CHAPTER 18
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 18: "FAUNDATION WEEK"
FRANCE LOPEZ
Maaga palang ay marami nang abala sa pag-aayos ng mga booth nila, maaga din kaming gumayak nila Devi para mamaya. Okay okay na ang pakiramdam ko kaya gusto kong sumama, nasa plaza na kami ngayon, nakaupo lang sa may bench. Dipa kasi tapos yung ibang booth
"Ang init mga sis ah" Reklamo ni Fae, ang init? Eh kumakain na nga sya ng ice cream eh. Nakaupo lamang kami ng biglang may dumating---Si Demon.
"France? Okay kana ba?" Tanong nya. "Oo okay nako" Sagot ko. Ngumiti naman sya, "Pwede bang sumama ako sa inyo. Mag libot mamaya?" Tanong nya ulit.
Tumingin naman ako kila Fae, kita ko sakanya na parang gusto nya din "Hindi pwe-" Di na natuloy ni Devi ang kanyang sasabihin ng biglang hinahil ni Fae si Demon para maka upo saaking tabi.
"Pwedeng-pwede" Nakangiting sabi ni Fae. Napa irap nalang si Devi, ang kulit talaga nitong si Fae!
"Devi my baby!" Pagtawag ni Gab. "Tara na mag sisimula na yung mga booth" Sabi nya pa, "Demon?" Patanong na wika ni Alier.
"Sasama saatin si Demon" Sabi ko. "Ah.. P-pano yan?" Tanong ni Gab
"Anong paano?" I asked.
"Sasama din ako" Laking gulat ko ng si--Si Lucifer, sasama din sya? Baka mag-away nanaman toh! Hay nako!
"S-sige" Sabi ni Fae. "Mabuti panga Lucifer at sumama ka" Sabi ni Devi.
Naglalakad kami sa plaza at ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa buong paligid. "Oh picture!" Sabi nung isang lalaki na may hawak ng camera. Agad namang tumabi saakin si Lucifer kaya napa gitnaan ako nila ni Demon at sya. Bale ako ang nasa gitna, si Lucifer ang nasa kaliwa, katabi si Gab at si Devi. Sa kanan ko naman ay si Demon na katabi si Alair at si Fae.
"1..2..3.. *CLICK*"
"Okay isa pa!"
"1..2..3.. *CLICK*"
"Lucifer baka gusto mong ngumiti?" Pabiro kong sabi, nakita ko kasing walang ekspresyon ang mukha nya. "Ayoko" Malamig na sabi nya.
"Last na!" Sabi nung kumukuha ng picture. Ngumiti naako at humarap sa camera, diko alam kung ngumiti ba si Lucifer.
"Kuya saan pwedeng makita yung mga pic?" Tanong ni Fae. "Ilalagay namin toh sa bulletin board" Sabi nya sabay alis na.
-
Ilang oras na kaming pagala-gala dito, ang dmai nading booth ang nasalihan namin. Halos pawis nanga ako eh, si Fae at si Alair ay humiwalay saamin. Ewan may date pa ata!
"Devi my baby, dun na tayo! Dali na" Pagpilit ni Gab kay Devi na pumunta kung saan. "Dito nalang tayo, baka may mang-yari pa kay France" Sabi ni Devi
"Ano kaba Devi, okay na ako" I said.
"Yun naman pala eh. Tara na Devi my baby, dun tayo sa Marriage booth" Sabi ni Gab sabay nguso. "Ang dmai mong dama! Tara na nga" Inis na sambit ni Devi. Hinila na ni Gab si Devi para pumunta daw sa marriage booth.
Naiwan kaming tatlo na nag lalakad, ang dami ngang naka tingin saamin eh. "Kumain kana?" Sabay na tanong nila Lucifer at Demon. "Hindi pa" Maikli kong sagot.
"Kain tayo" Sabay nanaman si Lucifer at si Demon. Tumango nalang ako bilang sagot, nag lakad si Lucifer sa gawing kaliwa. Si Demon naman ay sa gawing kanan, okay! Saan ba talaga?
