Back
/ 35
Chapter 28

27

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

Nagising si Danica sa mainit na halik ni France.

"Morning," bati ni France kaya napamulat ang dalaga.

"Alas singko pa lang," sabi ng dalaga nang mapatingin sa alarm clock na nasa bedside table. "Gusto ko pang matulog."

May tigaluto naman sila. Naririnig na kasi niya ang kalampag sa labas dahil maaga pang nagigising ang ina para maghanda para sa kanilang mag-ama.

"Pumikit ka lang," sabi ni France saka hinila ang kumot kaya nalantad ang hubad na katawan ni Danica. Pumikit ulit si Danica pero ibinuka ni France ang magkabilang hita niya.

"Pagod ako," nakapikit na sabi niya pero hinayaan niya si France sa ginagawa nitong paghalik sa hita niya.

"Sabing matulog ka lang, ako na ang bahala," bulong ni France saka napangiti habang nakatingala sa dalaga.

"Okay," sabi ni Danica kahit na ang totoo ay nagising na ang diwa  niya sa mga halik at haplos ni France pero kailangan niyang panindigan na wala lang sa kanya ang ginagawa nito.

Naramdaman niya ang mainit na hangin sa pagitan ng mga hita niya. Napamulat siya nang maramdaman ang mainit ba bagay sa pagkababae niya kaya agad siyang napahawak sa ulo ni France na ngayon ay nasa gitna niya.

"F—France!" natarantang sabi niya saka napaatras pero agad na hinila ng binata ang magkabilang mga paa niya at muling ipinuwesto ito sa pagitan ng mukha nito. "G—Ginagawa mo?"

"Just close your eyes," sabi ni France pero pinigilan siya ni Danica.

"A—Ano ba ang gagawin mo?" aniya. "F—France, ayoko talaga!"

"I'm hungry."

"Eh di kumain ka!"

"Okay," ani France saka muling yumuko at dinilaan ang pagkababae ng dalaga.

"F—France!" saway niya na nakaramdam ng pagkailang. "A—Ayoko. Ayoko talaga."

"Let me try this, hmmm?" sabi ni France pero tinakpan ni Danica ang pagkababae nito dahil naiilang siya. Ngayon lang siya nakabukaka ng ganito kalapit sa mukha ng binata. Wala na yata siyang naitago lalo na't nakikita nito ang kaloob-looban niya.

"F—France, hindi—ayoko."

"Gusto ko."

"France, kadiri eh! Wag na."

"Ako naman ang kakain, hindi ikaw," sabi ni France. "Sige na, ginagawa naman ng iba 'to, bakit tayo hindi?"

"K—Kasi... " hindi niya alam ang gagawin. Hindi lang kasi niya inaasahan na gagawin ito ni France. "B—Bakit ba? Hindi ka ba nandidiri?"

"For what? Ginagawa naman ng iba 'to ah," sabi ni France. Halos lahat ng kaibigan niya sa Europe, ginagawa ang ganito. Ang sabi nila, mas gusto raw ng mga babae ang kinakain sila, mas naaadik sila sa partner nila.

"S—Sila iyon..." nahihiyang sabi niya pero hinatak siya ni France saka muling yumuko. Muli niyang hinawakan ang ulo ni France bago pa man nito maabot ang pagkababae niya. "P—Please, ayoko talaga." Ilang na ilang na siya. Syempre malalasahan at maaamoy pa ni France. Naco-conscious siya.

"Nakapaghugas ka naman na kanina," sabi ni France. Bago matulog, lumabas pa si Danica at naghugas.

"F—France... Nasa labas lang sina Mama at Papa," sabi niya habang nakayuko sa binata. Hindi niya nagustuhan ang pagngisi nito.

"Let me eat my breakfast kung ayaw mong marinig nila tayo," ani France saka hinawakan ang magkabilang kamay ni Danica saka yumuko at nagsimulang dilaan ang nasa pagitan ng dalawang hita nito.

Napapikit ang dalaga at napakagat sa ibabang labi nang maramdaman ang mainit na dila ni France. Wala siyang magawa kundi hayaan ito kaysa magtalo pa sila at marinig ng mga magulang. Tumigil ang binata saka bumaba sa kama at hinatak ang dalaga hanggang sa makapwesto ang balakang nito sa dulo ng kama. Lumuhod si France at ipinatong ang magkabilang binti ni Danica sa balikat niya.

