Back
/ 53
Chapter 34

Chapter 33

Yesterday's Loaded Bullets

" Hurry up!go inside student we need to get there exactly at 9am"

Ngayon ang team building namin good for 3days. Isa isa na kaming pumasok sa loob ng bus. Sa likod ako umopo malapit sa may bintana at katabi ko naman si Yanna. Nasa kanya kanyang bus kami nila Leon dahil may provided bus naman kada block/department.

Speaking of Leon wala naman palang nangyaring masama sakanya. Akala ko kung ano na ang ginawa ni Inspector Maniego sakanya.

Bumungad sa amin ang isang malawak na resort. Dito ba kami mag team buidling?? not bad huh. Tanaw ko mga malalawak na bahay sa loob, mukha dun ata kami maglalagi.

Napalingon kami sa mga sasakyan na kakarating lang. Lumabas naman doon sila Miss. Rodriquez at Miss. Roa kasunod nito si Miss. Mendoza. Napako naman ang tingin ko sa babaeng salubong ang kilay na bumaba. Aga aga nakabusangot nanamn ang mukha, hainako Doktora Soline kunti nalang ibubulsa na kita.

"Ang bugtong itik ko!!"

Napamura nalang ako nang marinig ang boses ni Jazzer sa gilid ng sasakyan nila Miss Sol. Tangina nakakahiya talaga minsan tng kumag na to.

"magtigil kanga nakakahiya ka talaga." suway ni Cassidy dito at hinawakan ito sa braso nang akmang aakbayan ako nito.

"Students listen! sumunod kayo sa mga adviser niyo para makapagpahinga na pansamantala dahil mamaya after lunch ay magsisimula na agad tayo."

Napalingon naman ako sa Speaker namin for this Team Building. Maya maya pa ay sumunod na kami kay Miss Sol dahil siya ang gigiya samin sa bahay.

I still can't believe this woman. Di niyako pinatulog nung nakaraan. Pagod tuloy ang katawan ko dahil sa couch na talaga ako natulog matapos niyang sipain ang katawan ko sa kama. Kung di pa ako pumunta saglit sa may terrace baka di na ako makalabas ng buhay , ilang saglit lang kasi ay may lilipad na kung anong bagay sa mukha ko. Andami kong pasa na nakuha sakanya kinaumagahan. Kung ano ano pa pinaglalagay ko sa katawan para di mahalata ni Papa nang umuwi na ako sa bahay.

" 3 people in one room. Just choose your roomates." rinig kong sabi ni Miss Sol habang tinuturo ang mga kanya kanyang pintuan sa gilid.

Nakasunod lang ang tingin ko kay Miss Sol na parang nag runaway model habang naglalakad pa alis. Ilang sandali pa ay pumasok na kami ni Yanna sa kwarto namin, kasama rin namin si Keziah Romano dito.

"Ano sa tingin mo ang gagawin natin dito?" sabi ni Yanna habang nagaayos ng mga gamit niya.

"nood porn"

Nakatanggap naman ako dito ng hampas dahil sa sinabi ko. Nilagay ko mga iilang gamit ko sa drawer sa gilid pero di na ako magabalang buklatin mga damit ko.

"Bwesit ka talaga samahan mokong lumabas may dagat dito."

Hinila naman ako nito patayo. Ano ba yan gusto ko manatili dito dahil sure akong nandun nanaman si Angry Bird. Wala na akong nagawa nang kinaladkad ako nito palabas. May iilang studyante ring lumabas mukhang kakain ata ang mga to.

Hinatak naman ako ni Yanna papunta sa malawak na mga upoan mukhang canteen ata to dahil may iilang mga tinda ang naka display. Nagtitingin lang ako sa paligid hanggang sa mapunta ang paningin ko sa mga faculty na papasok papunta sa gawi namin, kasama na roon si Miss Sol na masama nanaman ang tingin na nakatingin sakin. Inaano ko nanaman ba to??

Bumaba ang tingin nito sa mga kamay ko kaya naman ay napasunod rin ako. Agad kong binitawan ang kamay ni Yanna na naka hawak pala sakin. Nakakapaso ang tingin na binibigay niya sakin. I don't want to think na nagseselos siya dahil hindi niya naman ako gusto. Isipin palang na hindi niya ako gusto at hinding hindi siya magkakagusto sa studyanteng katulad ko ay nasasaktan na ako.

Nagiwas ako ng tingin sakanya at tinuon nalang ang atensyon ko sa mga pagkain sa harap. Hinayaan ko lang na si Yanna ang magorder saming dalawa dahil lumulutang nanaman ang isip ko.

