20
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Oh? Ba't di mo sinama si Danica?" tanong ni Gian.
"Doon 'yon matutulog sa parents niya," sagot ni France dahil birthday ng pinsan ni Gian ngayon at invited sila.
"Sus. Ayaw mo lang na may bantay ka eh," biro ni Jannah.
"Usapan na kasi namin na every weekend doon siya sa parents niya matulog."
"Na-meet mo na ba ang parents niya pagkatapos nang nangyari sa inyo? Yung formal meet-up?" curious na tanong ni Jannah.
"Kanina lang," sagot ni France. "Doon ako nag-lunch at nag-usap naman kami ng parents niya."
"Buti at hindi ka natakot. Pulis pa naman ang papa niya," sabi ni Gian.
"Malinis naman ang intensyon ko sa anak nila."
"Woah!" ani Gian. "Seryoso na ba 'yan? Nagkaaminan na ba? Mahal mo na ba?"
"Bakit? Hindi ko naman niloloko si Danica ah."
"Hindi nga pero ang tanong ko kung mahal mo na ba?" ulit ni Gian.
"Eh? Seryoso ako sa kanya pero hindi ko sinabing mahal ko siya."
"Psh! Denial to the max ka talaga!" sabi ni Jannah. "Aminin mo na kasi na nahuhulog ka na sa kanya."
"Ba't nyo ba ako pinipilit na umamin eh, hindi ko pa nga siya mahal!"
"Hindi pa. Ibig sabihin may chance?" ani Gian.
"Wala naman yatang masama," sabi ni France. "Eh, hindi naman siya mahirap mahalin."
"Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba. Kung ako sa 'yo, ligawan mo na siya bago pa magbago ang isip nun. Tandaan mo, hindi pa kayo kasal. Marami pa ang pwedeng mangyari. Si Pablo nga na taon nang nanligaw, hindi pa sinagot eh," pananakot ni Gian.
"Si Pablo 'yon!" ani France.
"Bahala ka. Kapag makahanap 'yon ng lalaking mas higit pa kaysa sa 'yo tapos ganyan ka na walang pakialam, sige ka," sabi ni Jannah.
"Haist! Hindi ako iiwan ni Danica, noh! Basta!" aniya. Hindi lang niya masabi na inamin na ni Danica na mahal siya nito kasi syempre privacy pa rin nila 'yon at ayaw naman niyang itsismis ang dalaga.
"Ayan na ang pagkain mo," sabi ni Pablo nang lumapit sa kanila sabay bigay ng platong puno ng pagkain kay Jannah.
"Ang dami naman," reklamo ni Jannah.
"Share na tayo, ayaw ko nang bumalik pa sa table, noh."
"Saan ang drinks?"
"Aba, makautos ka ah."
"Oops," sabat ni Gian sabay turo kay Jannah. "Girfriend mo 'to, baka nakalimutan mo?"
"Softdrinks ko please," ani Jannah kaya napasimangot si Pablo at tumayo.
"Ngayon pa lang parang gusto ko nang makipag-break."
"Sus, kunwari ka pa," tukso ni Gian.
"Ewan ko sa inyo. Saglit lang po, mahal na reyna!" ani Pablo saka iniwan sila. Pagbalik nito ay may bitbit ng tubig. "Magtubig ka na lang kasi baka sumpungin ka na naman ng hyperacidity mo."
"Gusto ko ngâ"
"Tubig!" sabi ni Pablo saka naupo sa tabi ni Jannah at nakikain sa plato nito.
Nang matapos kumain, nagpaalam si Jannah na mag-CR muna.
"Seryosohin mo na kasi si Jannah," suhestiyon ni France nang makalayo na ang dalaga.
"Mas sasaya ako kapag si Danica ang seryosohin mo," ani Pablo na salubong ang kilay.
"Alam ko ang gagawin ko," sabi ni France na uminom na ng wine. "Gusto ka ni Jannah, Pablo. At isa pa, kampante na kayo sa isa't isa. Boto rin ang parents ninyo sa inyo."
"Si Komi ba 'yon?" tanong ni Gian nang makitang may humarang kay Jannah. Nakatalikod ito pero sa pangangatawan, mukhang si Komi nga lalo na't siya lang naman ang kakilala nilang may kulot na buhok.
