Back
/ 35
Chapter 35

Ending

'Til it Lust (R-18)

Oh, di ba? ending na agad pero wala pa rin akong sinulat kung saan nakatira yung mga bida. Hahahahaha.

By the way, sinulat ko lang to kasi wala na akong maisip pero gusto ko nang matapos. Ilang days na rin akong hindi naka-update. Ibig sabihin, wala na talaga akong mapiga pa sa story na 'to. Kahit nga ending, hindi ko na alam so let's see kung ano ang maisulat ko kasi as of now, wala pa akong maisip na eksena. Bahala na kung ano ang pumasok sa isip ko on the spot habang nagsusulat.

Unedited...

"Thank you po, Tita Ariane," pasalamat niya nang makatanggap ng bag sa asawa ng may-ari ng Trevi. Bumisita sila sa bahay ng mga Villafuerte para dahil nandito itong mag-asawa na dumating kahapon mula Calinog, Iloilo.

"Walang anuman," nakangiting sagot ni Ariane saka napatingin sa asawa.

"Thank you po ulit, Tito Rome," magalang na pasalamat ni Ariane dahil personalized ang bag na ibinigay nito bilang regalo sa graduation niya.

"Okay lang pero may kapalit 'yan," biro ni Rome. "Bigyan mo ng apo si Madrid nang ma-busy na para hindi na shopping nang shopping."

Natawa si Ariane. "Feeling mo, tatahimik 'yon sa bahay kapag may apo? Nako, for sure araw-araw magsa-shopping 'yon sa apo."

"Whatever. Pera naman ni Elias ang ginagastos niya," sabi ni Rome.

"Anong oras nga po pala ang flight ninyo bukas?" tanong ni France sabay akbay kay Danica.

"Alas otso pa ng gabi," sagot ni Rome na bumisita lang sa pamilya ni Ariane sa Calinog, Iloilo at napadaan dito sa Maynila para bumisita rin sa ibang pamilya.

"Sige po, mauna na ho kami," paalam ni France dahil may dadaluhan pa nga silang party.

"Thank you sa pagbisita," sabi ni Ariane.

Hanggang ngayon, starstruck pa rin si Danica sa asawa ng Tito ni France dahil ang ganda talaga nito, modelong-modelo ang dating kahit na may anak na at ang bata pa nito tingnan.

"Salamat din ho sa pasalubong," sabi ni Danica at sumama na kay France na umalis ng mansion. Dumiretso sila sa condo para magpalit ng damit at mag-ayos ng sarili.

Sa ngayon, si France ang nagma-manage ng ibang branch ng wine company nila rito sa Pilipinas dahil ayaw pa nitong bumalik sa Madrid dahil gusto nitong patapusin muna si Danica sa pag-aaral saka sila mag-decide kung saan sila manirahan.

"Okay na ba 'tong suot ko?" tanong ni Danica nang lumabas ng kwarto. White long gown ang suot nito. Ginamit na rin niya ang kakabigay na bag ng mag-asawang Rome at Ariane.

"Okay na okay," sagot ni France sa lumapit sa dalaga at hinapit sa bewang.

"Yung makeup ko?"

"Maganda. Perfect," sagot ni France. "Haist! Wag na lang kaya tayo tumuloy?"

"Hey!" ani Danica sabay hampas sa dibdib ni France. "Birthday ng bestfriend mo."

"Hindi ko siya besyfriend, noh!"

"Sige ka, sumbong kita kay Pablo," pananakot niya. "Tara na?"

Niyakap siya ni France nang mahigpit. "Saglit lang, payakap kahit one minute lang." Pinagbigyan niya si France hanggang sa siya na mismo ang nagtulak dito palayo.

"Oh, tama na po kasi late na talaga tayo," sabi niya kaya pinakawalan siya ni France.

"Kainis!" bulong ni France saka inakay si Danica palabas ng unit.

"Sino ba ang ka-chat mo?" salubong ang kilay na tanong ni France habang nagmamaneho dahil nakangiti pa si Danica habang tinitingnan ang cellphone.

