CHAPTER 13
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 13: "A NIGHT TO SHINE"
FRANCE LOPEZ
Sunday ngayon kaya nandito lang kami sa loob ng dorm namin, bawal kaming lumabas dahil inaayos na daw ang plaza, kung saan gaganapin ang party mamayang 6:00pm.
*Knock knock*
Agad nang tumayo si Alair para buksan ang pinto. Pag tapos non ay naupo si Alair sa sofa kaharap namin. May dala syang mga plastic, may mga pangalan iyon at isa-isa nyang binigay saamin.
"Ano to?" Tanong ni Devi. "Ito daw yung susuotin natin mamaya" Sagot ni Alair. "Shala, hangganda mga sis" Pagpuri ni Fae sa mga damit.
-
Nakalipas ang maraming oras at malapit ng mag 6:00, nag bihis na kami ng mga damit na binigay kanina.
Naka pink si Fae na dress, backless. Ang ganda nya sa suot nya, kumikinang sya sa dilim dahil sa kulay puti nyang balat.
Si Devi naman ay naka blue dress na hanggang leegs nya at backless din yung kanya, ang ganda nya rin dahil bumagay yung blue dress nya sa morena nyang kulay.
Ako naman ay naka black dress, mejo mahaba, hanggang taas ng tuhod ko. Mejo may kaluwagan din sya at simple lang na parang saster lang.
Si Alair and Gab naman ay naka tuxedo, white yung kay Alair at black naman yung kay Gab.
"Ang ikli naman kasi ng buhok mo France, pano ko to aayusan" Wika ni Fae habang ginagalaw-galaw ang maikli kong buhok. Si Alair and Gab ay nag hihintay saamin sa sala.
"Kaya mo yan Fae, magaling ka sa ganyan diba" Sambit ni Devi na nag susuot ng sapatos nya.
Huminga ng malalim si Fae at kumuha ng mga pang-ayos sa buhok, di nya ako pinaharap sa salamin para daw surprise. Dami kwons? Hayss! Sana naman may ganda paakong tinatago, argh.
*3Minutes Later*
"Yan!" Malakas na sambit ni Fae. "Woah! Ikaw bayan France?" Sabi ni Devi na para bang gulat na gulat. Dali na! Gusto ko na makita itsura ko!!
Tumayo ako at humarap sa salamin, halos lumuwa na yung mata ko sa nakita ko. Woah! Ako bato? Ows? Kinulot ni Fae ang maikli kong buhok na bumagay saakin, shems! Para akong bumata.
Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto, "Lu-luvs?" Patanong na sambit ni Alair.
Kumapit si Fae sa braso ni Alair, si Devi naman ay naka hawak din sa braso ni Gab. At ako... Wala! Lumabas na kami at patungo na kami ngayon sa plaza, malayo pa kami pero rinig na rinig nanamin ang mga tug-tugan. Ang dami ding estudyante na patungo duon, ang gaganda din nila.
May mga grupo ng estudyante ang mag ka-kasama, yung iba halos makita na ang kaluluwa sa suot nila, ang dami ding poging lalaki. Tas may ibang babaeng chubby ay napaka ganda talaga, yung mga nerd na nakikita ko noon, para nang model ngayon. Kita sakanilang masaya sila ngayon, hayss! Sana lagi nalang ganto.
Nakarating na kami sa plaza. "A Night To Shine" Mahinang pagbasa ni Fae sa taas ng entrance.
Pumasok na kami at naupo sa isang mesa na pabilog, katabi ko si Fae sa kanan at si Devi naman ang nasa kaliwa ko, Si Gab ay nasa tabi ni Devi at si Alair ay nasa tabi ni Fae.
May mga studyante ang sumasayaw sa gitna, may mga nagsi-sigarilyo sa malayo, may umiinom sa gilid. At may mga nag lalandian sa sulok, lahat ay napa tigil at napa tingin sa entrance. Maging kami ay tumingin din at nanlaki ang mga mata ng lahat dahil...
"What the hell" Mahinang sambit ni Devi.
Pumasok sila Demon at Chloe kasama ang mga lalaking naka maskara, naka Black tuxedo si Demon, sa loob non ay naka red polo sya. Si Chloe naman ay naka silver na dress, kumikinang sya dahil napaka puti nya, naka heels din sya at ang mahaba nyang buhok ay kulot.