Ibinuka niya ito saka nagsimulang kinain ang malinamnam na putahing nakahanda sa kanya ngayong umaga. Kahit sya ay curious din pero nang matikman niya, hindi naman ganoon kapangit ang lasa. Para lang siyang jelly na nilagyan ng isang butil ng asin kaya masarap pa rin kainin lalo na't naririnig na niya ang mahinang ungol ni Danica at ang pagkilos ng katawan nitong parang bulati na nilagyan ng asin.

Napahigpit ang paghawak ni Danica sa mga kamay niya.

"F—France..." sobrang hinang usal niya saka napakagat sa ibabang labi. Sino ang mag-aakalang luhuran siya ni France para makain? Sino ang mag-aakalang uubusin siya nito nang paunti-unti. Naririnig niya ang tunog ng ginagawa nito lalo na kapag mapaparami siya ng katas. Naramdaman niya ang pagpasok ng isang daliri ni France habang ang dila nito ay nasa clitoris niya kaya binitiwan niya ang isang kamay ng binata para hatakin ang unan at kinagat para hindi mapasigaw.

"Oooh..." mahinang ungol niya sabay nginig ng magkabilang binti nang maramdaman ang kasukdulan. Tumigil si France saka tumayo at nahiga sa tabi ng dalaga saka niyakap siya.

"Do you like it?" malambing na tanong ni France habang inaamoy ang mabangong leeg ni Danica.

"Bakit mo iyon ginawa, France?" tanong niya.

"Gusto lang kitang mapaligaya," sagot ng binata habang nilalaro ng daliri ang right nipple ni Danica. "Why? Hindi pa ba sapat ang ginawa ko?"

"Tara na sa labas, kain na tayo," yaya niya saka tumayo at nagbihis kaya sumunod si France sa kanya pero dumiretso si Danica sa banyo para maligo.

"Morning, Ma, Pa," bati ni France.

"Oh, magpandesal ka muna," alok ni Janine. "Anong gusto mo? Black coffee ba?"

"Sige po," sagot ni France dahil kailangan nga niya ng pampagising.

Nang maluto ang breakfast, sabay na silang apat kumain.

"Kumusta naman ang tulog mo, France? Pasensya ka na sa kama ni Danica, hindi na yata malambot ang foam niya," tanong ni Janine.

"Nakatulog naman ho ako. Actually, kahit sa banig ako matulog, okay lang basta kasama ko ang anak ninyo," sagot ni France.

"Mahal mo ang anak ko, France?" seryosong tanong ni Danilo kaya napatigil sa pagkain si Danica.

"P—Pa, hindi ho tama na pag-usapan natin 'yan sa hapag-kainan," agad na sabi niya.

"Ano ba ang mali sa tanong ko, Danica? Wag mong pagtakpan ang si France!" sabi ni Danilo at hinarap si Danica. "Ama ako at ayaw kong niloloko ang anak ko!"

"Naiintindihan ko po kayo, Pa," sabi ni France saka ngumiti.

"Ano na? Mahal mo ba ang anak ko?" ulit na tanong ni Danilo.

"Pa," ani France saka napatingin kay Danica. "Sinungaling ho ako kapag sabihin kong oo," pag-amin ni France.

"Eh, gago ka pala eh!" galit na sabi ni Danilo sabay hampas sa mesa pero agad na nahawakan ni Janine.

"Pa, wag nating pilitin si France," pakiusap ni Danica.

"Hindi ko po kasi ugaling magpaasa," sabi ni France. "Pero wala ho akong ibang mahal o ibang babae. Si Danica lang talaga ang babae sa buhay ko at wala akong ibang papakasalan kundi siya lang."

"Anong klaseng relasyon ang gusto mo sa anak ko, France! Pinalaki ko 'yan hindi para lokohin lang!"

"Makakaasa ho kayo na hindi ko siya lolokohin, Pa. Hindi ko man maipangako na mahalin ko siya pero ang maipangako ko lang sa inyo ni Mama na wala akong ibang papakasalan kundi siya lang. I can't promise to love but promise, I will never love someone else and I will treat her more than a lover. Wala hong ibang babae sa buhay ko kundi siya lang. I know magagalit kayo sa sasabihin ko pero hindi ho ako makikipagtalik sa iba kundi sa anak n'yo lang po," mahabang sabi ni France kaya ipinagpatuloy ni Danilo ang pagkain.

