CHAPTER 31
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 31: "BIRTHDAY"
FRANCE LOPEZ
Ilang oras na ako naka-upo dito sa duyan, iyak lang ng iyak ang mata ko. Buti nga tago itong lugar na toh eh, grabi sila dina sila naawa sakin! Diba nila ako hinahanap? Ang pangit ng ugali nila!
DEVINA KELT
Mag-gagabi na at di parin namin mahagilap si France. Saan ba nagsuot yun? Wala sa dorm, wala sa cafeteria, wala sa plaza at wala kuta nila Demon.. Speaking odlf Demon! Diko pa sya nakikita ng ilang araw, wala din sya sa kuta nila. Saan din kaya yun nag punta?
Natanaw namin si Lucifer na naglalakad palapit saamin, tumigil kami saglit at hinabol ang hininga namin, "Mag-gagabi na. Nasan na sya?" Tanong ni Lucifer. "Wala pa sa tabi namin diba? Malamang di pa namin nakikita" Sagot ko.
"Mukhang alam kona kung nasaan sya.. Mauna na kayo sa main bulding. Suaunod nalang kami ni France" Sabi ni Lucifer.
Pumunta muna kami sa dorm, naligo at nag-ayos lang kami para sa celebration ng birthday ni France. Sana makita sya ni Lucifer, pag tapos namin gumayak ay nag tungo na kami sa main building ng tumatakbo, baka maunahan pa kami ng may birthday eh.
FRANCE LOPEZ
Habang naka-yuko ako ay may sapatos akong nakita, sapatos ng lalaki. Agad ko syang tiningala at---Si Lucifer, hinawakan nya ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki nya. "Sol.. I'm sorry" Sabi nya.
Lalo pa akong napahagul-gol dahil na-miss ko toh! Agad akong tumayo at niyakap sya. "I'm s-sorry din" Wika ko, hinaplos nya ang buhok ko. "Wag kanang umiyak.." Humarap sya saakin ng naka-ngiti. "May pupuntahan tayo" Sabi nya saakin
Date nanaman? O baka naman surprise party? Letche! Ayoko ng mag-expect! "Tara?" Pag-aya nya saakin. Naglakad kami ni Lucifer na magkahawak ang kamay, pumunta kami sa main building. Pumasok kami sa isang kwarto.. Sa kwarto ni Lucifer.
Halos lahat ng nakikita ko ay black, ang dami ding mamahalin na gamit. Ang laki ng kwarto nya, may veranda din sya na may magandang view, "Suot mo muna toh sol" Utos ni Lucifer sabay bigay saakin ng dress na naka-plastic.
Pumunta ako sa cr nya para isuot ang dress na ito, grabi! Parang buong dorm na namin yung cr nya! Sinimulan ko ng suotin ang dress. Kasyang-kasya nga saakin eh, white ang kulay nito, hanggang taas ng tuhod ko ang haba, may pakpak panga na puti kaya sinuot ko din. Pagtapos non ay lumaba na ako ng cr
Sumalubong saakin si Lucifer na naka costume nang... "Romeo?" Nakangiting sambit ko. Naka silver sya na parang madirigma. Ngumiti sya saakin at kinuha ang kamay ko, "Tara na Juliet?" Pag-aya ni Lucifer. Natawa naman ako dahil sa mga trip nya.
Mag-kahawak ang kamay namin papunta sa main building, sumakay kami ng elevator at lumabas sa magarang kuwarto... Bumungad saamin ang mga pekeng puno, may mge butterfly na lumilipad, mahabang hallway iyon na puro puno at bulak-lak ang nasa gilid. Napanga-nga ako sa sobrang ganda, may mga tubig pa akong naririnig na parang falls? "Happy Birthday sol" Bati ni Lucifer. "Thank you sol" Naiiyak na sabi ko.
"Bakit kaba iyak ng iyak ah"
"Kasi ang ganda eh"
"Tara na sa loob"
Hanggang sa pagpasok ay mag-kahawak parin ang kamay namin ni Lucifer, parang fairy tail ang paligid ko. May dalawang lalaki ang naka tayo sa gilid ng pinto, parang mga bantay sa langit ganon! Sumalubong saamin sila Devi na naka dress din at may pakpak ang likod. "Hapoy Birthday" Sabay-sabay na wika nila. Niyakap ko sila at nag pasalamat ako, grabi pinapaiyak nyo talaga ako!
"Mag-ikot ka muna sol" Sabi saakin ni Lucifer saka umalis. Sila Devi naman ay na-una na, iniwan ako ng mga gungong! Lumapit saakin si Trixy ng may ngiti. "Happy Birthday" Masaya nyang wika, "Happy Birthday din... Sorry ah" Sabi ko.
"Ano kaba okay lang yon, mali naman ako eh"
"Sorry parin..."
"May karapatan ka naman na gawin yon, tsaka wag ka mag-alala wala akong gusto kay Lucifer dahil may jowa ako sa state. Sadyang kuya-kuya kolang si Lucifer kaya ganon nalang ako umarte kapag kasama ko sya"
Jusko! Nakakahiya ka France! "Sorry talaga.." Ulit ko. Ngmiti naman sya at hinawakan ang kamay ko, "Enjoy na natin yung birthday natin" Masaya nyang sabi. Hinila nya ako papunta sa gitna, halos lumuwa na ang mata ko dahil sa sobrang ganda ng lugar, may mga tao din pero yung mga naka maskarang lalaki lang at kami. May mga pagkain din sa harapan, may dance floor din, at may mga lumilipad na paro-paro.
Lahat sila ay lumapit saakin, "Happy Birthday to you" Sabay-sabay na kanta nila. Napangiti naman ako ng sobra, "Aww.. Thank you" Pagpapasalamat ko.
Pumikit ako at nag wish na...
Sana maging okay na ang lahat, kami nila Devi, Fae, Gab, Alier. Sana maging matatag pa kami ni Lucifer.. At sana maging maayos na kami ni Demon
Amen.
Dumilat na ako at hinipan na ang kandila, kasabay non ang pagpalak-pak nilang lahat. Na-upo kami sa isnag table na bilog, katabi ko si Lucifer. Kumain na kami at nag kuwentuhan ng kung-ano-ano, naka ngiti lang ako buong magdamag.
Inaya ako ni Lucifer na sumayaw sa gitna, syempre diko tinanggihan. Naka-ikot ang dalawa kong kamay sa batok nya habang ang dalawa nyang kamay ay naka-ikot naman saaking beywang. Sa mga mata lang ni Lucifer ako naka tingin, ganon din sya, para bang kami lang ang tao dito, napaka-saya ko ngayon.
"Mabilisan lang toh ginawa.. Sana nagustuhan mo" Paliwanag ni Lucifer, "Tsaka yung falls.. Di yon totoo, ang hirap kasi gawin eh" Dagdag nya pa, ngumiti naman ako ng malawak, "Ang ganda nga eh.. Salamt sol, i love you" Masayang wika ko.
Hinalikan nya ang noo ko at humarap saakin, "Mahal na mahal kita sol" Bulong nya saakin, idinikit ko ang noo ko sa noo nya at pumukit. "Mahal na mahal din kita sol" Bawi ko sakanya.
Wala na talagang bawian! I love you na talaga Lucifer!!!