Back
/ 35
Chapter 4

3

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Morning," bati niya nang lumabas sa kwarto. Nasa dining room ang binata habang nagkakape.

"Morning," bati ni France na napatingin sa dalagang kakapaligo lang at mukhang papasok na sa eskwela.

"Alis na 'ko," paalam ng dalaga.

"Aalis ka na? Kumain ka nga kaya muna," sabi ni France.

"Hindi ako nagbi-breakfast," sagot ng dalaga. Kapag breaktime saka siya pumupunta sa canteen at kumain kung nagugutom pero minsan lunchtime na.

"Kape?"

"Hindi rin," sagot niya.

"Can I ask you something?" tanong ni France.

"Sure."

"Alam mo ba kung bakit nandoon ang papa mo ng umagang nahuli nila tayo?"

Kinabahan bigla ang dalaga. Ito ang topic na ayaw na niyang balikan pa sana at ayaw na talaga niyang maalala.

"Okay lang kung hindi mo sagutin."

"Hindi ko rin alam pero kapag hindi ako magpapaalam at magdamag na hindi makauwi ng bahay, hinahanap talaga niya ako," pag-amin niya. Ganito palagi ang set-up nilang mag-ama. Pasaway siyang anak pero may protective namang ama kaya kampante rin siya na kapag may mangyari sa kanya ay agad siyang mahahanap nito. Kahit na suwail siya minsan, pero sobrang mahal niya ang ama. Siguro dahil gusto lang niyang magkaroon ng kapatid noong bata pa kaya lumaki siyang gala. "P-Pasensya na talaga kung nadala kita sa ganitong sitwasyon. Kung nagdududa ka na baka pinikot kita, hindi talaga."

"I know," sagot ng binata saka humigop ng kape. Parehong hindi rin nila inaasahan na aabot sila sa ganoong sitwasyon at higit sa lahat, hindi talaga niya akalain na magising silang madatnan ng mga magulang. Sigurado siyang hindi set-up ng pamilya niya ang nangyari dahil alam niyang ang ina niya ang makakalaban ng lahat kapag nagkaganoon dahil ayaw pa nitong mag-asawa siya kaya nga pinaiwas siya sa Europa. "Hindi naman kita sinisisi. By the way, pagsabihan mo 'ko kung dumating na ang period mo o hindi."

"B-Bakit?" tanong niya pero agad namang na-gets. Unprotected ang nangyari sa kanila. "Ah, sure. This week padating na. Sana wala tayong nabuo." Hindi niya kakayaning maging teenage mom. Ang dami pa niyang pangarap at gustong gawin. For sure sa kanya ang sisi ng lahat kapag nagkataon.

"Okay," sabi ni France.

"Sige, bye." paalam ng dalaga saka umalis na agad.

"Oh, shit!" bulalas ng binata dahil nakalimutan niyang tanungin ang pangalan ng babae. As in wala nga talaga siyang idea rito. Maliban sa mukha, wala na siyang alam sa dalaga pero ang mga nandoon sa party ay mga taga St.Josephs University kaya malamang, schoolmates sila nito.

Inubos niya ang kape saka nagbihis at lumabas ng unit at nagmaneho patungo sa SJU. Third year college na siya, business ad. Transferee sya pero mas pinili niyang itong SJU kaysa sa Westbridge na pag-aari ng Villafuerte at CTU ng mga Lacson dahil ayaw niya na kasama ang mga pinsan sa ama. Gusto niya ng tahimik na buhay at isa pa, ang gulo ng mga Villafuerte kapag sama-sama. Mabuti na lang dahil walang Lacson sa SJU kahit na ang may-ari nito ay nakapag-asawa rin ng isang Lacson.

"Oh, dude!" masiglang bati ni Gian nang bumaba siya sa sasakyan. Saktong kakarating din nito. "Morning."

"Morning," sagot ni France. Madali lang sa kanya ang maghanap ng mga kaibigan dahil maliban sa isa siyang Villafuerte, marami-rami rin ang nakaka-vibes niya.

"Pasensya ka na, nauna na kaming umuwi noong birthday mo dahil nalasing na nga si Utol," paumanhin nito.

"Okay lang," sagot ni France at naglakad patungo sa classroom nila.

Dumiretso si France sa isang sulok kahit pa nagkatuwaan ang mga kaklase.

"Belated happy birthday, France."

Napatingala siya sa kaklaseng nay inabot sa kanya na maliit na box.

"Pasensya ka na, late na 'to," paumanhin nito.

"Thanks," pasalamat ng binata saka kinuha ang dalang box. Napatingala siya sa babaeng nakatayo pa rin sa harapan niya. "Ah..." aniya saka napilitang buksan ang regalo nito.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo pero sana magustuhan mo," sabi ni Jannah nang hawakan ni France ang Hermes belt na regalo niya.

"Thanks. Nagustuhan ko," sabi ni France saka pilit na ngumiti pero bigla ring sumeryoso.

"Mabuti naman," nakangiting sabi ni Jannah saka bumalik na sa upuan.

"Woah! Sana all may pa Hermes!" sabi ni Pablo nang lumapit sa kanya kasama ang dalawa pa nilang kaklase.

"May Hermes ka rin namang natanggap kay Jannah ah," sabi ni Gian. "Mukhang may ka-compete ka na kay Jannah."

"Psh! Sa 'yo na si Jannah kung type mo," bulong ni Pablo.

"Hindi ko siya gusto," sabi ni France saka itinago sa bag ang bigay ng kaklase.

"Mukhang nag-iba na ng taste si Jannah. Sawa na siya siguro sa kakahabol sa 'yo," biro ni Gian.

