CHAPTER 33
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 33: "KRIMEN"
3 Weeks Later...
FRANCE LOPEZ
Naging masaya ang mga dumating na araw pagtapos ng kaarawan ko, update sa exam ko... Yun! Nakaabot naman pala ako, natuwa naman si Lucifer dahil kahit paa-paano ay nakapasa parin ako. Puro saya lang ang nangyari, sana nga ay magtuloy-tuloyang ganito.
"Dismiss!" Galit na sambit ng teacher namin sa math, ang iingay kasi ng mga classmate ko. Binubwisit nila si maam, kami naman ay tawa lang ng tawa. Nauna nanaman pumunta sa cafeteria sila Devi dahil mag si-cr lang ako saglit.
Pagkapunta ko sa cr ay nagtungo agad ako sa isang cubicle para umihi, paglabas ko ay naghugas ako ng kamay at inayos ang uniform ko. Lumabas narin ako at nalakad sa hallway...
Ramdam ko ang malalakas na hangin sa paligid, may mga dahon din na nagkalat sa lapag, ako lang ang tao dito ngayon dahil ang lahat ay nasa cafeteria or nasa plaza. Habang pinag-lalaruan ko ang ballpen ko ay nahulog ito mula sa kamay ko, tumuwad ako at hinawakan na ang ballpen ko.. Napatingin naman ako sa harap dahil may dalawang sapatos ang nakita ko, panlalaki. Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang mukha nito.
Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng hood, nakamahabang black na parang kapote sya. Nakatitig lang sya saakin, ang isa nyang kamay ay nasa bulsa nya at ang isa naman ay naka-baba lang. "S-sino ka?" Kabado kong tanong. Napatingin ako salanyang kamay dahil dahan-dahan nyang nilalabas ang kamay nya mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang hawak nya---Balisong...
Itinaas nya ang balisong at akmang sasak-sakin ako ngunit... Bigla nalang may lumipas na balisong tungo sakanyang noo, tumusok ang balisong sakanyang noo. Napakarami agad ang lamabas na pulang likido mula roon, napa-hawak naman ako saaking bibig ng maka-kita muli ng taong pinatay saaking harapan.
Lalo pang kumabog ng napaka-lakas ang aking dibdib dahil may umikot na braso saaking leeg at tinutukan ako ng balisong... "Wag kang matakot" Mahinahong wika nya. Boses---Babae, "Nasa likod mo lang kaming dalawa kaya wala ka dapat ipag-alala" Dagdag nya pa.
"S-sino ka? Sinong kami?" Lakas loob kong tanong. "Malalaman mo rin yan.." Wika nya, niluwagan nya ang braso nya saaking leeg hanggang sa tuluyan nya na nga itong tanggalin. Dali-dal i akong lumingon upang makita sya ngunit... Wala na, wala ng tao saaking likuran, tanging malalas na hangin na lamang ang tumambad saakin.
Nilingon ko naman ang lalaking walang buhay saaking harapan, sinulyapan ko lang sya at tumakbo na paalis dahil ayoko namang pagbintangan no! Tsaka nakakatakot kaya! Pagpasok ko sa cafeteria ay na-upo na agad ako sa tabi ni Devi. Di naman mag-proseso sa utak ko ang mga nangyari kanina, nagulat ako at natakot. "Okay kalang? Bat parang na-mumula ka?" Sunod-sunod na tanong ni Devi. Umiling nalang ako bilang sagot dahil natatakot parin ako hanggang ngayon.
Ang malaki namang pala-isipan saakin ay.. Sino yung babaeng nag ligtas saakin? Tsaka sino yung tinutukoy nyang kami dalawa? Argh! I hate this curiousity!
-
DEMON
Ilang araw na akong nasa rooftop,tanging si Chloe lang ang nakaka-usap at nakakaalam kung nasaan ako ngayon. Ang hirap kasing makita ang taong mahal mo na-kasama ang taong mahal nya. Minsan iniisip ko nalang na umalis na dito, kaya lang nasa-isip korin na sayang lahat ng pinag-hirapan at pinag-tarabahuahn ko.
