28
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Masaya ka ata?" puna ni Gian.
"Syempre, bati na kami ni Danica eh."
"Hindi ka pa inlove niyan?"
"Pwede ba, 'wag na nating pag-usapan 'yan. Ang mahalaga ay okay na kami ni Danica at sa bahay nila ako natulog," pagmamalaki niya.
"Parang hindi ka hinabol ng baril kahapon ah."
"Haist! Wag mo nang i-remind!"
"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" natatawang tanong ni Gian nang dumating si Pablo bitbit ang shoulder bag ni Jannah.
"May nakakatawa?"
"Para ka kasing bakla," sabi ni Gian.
"Psh! Anong masama kung ako ang magbitbit ng bag ni Jannah?"
"Seryoso na rin ba ang relasyon ninyo?" usisa ni Gian.
"Malay ko. Sabi ng Daddy ni Jannah, kakausapin daw niya ang parents ko eh. Alam mo namang magkumpadre sila," sagot ni Pablo at naupo.
"Wow, alam na nila?" tanong ni Gian.
"Wala akong choice. Nahuli kami eh."
"Nahuli kayong nagseâ" France.
"Nagki-kiss lang naman pero sa kwarto ni Jannah kaya ayun, wala akong choice kundi aminin na may relasyon kami," sagot ni Pablo.
"Buti at hindi ka tinutukan ng baril?" biro ni Gian pero sinapak ni France kaya napangiwi ito."Grabe ka naman, France! Inaano ka ba?"
"Tinutukan ka ni Tito Danilo ng baril?" natatawang tanong ni Pablo.
"Okay na kami," sabi ni France. "Buti at hindi tutol ang parents ninyo lalo na ang daddy mo?"
"Close ang parents namin kaya walang problema," sagot ni Pablo.
"Buti naman kung si Jannah kasi mahihirapan din si Danica sa daddy mo," sabi ni Gian.
"Sakto lang naman si Dad kay Danica dahil kay Tito Danilo. Malakas din ang kapit ni Tito sa mga tropa niyang kapulisan kaya mahihirapan din si daddy."
"Si Komi pala," sabat ni Gian. "Balita ko may ipapakasal sa kanya ang daddy ninyo?"
"Actually, sa mother side niya 'yon," sabi ni Pablo. "Gusto nilang ipakasal si Komi for business purposes. May lahi kasi silang Chinese."
"Talaga? Mayaman?" ani Gian.
"Malay ko. Hindi kami nagtatanong."
"Ano ba kasi ang tunay na kwento ng pamilya ninyo?" tanog ni Gian.
"Sa pagkakaalam ko, sina Daddy at Mommy talaga. Nalasing si Dad at ayun, nabuntis niya ang mommy ni Komi kaya muntik nang maghiwalay ang parents ko pero dahil buntis na rin si Mommy, wala siyang choice kundi magpakasal kay Daddy," sagot ni Pablo. Iyon lang naman ang kwentong alam niya pero hindi na siya nagtatanong pa. Basta half-brother niya si Komi.
"Maganda ba ang babae?" tanong ni Gian.
"May hitsura, maganda rin naman at mabait," sagot ni Pablo. "Maiba tayo. Sa Fri na ang pageant a. Ready ka na ba, France?"
"Ayoko na!" sabi ni France.
"I-represent mo na ang section natin. Sige na," sabi ni Pablo. "Rarampa ka lang naman eh."
"Eh kung ikaw na lang kaya?" suhestiyon ni France.
"Pass ako," ani Pablo.
"Uy, France. Tawag ka ng kaibigan mo sa labas," sabi ni Luis nang pumasok.
"Sino?"
"Ewan pero ikaw ang hinahanap," sagot ni Luis kaya lumabas si France.
"Tol!" nakangiting bati ni Pierce na nakikipag-usap sa dalawang babae.
"Bakit nandito ka?"
Nababagot na ako sa bahay."
"May klase pa kami."
"Joke lang. Napadaan lang ako dahil nasa tapat lang pala ang condo ng tita ko. Curious lang sa school na 'to," sagot nito. "Dami palang magaganda sa school ninyo."
