaya napahawak si Justin sa labi niya. Nang makita ni Ken ang namumulang pisngi ni Justin ay pinisil niya ito.
"Sabi mo bibig eh." Natatawang sabi ni Ken.
"Puro ka na lang kalokohan. Alam mo 'yon?" Naiinis na sabi ni Justin.
Hinalikan ulit siya ni Ken. Ngayon mas matagal na. Mas nakakatunaw ng puso. Napapikit na lang si Justin habang dinadama niya ang bawat paggalaw nito sa bibig niya.
"Hindi na 'yan kalokohan ha." Pagkatapos ni Ken sabihin iyon ay hinalikan niya si Justin sa noo. "Good night Jah."
To be continued . . .
[vee: Aww. Okay na sila sa both sides. Hanggang ending na kaya? ð¤ Btw, Merry Christmas everyone! May God grant all our heart's desires! Thank you always for reading! ð«¶]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