Chapter 10
Yesterday's Loaded Bullets
"Raiah anong status jan." rinig kong sabi ni Zayah. Tiningnan ko naman ito sa rearview mirror at nagtitipa ito sa laptop niya.
"Kakapasok palang ni Gov, we're waiting for signal miss." tugon nito. Ilang minuto pa ay bumaba na ako dahil sa entrance ako papasok.
"Be careful Raj." seryosong saad ni Jazer sakin kaya tinanguan ko lang ito. Pumunta naman ako sa may puno after makaalis nila Jazer.
Kinuha ko ang binoculars at tiningnan ang buong building. Approximately 35 goons ang namataan ko sa entrance. Kinuha ko naman ang silencer ko at kinabit sa pistola.
"Is everything settled?" sambit ko sabay hawak sa earpiece.
"Yeah, naka stand by narin sila Eye pati narin kami. Waiting for command skull."seryosong sambit ni Jerry.
"Code green."nakangising saad ko.
Dahan dahan naman akong naglakad sa likod ng lalaking armado na may hawak na armalite. Kinuha ko ang dagger sa likod at hinagis sa leeg niya. Natumba naman ito.
Gumolong ako at isa isa silang pinutokan.
I throw a smoke para di nila ako makita. Isa isa ko naman silang pinatulog gamit ang baril na hinampas ko sakanila.
"Clear." sambit ko at pumasok na sa loob.
Nakarinig naman ako ng putokan sa bandang dulo ng building na to.
"Fuck, andami nila dito." hinihingal na sambit ni Cassidy. Pumasok naman ako sa isang pinto at nagtapon ng granada, ganun rin ang ginawa ko sa iba.
"Lower rooms all clear." sambit ko at pumunta sa taas.
"Shit! Tumatakas si tanda." sabi ni Jazer.
"Saan siya patungo." sambit ko habang naglalakad sa taas.
"Papunta jan sa side mo." Sambit ni Zayah kaya naman ay nagtago ako sa may pintoan.
"Who are they?! Bakit may nakapasok!" rinig kong sambit ng isang matanda, si Gov ata to.
Kinuha ko naman ang isang smoke grenade nakasabit sa vest at tinapon sa banda nila.
Isa -isa ko itong pinatumba at hinawakan sa leeg si Gov.
"Bitawan mo'ko! sino ka!" Nagpupumiglas na saad nito sakin.
"Kanina pako nanggigil na patayin kang matanda ka." mariing bigkas ko at sinakal ito.
Namumula ang mukha nito habang nakatingin sakin. Inangat ko naman ito sa ere at tumitirik na ang mata habang nagpupumiglas.
"Boss! Kailangan pa natin yan." hinihingal na sabi ni Jerry habang tumatakbong palapit sakin, kasama niya si Lenard.
Pabalyang binitawan ko naman ito at napasubsob naman ito sa sahig habang hinihingal. Lumapit naman agad si Lenard kay tanda at tinalian ang katawan nito, nilagyan rin ng tape ang bibig para di magingay.
"Nakuha na namin ang hostages. We're heading out." rinig kong sambit ni Leon.
"The hallway is also clear." rinig ko namang sabi ni Cassidy.
"Bilisan niyo ng umalis, you guys have fifteen-minutes bago sumabog ang building." rinig kong sabi ni Zayah. Nauna ng lumabas sila Jerry dala si Gov habang ako ay dumiretso sa opisina nitong tanda.
Tindayakan ko naman ang pinto at naabutan ang isang nakamask na lalaking nakahawak ng mga papeles. Akmang puputokan ako nito nang maunahan ko itong tamaan sa hita kaya napaluhod ito. Nilapitan ko naman ito agad at sinikmuraan. Kinuha ko ang papeles na hawak nito at tinapon sa gilid.
"Sige subukan mo kung gusto mong bumisita sa impyerno." malamig na sambit ko habang nakatutok ang baril sa ulo nito.
Hinablot niya naman ang baril ko kaya nag-agawan kaming dalawa. Tinuhod ko naman ang gilid nito na ikinadaing. Napaatras naman ako ngang sinipa ako nito sa bewang.
"Skull where are you?! five-minutes nalang sasabog yang building!" malakas na sambit ni Zayah sa earpiece ko. Di ko ito sinagot at pinagtuonan ng pansin ang nasa harap.
Nahablot niya naman ang baril sakin at akmang paputukan ako nang mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa bewang at hinagis sakanya.
Natamaan naman ito sa noo kaya nabitawan ang hawak. Hinihingal na napaupo naman ako at tinapunan ng tingin ang mga papeles sa gilid.
Mabilis ko itong kinuha at nilagay sa malawak na bulsa ng vest ko.
"Two minutes skull ano ba! Why are you not responding!" sigaw sakin ni Zayah sa earpiece.
