Chapter 2
Yesterday's Loaded Bullets
Ginising ako ng bunganga ng kapatid kong nakalaklak ata ng megaphone sa sobrang ingay.
"1/2 Hindi porke nagtitipid, stop ang saya! Tuloy ang saya sa TNT Affordaloads! May All Data 50 with Free Tiktok, SurfSaya 20 at Pantawid 10 to keep saya going!" sigaw nya sabay rampa sa harap ko. Tangina naman ang aga pa, sinamaan ko naman agad ito ng tingin tsaka tinapon yung alarm clock sakanya.
"Lumayas ka dito baka di kita matantya." mariing sabi ko habang sinamaan ito ng tingin pero tinawanan lng ako potcha.
"Love you too sister Jazzy." tudyo nito na kinairap ko. Sister jazzy ampota mukha bng banal ako, baka pag pinasok ako sa langit magdedelaryo si san pedro.
Two weeks na pala ang dumaan after nung sa bar at ngayon ang first day of school. Sure akong marami nanamang estitik sa skwelahan na papasukan ko since walang uniform raw yun or by department lng , i don't know maybe i'll ask auntie Lian nlng since sakanila yung school.
Well, sa Custadio Imperium University ako pinapasok ni papa para mabantayan raw ako kay auntie , the fuck mukha bng kailangan may mag babysit sakin. Aunt Lian is the sister of my mom. Close kami nyan kaya alam kong wala akong problema, namiss ko tuloy mga uhogin kong pinsan but they're not here nasa alaska sila ngayon nagaaral.
Agad naman akong naghanda at tinawagan sila Cassidy. Same lang kami ng university na pinasukan, ayaw humiwalay sakin ng mga gago eh. Me and Leon take Bachelor of medicine, Cassidy naman ay architecture, Jazer is engineering and Zayah take business management.
"Magkita nlng tayo sa parking lot ng univ." sabi ko sabay sibad ng ducati ko papuntang custadio. Pagdating ko dun marami na palang taong nakakalat sa univeristy. Agad naman akong lumapit sa mga nakaparadang sasakyan ng mga kaibigan ko. Naka tingin silang lahat sakin bago ako bumaba sa motor ko.
"Ano tameme? Ngayon lng nakakita ng maganda?" saad ko sakanila at umacting naman silang parang nasusuka.
"Hindi te nag-iba kasi mukha mo para kang naligo sa harina." nakatitig na sabi ni Leon sakin kaya natawa sila Zayah.
"Inamo sadyang maputi lng ako, tsaka Leon pwede ba uso maligo may panis pa ng laway yang bibig mo." birada ko dito kaya yung abnormal na Jazer parang namamatay nanaman kakatawa. Kanina pa pala kami nagtatawanan kaya naman napapatingin samin yung ibang mga tao na nakanganga ang mga bibig. Problema ng mga to?
"We're taking too much attention, let's go." saad ni Zayah kaya umalis na kami papuntang auditorium kung saan gaganapin ang orientation naming mga freshmen.
---
"Welcome to Custadio Imperium University students!" saad ng matandang lalaki na para natabingi ata yung wig feel ko panot to. Nakaupo kami sa pinakalikod. Sinadya talaga namin magpalikod baka makita kami ni Auntie Lian grabe pa naman ka daldal yun.
"For welcoming speech let's all welcome the university president Ms. Lian A. Custadio!" Nagpalakpakan naman kami habang umaakyat yung auntie kong nadidiligan nga kaso ayaw magpasabit certified single rich tita raw yung ambag niya sa mundo ika pa nya.
Ewan ko ba sakanya matanda na pero ayaw magasawa kaya kami nispoil ng kapatid at mga pinsan ko. Pero infairness kay tita parang di tumatanda parang kakagraduate lng bilang fetus.
She roam her eyes to the auditorium hanggang sa tumigil ito sakin. She's giving me a smirk and a wink. Napaismid nlng ako dito habang yung kaibigan kong mga ulopong mukha matatae nanaman sa pagpipigil ng tawa. Here she goes again my batang auntie di nanaman ako lulubayan nito after. After her speech nabaling ang tingin namin sa tatlo na babaeng aakyat ng stage. Unang umakyat yung babaeng kulay blonde uung buhok, tapos yung nakablack at huli yung may berdeng mata. One word to describe they're a beauty. Familiar yung mga mukha nila i think i've seen them somewhere
"Let's welcome our new Professors ,
Ms. Luji Kazam Mendoza, Ms. Alex Lenon Roa, Ms. Alliyah Xenon Rodriquez and Ms. Soline Kace Ramirez." Naghiyawan naman yung mga tao sa pagpasok nilang tatlo pero asan yung isa?? Tatlo lng nasa stage tapos apat binigkas ni auntie. Siguro late lng or baka sabog lang talaga si auntie Lian.
Nagising naman ako sa pagiisip ng kalabitin ako ni Jazer.
"Raj diba sila yung nasa bar two weeks ago?" Bulong na sabi nya sakin kaya napatingin naman kami dito sabay balik sa stage. Kaya naman pala familiar. Pero sa pagkakatanda ko mga pito ata sila nun?
"Hala girl oo nga sila yun ,gago mga prof pala pero kung maka warshock sa bar kala mo mga studyanteng nagtampisaw sa alak" walang prenong saad ni Leon kaya natawa nalang kami ng malakas dito na naging dahilan sa pagtahimik ng mga tao sa auditorium. Ay gago di pa pala tapos.
