0:03
Half Past Midnight
Quantum Leap
8:03 AM
Andre:
boss dos nasa studio ka?
Dous:
wag mo nga akong kausapin andre nag-iinit pa rin ulo ko sayo
makakatikim ka na talaga sakin
Andre:
luh recording na sa sat galit ka pa rin sakin
bati na kasi tayo
sorry na hehe
moment of desperation lang talaga yung nasabi ko kay boss luigi na nagpresinta ka sumulat ng kanta
di mo naman tinotoo nilagay sa tracklist yung revival ng halik no?
di ko naman sinasadya please
dos nagmamakaawa ako wag yung halik
kasi kung maglalagay ka man ng ir-revive natin sa kanta ng aegis yung luha sana brad
yon favorite ko e
8:07 AM
Cyd:
ang aga-aga ganito talaga bubungad
River:
sanay na sanay manuyo a
Gian:
pero never niya naranasan yung siya yung sinusuyo
Gab:
mas sanay yan magmakaawa
Cyd:
hoy grabe na atake na yan
sakit niyo magsalita hahahahaha
Andre:
kayo ba kausap ko?
si dos diba kaya manahimik sana kayo
Travis Avan:
tama na kasi
wag nga kayo magsabi ng totoo
di niya kaya
Andre:
kaya si dos lang mahal ko sa grupong to e
Dous:
ð
River:
akala ko si Gian lang?
Travis Avan:
wrong gian, rivs
Cyd:
HAHAHAHAHA
Gian:
dre kaibigan lang din tingin ko sayo
baka may connection kami ni tukayo
kaya hanggang don lang talaga
Dous:
so it's actually her?
Andre:
mga hayop kayo
bakit ngayon niyo lang sinasabi sakin to putangina niyo alam niyo pala
Gian:
di naman kami tanga para hindi mahalata
Andre:
dos kasi tinatanong ka e
kung sumagot ka agad di na aabot sa ganito
Dous:
wala ako sa studio
tatlong oras pa lang tulog ko dahil sa kakaisip ng kanta
Gab:
ikaw pala may kasalanan
pinain mo ba naman
Cyd:
kaya ayaw na ayaw sayo ni dos e
Andre:
yan mga type ko yung hindi ako gusto
Gian:
gago HAHAHAHAHAHA
River:
siraulo ka talaga
Andre:
ano wala pa nga pumunta sa studio sa inyo?
Gian:
dumaan ako kanina
papasok na sana ako tapos kinausap ako nung guard
sino nag-iwan kagabi na bukas studio? galit na galit yung nagbabantay
anak ng may-ari pa ng kompanya nagsara
Travis Avan:
sabi ni gab dadaanan niya sheets sa loob kaya iniwan kong bukas
Gab:
ha diba nagchat ako sayo na pinauwi ako ni mom so i can't go
Gian:
yung susi bahala kayo diyan kayo kumuha
Andre:
na kay madam yung susi?
Gian:
oo kaya nga umurong ako
pagsabi ng guard sakin na kay madam kunin, matik labas ng building
Andre:
kayo kumuha don bala kayo
River:
lol pass
Gian:
mas lalong hindi ako yung kakausap
tingin pa lang non nanginginig na tuhod ko
Cyd:
alangan naman ako pa pakuhanin niyo, isang buwan pa ako di aapak sa studio
busy pa sa kompanya
Gab:
dre ikaw na diyan
Andre:
si river nga umatras eh ako pa kaya
kunin niyo na kasi
asan na si avan paganahin mo charms mo ngayon yung anak ko nasa studio pa
Travis Avan:
dre ikaw na
kaya mo yon
daanin mo sa lambing o biru-biruin mo
alalahanin mo nakasalalay dito yung gitara mo
tingin ko naman pag sayo mabait siya
River:
ikaw pinakafriendly dito dre lahat natutunaw mo
Cyd:
kahit si ma'am patunco nga naging kaibigan mo diba
Gian:
o nga
pagdadasal ka namen
Andre:
yan pag ganyan mabait kayo sakin
huy pano pag inenglish ako non
tangina naman
pag ako talaga napahamak dito