"Dito" Sabay nilang sabi. "Mas masarap yung kakainan natin" Sabi ni Demon. "Edi dun tayo. Masarap naman pala eh" Pagsang-ayon ko, tsaka na ngako saakin si Demon na titigil na sya.. Ganti kolang toh
Napabuntong hininga nalang si Lucifer at sumunid din saamin, pumunta kami sa isang booth na kainan. "Masatap toh, kaibigan ko nag luluto dito" Pagmamayabang ni Demon.
Naupo na kami at umorder, "Dito lang pala tayo, tsk" Bulong ni Lucifer na hindi narinig ni Dmeon dahil buisy sya sa pag order. "Yaan mona. Pag bigyan nalang natin yung bata" Biro ko. Napanguso nalang si Lucifer
Kumain na kami, ang sarap nung lomi. Pero ang init-init lomi? Yaan na nga! Basta libre! Pag tapos namin kumain ay nag lakad-lakad na uli kami. Nasa gitna kami ng plaza
"Demon!" Sabay-sabay kaming napalingon sa kanan dahil sa tawag naiyon. "May sasabihin daw si Jelo" Hingal na sambit nung lalaking naka maskara. "Mamaya na" Sagot naman ni Demon.
"Importante daw"
"Mamaya-"
"Sige na Demon. Mukha ngang inportante yun" Sabi ko. Tinignan nya muna ng masama si Lucifer bago umalis, ngayon ay kami nalang ni Lucifer ang mag kasama.
"Ang sama ng tingin. Di naman gwapo" Bulong ni Lucifer.
Patuloy lang kami mag lakad ni Lucifer, may araw na kaya ang init na talaga! Shems! Tagak-tak na ang pawis ko. Nakakahiya! Ito namang su Lucifer ay parang di tinatamaan ng araw, ang fresh.
Habang nag lalakad kami ay nakatuon ang mata ni Lucifer sa daan, pasimple ko syang tinutigan. Di maalis ang tingin ko sakanya, lalong gumanda ang mata nya dahil sa sikat ng araw.
"Bakit ka nakatingin?" Bigla nyang tanong, pero ang paningin nya ay nasa daan paren. Weird!
"Ang pogi mo pala pag naarawan" Wala sa sariling sabi ko. Nakita ko ang pagngiti nya ng kaunti. Halatang nag pipigil si unggoy!
"Nakita ko yun! Isa panga!" Sabi ko. "Ayoko nga" Pag-arte nya. Mhhh! Arte ah!
"Sige na isa lang"
"Ayoko"
Hayy arte mo unggoy! Pero diko kasi nakita ng maayos eh, hay! Talagang di ako nawawalan ng pag-asa na makita ulit ang ngiti nya. Hinatak ko ang kamay nya papunta sa photo booth. Wala na syang nagawa ng pumasok kami duon, agad kong pinindot ang start button.
"Ngumiti ka dali" Pangungulit ko. Ngumiti naako ng malawak, sa first photo ay walang ekspresyon ang mukha nya. Argh! Kainis!
"Ngumiti kana kasi, dali na" Sambit ko habang pinipisil ang kanyang pisnge. Ayaw talaga! Last nato!
May naisip naman akong paraan, habang si Lucifer ay naka tingin sa camera, ako naman ay nakatitig sakanya. "I love you" Bulong ko.
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil tinitigan nya din ako, finally! Ngumiti sya at ganun din ang ginawa ko. Time na kami ni Lucifer kaya dali-dali akong lumabas para makuha yung mga picture namin.
Pagkakuha ko ay ngumiti ako dahil napaka cute ko! At syempre si Lucifer din. Sa last photo ay magka-harap kami ni Lucifer habang naka-ngiti. Ayun yung time na nag ilove you ako sakanya. Lumabas na sya at tumingin saakin ng naka ngiti
"Yung sinabi mo kanina" Seryoso nyang sabi. "Wala nang bawian yon ah" Dagdag nya pa. Ngumiti rin ako, "Oona sige na, mahal na din kita" Sabi ko.
Panalo kana po Lucifer! I love you na din.