Nang matapos silang kumain, nauna nang lumabas si France dahil gusto ni Danica na sumabay sa ama para iwas tsismis na rin.

"Ma, alin na ho ako," paalam ng dalaga.

"Danica," ani Janine saka hinawakan ang kanang kamay ng anak. "Mahal ka niya."

"Ma, hindi naman niya sinabi na mahal niya ako," sabi ni Danica.

"Hindi nga niya sinabi but trust me, he loves you. Just give him time na maamin sa 'yo. Hindi naman siya babalik dito para suyuin ka kung hindi siya seryoso sa 'yo. Isa pa, nakikita kong honest siyang tao. Madali lang naman sabihin na mahal ka niya para hindi kami magalit pero hindi niya iyon ginawa."

"Iba pa rin kapag marinig ko. Ma, ayaw kong umasa."

"Wag ka nang mag-overthink ha. He takes love seriously lang," sabi ni Janine saka ngumiti sa anak. "Sige na, alis ka na. Baka mainip na ang ama mo." Kanina pa nga nagbubusina si Danilo.

"Sige, Ma. Bye!" paalam niya.

Hinatid siya ng ama sa school campus. Papasok pa lang siya nang makasabay niya si Bia kaya niyaya niya muna itong magtambay sa bench kasi matagal pa naman ang klase nila.

"What?" bulalas ni Bia nang ikwento ni Danica ang ginawa ni France kagabi. "Kapatid niya yung akala mo fiancée niya?"

"Oo."

"Naniwala ka naman?"

"What do you mean?"

"Baka palusot lang niya!" sabi ni Danica at sinagap sa social media si Paris. Sa Instagram niya ito natagpuan. Iilan lang ang post nito pero nakita niya ang litrato nitong kasama si France two years ago at may baby pictures pa sila. Binasa na rin niya ang comments at ayun sa comment na puro Villafuerte, magkambal nga sila. "Eh? Kambal nga niya, friend. Nako, kawawa ka naman. Terror ata ang pamilya niya."

"Wag mo nga akong takutin."

"Hmmm... Mukhang may evil sister siya ah. Pero yung tunay na Princess na 'yon, siya ang dapat mong paghandaan. Iba ang kutob ko eh. Parang may something pa talaga na darating," sabi ni Danica. "Hey, alam mo ba kung paano naging cliché ang isang story?"

"Ha? Paano?'

"Kapag okay na ang love story ng mga bida, darating si ex at subukang sirain ang lovestory nila. Ganoon 'yong ginagawa ng mga author."

"Ginawa mo na talagang pang wattpad ang story ko!" nakalabing sabi ni Danica.

"Trust me! Yun talaga 'yon kaya mag-ingat ka kasi may darating pa 'yang pagsubok," pagbabanta ni Danica.

"Let's just hope na bumait ang twin niya," puno ng pag-asang sabi ni Danica.

"Kung bumait ang tadhana," sabi ni Bia.

"Hindi ba pwedeng maging masaya na kami? Yung wala nang problema tapos happy lang kami at higit sa lahat, aaminin na niya na mahal na niya ako?" umaasang sabi niya kaya natawa si Bia. "Anong nakakatawa?"

"Bes, walang ganun sa isang istorya kung umpisa pa lang ay happy ending na," kontra ni Bia.

"Haist! Ginagawa mo namang nobela ang buhay ko! Nasa reyalidad naman tayo."

"Mas masalimuot ang reyalidad, Danica," ani Bia.

"Tama na ngang drama. Kung ano man ang mangyayari, bahala na si Lord. Basta ako lumalaban ng patas. Tara na sa classroom," yaya ni Danica at tumayo.

"Excuse me, mga miss," bati ng lalaking lumapit sa kanila pero napatigil ito nang makita ang magandang mukha ni Danica.

"May kailangan ka?" tanong ni Bia na hindi nakaligtas ang paghanga sa mga mata ng kaharap habang nakatitig sa kaibigan.

