FI 6
FAKE IT | A KENTIN AU
"Naistorbo pa yata namin kayo sainyong couple time." Malapad ang ngiti ng mommy ni Ken.
Medyo hindi agad naintindihan ng dalawa kung ano ang gustong ipahiwatig sa sinabi ng mommy ni Ken pero narealize rin nila ito nang mapansin ang posisyon nila.
Para silang maghahalikan dahil sa lapit ng mga mukha nila sa isa't isa.
"Tita, hindi po. Inaayos lang po ni Ken ang buhok ko." Depensa ni Justin.
"Okay." Sa tunog pa lang ng salita nito ay alam na niyang hindi ito naniniwala sa paliwanag niya.
Napakagat labi na lamang si Justin at pinandilatan ang katabi. Naramdaman niya ang paghawak ni Ken sa kamay niya kaya tiningnan niya ito pero hindi ito nakatingin sa kanya.
Ah tama. Magjowa pala kami ngayon.
Pagkarating nila sa restaurant ng hotel ay may nakareserve na para sa kanila.
"Jewel saan ka nakatira ngayon?"
"Uhm. Nagdodorm po ako Tita."
"Oh. Nagdodorm ka rin 'di ba Ken?" Tumango si Ken bilang sagot. Iisang dorm lang kami mom.
"What if magcondo na lang kayong dalawa?"
"Hon" Suway ng kanyang asawa.
"Why not? It's to strengthen their bond Hon. 'Di ba Jewel?"
"HA HA It's better po yata Tita na magdorm na lang kami. Malapit na rin po kasi sa school."
"I'll find condo na malapit sa school niyo." Napailing na lang ang daddy ni Ken. Wala talaga siyang magagawa kapag ang asawa na ang nagdecide.
Nag-excuse muna si Justin para pumunta ng banyo. Kanina pa kasi siya naiihi.
Nasa pintuan na siya nang maalalang nakadamit pambabae pala siya at alam niyang magkakagulo kapag papasok siya sa CR ng panlalake. Kung sa pambabae naman siya papasok ay mas lalong hindi pwede.
Bwisit ka Ken Suson! Paano ako iihi nito?!
"Excuse me? Is there a problem?" May lumapit sa kanyang isang lalaki.
"Wala. Okay lang." Sagot ni Justin at hinarap ang lalaki.
"Woah! You're so beautiful." Alam ko. Joke. "I'm sorry for blurting it out. Baka matakot ka sa akin."
"No. Hindi naman. Okay lang."
"By the way, I'm Josh. And you are?"
"JusâJewel" Nagshakehands silang dalawa. Muntikan pa nga niyang malaglag ang sarili. Napamura na lang siya sa isipan niya.
"Nice meeting you Jewel. I need to go. See you around."
"Ken pigilan mo si Tita. Wala akong budget pambayad sa condo. Magtataka talaga si mama 'pag nalaman niya."
"Kapag siya ang naghanap ibig sabihin no'n siya ang magbabayad."
"Ayoko naman ng gano'n Ken. Nakakahiya sa mommy mo. Knowing na nagpapanggap lang tayo. Paano kung malaman niya?" Napagtanto ni Ken na mali nga talaga. Pero paano nga ba niya pipigilan ang mommy niya?
"Ken, totoo ba'ng may girlfriend ka na?"
"Sino?"
"Bakit hindi namin nakikitang kasama mo?"
Sunud-sunod na tanong ng mga kaklase nila. Tahimik lang na nakikinig si Justin.
"Saan niyo naman nasagap ang balitang 'yan?"
"May nakakita raw sainyo sa SB Hotel. Ang ganda raw nung girlfriend mo." Nagpipigil nang ngiti si Justin dahil sa narinig. "Ano'ng ginagawa niyo sa SB Hotel ha?"
"Nagdinner lang kami doon kasama namin ang parents ko. Mga utak niyo ang dudumi." Depensa ni Ken.
"Wala naman kaming sinabi. Defensive ka naman masyado. Haha" Nagtawanan ang buong klase. Wala mang nakahalata pero namumula na ang mukha ni Justin.
"Kelan mo siya ipapakilala sa amin?"
"Never."
"Hi Justin. Saan si Ken? Bakit hindi mo kasama?"
"Oh Paulo. Ikaw pala. Nauna nang umuwi."
"Ah. Baka may date sila ni Jewel. Pero bakit hindi ko nakikita si Jewel dito?" Bakit ba mausisa ito masyado?
"Hindi rin naman tayo madalas nagkikita. Sa laki ng campus natin, posible talagang hindi mo siya makasalubong."
"Sabagay. Sige mauna na ako. Sana makapagbonding tayo kasama ang magjowa."
"Ah HA HA Oo nga." 'Wag mo nang pangarapin, hindi 'yan mangyayari.
Matapos magpaalamanan ay umuwi na rin si Justin. Pagkarating niya sa dorm ay naglalaro si Ken ng computer games.
"Ken, naistress na talaga ako sa pinsan mo." Tinanggal ni Ken ang headphones niya at binaling ang atensyon kay Justin.
"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?"
"Hinahanap na naman niya si Jewel tapos gusto pa niyang magbonding tayo kasama si Jewel."
"'Wag mo nang isipin si Paulo. Umeepal lang 'yon."
"What if itigil na natin 'to bago pa tayo mabuking? Parang awa mo na Ken."
"Kahit isang buwan lang Jah. Magtataka kasi sila mommy kung bigla na lang kaming maghihiwalay ni Jewel 'di ba?"
"Hay naku ka Ken! Isang buwan lang ha! Pagkatapos niyan hinding-hindi na ako papayag pa."
"Okay. Okay. Promise! Thank you Jah! At dahil diyan may yakap ka sa akin." Bigla na lang siyang niyakap ni Ken.
"Siraulo! Lubayan mo nga ako!"
To be continued . . .
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