"Chill, palabas na ko." I chuckled at nakatanggap lang ako dito ng mura.
Bumungad ang sapak ni Zayah sakin paglapit ko sakanila. Kaya natabingi ang ulo ko. Yawa ang sakit manuntok naman nito.
"Damn you bitch , you're scaring me." saad nito at inirapan ako. Natawa naman sila Leon.
"Ang sakit mong manuntok gago." hawak ko sa panga ko habang sinamaan ito ng tingin.
"Deserve." natatawang sambit ni Jazer.
"Let's get out of here." sabi naman ni Cassidy. Mabilis naman kaming pumasok sa sasakyan at pinasibad pabalik ng DPO.
---
"May nakuha akong mga papeles kanina kaya natagalan akong lumabas." sabi ko sabay upo sa sofa sa opisina. Kakatapos ko lang magbihis. Nakita ko naman silang kumakain habang nag ccp.
"Anong gagawin natin kay Gov?" sambit ni Leon at tinago ang cp niya.
"Ano ba ang dapat ginagawa sa mga katulad niya?" nakangising tanong ko habang binabasa ang mga pangalang kasangkot sakanya. Kung sineswerte kanga naman.
Nginisihan ko lang ang mga kaibigan ko nang mabilis itong lumingon sakin at nanlalaki ang mata.
"Yes tama ang iniisip niyo." I smirked at nilapag sa harap ang mga papeles.
Tumayo naman ako at tinapunan sila ng tingin. Nakanganga parin sila, well sino bang di magugulat. Matagal ko naring di ginagawa ang bagay na yun. Ayos lang, ginagawa ko lang naman yun sa mga taong katulad niya. Kung malaki ang kasalanan, mas malaki ang premyong binabalik.
Napangisi nalang ako sa iniisip sabay talikod sakanila.
"I need to go." sambit ko paalis. Sumakay naman ako sa ducati ko tsaka pinasibad paalis pero bago yun ay may tinawagan muna ako.
"Same old things." nakangising sambit ko.
Ilang minuto pa ay huminto muna ako sa isang Cafe shop na nakita ko at nagorder ng makakain.Sa may bandang bintana ko napagpasyahang umopo.
I picked my phone inside my pocket ng magvibrate ito. A smile escaped from my lips as soon as i read the message. He'll be an infamous jail bird later.
A few moments passed by ay nagsimula na akong kumain. Nagutom ata ako kanina sa laban. I rosed up the newspaper na binigay ng isang staff sakin habang sumimsim ng juice after ko kumain. I crossed my leg habang nagbabasa sa dyaryong hawak ko.
"What are you doing here." natigil naman ako sa boses na yun. God i miss that voice. Ilang oras ko rin siyang hindi nakita. Binaba ko naman ang dyaryo at tiningnan ang nasa harap ko.
I was mesmerized by her thick eyebrow na nakataas nanamn habang nakatingin sakin. Bumaba naman ang tingin ko sa labi nitong mapula. Nung nagpaulan siguro si lord ng kagandahan , nagtampisaw tong si Doc Sol.
"Why are you here?" balik na tanong ko dito sabay bawi ng tingin at sumimsim sa juice.
"Why can't i be here Lopez?" Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Sungit naman this girl.
"Tanong lang eh." nakangusong sambit ko.
"You're so ugly." napanganga naman ako sa sinabi niya kaya nagangat ako dito ng tingin. Hanep buong buhay ko siya lang nagsasabing pangit ako.
"Itong mukhang to pangit?" sabi ko sabay turo sa sarili.
"Yes." mabilis na sabi nito habang nakasandig sa upoan at naka crossed arms sa dibdib na nakatingin sakin.
"You're unbelievable gosh." nakangangang sambit ko.
"I am." tugon naman nito kaya sinamaan ko to ng tingin.
Ngayon ko lang napansin ang damit na suot nito ng pasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya. She's wearing a fitted black turtle neck na pinarisan nya ng black suit at fitted jeans na nagpa emphasize ng kurba niya. Nagmumukha syang business woman sa itsura niya.
"Are you just gonna stare at me for a whole damn night?." sambit nito na nagpagising sa diwa ko. Umayos naman ako ng upo at tumikhim.
"May kasama kaba ngayon ma'am?" sabi ko sabay lingon sa paligid. Kunti nalang rin ang tao dahil magaalas 10 na rin.
"Do i have anyone else with me." Inirapan lang ako nito at napatingin sa labas ng bintana. Napaismid nalang ako sa tugon nito.
"Malay ko baka nagdala ka ng multo sa tabi-tabi." natatawang saad ko sabay simsim ng inomin.
"Am i a big joke to you Lopez?." she hissed while rolling her eyes on me. cute.
"This is my regular spot." malamig na sambit nito habang nakatingin sa labas.
"Walang nagtanong." seryosong saad ko dito habang nakatingin sakanya.