Ang tanga ko talaga! Hindi ko napansin si Chloe, nasa likod ko lang pala sya. Sya ang babaeng gagawin ang lahat para lang mahalin ng taong mahal nya. Oo inaamin ko may kaunting pag-tingin ang nabubuo saaking puso para sakanya. Sino ba naman kasing hindi ma-iinlove sa babaeng marunong mag luto, magaling sumayaw, marunong ng gawaing bahay. At higit sa lahat yung babaeng makaka-intindi at makak-usap mo sa tuwing down na down ka di ba?
Diko masasabing mahal kona sya. Basta ang alam ko ay malapit na...
Sa ngayon ay gumaganda na ang pakiramdam ko, siguro ay bukas na bukas rin ay lalabas na ako. Marami sigurong nakatambak na gawain para saakin, hais! Itong pogi na mukhang to! Mawawalan ng chiks? Mama mo! Baka nga experient lang si Heaven taska si France... Sana nga
FRANCE LOPEZ
Kaka-tapos ko lang kumain sa cafeteria, agad akong hinatak ni Devi tungo sa isnag building. Ang dami ding nag-pupunta duon, ano nanamang meron? Sik-sikan at mainit pa sa lugar! "Ano ba talagang meron?" Inis na tanong ko kay Devi. "Basta! Tignan mo nalang!" Sambit nya habang patuloy akong hinahatak.
Nakarating kami sa isnag lugar kung saan madaming tao ang nag sisik-sikan, "Oh anong meron?" Tanong ko. Wala naman kasi akong makita mga mare! Naka-yuko lang si Devi at parang takot na takot, nangi-nginig pa ang kamay nya.
"T-tumingala ka" Utos nya. Agad akong tumingala at napa-hawak saaking bibig, nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakikita ko.
Isnag bangkay
Hindi! Dalawa.
Ayy mali! Tatlo?
Ahhh! Apat?
Takte! Anim?
Ayy mali! Walo!
Walo!
Napakadaming dugo ang naka-kalat sa sahig, naka-sabit ang mga bangkay sa rooftop, naka-tali ang isang lubid sa mga leeg nila. Wak-wak na ang mga tiyan nila at wala ng laman loob ang nandon, naka-hubad din ang mga lalaking iyon. Karumal-dumal ang mga sinapit nila, grabi! Ilang patay ba ang nakita ko ngayong araw na to?
"S-sino ang may gawa nyan?" Nauutal na tanong ko. "Estudyante din" Sagot naman ng isang babae sa gilid ko. "Bakit nila ginawa yan?" Tanong ko muli. "Kapag-hindi nya ginawa yan ay sya ang malalagay dyan" Paliwanag nung babae.
"Nakalimutan mo na ba yung motto dito?" Biglang tanong ni Devi, hanggang ngayon ay naka-yuko parin sya. "Fight or else you will die" Halos sabay na wika ni Devi ng nung babae.
Ang daming krimen ang nangyari saaking harapn ngayon, ang sakit sa dibdib ng mga nakikita ko. Agad na kaming nag tungo ni Devi sa cr para sumuka, nandon narin sila Fae, Alier at si Gab. Gabi! Halos ma-isula kona rin yung bituka ko!
Akala ko magiging masaya at maayos na ang lahat... Mukhang hindi pa pala, si Lucifer naman ay hindi ko pa nakikita dahil busy ata sa mga ginagawa nya. Mahalaga ata yon kaya di ko na muna sya guguluhin, si Demon? Ewan ko... Di ko parin sya nahahagilap eh, pero sana ay maayos na sya ngayon.
Hays! Sino ba yung babae kanina? Pati yung tinutukoy nya? Bakit naman nila ako binabantayan? Naiilang na tuloy ako sa tuwing kumikilos ako dahil paniguradong binabantayan nila ako, sila ba yung mga nararamdaman kong naka-titig saakin? Pero sa palagay ko ay tatlo sila! Kasi ayun ang naramdaman ko mula nung pumasok ako dito.
Sino ba sila?