"Bahala siya."

"Si Jannah na lang kasi ang piliin mo, dude. Baliw na baliw ka sa kaibigan ng kapatid mo eh, wala naman atang may gusto sa 'yo," sabi ni Gian.

"Just wait and see," taas noong sabi ni Pablo. "Nagpapakipot lang si Danica pero malapit na 'yun susuko!"

"Maganda naman talaga si Danica at yung katawan, basta!" ani Gian. "Pero wala siyang datong, pre! Ikaw pa ang gagastos sa kanya."

"Hindi naman sya magastos," sabi ni Pablo. "Magkano lang naman ang mga gamit niya. Ni hindi nga sya bongga kung kumain kaya hindi naman masakit sa bulsa."

Napabuntonghininga si France. Puro babae ang topic ng mga ito palagi na hindi naman siya interesado.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gian nang tumayo si France.

"CR lang." Lumabas siya para mag-CR. Saktong papasok na siya nang makita ang babaeng palabas kaya napatigil siya.

Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga nang mamukhaan siya.

"Wala ka pang pasok?" tanong niya. Ibig sabihin, schoolmates nga niya ang babae.

"W-Wala pa," tipid na sagot ng dalaga saka agad na tumalikod bago pa may makakita sa kanilang nag-uusap.

"Hey," ani France na hindi alam kung ano ang itatawag dito nang magsimulang humakbang palayo ang babae. "Fianceé!" tawag niya.

"Stop!"

Napatigil si Danica saka iginala ang paningin. Wala namang ibang tao rito maliban sa kanya.

"Ako ba ang tinatawag mo?"

"May iba pa ba akong kausap?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni France.

"Hindi Fianceé ang pangalan ko," aniya kaya bahagyang natawa ang binata. "May nakakatawa?"

"Yeah. But you're my fianceé, right?" tanong ni France kaya napanganga si Danica. Bakit ba hindi niya na-gets agad?

"Wag mo 'kong tawaging ganyan! Kunwari hindi tayo magkakilala," nahihiyang sabi niya dahil baka may makarinig.

"Then what's your name?" tanong ni France.

"Da-" napapreno ang bibig niya nang makitang palabas ang mga babae sa CR kaya mabilis siyang umalis. "Oh ghad!" aniya sabay hawak sa dibdib nang makalayo. "Bakit ba ako tumatakbo?" tanong niya sa sarili.

Huminga siya nang malalim saka pumasok sa classroom.

"Uy, Danica! Kumusta?" tanong ni Paula nang pumasok siya.

"Okay lang," sagot niya.

"Gurl, anyare noong Friday night? Bakit may katabi kang lalaki?" tanong ni Jean.

"Oo nga! Don't tell us nag-"

"Walang nangyari sa amin!" agad na tanggi niya. "M-May hindi lang pagkakaunawaan pero wala talaga."

"Okay lang, naintindihan ka namin," ani Paula saka ngumiti. "Normal lang na ganun. Tanggap ka pa rin namin. We're still friends."

Nahirapan siyang magpaliwanag. Kahit na magdamag siyang gising para maghanap ng dahilan, hindi pa rin niya maisip ang ilulusot eh nahuli nga sila ni France na magkatabi.

"Thank you naman," sabi niya. Akala nga niya susumbatan siya ng mga ito o tatanungin kung bakit magkatabi sila ni France eh, ang alam niya may crush ang mga ito kay France. Stalker pa nga si Jean ni France sa Instagram nito.

"Uy, si France!" kinikilig na sabi ni Paula kaya napatingin si Danica sa labas ng bintana pero agad na iniba ang direction ng tingin saka napayuko nang makitang si France nga ang dumaan.

"Last Friday, nasa kabilang villa sila nag-celebrate ng birthday niya," sabi ni Paula.

"Oo nga. Di ba nakita pa natin siya, Pau?" pagsang-ayon ni Liza.

"Oo," sabi nila.

"Uy, si Komi!" sabi ni Paula saka humarap kay Danica. "Di ba siya ang katabi mong natulog nung Friday?"

"H-Ha?" ani Danica na napakunot ang noo.

"Wag kang mag-alala, secret lang natin 'yun," bulong ni Liza. "Hindi namin ipagkalat, promise."

"H-Hindi."

"Alam ba ni Pablo na magkatabi kayong natulog ni Komi?" nag-aalalang tanong ni Paula. "Gurl, alam mo namang may gusto 'yun sa 'yo. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag malaman?"

Napanganga si Danica. Si Komi ang astiging criminology student na palaging nakatambay sa labas ng paaralan habang naninigarilyo kasama ang barkada. Madalas pa ngang nambabastos ng mga estudyanteng dumadaan. Kumbaga sila ang siga sa SJU na mahirap kalabanin dahil hindi naman natatakot na ma-kickout pero wala namang proof ang mga estudyante sa pambabastos nito. Malaki ang katawan ni Komi tapos may malaking hikaw sa kanang tainga kaya badboy talaga tingnan. Minsan din itong pumapasok ng lasing kaya madalas na napapatawag sa Dean's office.

"A-Ayaw ko nang pag-usapan," sabi niya. Ibig sabihin, ang akala ng mga ito ay si Komi ang nakatabi niya? Napangiwi siya dahil parang hindi naman yata tama na ito ang isipin nila pero alangan namang itama niya at sabihing si France dahil baka sabihin nilang napaka-delusional niya. Kung sabagay, mas kapani-paniwala nga naman na si Komi dahil hindi maganda ang reputasyon nito kaysa kay France na respetado.

Share This Chapter