Chapter 20
Yesterday's Loaded Bullets
"Mas maganda ka pa pala sa personal."
Natigil naman ako sa sinabi ni Seriel habang nakatingin ito sakin.
"Do you know her?."
Nabaling naman ang tingin ko kay Percival nang nilingon nito ang kapatid niya.
"Of course."
Napakunot naman ang noo ko sa sinagot nito. Do i know her??
"The Gorgeous Vocalist of Custadio."
Napamaang naman ako sa dinugtong niya. Ano raw? Kailan pa ko nagka title?? Nasa loob ng campus lang naman kami nagpractice nun.
"Nagtrending siya nung nakaraan. I watched her video clip taken inside the campus." dugtong nito at sumimsim sa wine na hawak niya.
"you're interested to music now Seriel?."
Napalingon naman kami kay Miss Sol ng magsalita ito at mahigpit ang hawak sa tinidor habang nakatutok parin ang tingin sa pagkain niya.
"Since i saw her?....maybe."
Napangisi naman si Seriel habang sumusobo ng pagkain at tumingin sakin. Napainom naman ako ng tubig dahil nakakailang.
"Is she music?."
Napasamid naman ako sa tinugon nito kay Seriel. Pabalik balik ang tingin namin sakanilang dalawa.
Tumikhim naman si percival kaya sakanya napunta ang atensyon ng lahat.Randam rin siguro nito ang tensyon na namumuo sa pagitan ng kapatid niya.
"So you're a vocalist rajim?."
Nagbaling ng tingin sakin si Percival habang tinatanong ako nito.
"Ah for competition lang. Siguro yung sinasabi ni Seriel is yung practice namin sa field."
Napatango tango naman ito kaya tipid ko itong nginitian. Napatingin naman ako kay Chase na nilalagyan ng pagkain si Miss Sol. Wala ba syang kamay at kailangang si Chase pa talaga ang maglagay nyan sakanya?
Binaling ko nalang ang tingin ko sa pagkain at nagpatuloy na. Naiinis ako. I should be the one doing that to her. I should be the one who take care of her.
"Excuse me, cr lang po ako."
Nanglalaki ang hakbang na tumungo ako sa restroom dahil sa inis na nararamdaman. Sa tuwing naalala ko ang pinagagawa ni Chase kay Soline sa harap ko kanina parang gusto ko syang ipatorture sa mga taohan ko.
Naghugas ako ng kamay at tiningnan ang sarili sa salamin. Why are you complaining rajim? He's her boyfriend it's normal.
Napailing naman ako sa sinabi ng utak ko sakin. Yeah right pero bakit ramdam ko na hindi naman siya mahal ni Soline? or baka umaasa lang ako na sana hindi nalang siya mahalin ni Soline.
Inayos ko naman ang sarili ko at paalis na sana nang biglang pumasok sa loob si Seriel.Napasinghap naman ako nang bigla ako nitong tinulak sa dingding malapit sa pintoan.
" Now...i can clearly see your gorgeous face."
Nakangising nakatingin lang ito sakin habang kinukolong ako sa mga braso nitong naka sandig sa gilid ng mukha ko. Nilalakbay nito ang mga daliri sa pisnge ko.
"What do yo--"
Akmang magsasalita na sana akong nang magawi ang tingin ko sa kakapasok palang na si Miss Sol. Ang sama ng tingin nito sakin at sa kapatid niya. Para na kaming ililibing nito dahil sa salubong nitong mga kilay.
Mabilis naman itong lumapit samin at hinila ako palapit sakanya.
"What are you doing to her?!."
Tiningnan ko naman si ma'am nang umiigting na ang panga nito dahil sa galit. Hinawakan ko naman ang kamay nito ng mahigpit para pakalmahin dahil sa pagsigaw nito.
"Nothing sister, we're just.....talking."
Napatawa naman si Seriel habang tinitingnan ang kapatid niya na parang mangangain na ng tao.
Binigyan pa niya ito ng mapaglarong ngiti bago iwan kaming dalawa dito. Ano bang nangyari dun? May sapak ba siya?
"Get this."
Bumaba naman ang tingin ko sa hawak ni Miss Sol na alcohol. Tiningan ko naman ito gamit ang nagtatanong na tingin at kinuha ang alcohol.
"Wash your face with that."
Napamaang naman ako sa sinabi nito. Seryoso ba siya?? Sino namang tanga ihihilamos yung alcohol sa mukha.
"My sister is a germ , you shouldn't have let her touch you."
Masama parin itong nakatingin sa pisnge ko na hinawakan ni Seriel. Gusto kong matawa sa masungit nitong mukha. Cute naman ni Doc.
Ilang segundo ko pa itong tiningnan bago lumapit sa sink at hinugasan nga ang mukha ko gamit ang alcohol.
Inabutan naman ako nito ng towel sa may gilid. Bago ko paman makuha ang towel ay kinuha niya ulit ito at humakbang palapit sakin.
Napatitig naman ako sakanya nang dahan dahan ako nitong pinunasan sa mukha. Salubong parin ang tingin nito na parang may kaaway kaya di ko mapigilang humagikhik.