"Bia," sagot ng dalaga.

"Lastweek lang kayo nagkita ah."

"Lastweek pero saglit lang naman siya," nakalabing sabi ni Danica. Nagkamustahan lang sila sa mall tapos umalis na rin agad si Bia pagkatapos nilang mag-shopping.

"Dito na ba siya ulit?" tanong ni France.

"Hindi ko alam pero ang sabi niya ay depende raw. Kapag okay naman ang work niya rito sa Maynila, baka mag-stay siya rito pero kung hindi, baka babalik sa probinsya," sagot ni Danica. Ang tagal na rin kasi nilang hindi nagkita ni Bia dahil umuwi ito sa probinsya ilang buwan matapos mailibing ang lola nina Pablo. Doon na nito tinapos ang pag-aaral kaya sobrang miss niya ang kaibigan.

"Mag-behave ka mamaya sa party ha. Bawal kang uminom nang marami at higit sa lahat, bawal kang makipag-usap sa ibang lalaki. Wag kang umalis sa tabi ko," bilin ni France nang malapit na sila.

"As if na hindi ako nagbe-bahave. Ikaw ang mag-behave!" sabi ng dalaga. Syempre hindi maiwasang mapansin talaga si France lalo na't matangkad, gwapo at maayos itong pumorma gaya ngayon.

"Wag mo 'kong tingnan, alam mong kaya kitang imaneho sa loob ng sasakyan," pagbabanta ni France nang makita sa peripheral vision na tinititigan siya ni Danica. Hanggang ngayon, naiilang pa rin siya minsan kapag tinitigan.

"Masama bang titigan ko ang gwapong mukha ng crush ko?" pilyang tanong ni Danica pero nagulat nang biglang pinarada ni France ang sasakyan. "Hey."

"You seduced me!" ani France saka tinanggal ang seatbelt at inilapit ang mukha kay Danica pero napigilan siya ng dalaga. "Oh ghad! I'm sorry, France. Please, tumuloy na tayo." Masisira ang makeup niya. Ayaw naman niyang magmukhang ewan sa party dahil sigurado siyang maraming babae mamaya na kailangan niyang harangan na hindi makalapit sa kasintahan.

"Tch!" Muling umayos sa pagkakaupo si France at ikinabit ulit ang seatbelt saka ipinagpatuloy ang pagmaneho.

Pagdating nila, nag-uumpisa na ang program.

"Saan pa kayo galing?" tanong ni Gian.

"Traffic," sagot ni France saka hinila ang upuan para maupo si Danica.

Nakinig muna sila sa speech ng ama ni Komi at nagpasalamat sa mga pumunta at sa mga kaibigan. Kagaya ng inaasahan, nagmumukha itong perpektong ama sa harap ng mga bisita. Ito ngayon ang gobernador at sa susunod na election, balak na nitong magpatakbo bilang senador kaya nagpapabango sa madla at sa ibang karatig probinsya.

"Si Pablo naman ang may birthday bakit puro politiko ang bisita?" bulong ni Gian pero agad na siniko ni France para manahimik. "Balak ba niyang isabak si Pablo sa susunod na election?"

"Iyon ang plano," sagot ni France kaya napailing na lang si Gian.

Nang matapos ang program, nagsimula na ang kainan.

"Guys, kain lang kayo ha," sabi ni Pablo nang lumapit sa kanila. "Pasensya na, ang daming bisita."

"Oh, regalo mo," sabi ni France sabay bigay ng dalang regalo sa kaibigan.

"Thank you," pasalamat ni Pablo saka iniwan muna sila para i-entertain ang ibang bisita.

"Si Komi ba 'yon?" tanong ni Gian sabay nguso sa kakapasok lang na bisitang may kasamang babaeng nakabigkis sa braso nito. "Oh, sino ang kasama niya?"

Napalingon si Danica sa dalawa. Si Komi nga at kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng ipinahiya ni Komi noon sa harapan nila bago ito umalis ng bansa.

