CHAPTER 26
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 26: "LUCIFER AND DEMON" PT.2
!VIOLENCE!
FRANCE LOPEZ
Natapos ang klase namin ng pagod kaming lahat dahil sa mga pinag-gagawa naming exhibition sa P.E class. Napahiga nalang ako sa damuhan dito sa tapat ng plaza, ang daming nag pupuntahan dito kaya agad kaming na patayo. May mga nagtatakbuhan na parang makikichismis. Ano nanamang meron?
"Ano yun? Tara nood tayo?" Aya ni Devi. Maging kami ay nakisik-sik sa kanilang lahat, naka pabilog kaming lahat sa court. May lalaking naka tayo sa gitna na parang may iniintay, "Ano bang meron?" Tanong ko. "May away daw na magaganap" Sagot nung pandak na lalaki sa harap ko.
"Sino daw---" Diko na naituloy ang itatanong ko ng humarap ang lalaking nasa gitna---Si Lucifer. Napakunot ako ng noo dahil, anong ginagawa nya dyan? Sya ba yung makikipag-away?
Lalo paakong nagulat ng makita ko kung sino ang paparating---Si Demon. May dala-dala syang base ball bat na kinakalad-kad nya. Akmang lalapit ako pero hinawakan ako nila Devi at ni Fae. "May dala ka pa pala" Sabi ni Lucifer.
"Bitawan nyo ko" Utos ko kila Devi, "Hindi dito kalang" Wika ni Devi na todo hawak sa braso ko. "No, baka madamay kapa" Sabi naman ni Fae. Akmang hahampasin na ni Dmeon si Lucifer ng base ball bat pero agad na nakaiwas si Lucifer kaya naka-hinga ako ng maluwag.
Tinadayakan ni Lucifer si Demon dahilan para sya ay masub-sob sa lupa, aapakan sana ni Lucifer si Demon pero bigla nalang syang naunahan ni Dmeon. Sinipa nya ang mukha ni Lucifer, hinampas ni Demon ng base ball bat si Lucifer dahilan para sya ay mapa higa sa lupa. Gustuhin ko mang pumunta para pigilan sila pero di talaga ako binibitawan ni Devi at ni Fae, pinag-hahampas ni Demon si Lucifer ng base ball bat sa likod. Sumirit na ang dugo sa labi ni Lucifer, ngmisi pa si Demon at kinuwelyuhan si Lucifer. "Ano Lucifer? Kaya pa ha?!" Sigaw ni Demon na umalingaw-ngaw sa buong court. Sinikmuraan ni Dmeon si Lucifer, "P*tangina mo!" Sigaw muli ni Demon.
Tumawa si Lucifer ng napaka lakas, kahit na may dugo na ang mukha at katawan nya ay di nya alintana ang sakit nito. Lalo pa syang humalak-hak ng sobrang lakas, "At anong nakakatawa ha?!" Sigaw ni Demon, lahat kami ay tahimik lang na nanonood. "Napaka desperado mong makuha si France" Tumawa syang muli... So ako? Ako ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ngayon? "Sa tingin mo mamahalin ka ni France sa ginagawa mo ngayon? Tignan mo ang itsura ni France.. Natatakot sya sayo!" At muli nanamang tumawa si Lucifer.
Sumulyap saakin si Demon, muli nyang tinadyakan si Lucifer dahilan para sya ay mapa higa. Pumatong si Demon kay Lucifer at pinag-sasapak ito, si Lucifer naman ay hindi lumalaban? Tawa lang sya ng tawa na para bang baliw. Duguan na nag mukha ni Lucifer pero hindi sya lumalaban. "Ang talino talaga ni Lucifer" Biglang sbai ni Gab na sumulpot sa gilid namin. Binitawan na ako nila Devi at Fae kaya tumakbo naako palapit kila Demon
DEVINA KELT
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Gab. "Sa tingin nyo mamahalin pa ni France si Demon? Hindi lumalaban si Lucifer dahil ayaw nyang layuan sya ni France.. Ang talino talaga" Paliwanag ni Gab.
Sabagay may point sya.. Pero duguan at putok na ang labi ni Lucifer, nag pabugbog pala ang hayop. Ang talino nga.