"Stop it. You look dumb."
Tumigil naman ako at ngumiti ng malawak sakanya. Nilapit ko pa lalo ang mukha dito kaya tinaasan ako nito ng kilay. Napunta naman ang tingin ko sa labi niya sabay balik sa mata nito at sa labi naman ulit.
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko para mahalikan siya.
"Babe aren't you done yet?!"
Napasapak naman ang ako sa hangin ng biglang lumingon si Soline sa may bandang pintuan. Tanginang buhay naman , ayun na eh yun na yun!. Kahit kailan talaga napaka epal ng asungot na yun.
Tumikhim naman itong kaharap ko at inayos ang sarili niya bago humakbang paalis. Naiwan naman ako dito at napamura nalang. Istorbo ampota.
---
"Oh ba't nakabusangot ang mukha ng isa jan."
Napalingon naman ako kay Cassidy na kakarating lang sa meeting room namin sa DPO.
"Yan nagagawa pag bitin."
Sinamaan ko naman ng tingin si Jazer na tumatawa sa upoan niya. May saltik amp. Hindi sinasadyang napalakas kasi ang pagkasabi ko na dapat sa isipan lang kaya narinig ng abnormal.
"shut the fuck up."
Hinilot ko naman ang sentido ko dahil kumirot ito. Naalibadbaran ako sa pagmumukha ni Jazer tangina.
"Anyway, why are you calling us here?"
Nabaling naman ang tingin ko kay Zayah nang magtanong ito. Sinenyasan ko naman Jerry na siya na magsabi dahil tinatamad ako ngayon at isapa mainit ang ulo ko baka masigawan ko lang sila.
"The head father give us another mission. Please open the folder."
Binuksan naman nila ito at nagscan sa mga files. Sinenyasan ko naman si Raiah na magpresent na.
"We're dealing with drug lords here huh."
Binalingan ko naman ng tingin si Leon na nakangisi lang habang nagbubuklat sa page.
" Are you guys checking their current location right now?"
Napatingin naman ako kay Zayah nang magtanong ito kaya nginuso ko yung gilid kung saan nakaupo at nakaharap sa laptop sina Lenard at Isiah.
"We got it miss."
Mabilis namang kumuha ng papel si Rico at sinulat ang address. Lumapit naman ito palapit sakin pagkatapos at inabot ang papel.
" Lumang bodega to ah?. Ang chip naman nila maglungga." tumatawang sabi ni Jazer samin habang hawak ang papel na inabot ko sakanila.
"Raiah start the presentation."
Nabaling naman ang tining ko sa harap matapos sabihin iyon ni Zayah. Malaki laki rin pala ang lugar huh. Maraming karga ng malalaking truck ang paligid.
"This is the actual hd version of the place miss. This area is the entrance and this is the exit."
Nakatingin lang kami dito habang tinuturo nito ang mga daanan. It is important to study the place para di na mahirapan agad pag nagkakagulo.
"The foreigners and their accomplice are expected to arrive at exactly 8pm in saturday evening."
"We'll be planting a bomb in this area and also here." tinuro naman nito ang mga silid at pwesto na plaplantahan ng bomba.
"Drop off the plantation of bomb."
Agad namang napalingon sila sa sinabi ko. Sayang yung lugar kung pasasabogin. Pwede namang i clear nalang at i renovate. I want to build a charity there.
"Let's just clear the area so we can still use the place. I'm planning on buying that place and build a charity for kids."
Napatango tango naman sila sa sinabi ko at nagpatuloy na.
" Rico and Jerry will pretend as one of their guards. I'll stay in this area." tinuro naman nito ang pangalawang palapag ng bodega.
"Brain will stay here, Hand will go here, Eye will clear this area. Lastly, Skull and I will clear this area." seryosong sabi ni Jazer habang tinuturo ang mga lugar na pwepwestohan namin.
"Lenard and Isiah, you'll come with us." dagdag pa nitong sabi at tinanguan lang nila ito.
"Lenard i need the copy of their transaction for the past years." tiningnan ko naman si Lenard na tumango sakin at mabilis nagtipa sa laptop niya.
Ilang minuto pa ay inabot ni Lenard sakin ang usb na naglalaman ng hiningi kong files. This is a big catch.
"Let's call it a day shall we?."
Tumayo naman sila at naunang umalis ang mga kanang kamay nila maliban kay Jerry na nasa gilid ko lang .Inikot ko naman ang upuan ko para tingnan ang mga ilaw na nagmula sa baba ng building.
" di kapaba uuwi?" rinig kong tanong ni zayah.
"I'll stay here dito na ko matutulog."
Ilang minuto pa ay nagpaalam na ang mga ito sakin at umalis na.
"Get me a wine."
Yumoko lang ng kaunti si Jerry sa gilid ko at lumabas na. Ilang minuto pa ay bumalik na ito na may dalang cocktail glass at wine.
Sinandal ko naman ang ulo ko at pumikit habang nilalasap ang matamis na wine.
I unbotton the first three button in my black longsleeve and rest my sight to the moon above.