"Si Bianca!" sabi ni Jannah.

"Oh, bakit magkasama sila?" tanong ni Gian. "Ang ganda naman ni Bianca. Uy, Komi!" pagtawag niya kaya lumapit ang mga ito sa kanila.

"May kailangan ka?" tanong ni Komi.

"Pakilala mo naman kami sa magandang kasama mo," sabi ni Gian.

"Si Bianca," tipid na pagpakilala ni Komi.

"Dito na kayo maupo," sabi ni Jannah.

"Wag na," tanggi ni Bianca pero hinila na ni Komi ang isang upuan saka pinaupo siya.

Biglang natahimik ang mesa nila dahil sa presensya ni Komi.

"Himala, hindi mo na yata kasama ang mga kaibigan mong pa-sosyal," puna ni Komi.

"Hindi na kami ganoon ka-close. Iba na ang friends nila!" sagot ni Danica saka napangiti nang maalala si Bia. "Si Bia lang ang bestfriend ko, noh!" Bumalik na si Liza sa USA at mula nang malaman nilang sya nga ang fiancée ni France, lumipat na ang dalawa ng paaralan sa sumunod na semestral. Syempre kapal na lang nila para manatili pa sa SJU. Mula noon, hindi na rin sila nakipag-communicate pa sa kanya.

"Kumusta na si Bia?" tanong ni Komi saka napatingin kay Bianca na uminom ng wine.

"Ayun, masaya na siya sa life niya sa province pero nandito siya sa Maynila para magtrabaho."

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Komi kay Bianca sabay kuha ng wine dito.

"Kahit ano," sagot ni Bianca.

"Dito ka lang," paalam ni Komi at iniwan muna si Bianca sa mga ito.

"Long time no see," sabi ni Danica sa katabing si Bianca.

"Ha?" gulat na tanong ni Bianca kaya ngumiti si Danica.

"I'm Danica pala. Siguro hindi mo ako natatandaan o nakilala dahil minsan lang tayo nagkita noon sa SJU pero nakilala kita. I was there noong—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil baka ma-offend siya.

"Ah," ani Bianca saka gumiti. "Iyon ba? Past na 'yon at hindi ko gaanong matandaan dahil bahagi na iyon ng masamang karanasan," sabi ni Bianca at tipid na ngumiti saka napatingala kay Komi na bumalik sa table nila. "Ang mahalaga ay  okay na ako ngayon."

Nang araw na iyon, pumunta si Bianca sa SJU nang malamang matagal na palang nakalaya si Komi para ipaalam ang tunay na kalagayan nito pero tahasang pinagtabuyan siya ni Komi.

"Komi," sabi ng matandang lalaking lumapit sa kanila. "Umuwi ka na pala."

"Good evening po."

"Balita ko naurong ang kasal ninyo ni Gela," sabi ng matanda. "Kailan ba?"

"Yes po, hindi ko pa alam kung kailan," magalang na sagot ni Komi.

Napaisip si Danica at napatingin kay Bianca. Maganda ito at galing din sa mayamang pamilya pero kung siya si Bianca, hindi na siya maghahabol pa kay Komi. Bilang babae, hindi niya maatim ang mga narinig niya noon. Ang pinakaayaw niya ay ang ma-humiliate sa harap ng marami. Sayang ang ganda nito para lang magpatali sa taong ayaw naman sa kanya. Isa pa, ikakasal na si Komi at sa nakikita niya, walang problema sina Komi at Gela. Nagkaroon lang daw ng aksidente si Gela kaya naurong ang kasal nila ngayong taon dahil hindi pa raw nito kayang maglakad.

"Hey, guys!" masiglang bati ng bisitang kakarating lang.

"Bia!" masiglang bulalas ni Danica saka tumayo at niyakap ang kaibigan. "Kyah! I miss you! Ang ganda mo na ngayon ah!" puri niya saka napatingin sa gwapong lalaking kasama nito. "Hmm? Baka may gusto kang ipakilala sa amin?"