"Puro ka babae!" sabi ni France. "Tumino ka nga! Pahalagahan mo naman ang sarili mo."
"Grabe ka!" nakasimangot na sabi nito kaya napailing si France.
"By the way, France," excited na sabi ng kaharap. "I've met a girl."
"Malamang! Ang daming babae naman dito."
"Hindi. Kakaiba talaga siya. As in maganda. I swear!"
Napataas ang kanang kilay ni France.
"Paano bang naiiba? Dalawa ang mukha?" sarcastic na tanong ni France.
"Grabe ka naman! Hindi ah. Pero siya na ata ang pinakamagandang babae sa buong St Joseph University."
"Marinig ka ng iba!"
"Pero tol, maganda talaga siya. I asked her number pero ayaw ibigay."
"First meet pa lang, tinanong mo na ng number?"
"Ganoon ako kabilis."
"Ulol!"
"Pero seryoso, France. Siya na ata si Miss Right," nakangiting sabi nito.
"Anong pangalan?" tanong ni France.
"Ahm... Danâ" natigilan siya dahil nakalimutan niya. "Daniela ata o Divina? Dahlia? Ugh! I forgot!"
"Akala ko ba gustong-gusto mo pero pangalan lang, nakalimutan mo na agad?"
"May short term memory loss ako eh," depensa niya.
"Ewan ko sa 'yo! Ayan na ang prof namin, alis na!" pagtataboy niya.
"Haist! Basta ha. Mamaya, walwal tayo."
"Bawal ako uminom."
"Samahan n'yo lang ako. Boring na ng bakasyon ko."
"Oo na. Alis na," pagtataboy ni France saka pumasok sa classroom.
Lunchtime. Chinat niya si Danica na sabay na sila mag-lunch pero tumanggi ito dahil kasama raw nito si Bia kumain kaya hindi sila nagkita.
"Oh, sasama ka ba mamaya?" tanong ni Pablo kay France.
"Titingnan ko. Ngayon nga lang kami nagkabati ni Danica, iiwan ko pa siya sa bahay."
"Sumama ka a. Nandoon ang kaibigan mo e," sabat ni Pablo.
"Buti ka at lagi mong bitbit si Jannah kahit saan ka magpunta eh, hindi naman sanay si Danica sa ganitong night life."
"Isama mo rin minsan nang may makasama at makausap naman si Jannah," suhestiyon ni Gian.
"Oo nga. Isama mo si Danica mamaya," pagsang-ayon ni Pablo. "Paminsan-minsan ilabas mo rin siya. Nakakalabas nga siya kasama sina Paula, ikaw pa kaya."
"Nahihiya nga siya sa public e. Tingnan n'yo, ayaw pang sumabay sa akin kapag pumasok."
"Iba naman sa club, may privacy tayo roon at gabi naman," ani Gian.
"Okay, try kong yayain mamaya."
Pagdating sa bahay, agad siyang nagpalit ng damit at nakialam sa kusina para magluto ng dinner.
"Hi," bati ni Danica nang pumasok.
"Hello," sagot ni France saka pinatay ang niluluto saka lumapit sa threadmill.
"Sa Friday na ang laban mo ah," sabi niya.
"Wag kang manood, hindi ako kampante."
"Eh? Manonood ako kasi susuportahan kita," nakangiting sabi ni Danica dahil excited na nga siya. "Ano ang talent mo?"
"Wala akong talent."
"Sus, wala raw."
"Subukan kong kumanta."
"Hala, sample nga."
"Wag na, nakakahiya," sagot niya saka pinaandar ang threadmill.
"Sige na."
"Surprise na lang pero magli-lipsync ako kasi sintonado ako."
"Sus, ikaw pa. For sure mananalo ka sa swimwear."
"Why? Kasi maganda ang katawan ko?"
"Oo."
"Do you like it?"
Natigilan si Danica saka iniwas ang tingin sa tanong ni France.
"Wag ka nang mahiya, ikaw lang naman makapag-judge kung maganda ba o pangit ng katawan ko."
