CHAPTER 15
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 15: "LINGGO NG MAYO"
FRANCE LOPEZ
Dumaan ang ilang linggo, ngayon ay mayo na at linggo na... Mamayang gabi ata ang banggaan nang Dark Chaos at nang Bloody Dragons, hayss! Pwede koba silang pigilan? Kaibigan ko silang dalawa at ayoko namang mag-away sila..
Pero teka nga! Bakit nga ba sila mag kaaway? Bakit sila mag babanggaan? May mga hindi paba kami nalalaman? Ano ba talagang meron?
Nandito lang kami nila Devi sa loob ng dorm, si Gab ay nag hahanda na ng balisong nya para mamaya. "Totoo bang sasama ka mamaya?" Tanong ni Alier. "Oo naman, Dark Chaos ako at syempre dapat nandun ako" Sagot ni Gab.
"Gab mag-usap nga tayo!" Wika ni Devi sabay tayo. "A-anong pag-uusapan natin?" Nauutal na smabit ni Gab. "Sa labas tayo" Saad ni Devi.
DEVINA KELT
Lumabas kami ni Gab ng dorm, nag tungo kami sa rooftop para kami lang dalawa. Kanina paako napapaisip kung amo ba talaga ang mga nangyayari. Alam kong may alam si Gab
"Gab wag ka nangang mag tago" Inis na smabit ko "Ano ba talagang meron ha?" Dagdag kopa. "Ah.. W-wala, ano bang meron?" Wika ni Gab.
"Gabriel ano ba!" Sigaw ko. Napalunok ng laway si Gab, alam kong natakot na sya at mag sasalita na sya.
"Ah.. Kasi. Ano.. Maupo nga tayo!" Sambit nya sabay upo sa lapag na ginawa kodin.
Nag simula ng mag kuwento saakin si Gab kung ano ba talaga ang mga nangyayari, halos mapa-iyak ako sa mga nalaman ko. Kaya pala! Kaya pala ganun nalang ang mga teaksyon ng mga studyante dito nung unang araw nila kaming nakita.
Ngayon alam kona nag mga nangyayari, ayokong ako ang mag sabi kay France, gusto ko kay Lucifer mismo manggaling lahat ng nalaman ko. Ayokong pangunahan sya dahil gusto kong mag pakatotoo si Lucifer kay France.
Ngayon palang ay natatakot naako na baka lumabas ang isnag demonyo sa loob ni France..
Ayokong dumating ang araw na wala na syang pag katiwalaan..
Sa huli si France ang pinaka masasaktan.
FRANCE LOPEZ
Kakadating lang nila Devi and Gab. Ano kayang pinag-usapan nila? Ayaw naman sabihin ni Devi, hayss kainis! Mag gagabi na kaya lumabas na si Gab dala ang kanyang balisong.
Nakatameme lang kami dito sa dorm, ginihintay ang muling pag dating ni Gab. Lahat kami ay napa tayo nang makarinig ng mga sigawan, di namin makita sa bintana dahil sa plaza sila nag babanggaan.
"Sana okay lang si Gab" Nag-aalalang sambit ni Devi. "Diko nakaya" Wika ni Alier sabay takbo sa labas. "F*ck! Alier!" Pagtawag ni Fae kay Alier na tumakbo palabas, alam kong susunod sya kay Gab.
Di na din mapakali si Devi kaya kumuha sya nang kutsilyo at kumaripas ng takbo, diko sya napigilan dahil napaka bilis ng pangyayari. Nag suot ako ng sapin sa paa at lumabas ng dorm.
Madilim at mukhang uulan, rinig na rinig ko ang mga sigawan at mga putok ng maliliit na bomba. *BOGSH* Halos mapatalon ako sa malakas na tunog naiyon.
Lalo paakong kinabahan dahil may nag tatakbuhan paalis ng plaza, agad akong tumakbo kahit na naka pajama lang ako. Wala akong hawak na kung ano, tanging gusto ko lamang ay mahanap sila Devi para makauwi na. Sana lang ay ligtas sila
NARRATOR
Nakarating na si France sa plaza kung saan ginaganap ang banggaan ng Dark Chaos at ng Bloody Dragons. Sandali syang napa tigil dahil sa mga nakikita nya
Marami ang duguan at wala ng buhay, di nya maiwasang mag-alala kila Devi and Fae. Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Devi at si Gab na nakikipag patayan, lalapit na sana sya ngunit natulak sya kaya agad syang bumagsak.
Tumayo sya at pinag-pag ang puti nyang t shirt, nabaling ang paningin nya kila Fae and Alier na mag katalikod na nakikipag laban din.
Napakunot sya ng noo dahil nag tataka sya kung bakit ba sila nakikisali eh samantalang si Gab lang naman ang memeber ng Dark Chaos.
Dahan-dahan syang nag lakad sa gitna, hindi nya alam kung bakit pero ang mga paa nya ay kusa lang gumagalaw. Di nya maiwasang malungkot dahil ngayon nya lamang nakita ang ganitong pangyayari.
Sa tingin nya ay may magagawa sya pero di nya alam kung ano iyon, natihil ang dalawang grupo sa pag laban dahil napansin ni Lucifer ang babaeng nag lalakad sa gitna.
Agad namang binitawan ni Demon ang hawak nyang kutsilyo dahil sa nakikita nya, ayaw nyang maulit muli ang nakaraan kaya di nya maiwasang manghina.
Lahat sila ay natigil dahil narin sa malakas na pagbagsak ng ulan sa kalangitan, nag hiawalay na ang dalawang grupo. Nasa kanan sila Lucifer kasama sila Devi, Fae, Alier, Gab at ang mga lalaking naka maskara na duguan.
Nasa gawing kaliwa naman sila Demon kasama si Chloe at ang mga kasapi nilang naka maskara na duguan din. Nasa gitna naman si France na para bang dahilan sakanilang pag tigil.
FRANCE LOPEZ
Hindi ko alam kung bakit koto ginagawa, ang tanging alam ko lang ay nandito ako nagyon sa gitna nang lahat. Tumingin ako sa kanan kung nasaan ang mga kaibigan ko at si Lucifer, putok ang kanang labi ni Lucifer. May mga dugo sya sa kamay, ang mga kaibigan ko naman ay may dugo rin at mga sugat.
Binalingan ko naman ng tingin ang nasa kaliwa ko kung nsaan sila Demon, si Chloe ay may pasa sa pisnge. Si Demon naman ay duguan ang puting damit at may sugat din sa kaliwa nyang panga.
Agad akong nakaramdam ng basang likido saaking kaliwang pisnge, napahawak ako saaking dibdib nang makaramdam ako ng sakit, di ako masyado makahinga ng maayos. Tulo-tuloy ang pag bagsak ng aking luha, napatingin naman ako sa buwang natatakpan na ang makapal na ulap.
Sobra na ang luhang lumalabas saaking mata, di naako maka hinga ng maayos. Nanghina ang dalawa kong tuhod dahilan para ako ay mapaluhod, bumagsak ang aking buong katawan sa damuhan kasabay ng pag bagsak ng mga ulan.
Nanlalabo ang mga mata ko pero tanaw kong tumatakbo sila papunta saakin, rinig korin ang mga pag sigaw nila saaking pngalan.
Gusto ko lang naman ng kapayapaan...