"Hello, guys. Good evening," magalang na bati ni Bia. "Si Jameson pala, boyfriend ko."

"Oh, may boyfriend ka na?" tanong ni Gian.

"Yeah, si Jameson," sabi ni Bia saka hinarap ang kasintahan at hinalikan sa mga labi. "We're getting married na."

"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Jameson.

"Hoy! Bakit parang iba ang sinabi mong boyfriend mo nung nagkita tayo?" tanong ni Danica kaya natawa si Bia. "Ah, yun ba? Break na kami nun at mas mayaman 'to ngayon at higit sa lahat, seryoso sa akin."

"Ikaw talaga," sabi ni Danica sabay hampas sa balikat ng kaibigan.

"Why? Ganun naman talaga ang buhay. Pag ayaw nila sa 'yo, eh di ayaw mo rin. Ang mahalaga ay nagkatikiman kayo," pilyang sabi ni Bia.

"CR lang ako," paalam ni Bianca saka umalis sa pwesto nila.

"Maupo ka na, bes," sabi ni Danica.

"Uy, Komi! Matutuloy ba talaga ang kasal ninyo ni Gela?" seryosong tanong ni France.

"Pakialam mo?" tanong ni Komi.

"Baka nakalimutan mo, si Gela ang tumulong sa 'yo noon! Kung hindi dahil sa pakiusap niya, tingin mo makialam kami sa kaso mo?" paalala ni France saka umakbay kay Danica.

"Wag kang mag-alala, matutuloy ang kasal namin ni Gela," sagot ni Komi.

"Dahil lang ba sa tinulungan ka niya kaya mo siya pakasalan?" tanong ni France. "Mabait na tao si Gela, Komi! Alam kong halang ang kaluluwa mo pero oras na saktan mo si Gela, ako ang makakalaban mo!"

"Alam ko ang ginagawa ko, France! Atupagin mo si Danica kaysa makialam sa buhay ko!" sabi ni Komi saka tumayo at iniwan sila.

"Wag mo nang awayin si Komi," bulong ni Danica.

"Bakit? Hindi ko naman siya inaaway. Pinapaalala ko lang sa kanya kung saan siya lulugar. Hindi ko lubusang kilala si Komi pero alam kong kapag mabangis, mabangis talaga siya! Napilitan lang din si Gela na tanggapin ang proposal dahil sa pamilya," sabi ni France at nilaro ang daliri ni Danica.

"Pero mabait naman si Komi. Promise," sabi ni Danica.

"I know," pagsang-ayon ni France.

Pagkatapos ng party, nauna na silang magpaalam.

"Pabukas naman ng pinto, sagutin ko lang ang tawag," pakiusap ni France habang hawak ang cellphone.

"Keycard?" tanong ni Danica sabay lahad ng kamay kaya ibinigay ni France.

Medyo lumayo si France saka sinagot ang tumatawag kaya pumasok si Danica sa bahay. Kinapa niya ang switch hanggang sa mabuksan ito.

Napatigil siya sa paghakbang nang mapansin ang mga pulang petals ng rosas sa sahig at napupuno ng flower decoration sa buong unit nila. Hindi naman ganito ang arrangement ng iwan nila kanina.

"Do you like it?" tanong ni France sabay yakap sa bewang ng nakatalikod na kasintahan.

"You did this?" tanong niya na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Yes," sagot ng binata saka pinakawalan ang dalaga.

"I like it," madamdaming sabi niya. Nakakataba ng puso. Kahit na palagi siyang may natatanggap na surpresa at kung anong gamit kay France, hindi pa rin niya maiwasang matuwa.

Humarap siya sa binata pero napatutop siya sa bibig nang makitang nakaluhod na ito sa harapan niya habang may hawak na maliit na box na may singsing sa loob.

"F—France," naluluhang usal niya habang todo kalabog ang dibdib niya.