"Fuck you." napahalagpak naman ako sa tawa ng bigla ako nitong sinipa sa ibaba ng mesa. Nagsalubong nanaman ang kilay nitong nakatingin sakin.
Tumayo ito at lalampasan na sana ang upoan ko para umalis ng higitin ko ito kaya napaupo sa lap ko. Natigilan naman ito at tumingin sakin. How can she makes my heart weaken just by those stares she's giving me.
"Get off me." nagpupumiglas na sabi nito kaya hinigpitan ko ang paghawak sa bewang niya and lean closer to her. Shit ang bango naman. Di ko namalayan na nakalapat na pala ang labi ko sa leeg niya.
Natigilan naman ito sa pagpupumiglas kaya nagising ako sa ginawa ko. Lumayo ako dito ng kunti at tiningnan ang itsura nito.
"What are you doing?!" she whispered while holding my shoulder tightly. Lumuwag naman ang paghawak ko sa bewang nya and she take it as a chance para tumayo.
"I-i wa--." magsasalita palang sana ako ng pinutol niya ito.
"Shut up!" i stared at her habang nagsalubong ang kilay nito.
"You're so annoying." dugtong nito at naglakad paalis. I chuckled by her reaction at sinundan ito palabas.
"Ma'am teka lang!" pigil ko dito. Ambilis niya naman maglakad. Nakasunod lang ako dito at papasok na sana sa kotse niya nang iharang ko ang mga kamay ko sa pinto.
"A-arayy! Teka lang naman." sinamaan lang ako nito ng tingin.
"Just go Lopez." madiing sabi nito at binuksan ng malaki ang pinto ng kotse niya and that left me with no choice.
"Ano ba! ibaba mo'ko!." hinampas hampas niya ang likod ko habang binuhat ko ito na parang sako. She's so cute while stating those words , marunong naman pala magtagalog e. I chukled by my thought.
"Stay still uuwi na tayo." I said at umikot papuntang passenger seat. Dahan-dahan ko naman itong binaba sa upoan kaya mabilis na kinuha ko ang susi na nasa kamay niya at bumalik sa driver seat.
"Get out I'm going home!." sigaw niya sakin at nginitian ko naman ito kaya mas lalong nagsalubong ang kilay. Hot mommy.
"I'm taking you home miss." sabi ko dito.
"Behave hmm?" dugtong ko pa while tapping her hair downwards kaya naman sinampal nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Chill tiger." natatawang saad ko at pinaandar na ang kotse niya. Pasulay-sulyap lang ako dito habang nagdrive. Nakatanaw ito ng tahimik sa bintana.
"How did you know my house." saad nito ng papasok na kami sa subdivision na tinitirhan niya.
"BDO" i said.Inirapan lang ako nito kaya napatawa naman ako.
---
Nakarating na kami sa bahay niya kaya naman agad bumaba itong tigre at padabog na sinara ang pinto ng kotse. Pinasok ko naman ang kotse niya sa loob ng bahay at bumaba. Nakahalukipkip lang itong nakatayo at nakatingin sakin.
"Go out." napaismid naman ako dito . Di man lang ako papasukin tsk.
"Pumasok kana sa loob aalis narin ako." i smiled at her. Inirapan lang ako nito at naglakad na papasok ng bahay. Grabe talaga di man lang ako pinapasok di nakuha sa ngiti ko.
Naglakad na ako paalis. Napatigil nalang ng may tumamang damit sa likod ko. Napaharap naman ako dito at nakitang si Ms. Sol pala ito.
"Get inside." she said at pumasok ulit. Mas magulo pa siya sa buhok ng kapatid ko. Natatawang napailing nalang ako dito.
Bumungad sakin ang tahimik na loob ng bahay ,mukhang tulog na ata si nay sora kasi di ko nakikita. Sinundan ko naman si ma'am pataas.
"You stay here and fix yourself." seryosong sambit nito at inabutan ako ng ibang damit. She motioned me to get in the bathroom kaya sumunod na rin ako.
Ilang minuto pa ay nakabihis nako at lumabas sa cr. Nakaupo ito sa gilid ng kamay habang nakapikit. Inaantok na siguro to.
"ahm ma'am salamat po." sabi ko paglapit ko sakanya kaya napamulat naman ito ng mata. Mapupungay itong nakatingin sakin. Ngayon ko lang nakitang nakabihis narin pala ito ng spongebob niyang t-shirt at pajjama. Favorite niya ata spongebob.
Tinanguan lang ako nito at tumayo na.
"Goodnight ma'am" malambing na sambit ko nang tumalikod na ito para umalis. Natigilan naman ito pero kalaunay sinirado narin ang pinto.
Humiga naman ako. Shit ambilis ng pangyayari. Nakangiti lang ako habang niyakap ang unan sa gilid ko.Napatili naman ako sa unan. Siraulo ka talaga Rajim.