CHAPTER 9
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 9: "DEVI AND LOVELY"
FRANCE LOPEZ
Wala kaming teacher ngayon kaya maingay ang buong classroom. Kanina pa kami bagot na bagot kakahintay sa next teacher namin, "Ang boring" Inis na sambit ni Fae
"Room 203 diba?" Biglang tanong ni Devi. Tumango nalang si Gab bilang sagot. Takte! Lahat kami ay nagulat ng bigla nalang syang tumayo at tumakbo palabas ng room, shems!
"Devi!" Pagtawag namin sakanya. Pero mukhang di nya kami pinapansin dahil patuloy lang sya sa pag takbo.
DEVINA KELT
Nakita ko agad ang ang room nung Lovely Fritch, argh! Diko pa sya nakikita pero naiirita nako sakanya. Ano ba kasing kasalanan ni France sakanya at nanampal nalang sya bigla?
Pag pasok ko ng room nila ay napatingin silang lahat saakin "Sino si Lovely Fritch?" Tanong ko. May tumayong babae kaya nilapitan ko sya.
"That's me, why-" *PAK*
Malakas na sampal agad ang inabot nya saakin, lahat sila ay nagulat sa ginawa ko, maging ang guro din nila ay napa bilog ang mata. Hawak ni Lovely ang kanyang pisngeng namumula.
"What the?! Sino kaba ha?!" Pasigaw na tanong ni Lovely.
"Kaibigan ni France ang babaeng sinampal mo, piste ka" Taas noong sambit ko.
May humila saaking braso at alam kong si Gab iyon, aalis na sana kami ng bigla pa syang mag salita. "Honey?" Sabay-sabay kaming napa tingin kay Lovely.. Huh? Honey?
Mag sasalita pa sana ako pero hinatak nalang ako ni Gab paalis ng room, kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon sa hallway pabalik sa room namin.
"Anong honey?" Kunot noong tanong ko. Napa lunok ng laway si Gab, anong meron?
"Ah.. Ano.. E-ex ko sya" Mahina nyang sambit. Ngumiti nalanga ko ng mapait at "Tsk! Ex lang pala" Wika ko saka baba na ng hagdan.
Hayss! Ex na pala akala ko kung ano! Pero teka nga! Bakit baako ganto? Baka naman nagugustuhan kona tong mokong nato? Argh.
FRANCE LOPEZ
Di parin ako makapaniwala sa ginawa ni Devi, okay na ang pakiramdam ko dahil naka bawi narin ako kay Lovely, di nga lang ako ang sumampal.
Naka upo kami ngayon dito sa cafeteria nakain lang, nasa gitna naman ang Bloody Dragons, ang grupo naman nila Lucifer ay diko pa nakikita hanggang ngayon.
Nakikita kong sumusulyap saakin si Demon kaya nginingitian ko sya. Itong si Chloe naman ay busangot ang mukha na parang binag sakan ng langit at lupa.
"Gusto ko ng kape." Sambit ni Devi "Sis sa minnie store pa yon" Sagot ni Fae.
"Samahan mo nga ako Gab" Pag-aya ni Devi kay Gab. Tumayo na sila ay pumunta na sa minnie store, habang kami naman ay nakain parin dito.
DEVINA KELT
Di pa kami nakakarating sa minnie store ay tanaw kona si Lovely na nag lalakad patungo saaming direksyon, nag lalakad sya na parang siga.
Marami ang nakatingin saakin kaya pinapalipad ko ang mahaba kong buhok, duhh! Mas maganda paako jaan sa Lovely nayan noh!
At ngayon nasa harap na namin si Lovely na masama ang titig saakin kaya tinaasan ko sya ng kaliwa kong kilay "Tabi dadaan kami" Mapakla kong sambit.
"Gab mag-usap tayo-"
"Hindi pwede" Sabi ko.
"Gusto ko kaya mag-uusap kami, umalis ka baka mahablot kita bigla" Taas noong sambit nya. Huh? Ako aalis? Ano ka chicks?