Tumikhim naman si Zayah at nagsalita
"Sorry for the interruption, just continue." malamig na saad nito kaya nagsibalikan naman sila habang yung tatlong prof naman sa taas ay nakamasid samin para nakikilala ata kami. Napatingin naman ako kay auntie and she raised her index finger kaya tinanguan ko nlng ito at nginitian.
---
Natapos na yung introduction at may nagpresent ng ibat-ibang performance from uppermens and seniors. Masaya naman kasi may mga activity rin silang pinagawa. The orientation end well at sininyasan naman ako ng auntie ko na pumunta raw kami sa office niya.
"Oh Cassidy tara na, para kang tukoy jan kakasunod ng tingin kay Ms. Alex" saad ni Jazer dito ng di nilulubayan ng tingin si Ms. Alex. Inirapan niya lang kami ng balingan nya kami ng tingin.
"Tara na baka magdedelaryo nanaman yung auntie mng menopaus" natatawang sabi naman ni Leon kaya dumeritso na kami sa opisina nya. Pagdating namin ay kinatok muna namin ito, ket papano may galang naman kami noe. Ilang minuto pa'y di pa binubuksan ni auntie kaya ako na ang nagbukas sabay pasok.
"Baby Jaziah koooo!!" Nawindang naman ako ng bigla akong salubongin ng yakap ni aunt lian. Ito nangaba sinasabi ko parang ako pa mas matanda samin. Ito ba ang sinasabi ni papa na babantayan ako baka nga sya pa bantayan ko mas bata pa umasta sakin jusq. Sinamaan ko naman ng tingin sila Zayah na grabe humalakhak.
"Auntie easy lng ako lng to yung maganda mong pamangkin." saad ko sabay kuha sa kamay na nakapulupot sakin. Mas matangkad ako kay auntie ng kunti. Di talaga sya mukhang principal ang bata parin ng itsura. Well what do i expect sa bunsong kapatid ni mama.
"Mga ijah c'mon sit , nabalitaan ko mga kalokohan niyo from Jaziah's father. Hainako pagnagloloko kasi kayo just make sure di kayo nabibisto mga tanga talaga kayo." sabi ni aunt lian habang naka ismid. Sabi senyo eh mas bata pa umasta samin yan. Although ganyan sya love parin naman yan, kavibes namin si aunt lian tsaka spoiled kaming magkakaibigan sakanya.
"Para kang timang tita maghanap ka nalang kaya ng mapapangasawa yung dilang sa pananim mo marunong dumilig pati na rin sa buhay mo noe." walanghiyang sabi naman ni Jazer. Kaya kami naman napahalgpak nalang sa tawa gagong bibig talaga.
"or di kaya hanap ka nlng ng afam , gusto mo bigyan pa kita para may masundo kana sa airport" dagdag ni Leon. Para na kaming sira dito sa lakas ng tawa namin.
"Che mga epal! Busy ako noe tsaka isapa pinabantay ka ni kuya sakin Jaziah kaya umayos ka," inirapan naman ako ni sabay baling kina Jazer
"Pati rin kayong tatlo." May pa sign pa syang dalawang daliri na nagbabantay. Loka-loka talaga tong si auntie.
Natigil naman tawanan namin ng may biglang pumasok sa opisina ni auntie. Walking herself gracefully wearing red silk satin dress and she's holding a laptop and a book.Yung babaeng di mawala sa isip ko nung araw na yun. She's standing and staring to aunt Lian coldly. Wala man lang bahid ng emosyon na nakikita ko sa mga mata nya at para wala talagang pakealam sa paligid hindi man lang tumingin sa gawi ko, gawi namin rather. But what is she doing here??
"Wassup Doc Sol , what is it?" ngiting sabi ni auntie dito at lumapit sakanya. Bumaling naman sya sakin sabay tango. Pahiwatig na umalis muna kami.
"I need to discuss this with you asap." she said coldly with a bit a feminity. Damn ang sexy ng boses. Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan at umalis na.
"Fuck beauty." bulong na saad ko kaya napatingin naman yung mga kaibigan ko sakin. Agad ko silang tinaasan ng kilay.
"What are you staring at?" tinaasan ko sila ng kalay kaya naman humagalpak sila ng tawa. Gago maluwag ba turnilyo ng mga to?ginawa pa kong clown amp. Tinalikuran ko naman ang mga to at naunang pumunta sa parking lot. Sumunod naman sila sakin.
Pagkasakay ko sa ducati ko ay nahagilap ko nanaman yung Doc Sol na sinasabi ni auntie. They're too serious habang naguusap silang dalawa, papunta ata silang infirmary ng school. Bukas pa yung totoong klase ko since orientation lng ngayon. Diko namalayan na naiwan na pala ako ng apat umalis dahil sa kakatitig sa babaeng di nilulubayan ng mata ko. Hanggang sa maglaho sila nakasunod parin ang paningin ko sa dinaraanan nila.
Umiling naman ako sa mga pinagiisip ko. Damn Rajim what are you doing??. Pinasibad ko naman ang sasakyan ko at pumuntang bahay. This day is so tiring , may bukas pa. Nandun kaya sya ulit? So she's a doctor huh. Di ko namalayang napangiti nlng ako sa iniisip ko. Damn it, i'm whipped. Agad naman akong naglinis ng katawan at humiga na may ngiti sa mga labi.