"Oo, siya nga," sagot ni France.
"Ginagawa niya kay Jannah?" salubong ang kilay na tanong ni Pablo.
"Nakausap ko si Komi, hindi naman talaga si Danica ang target niya kundi si Jannah," sabi ni France.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Pablo.
"Naghahanap lang siya ng rason para makadiskarte kay Jannah pero kasi palagi kang nandiyan kaya nahihirapan siya," sagot ni France. "Akala niya si Jannah ang girlfriend mo noon pero nang nalaman niyang si Danica pala ang gusto mo, sabi niya gusto na niyang i-push ang panliligaw kay Jannah."
"What? Si Jannah, magkakagusto sa kanya?" natatawang sabi ni Pablo.
"Why not? Kahit ganyan si Pablo, alam naman nating hindi siya iniiwasan ni Jannah," sabi ni Gian. "Kaya hindi malayong magkakagusto si Jannah kay Komi. Kilala mo 'yong bestfriend mo, marupok 'yon."
"Sandali lang," sabi ni Pablo saka tumayo nang makitang sumama si Jannah kay Komi.
Nilapitan niya ito saka hinawakan si Jannah sa kanang braso para pigilan.
"Oh?" tanong ni Jannah nang lumingon.
"Tara na sa table natin."
"Sandali lang, kakausapin ko lang si Komi."
"Jannah!" may pagbabantang wika ni Pablo.
"Hindi siya robot para diktahan mo ng gagawin niya, Pablo!" sabi ni Komi.
"Hindi ko siya dinidiktahan. At ano ba ang pakialam mo, Komi?"
"Kaibigan ka lang pero kung umasta ka para kangâ"
"Boyfriend na niya ako!" madiing sabi ni Pablo saka hinila si Jannah palapit sa kanya sabay akbay. "Kaya may karapatan na ako sa kanya."
"Pinatulan mo 'to?" tanong ni Pablo na kay Jannah nakaharap.
"Noon si Danica. Ngayon naman si Jannah, Komi? Takot ka bang maubusan ng babae? O gusto mo lang na makuha ang lahat ng sa akin?"
"Never naging sa 'yo si Danica at 'yang si Jannah? Tingin mo gusto ka niyang makasama? Boring mo, mister nice guy!"
"Sinasabi mo?" pikong tanong ni Pablo na susugurin sana si Komi pero napigilan ang kamay niya ni Jannah.
"Why? Mag-ieskandalo ka rito?" may paghamong tanong ni Komi.
"Akala mo hindi kita papatulan?"
"Sure!" ani Komi sabay dipa. "Suntukin mo 'ko! Tingnan natin kung sinong ama ang mapahiya bukas! Fight me!"
"Pablo, huminahon ka," bulong ni Jannah nang marami na ang nakatingin sa kanila. "Tama na, ha. Balik na tayo sa table. Let's go."
Buti at nagpatangay si Pablo pabalik sa table nila.
"Akala ko rambulan na," sabi ni Gian. Malulugi si Pablo dahil ang daming barkada ni Komi sa paligid.
"Subukan lang niya," sabi ni Pablo saka napatingin sa katabi. "Bakit ba nakikipag-usap ka sa kanya?"
"Ano ba ang masama? Kapatid mo naman siya."
"Hindi sa ina!"
"Minsan naiintindihan ko rin si Komi," sabi ni Gian.
"Madalas hindi," ani Pablo.
"Magkaiba kasi kayo," sabi ni Gian. "Kumbaga ikaw ang huwaran, siya naman ang pasaway."
"Maybe," sabi ni Pablo. "Kung gusto mo si Komi, sabihin mo lang at tutulungan kita sa kanya!"
"Uminom na nga tayo," pag-iiba ni Jannah pero inagaw ni Komi ang alak niya. "Gusto kong uminom!"
"Girlfriend na kita kaya mula ngayon, bawal ka nang uminom ng alak. Ayoko ng sakiting kasintahan!"
"Yuck!" nandidiring sabi ni Gian. "OA mo!"
