Back
/ 53
Chapter 44

Chapter 43

Yesterday's Loaded Bullets

Ilang oras na akong nakatitig sa magandang mukha ng mahal ko na payapang natutulog. Ilang beses naming inangkin ang isa't isa. Hinalikan ko ang gilid ng noo nito at tumayo sa kama.

Nakabihis na ako at naka ready na rin ang backpack na dadalhin ko. Forgive me my love, mahal na mahal kita. I bit my lower lip to suppress my tears na nagsisimula nanamang tumulo.

Sandali ko pa itong tiningnan nang maramdaman ko ang tunog ng chopper na mukhang kakalanding palang sa likod ng bahay. Sinadya ko talagang lagyan ng malawak na garahe sa likod para sa mga helicopter na kadalasang ginagamit ko noon.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo Percival. Kayong apat bantayan niyo siya ng mabuti, i check niya ah." bungad ko sakanila. Tipid na nginitian lang ako ni Percival na nakabenda pa ang iilang sugat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

Nagsimula naman na akong lumakad papunta sa chopper dahil naghihintay na doon si Antonio at Jerry. Bawat hakbang ko ay syang pagkawasak ng puso ko.

Mahal na mahal kita Soline.

"Baby? Where are you going love?." napahinto ako sa paglakad at mabilis na nilingon si Soline na nakaoversized shirt lang habang nakatingin saakin mula sa veranda, mukhang kakagising lang nito.

Malalim na hiningang tumalikod ulit ako at pinagpatuloy ang paglakad. Isa isang tumulo ang luhang pinipigilan ko.

"Rajim Jaziah fucking stop walking!! Where you goi-- fuck let me go!!." rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Soline sa likod ko.

Mabilis na pumasok ako sa loob at sinenyasan si antonio na wag munang pa andarin ang chopper.

Parang gusto ko bumalik sakanya dahil sa nakita. Patuloy na umaagos ang luha ko habang tinitingnan itong pilit na nagpupumiglas kina Percival.

"Baby why are you leaving me?!! I love you please don't do this love!!." umiiyak na sumigaw ito habang nakatingin sa mga mata ko.

Right at this moment ay parang gusto ko nalang ulit bumalik sakanya. Gusto ko nalang ulit lumubog sa kama at magyakapan lang kami magdamag.

"We need to go miss." seryosong saad ni Antonio sa akin kaya naman ay sinenyasan ko na itong ilipad na ang chopper.

"Get off me you fucking piece of shit! Jaziah mahal!!."

Napunta ang tingin ko sa nakatihayang kapatid ni Soline dahil sa sapak na natamo nito. Pilit na pinigilan naman siya ng iba kaibigan ko. Basa na ang mukha nito kakaiyak at sigaw, para itong walang pakialam sa itsura nya at nakatingin lang sakin.

Unti unti ng tumaas ang lipad ng chopper at tanaw na tanaw ko ang mabilis na takbo ni Soline sa gawi ko. Love please stop mahal nasasaktan ako baka di ko kayanin at bumalik sayo. I'm so sorry mahal.

"Baby please don't leave me mahal!! Rajim bumaba ka jan di ako magagalit love. Please baby don't leave me."

Napapikit nalang ako nang nagsimula na umandar ang sinakyan namin at masyado nang mataas pero bago yun ay nakita ko itong nakaluhod habang umiiyak na nakatingin sa papalayong sinakyan ko.

mi dispiace amore mio.

----

Tahimik na umiiyak ako habang patuloy paring umaandar ang sinakyan ko. Ang sakit sakit pero kailangan kong tiisin para matapos na ito. Naaalala ko ang pinagusapan naming plano kaninang madaling araw.

"Make sure that your reason is valid Leon." Nasa building kami ni Grandpa dahil tinawagan ko silang dito na kami magusap usap.

"Plano namin ni Percival yun Rajim. May kailangan kaming patunayan para malaman kung sino ba talaga ang may gawa ng lahat." seryosong sabi nito habang nakaupo sa couch sa loob ng HQ. Nakikinig lang si Grandpa sa gilid at nakatingin sa bintana sa labas.

"Alam kong di mo kami sinasabihan pero nararamdaman naming lahat kaya nagusap kami nila Zayah na tulungan ka. Noong una sinadya talagang gumawa ng paraan ni Percival para ilayo si Soline sayo dahil kilala ka niya at bilang kapatid ayaw niya lang na may mangyaring masama kay Soline. Nagpanggap kaming dalawa at gumawa ng paraan na ikakagalit mo para mas lalong maniwala ang taong may gawa nito." bumuntong hininga ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Di nga kami nagkamali dahil mukhang effective ang plano at ang saya saya ng mukong. Rajim matalino ka pero bakit di mo kayang paniwalaan ang nasa isip mo? I'm very dissapointed that you doubt me. Likaw natin ang bituka ng isa't isa pero di moko magawang pagkatiwalaan at dinuduhan mo pa ako. Pero naiintindihan ko yung dahil alam kong gulong gulo na ang isip mo sa mga nangyayari."

"Bakit di mo sinabi saakin agad? Edi sana nagplano na tayo ng mas maaga." sabi ko dito habang salubong ang mga kilay na tiningnan ito.

"Hindi pwede masyado syang tuso at may mga mata siya sa paligid. Rajim masyado kang nagtiwala sa taong yun. Kilalang kilala mo siya at alam kong may hinala kana pero pilit mo lang dinedeny na siya ang may gawa. Hindi mo man lang ba naisip na kaya niya nagawa ito dahil may access siya sa DPO??" Nagugulohang tiningnan ko ito dahil sa totoo lang wala akong idea sa pinagsasabi niya.

"Pwede bang sabihin niyo nalang saakin kung sino ba talaga? Dahil pagod na pagod na ako." napahawak ako sa sentido ko dahil sumasakit na ito sa dami kong iniisip.

"Ang bumaril sayo at pumatay sa mga magulang mo ay iisang tao lang Rajim. Ang taong pinagkatiwalaan mo. Si Jerry, siya ang may pakana ng lahat Rajim."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito. Tangina? Si Jerry?? Fuck i can't believe this.

"Kaya ang plano natin ngayon is to lure him. Ipakita nating nanalo na siya at nagkawatak watak na tayo dahil alam kong iisipin niyang gumagana ang mga plano niya. "

Alam ko namang may traydor pero hindi ko akalain na ang totoong pumatay sa magulang ko ay ang kanang kamay ko. All this time nasa tabi ko lang ang hayop na may gawa ng lahat. Andami mong kasalanan saking hayop ka at wala kanang karapatang mabuhay.

"Let's act normal after this. Rajim choose wisely ayaw kong madamay ang kapatid ko dito. In order to end this you need to hurt her para mahuli na natin si Jerry. Don't worry ako ng bahala kay Soline, just let him suffer dahil siya ang may pakana kung bakit naipit ang buhay namin noon nila Mommy." sambit ni Percival.

Share This Chapter