"Ah, magtatanong lang sana ako kung saan ang building two zero seven?" tanong nito.

"Akyat ka riyan sa kaliwang hagdan tapos second floor, left side," sagot ni Danica.

"Ah, thank you."

"Transferee ka?" tanong ni Bia dahil hindi nito alam ang building ng SJU.

"Ah, hindi ako estudyante ng school na 'to. I came for a friend," nakangiting sagot nito. "By the way, I'm Pierce," pagpakilala nito sabay lahad ng kanang kamay.

"Bia," sagot ni Bia saka nakipagkamay sa kaharap.

"And you are?" tanong ni Pierce na hindi maialis ang mga mata kay Danica.

"Danica," sagot ng dalaga. Gwapo ang nasa harap at sobrang kinis ng mamula-mulang mukha. Kahit ang kamay nito ay halatang alaga ng kung anong skincare.

"Hi, Danica. I'm Pierce pala," ulit na pagpakilala nito sabay lahad ulit ng kamay kaya inabot ni Danica. Kahit ang kamay, sobrang lambot din nito. Ngumiti si Pierce kaya lumitaw ang pantay at mapuputi nitong ngipin na animo'y nang-aakit sa kababaihan. Ang amo ng mukha nito na parang Korean actor dahil medyo singkit ang mga mata. Kulang lang dito ay height dahil sa tantiya niya, nasa 5'7" lang ang height nito kaya nagmumukhang pandak kapag itabi sa ibang lalaki lalo na kina France at Pablo.

"Pierce," ulit ni Danica saka pasimpleng hinila ang kamay sa kaharap na mukhang na starstruck sa kanya. "Sige, maiwan ka na namin."

"Ah, Danica," ani Pierce na napakamot sa ulo. "Wala akong gaanong kilala rito kaya pwede bang hingiin ang number ninyong dalawa?" tanong ni Pierce.

"Hindi ako nagbibigay ng number," sagot ni Bia.

"Pasensya ka na pero ako rin," paumanhin ni Danica. Hindi naman sa bastos siya pero wala namang purpose na ibigay niya ang number. Habang maaga, kailangan na niyang umiwas sa mga ganito.

"Okay, pasensya na kung mapilit ako. Salamat pala sa tulong," pasalamat ni Pierce.

"Sige na, maiwan ka na namin. Ayon na ang prof namin," paalam ni Bia at hinila si Danica palayo kay Pierce.

"Teka lang, grabe ka naman kumaladkad," reklamo ni Danica.

"Umiwas ka sa mga gano'ng hitsura."

"Ha? Gwapo naman niya ah," ani Danica.

"Crush mo?"

"Uy, grabe ka! Parang sinabi ko lang na gwapo siya, crush na agad?"

"May gusto siya sa 'yo, halata naman."

"Hala, nagtatanong lang eh."

"Nagtatanong pero kung makatitig parang hinuhubaran ka na. Nako, sinasabi ko na sa 'yo, Danica. Umiwas ka na sa tukso nang hindi na humaba pa ang walang kwentang lovelife mo."

"Eh? Pinagsasabi mo?" natatawang tanong ni Danica. "Ang dami mo talagang iniisip."

"Hmp! Ayaw ko lang na magkaroon kayo ulit ng misunderstanding ni France, ano!" sabi ni Bia.

"So, boto ka na sa kanya?"

"Ew ka rin, ano? Matapos mong isuko ang Bataan sa kanya, naisip mo pa bang maghanap ng iba? Kung sino ang prologue, dapat siya rin ang sa epilogue, ano! You're story might be cliché and ordinary sa iba pero ang mahalaga, happy ending ka!"

"Ewan ko sa 'yo," nakangiting sabi ni Danica saka hinila na ang kaibigan papasok ng classroom. Nasa good mood siya today pero nakaramdam ng panginginit sa magkabilang pisngi nang naalala ang ginawa ni France sa kanya kaninang madaling araw. Ayaw talaga niya ng ganoon dahil parang nandidiri siya pero hindi niya akalaing hindi pala siya makatanggi kapag nandiyan na. Iyong kapag tingnan sila ng mga tao, hindi nila maisip na magagawa nila ang bagay na iyon kasi medyo conservative siyang tao lalo na si France na maarteng tao.

Share This Chapter