FRANCE LOPEZ
Hinawi ko agad si Demon at humarap kay Lucifer na ngayon ay wala ng malay. Halos diko na sya makita dahil sa mga dugo sa mukha nya, lumalabas ang luha saaking mga mata habang niyuyog-yog ko si Lucifer. "Sol? Sol gumising ka" Utos ko. Tinulungan na ni Gab at ng mga lalaking naka maskara si Lucifer dalhin sa clinic. Iyak ako ng iyak sa labas, "Kasalanan ko to" Mahina kong sabi.
Hinimas ni Devi ang aking likod, "Hindi mo kasalanan.. Sila ang may gusto ng nangyari kaya sila ang may kasalanan" Paliwanag nya. "France?" Agad akong tumingala at nakita ko si "Demon" Sabi ko. "Ako ang nanalo. Akin ka" Nakangisi nyang sabi, tumayo ako at kumapit aky Devi.
"D-demon sabi mo titigil kana.. N-nangako ka diba?" Naiiyak na wika ko, "Hindi lahat ng pangako natutupad." Malamig na sabi nya. "Mahal kita France" Dagdag nya pa.
"Pero alam mo kung sino yung mahal ko Demon"
"T*ngina! Lagi nalang ba akong maiiwan? France please... Akin ka nalang"
Lalo pang lumabas ang napakaraming likido sakaing mga mata, nakikita ding namumuo na ang mga luha sa mata ni Demon... Ayoko syang saktan, at ayoko ding saktan si Lucifer.. "Demon hindi ako yung para sayo" Wika ko. "F-france please.. A-akin ka nalang" Hinawakan ni Demon ang kamay ko. Pumasok na sila Devi at si Fae sa loob ng clinic.
"Hindi kita mahal" Pagsabi ko ng totoo. Mas lalo pang humigpit ang hawak nya saaking kamay kasabay non ang pag bagsak ng luha sakanyang mga mata... "Please... F-france pag-aralan mo.. France p-please a-ako nalang" Naiiyak na sabi nya.
Hinawakan ko ang kanyang pisnge at pinunasan ang luha sakanyang mata, "Demon, hindi ako ang karapat-dapat para sayo... Hindi ako ang para sayo"
"France please... A-ako nalang"
"Demon.. Hindi kita mahal"
"Kailan ba ako pipiliin? Ano gusto mo lumubod ako?" Akmang luluhod na si Demon pero pinigilan ko sya. "Anong gusto mo mag pakabait ako? France sabihin mo gagawin ko para lang mahalin mo" Pumiyok na nag boses nya at lalo pang dumami ang mga luha nya. Ayokong manakit pero kailangan ko, mas mabuti nang sabihin ko ang totoo kesa mag sinungaling pa ako.
"Demon buksan mo ang mata mo at makikita mo ang totoong taong nag mamahal sayo... D-demon hindi ako ang para sayo"
"Pero France ikaw ang m-mahal ko"
"I'm sorry Demon.. H-hindi kita mahal, patawad" Hinalikan ko sya sa noo at nag lakad na papasok sa loob ng clinic.
I'm sorry Demon...
DEMON
Kasabay ng pag-alis nya ang pag buhos ng malakas ng ulan, tumakbo ako paalis sa lugar na iyon. Tumakbo ako sa lugar kung saan walang tao at ako lang ang naroon, sinapak-sapak ko ang pader hanggang sa lumabas ang dugo sa kamao ko.
"Kaylan ba ako?! Kailan ba ako mamahalin?!" Sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong paligid.
Napasandal ako sa pader na may dugo ko, at dahan-dahang naupo sa damuhan. Tuloy-tuloy lang ang malakas na ulan at ang pag labas ng basang likido saaking mga mata. Sinabunutan ko ang aking buhok ng paulit-ulit at sumisigaw sa kawalan...
"Ako naman please! Ako nalang!" Paulit-ulit na sigaw ko. Gusto ko nang makahanap ng taong totoong nag mamahal saakin.. Pero saan? Sino?
Sa ugali kong toh, paniguradong walang nag mamahal saakin ng totoo.