"As if hindi ka naghuhubad kapag nasa swimming class kayo."
"Pero ikaw lang din naman ang nakahawak at nakatikim."
"Ewan ko sa 'yo!" pagtataray niya sabay takbo sa kwarto para magpalit ng damit dahil nahihiya siya.
May nag-doorbell kaya lumapit si France sa pinto saka sinilip ang tao sa labas.
"Oh? Lumabas ka na?" bungad niya sa kakambal.
"Bakit nakahubad ka? Nagboboomboom paw kayo ni Danica, ano?" pilyang tanong niya saka pumasok.
"Magpreno ka nga ng bunganga mo!" saway niya.
"France, sino angâ" napatigil si Danica nang makita si Paris. "Hi, magandang hapon," bati niya na hindi alam ang gagawin. Parang mas madali pa yatang harapin ito kapag nagkunwaring si Princess kaysa sa isiping ito ang kakambal ni France.
"Ipakilala pa ba kita sa fiancée ko?" tanong ni France. "Danica, si Paris, ang kakambal ko!" may diing pagpakilala ng binata sabay dilat sa kakambal para warning-an ito.
"MâMaupo ka," sabi ni Danica.
"Here," ani Paris sabay abot sa kanya ng malaking paperbag ng Trevi. "Alam mo na ang laman niyan because you saw it na."
"Para sa akin?"
"Yes. From us," sagot ni Paris. "From my mom and me."
"SâSalamat. Hindi ka na sana nag-abala pa," nahihiyang wika niya dahil alam niya ang presyo nito at bigla siyang nalula. Sa kanya pala niya ito ibibigay kasi siya ang tinutukoy nitong sister-in-law.
"May sasabihin ka pa ba sa kanya, Paris?" seryosong tanong ni France.
"Wala na!" sagot ni Paris sabay taas ng kilay. Kinausap siya ni France na kung pwede humingi siya ng sorry kay Danica pero hindi niya ugali iyon lalo na't sinasadya naman niya.
"Paris, ano ba?"
"Hmm? Mukhang masarap ang ulam ninyo ah," sabi niya para maiba ang usapan. "Dito na ako mag-dinner. Na-miss ko ang luto mo eh."
"Good for two lang ang niluto ko!" sabi ni France.
"Ganun ba? Eh 'di 'wag kang kumain," wika ni Paris.
"Tch! Kain na tayo, Danica," yaya ni France kaya tumungo na sila sa dining room.
Habang kumakain, napapasulyap si Danica kay Paris. Kapag pala pagmasdan, may hawig ito kay France.
"Sama ka mamaya sa night club?" tanong ni Paris kay Danica.
"Ha? Hindiâ"
"Hindi ko pa siya nayaya," sabat ni France.
"Hindi ka niyayaya ni France?" tanong ni Paris.
"Pwede bang manahimik ka na muna, Paris?" saway ng kakambal.
"May lakad naman silang mga lalaki at okay lang na hindi ako kasama palagi," tugon ni Danica. Wala siyang problema roon. Kahit sya, gusto rin nya ng freedom. Hindi rin naman nagtatanong si France kapag may lakad sila nina Paula.
"Ah, yung mga fake friends mo ba ang palagi mong kasama?"
Nagulat siya sa tanong ni Paris. Nagkwento ba si France sa kakambal?
"Hindi ako tsismoso para magkwento sa kanya," agad na depensa ni France nang mapatingin si Danica.
"Hindi ako bulag para hindi matukoy ang totoo sa plastic," sabi ni Paris. "Noong una kong kita kay Paula sa hotel, alam kong may something na ito kay France. Did she took a photo of us? Am I right?"
Marahang tumango si Danica.
"I knew it!" sabi ni Paris. Ganoon naman palagi ang ginagawa niya kapag sa public sila ni France at may nakikitang babaeng interesado sa kakambal, nagkukunwari siyang girlfriend nito kahit na nabubwesit si France.
Nang matapos kumain, umuwi muna si Paris para magpalit ng damit.
"Sama ka mamaya," sabi ni France sabay yakap sa bewang ng nakatalikod na dalagang nagpupunas ng mesa.