"Hi, guys!" masiglang bati ng pinsan ni Gian nang lapitan sila kasama ang tatlong kaibigang babae nito. "Okay lang ba kayo rito?"
"Happy birthday, Elis." bati ni Jannah. "Okay lang kami."
"Kayo lang ba?" tanong ni Jel na kaibigan ni Elis. "Nasaan ang girlfriend ninyo?"
"Nasa bahay ng parents niya," sagot ni France.
"May girlfriend ka na?" tanong ni Elis dahil wala naman silang nakikitang dine-date ni France sa school nila.
"Fiancée," sagot ni France kaya napangiwi si Pablo.
"Oh? Hala, may fiancée ka na pala," sabi ni Jel. "Taga SJU rin ba?"
"Oâ" France.
"Guys! Okay lang kami, cousin!" agad na sabat ni Gian. "Pwede na ninyo kaming iwan. Ako na ang bahala sa mga bisita kong 'to! Asikasuhin mo lang ang iba mong bisita, don't worry about us."
"Oh, sige, guys. Enjoy lang kayo. Mah drinks and food naman sa table ha. Wag lang kayong mahiya," sabi ni Elis saka iniwan na sila.
"Pwede bang wag mo na munang ipagkalat na kayo ni Danica kung hindi mo naman siya mahal?" pakiusap ni Pablo.
"Sino ka para magdesisyon sa amin?"
"France, ang gusto lang nilang mangyari eh, ayaw nila ng issue dahil kakagaling lang ng issue ni Danica tungkol sa kanila ni Komi at kapag malaman nila ang sa inyo tapos hindi ka naman seryoso sa kanya, si Danica ang kawawa sa bandang huli. Kumbaga wag ka munang magpakalat kung hindi mo kayang panindigan," mahabang paliwanag ni Jannah.
"Magiging sentro lang ng bashing si Danica kapag ganun," sabi ni Gian. "Lowkey muna kayo."
"Hindi niya 'yan naisip kasi selfish siya," sabi ni Pablo.
"Inggit ka?" ani France.
"For what?" tanong ni Pablo sabay akbay kay Jannah. "May girlfriend na ako, noh!"
"Fake," natatawang sabi ni Gian. "Saka ka na magmalaki kapag seryosohan na kayo ha. Ewan ko sa inyo! OA 'yong lovelife n'yo!"
"Maghanap ka na kasi ng sa 'yo! Ipakilala kita sa mga kaibigan ni Danica," sabi ni France.
"Oh, gosh! Not one of them, please! Utang na loob!"
"Mukhang okay naman 'yung amerikanang kaibigan niya. Diskartehan mo kaya?" suhestiyon ni Pablo.
"Ayokong dumugo ang nose ko!" sabi ni Gian. "Arte kaya nun!"
Kinuha ni France ang cellphone saka nag-text kay Danica na dito siya sa party. Nag-reply naman ito na mag-ingat siya sa pag-uwi at 'wag magpagabi dahil delikado sa daan.
Tumayo siya.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Gian na nakatingala kay France.
"Uwi na ako, bye," paalam ni France.
"Hindi pa nga tayo nangangalahati," sabi ni Pablo.
"Uuwi na ako, hindi maganda ang pakiramdam ko," sabi ni France.
"Killjoy mo!"
"Bye na," paalam ni France at lumapit sa birthday celebrant para magpaalam.
------------------------
"Alam kong masaya ka na kay France," sabi ni Janine nang pumasok sa kwarto ni Danica para kausapin ito.
"Ma, hindiâ"
"Ina mo ako, Danica. Kilala kita kaya alam kong mahal mo na siya kahit na i-deny mo pa. Ang akin lang, 'wag mong ibigay sa kanya ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo para kapag dumating ang araw na saktan ka niya, hindi ka magdalawang-isip na tumayo sa sarili mong mga paa. Okay lang na mahalin mo siya pero dapat pahalagahan mo rin ang sarili mo bilang babae."
"MâMa," usal ng dalaga. "Tingin mo, mahal din niya ako?"
"Bakit mo natanong 'yan?" tanong ni Janine.
"Ma, inamin ko na po sa inyo na ako naman talaga ang may kasalanan pero masama ba kung mahal ko na siya?"