"Hoy galawin mo na yang pagkain kanina kapa naka tanga jan!."

Napabalik naman ako sa reyalidad nang tapikin nito ang braso ko. Nilinga linga ko ang tingin sa paligid, sila Leon at Cassidy lang nakikita kong papalapit sa gawi namin. Asan nanamn yung dalawa lumusot?

"Asan sila Jazer at Zayah?" tanong ko sa mga to pagkaupo nila sa harap ko.

"Si Zayah may kukunin lang raw saglit and about Jazer? Di ko alam baka nasa kwarto pa nila" tugon ni Cassidy.

Tumango tango lang ako at nagsimula ng kumain. Ilang saglit pa ay namataan ko ang papalapit na pigura ni Zayah.

"Oh but-"

Naputol ang sasabihin ko dito nang pinaharap ako ni Yanna sakanya. Natigilan naman ako sa ginawa nito.

"ang dungis mo kumain Rajim para kang bata. Lunokin mo nga muna yang kinain mo para kang timang." natatawang sabi nito sakin habang hawak hawak ang panga ko at pinupunasan ang gilid ng mga labi ko.

Ang lapit niya masyado naiilang ako. Umusog naman ako at pagak na tumawa sakanya.

Napalundag naman kami sa gulat nang may marinig kaming malakas na pagkabagsak ng baso mesa. Galing iyong sa table ng mga faculty members. Napatingin nalang ako sa papalayong pigura ni Miss Sol na nagmamadaling lumabas dito.

"mukha may matutusta mamaya ah." rinig kong sabi ni Leon pero di ko ito pinagtutuonan ng pansin dahil naka tutok lang ako sa daan na tinahak ni Miss Sol. Anong nangyari dun? Highblood nanaman??

----

"Attention! For this day we'll play a volleyball. Architect and Engineering department ang unang maglalaro"

Nasa may beach kami ngayon nagtitipon tipon para manood ng paunang laro. Nakita ko namang pumwesto sila Cassidy at Jazer sa magkabilaan. Kasama ko sila Zayah at Leon dito nakaupo sa gilid. Nasa gilid rin namin ang iilang mga guro na sina Miss Luji katabi nito si Sir Dreck ng Engineering dep.

Ilang minuto pa ay nagsimula na silang maglaro. Sa una naman ay maayos pa ang palitan nila ng puntos. Ewan ko nga dito kay Cassidy parang tinatrashtalk ata ting si Jazer dahil masama ang timpla nito.

Bigla naman ako umalis sa kinauupoan ko nang pumunta sa gawi namin ang bola, sa lugar mismo nila Sir Dreck. Mabilis na napatingin ako kay Jazer na masamang nakatingin dito sa gilid namin at ilang segunda pa ay naglakad nalang ito paalis.

Napailing na napatawa nalang ako dahil alam ko na bakit ang sama ng timpla. Walk out queen yarn? Napalingon naman si Zayah sakin na parang nagtatanong. Nagkibit balikat lang ako at bumalik na sa upoan.

Nagpatuloy lang ang laro pero ngayon naman ay ang Archi Dep at Med ang naglalaban dahil ang gagong Jazer di na talaga bumalik. Gusto ko na rin maligo dahil nanlalagkit na talaga ako plus ang init init ng paligid.

"Cr lang ako." sabi ni Zayah at tumayo kaya tinanguan ko lang ito. Napatingin naman ako kay Yanna nang kalabitin ako nito.

"Tara dagat gusto ko na maligo Rajim."

Sinundan ko naman ito nang tumakbo ito papuntang dagat. May iilang naliligo na rin na mga hindi sumali sa laro pati yung iilang engineering students na naglaro kanina.

Napalingon pa ang iilan sa mga to sa gawi namin. Pinasadahan pa ako ng tingin ng mga to. Naka v-neck white shirt lang ako at short kaya okay lang na tumampisaw na naka ganito.

"Yanna itigil mo nga yan ang hapdi sa mata!." suway ko dito dahil tumatama sa mga mata ko ang paglilikot niya sa tubig. Mukha syang nakawala sa hawla tangina parang bata na ngayon lang nakaligo ng dagat.

Kung may iniinom lang siguro ako baka natapon na ito dahil sa nakikita ko. Hulog ng langit shit.

The sun hit her white silky skin emphasizing every little details of her gorgeous face. She walk like a model displaying her black two piece swimsuit.

The great Medusa is ready to wreck my sanity again.

Share This Chapter