"Wala naman akong gagawin doon."
"Sige lang," ani France.
"Nandoon ba si Princess?" curious na tanong niya kaya dumilim ang mukha ni France at pinaharap siya sabay hawak sa magkabilang balikat.
"Kapag kasama mo 'ko, 'wag ka nang maghanap pa ng ibang tao ha. Kahit sino ang kasama natin, hanggat magkasama tayo, hindi na sila mahalaga."
"Okay," pagpayag niya.
"Good. Ako na ang magtatapos nito, magbihis kana para makauwi tayo nang maaga."
Nang makabihis, umalis na sila patungo sa nightclub na pagmamay-ari ng isa sa mga Villafuerte.
"Saan ba ang CR?" tanong ni Danica nang makaupo na sila.
"Tara, samahan kita," sabi ni France.
"Pupunta rin ako ng CR," sabi ni Jannah at tumayo.
"Dinala ka na ni France dito," sabi ni Jannah habang naglalakad sila patungo sa CR.
"Si Paris ang nag-invite sa akin," sagot niya. Para kasing napilitan lang si France na isama siya dahil kay Paris. Siguro kapag wala siya, marami ang babaeng kasama nila.
"Don't worry, kami lang naman ang palaging kasama ni France dito, wala siyang ibang babaeng dinadala," sabi ni Jannah.
Pumasok na sila sa CR. Nang matapos siya, lumabas na muna sya dahil ang dami nang pumasok para hintayin si Jannah.
"Hey!" bulalas ng lalaking lumabas sa CR.
"Pierce," wika niya saka nginitian ito.
"Danâwhat's your name again?"
"Danica."
"Oh, Danica pala," sabi ni Pierce. "Sino ang kasama mo?"
"Friends ko," sagot niya. "Ikaw?"
"Friends ko rin," sagot nito at sinagot ang tawag. "I'm here na sa club, nag-CR lang. Oh, sige. Papunta na ako."
Hinarap niya si Danica. "Kita tayo mamaya ha. Nagmamadali lang ang mga friends ko. Sige na, hanapin kita mamaya sa dance floor."
Masayang iniwan niya si Danica at pumasok sa VIP room.
'Tagal mo!" reklamo ni Paris.
"Nag-CR lang," sagot niya.
"Saan ka nag-CR?" natatawang tanong ni Gian.
"Gusto mo sapak?" tanong ni Pierce saka naupo sa tabi ni Paris. "Oh, saan na ang fiancée mo, France?"
"Umalis lang saglit, babalik din 'yon," sagot ni France.
"Speaking!" ani Pierce. "Nakita ko ulit 'yong love of my life ko," sabi ni Pierce.
"Saan? Wag ka na ngang umasa pa na single 'yon," sabi ni Gian.
"Basta! Hahanapin ko siya mamaya sa dance floor," masayang sabi niya sabay kuha ng alak at uminom.
"Oh, ayan na pala sila," sabi ni Pablo nang pumasok sina Jannah at Danica kaya agad na napatayo si Pierce.
"Hey, Danica!" bulalas ni Pierce. "Tol, siya ang sinasabi ko sa inyo!"
Natahimik silang lahat. Sina Gian at Pablo ay napakamot sa ulo sabay tingin kay France na hindi na maipinta ang mukha.
"Can I have your number na?" tanong ni Pierce sabay lapit kay Danica at abot ng cellphone niya.
"Danica!" madiing tawag ni France kaya napatingin si Danica rito. "Maupo ka na!"
"Excuse me, Pierce," paumanhin ni Danica saka naupo sa tabi ni France. Inakbayan siya agad ng binatang naka-de kwatro.
"Magkakilala pala kayo," ani Pierce at bumalik sa pwesto.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni France sabay hawak sa baba niya para tumingin siya rito.
"Ang dami kasing tao," sagot niya pero natigilan nang yumuko si France at mariing sinakop ang mga labi niya.
"Hey!" agad na sabi ni Pierce na parang batang naagawan ng laruan.