Naupo silang lahat sa harapan sa kanan, mahaba ang lamesa duon na parang para sakanila. At napukaw naman ng atensyon ng lahat ang isa pang grupong pumasok sa entrance, lahat kami ay napanga-nga dahil pumasok sila...
"He's freaking hot" Sambit ni Fae sabay kagat ng labi, tinapik naman sya ni Alair kaya napa tawa nalang si Fae.
Pumasok sila Lucifer, naka black tuxedo din sya, sa loob non ay naka black polo sya. Naka open yung tatlong butones kaya napaka hot talaga nya, may kasama syang babae pero diko alam kung sino, ngayon nolang nakita yung babaeng yon. Naka red dress yung babae, mahaba ang buhok nya na strait, mukha syang anghel. Naka kapit sya sa kanang braso ni Lucifer, sa likod naman nila ay yung mga lalaking naka maskara.
Naupo naman sila Lucifer sa harap din pero kaliwa naman sila, sumulyap saakin si Lucifer kaya napa tingin ako sa paligid... Shems! Ang fogi nya!!
Nag simulang tumug-tog ng sweet song, tumayo si Alair at humarap kay Fae, "Pwede ba kitang maisayaw, magandang binibini?" Tanong ni Alair. "Oo naman aking ginoo" Sagot ni Fae sabay kuha sa kamay ni Alair. Sabay na silang pumunta sa gitna para sumayaw.
"Ako hindi mo yaya-yain?" Nakangusong tanong ni Gab. Napa-irap si Devi "Ikaw mokong ka, gusto mobang sumayaw?" Tanong ni Devi sabay tayo ng padabog. "Oo naman Devi my baby" Masayang wika ni Gab sabay kuha sa kamay ni Devi. Sabay din silang pumunta sa gitna para sumayaw.
Hayss! Ano? Ako nanaman ang single? Takte! "Pwede ba kitang maisayaw?" Agad akong napalingon sa kaliwa ng maka rinig ako ng pamilyar na boses.
"Demon?" Masayang sambit ko. "Pwede ba?" Tanong nya. Di naako sumagot at kinuha na ang kamay nya para sumayaw sa gitna.
Inilagay nya ang kamay ko sakanyang batok at iniikot nya ang kamay nya saaking beywang. Tingin ako ng tingin sa paligid, ewan! Di ko sya matitigan...
Kinuha ni Demon ang aking baba at iniharap sakanya "Look at me" Mahinang sambit ni Demon habang hawak parin ang aking baba. "Just me" Dagdag nya pa.
Ngumiti nalamang ako at nag simula na kaming gumalaw-galaw, masasabi kong marunong syang sumayaw. Nagulat ako ng bigla nalang may humila saaking braso, diko alam kung sino dahil ang dmaing tao ang nagsi-sik-sikan. Mabilis ang pang-yayari kanina si Demon ang kaharap ko at kasayaw ko pero ngayon si...
"L-lucifer?" Gulat na sambit ko. Ngumisi sya at tinitigan ako sa mata, "Ayokong nag seselos" Wika nya na ikinagulat ko. Ha? N-nag seselos? True bayarn? Eher!
"A-ano?" Takang tanong ko. Bumalik nanaman sa malamig ang ekspresyon ng mukha nya, "Mahal kita" Nalag-lag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Ano? Ows? Seryoso ka?
"Ha? Mahal moko?" Natatawang tanong ko, "Eh wala pangang isang linggo mokong nakakasama. Mahal mo na agad ako?" Natatawang sambit ko. Ni wala syang reaksyon sa mukha, malamig lang ang ekspresyon nya.
"Bakit kailangan mo ba ng mahabang panahon para masabi mong mahal mo ang isang tao?" Patanong sa sambit nya.
Natigil naman ako dahil sa mga pinag-sasabi nya, mahal ako ni Lucifer? Seryoso bayun? Shems! Bumibilis ang tibok ng aking puso. Nakakramdam ako ng kakaiba sakaing buong katawan, ito ba yung tinatawag nilang butterfly?
Mahal ako ni Lucifer?