Napa-irap nalang ako at kinuha ang braso ni Gab na hindi umiimik, hinila ko ang braso ni Gab at akmang aalis na pero bigla syang tumigil kaya tinignan ko sya. At piste! Naka hawak din pala si Lovely sa kanang braso ni Gab.
"Hoy babae ka! Bitawan monga sya" Inis na sabi ko. "Paano kung ayaw ko?" Wika nya. "Gusto moba ulit makatikim ng sampal ko ha?" Taas noong sabi ko
Tinaasan nya ako ng kilay kaya lalo akong napikon, bigla na lang nyang hinatak ang buhok ko. Buti nalang ay mahaba ang galamay ko at nakuha korin ang buhok nya, nag sabunutan kami.
Walang pumipigil saamin kaya lalo paakong ginanahan, masakit syang manabunot at para bang matatanggal na ang anit ko, itinulak ko sya at sinampal gamit ang kuko ko. Napatigil kami ng may humaramng na tatlong lalaki sa gitna, niyakap ng tatlong lalaki si Lovely habang si Gab naman ang naka akap saakin.
"Ano gusto mopa ha?!" Sigaw ko. Napahawak nalang sya sa kanan nyang pisnge na dumudugo dahil sa kalmot ko. HAHA buti nga!
Kinuha nalang ni Gab ang kamay ko saka hinila naako papunta sa minnie store.
GABRIEL GARCIA
Nandito na kami ni Devi sa minnie store. "Argh, kainis na babae yon sinira pa ang beauty ko" Inis na sambit ni Devi.
"Oh anong nginingiti mo jaan ha?" Tanong saakin ni Devi, ayyy kanina pa pala ako naka ngiti... "Ahmm wala" Sagot ko.
Nag martsa na si Devi papunta sa kapihan ako naman ay di makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa kilig na nadarama ko.. Takte! Baka gusto narin ako ni Devi?
Halos isang taon narin akong nanliligaw kay Devi, nung unang araw ko sa school nila ay sya agad ang pumukaw ng atensyon ko. Nasa gitna sya nila Fae and France, pinapalipad nya ang mahaba nyang buhok dahilan para bumagsak ang panga ko. Napaka ganda nya, filipinang-filipina dahil sa morena nyang kulay, halos mamatay ako sa kilig habang papalapit sya sakain, buti nalang ay nandun si Alair para alalayan ako. Takte! Sana gusto nya narin ako.
FRANCE LOPEZ
Kanina pa kami naiinip nila Fae kaya napagdisiyunan namin na sumunod saka nila, nakita namin sila Gab and Devi kaya tinakbo nanamin sila.
"Oh anong nangyari sa buhok mo?" Takang tanong ni Fae. "Edi nakipag wagwagan ako sa Lovely nayan" Sagot ni Devi.
Hayss! Devina nga naman, di talaga mag paoatalo toh ket kelan. Nag lalakad na kami ngayon patungo sa dorm namin, napa daan kami dito sa clinic at nakita namin si Lovely na kakalabas lang mula sa clinic.
May mahabang benda ang nasa kanan nyang pisnge, siguro ayun yung kalmot ni Devi... Tinignan ko si Devi at masama ang titig nya kay Lovely, ganun din si Lovely.
"Lahat ay mag tungo sa plaza, may mahalaga kaming sasabihin na tiyak na ikatutuwa nyong lahat. 30 minutes dapat ay nasa plaza na kayo"
*END*
Nang marinig namin iyon sa speaker ay agad na kaming nag tungo sa plaza, marami ding estudyante ang nag tungo duon kaya mejo sik-sikan.
May mga upuan para sa kanya-kanyang section, nasa gitna kami kaya tanaw namin ang stage. Nandun si Lucifer tsaka si Demon pero magka hiwalay sila ng upuan.
Nasa kaliwa si Demon at si Lucifer naman ay nasa kanan, tapos may mga officers sa gitna. Andun nga din si Maam ivy eh.
Ano kayang sasabihin nila?