Back
/ 92
Chapter 28

0:27

Half Past Midnight

Quantum Leap

12:23 AM

Gian:

gago ramdam niyo ba?

parang ang bigat ng schedule natin ngayon

Gab:

it is

iba yung pressure this album

I expected that we'll be busy but this still exceeded my expectations

maybe because one of us wrote the songs kaya the company's giving us a lot of pressure

Cyd:

putangina akala ko masaya

fucking exhausting

gusto ko na bumalik sa office

bigat na nga ng sched mukha pang patay si dous pag nakikita

River:

gusto kong magkaron ng energy ni Andre at Avan

this is tiring

Andre:

another day of some inferior people wishing they were me

hirap talaga maging superior

Gab:

rivs sapakin ko na ba to

Cyd:

pagod ka na nga si andre pa kabanda mo

tapos sawing mukha ni dos sasalubong sa umaga pagkagising

gano ba kalaki kasalanan ko nung past life

Travis Avan:

first 2 weeks lang naman siguro tong toxic na sched

Gab:

let's hope avan's right

we'll get by

---•---

Inferior Aragon

9:03 AM

Alexei:

galing ulit kaming ospital

napilit naman namin si tatay

pinaalala lang ulit mga bawal saka mas pinag-iingat

Andre:

pakisabi kay mama sorry hindi ako nakakauwi this week

sobrang busy

Alexei:

sabihin ko

btw wag mong sasagutin pag tumatawag sila tita jannice sayo

mas-stress ka lang di naman nakakatulong bunganga nila

Andre:

try ko

ikaw bantayan mo yan si arki

wag mo hahayaan naririnig niya mga lumalabas sa bibig ng mga yon

wag lang talaga may makamana ng ugali nila satin

Alexei:

di na sila makakaapak sa bahay kapag nadamay si arkin kuya

Andre:

pinagsasabihan ka pa rin ba?

wag kang makikinig sa mga yon

kung gusto mo tumugtog ituloy mo

Alexei:

as usual

kung ano lang naman sinasabi nila sayo dati yon din sakin ngayon

kesyo di yayaman sa ganyan saka walang permanent na career pagbabanda

di man lang daw artista

Andre:

alexei pagpasok sa kabilang tenga labas sa kabila

Alexei:

I will

Share This Chapter