"K—Kailangan ko pa bang sabihin?" mahinang wika ni France habang nakatingala sa kanya.

"Lumuhod ka riyan hanggang umaga kung hindi mo sasabihin," sagot ni Danica.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng binata bago magsalita, "Miss Danica Villanueva, handa ka na bang palitan ang apelyido mo ng Gonzales?"

Napakagat sa ibabang labi si Danica para pigilan ang mga luha. Noong unang kita niya kay France sa SJU, nagagwapuhan na siya rito pero agad niyang pinatay ang kaunting paghanga sa binata dahil alam niyang langit at lupa ang agwat nila pero nang magkasama sila nang gabing iyon at pagkaumaga, hindi na niya inaasahan pang makuha ang loob ng binata. Ang alam niya, hindi na matutuloy ang kasal at kung matuloy man, formality na lang.

"A—Are you willing to be my wife for the rest of your life?" kinakabahang tanong ni France dahil hindi sumasagot si Danica. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Ito ang tanong na ang hirap sabihin lalo na kung negatibo lang din ang sagot.

Tumulo na ang mga luha ni Danica habang nakatunghay sa binatang nakaluhod sa harapan niya. Ganito pala ang feeling na nagpo-propose na ang taong mahal mo sa 'yo, hindi mo maipaliwanag ang labis na kasiyahan.

"Ayaw na kitang pakawalan pa," sabi ni France sabay suot ng singsing sa daliri ng dalaga. '"Please say yes, Danica. Hindi ko kayang mag-no ka!"

Ngumiti si Danica saka pinahidan ang mga luha.

"Yes!" sagot niya sabay hila sa binata para tumayo.

"Shit! Nag-yes ka!" masayang sabi ni France saka mahigpit na niyakap ang dalaga. "Magiging misis na kita!"

"At magiging mister na rin kita," nakangiting sabi ni Danica saka napapikit para damhin ang init ng yakap ni France.

Pinakawalan siya ni France mula sa pagkayakap nito saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"Ngayong graduate ka na, baka pwede na nating tuparin ang pinag-usapan natin?" tanong ni France.

"Pinag-usapan?" nagtatakang tanong ni Danica.

"No more condom dahil gagawa na tayo ng baby," sagot ni France kaya natawa si Danica. Tinupad naman ng binata ang pangako nitong hindi siya nito bubuntisin habang nag-aaral pa siya.

"Ikaw ang bahala, France. Pero hindi ba't dapat mauna muna ang kasal bago ako magbuntis?"

"I can't wait," atat na sagot ni France sabay hapit sa bewang ni Danica. "Basta umpisahan na natin ang paggawa ngayon. Kung ibibigay agad ni Lord, masaya ako pero hindi pa, wala namang problema sa akin."

"Hmm? Ikaw ang bahala. Tutal graduate na rin naman ako," sagot ng dalaga at napatili nang buhatin siya ni France na parang bagong kasal patungosa kwarto.

"I love you," puno ng pagmamahal na sabi ni France nang maihiga sa kama si Danica.

"I love you too," sagot ni Danica sabay yakap sa leeg ni France. Napapikit siya nang hagkan siya nito. Sino ba ang mag-aakalang yung lalaking crush niya ay maging lifetime partner na niya? Siguro isa sila sa mapalad na nagka-develop-an matapos makipag-one night stand. Sino ang mag-aakalang ang romance nilang nagsimula sa lust ay sa pagmamahalan magwawakas?!

Napapikit si Danica at tinugon ang matamis na halik ni France. Tama si Bia, siguro nga nasa Wattpad sila. Hindi man magaling ang author nila at ordinaryo lang ang kanilang istorya pero at least, nasa author sila na palaging nagsusulat ng pag-ibig na wagas at pagmamahalang may magandang wakas!

-------------------WAKAS----------------

What happens next? Isisingit ko pa rin sina France at Danica paminsan-minsan sa next story.

Salamat sa lahat. Next story . . .

"It's my Thorn"

Previous
Last

Share This Chapter