"Fiancée ko pala, si Danica," pagpakilala ni France kaya natigilan si Pierce.
"FâFiancée mo?" ulit niya na parang tinakluban ng langit.
"Oo, fiancée ko," sagot ni France sabay yakap kay Danica. "Saan na nga ulit 'yong dreamgirl mo?"
"Shutup, bitch!" pikong sabi ni Pierce kaya natawa na sina Pablo at Gian.
Ayun, nag-inuman na sila at si Pierce ang naging kumpulan ng tukso dahil pikon ito.
"Nasaan na pala ang kaibigan mo?" tanong ni Danica kahit na hindi na inalis ni France ang pagkakaakbay sa kanya.
"Sinong kaibigan?"
"Si Princess," sagot niya. Wag naman sanang tama si Bia na bigla na lang itong susulpot para agawin si France sa kanya o sirain ang relasyon nila.
"Ah," ani France. "Gusto mo siyang makilala?"
Marahang tumango si Danica para hindi na siya mag-overthink. Kung ano man ang kahinatnan ng pagkakilala nila, tatanggapin niya para tapos agad.
"Hey! Princess!" malakas na tawag ni France.
"What the fuck, France!" bulyaw ni Pierce. "Kailangan, isigaw?"
"Gusto kang makilala ng fiancée ko," sabi ni France kaya natigilan si Danica at napanganga sabay tingala kay France. "Ayan na si Princess sa harapan mo." sabay turo kay Pierce.
Natawa si Gian. "Payag ka, tomboy ka pero pangalan mo Princess?"
"P*tang'na talaga ninyo!" pikong sabi ni Pierce.
"Princess, si Danica pala, my one and only, woman!" may pag-angking pagpakilala ni France.
Nagulat si Danica sa nalaman.
"Kahit pa anong tago mo sa mukha mo at pangalan, hindi mo na mababago ang katotohanang may pekpek ka pa rin!" biro ni Pablo.
"Grabe kayo kay Princess," nakalabing sabi ni Paris sabay yakap sa kaibigan.
"Isa ka rin, Paris eh! Sabing Pierce!" pagtatama nito. "Ano naman? Ayaw nyo lang aminin na maraming nagkakagusto sa akin kaysa sa inyo!"
"Talaga ba, Princess? Wala ka pa ring titi," pang-aasar ni Gian.
"May dila naman ako at daliri!" ani Pierce. "Yung mga babae, gustong-gusto nila ang dila naming mga tumboy."
"Tara na, Danica!" yaya ni France sabay tayo kasama si Danica.
"Uwi na kayo?" tanong ni Pablo.
"Mamaya na kayo umuwi! Killjoy naman," sabi ni Pierce.
"I'm hungry," sagot ni France. "Gusto ko nang kumain."
"Woah!" bulalas ni Gian.
"Tara na!" ani France sabay hila palabas kay Danica.
"FâFrance," ani Danica na namumula ang magkabilang pisngi nang nakalabas na sila at nasa tapat ng kotse. Isinandal siya ni France sa kotse saka itinukod ang magkabilang kamay nito sa sasakyan para makulong ang dalaga. "MâMaraming tao."
"So what," sagot ni France sabay halik sa mga labi ng dalaga. "Sa susunod, wag ka nang makipag-usap sa ibang lalaki at higit sa lahat, wag mong ibigay ang number mo kay Princess."
"PâPero kaibigan mo siya."
"Pakialam ko?"
"NâNagseselos ka ba?" nahihiyang tanong niya sabay tingala sa binata pero iniwas nito ang tingin.
"For what na magseselos ako sa tomboy? Guni-guni mo lang 'yon!" sagot ni France. "Let's go home hanggat kaya ko pang magpigil," bulong niya sabay bukas ng pinto kaya dali-daling pumasok si Danica.
Napangiti si Danica. Feeling kasi nya ang haba ng hair niya sa naging kilos ni France ngayong gabi.
"Wag ka ngang ngumiti-ngiti!" saway ni France nang pumasok. "Kainin kita riyan eh!"
Agad na napakagat sa ibabang labi ang dalaga sabay kabit ng seatbelt.