"Gwapo si France, mayaman at malakas ang sex appeal sa mga babae kaya hindi naman malabong mahulog ka sa kanya lalo na't nagsasama na kayo."
"MâMa? Tingin mo may pag-asa bang mahalin niya ako?"
Ngumiti si Danica saka hinawakan ang kamay ng anak.
"Maganda ka, Danica. Mabait kang bata kaya hindi imposibleng hindi ka niya magustuhan. Trust me, madali ka lang mahalin. Sa nakikita ko, gusto ka naman niya. Hindi siya haharap sa amin kapag hindi siya seryoso sa 'yo. Madali lang namang humanap ng dahilan para hindi siya makapunta eh."
"Hindi ko rin alam, Ma." Para na ring bestfriend ang kanyang ina. Maliban kay Bia, ito ang naging sandalan niya dahil kapag may gagawin o sikreto siya o magtampo kay Bia, sa ina niya agad sinasabi. Ang ama lang naman niya ang sobrang strikto.
"Magdasal ka lang at magtiwala ka sa sarili mo, okay?"
"Okay po."
"Oh siya, matulog ka na. Goodnight, Danica."
"Goodnight, Ma."
Nang makalabas ang ina, tiningnan niya ang cellphone.
Agad na nilapag niya sa kama nang makitang si France ang nag-text kaya hindi niya muna binasa dahil kinakabahan siya na ewan. Never pa ito nag-text o tumawag sa kanya mula nang kunin nito ang cellphone number niya.
Nang kumalma ay binasa na niya ito.
"Kyah!" mahinang tili niya saka napahiga habang yakap ang cellphone nang ipaalam ni France kung saan na ito ngayon.
"Okay. Enjoy ka at ingat sa pag-uwi mamaya dahil delikado sa daan," usal niya habang nagtitipa ng i-reply. "Gosh!" matapos i-send. Nakailang tingin na siya pero walang reply si France. Sinubukan niyang matulog pero hindi siya dinadalaw ng antok. Natutukso talaga siyang tingnan ang cellphone kahit na alam niyang malabo nang mag-reply si France kaya nanood na lang siya ng kung ano sa Youtube. Nawili na siya sa pinapanood na documemtary ni Kara David nang biglang tumawag si France kaya kinabahan na naman siya.
Huminga muna siya nang malalim saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hi," boses palang ni France nakaka-inlove na.
"Nakauwi ka na ba?"
"Hmm..."
"Are you okay?" nagtatakang tanong niya. "Saan ka na?"
"I'm fine. Could you please open the gate?"
"Ha? Mali ka ata ng number na tinawagan, France!" nakasimangot na sabi niya. "Kilala mo ba ako? Si Danica ako."
"Ah, 'yong fiancée ko," sabi ni France.
"Yes. Goodnight na."
"Anong goodnight? Dito mo ako patulugin sa labas?"
"Ha? Saan ka?" tanong niya saka lumapit sa bintana para silipin. Nakita niya ang sasakyan nitong nakaparada sa tapat ng bahay nila. "Natutulog na sina Papa." Gusto niyang lumundag sa tuwa nang makitang bumaba si France.
"Open the gate, Danica. Gusto ko na ring matulog."
"Peroâ"
"Kung ayaw mo, uuwi na lang ako."
"Wait!" agad na sabi niya saka nagmamadaling lumabas para pagbuksan si France.
"Hi," bati ni France.
"Sssh. Natutulog na sila," bulong niya at maingat na isinara ang gate nang pumasok ang binata.
Hinawakan niya ang kamay ni France at dahan-dahan silang pumasok ng bahay. Ingat na ingat para hindi sila magising.
"Bakit nandito ka?" tanong niya nang isara ang pinto.
"Saan naman ako uuwi?" tanong ni France sabay hapit sa bewang ng dalaga. "Eh nandito ang fiancée ko."
"Baka magising sina Papa," bulong ni Danica.
"Eh di wag kang maingay sa gagawin natin," bulong ni France sabay siil ng halik sa mga labi ng dalaga. Mahaba-haba pa ang gabi kaya wala munang quickie.