CHAPTER 5
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 5: "UNGGOY"
FRANCE LOPEZ
Nauna nang pumasok sila Devi sa first subject namin, nag paiwan ako dahil inaantok paako ng kaunti. Nang magising naako ay naligo naagad ako at nag damit na, mejo binaba ko yung skirt para kumportable ako.
Natatakot pa kasi ako kay Demon, lalo na yung nangyari kahapon. Sariwa parin sa utak ko yun, kasalukuyang nag lalakad ako dito sa hallway.
Walang estudyante dahil oras na ng klase, nakarating naako sa room namin at nadat-nan kong walang guro. Nakita ko sila Devi na nag kukwentuhan, nabaling ang tingin ko kay Demon sa dulong bahagi ng room.
Nakita kong nakatingin din sya saakin kaya napaatras ako, tumayo sya at bumilis ang tibok ng aking puso. Lalapit na sana sya saakin pero bigla nalang akong tumakbo...
Diko alam kung saan ako pupunta ang alam ko lang ay naka labas naako ng building, dinala ako ng aking mga paa sa kakahuyan. Hindi naman gaano madilim dahil tirik na tirik ang araw, hingal na hingal ako at nag pupunas ng pawis sa noo ko.
May nakita akong malaking puno at may dalawang duyan ang nakasabit sa sanga non, napakunot ako ng noo dahil merong duyan? Pinuntahan ko iyon at naupo sa kanang duyan...
Ang hangin ay katam-taman lang at ang mga punong hinahangin ay rinig na rinig ko, napaka payapa dito. Pumikit ako at huminga nalang ng malalim, natatakot parin ako kapag nakikita ko si Demon.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ng boses, agad akong tumingin sa likod ko pero wala. Wala akong nakitang kung ano
"Up here young lady" Tumingala ako at may isang lalaki ang naka upo sa sanga ng puno, dali-dali syang bumaba na parang "Unggoy" Wala sa sariling sabi ko.
Ang galing nyang bumaba, parang kala mo si spiderman, nilapitan nya ako at tinitigan na parang sinu-suri ang buong pagka-ta ko.
Naka white polo shirt sya, black pants with messy hair, naka rubber shoes din sya na white. Matangkad sya at moreno, malapad ang balikat nya, ibang-iba sya sa itsura ni Demon, baby face kasi itong lalaking toh. Mukha nga syang cold and nerd
"Sino ka? Parang ngayon lang kita nakita dito?" Tanong ko saka upo ulit sa duyan, pumunta naman sya sa harap ko kaya naka tingala ako sakanya ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Ulit nya "May klase ah" Dagdag pa nya.
Huminga nalang ako nang malalim at hinahayaang padampiin ang mga hangin saaking pisnge "Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sabay dilat.
Shems! Nasan na sya? Inilibot ko ang aking mata at ulo pero wala na sya, saan yun nag punta? Di man lang marunong mag goodbye! Haysss! Ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko at nag pa duyan-duyan nalang.
-
*Nag ring yung bell*
Ilang oras na pala akong nandito, tumayo naako at pupunta na sa next subject namin. Maraming student ang nag uuasp-usap sa mga bench na nadadaanan ko...
"Nakita ko sya kanina. Parang lalo nga syang pumogi eh"
"Oh M! Babalik nanaman kaya ang madugong away?"
"Kalerki! Nakakatakot na mga sis"
Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan nila, ano nanaman ang mangyayari? At sino naman yung pinag-uusapan nila? Tskk! Kasalukuyang nag lalakad naako ngayon sa hallway, nakita ko si maam ivy sa harap kaya sinabayan kona.
"Maam ivy, sorry po di ako nakaattend ng klase kanina" Pag hingi ko ng paumanhin kay maam ivy.
"Okay lang iha" Ngumiti sya "Oonga pala, may pinagawa akong quiz kanina sakanila. Ito oh humabol ka" Wika ni maam ivy sabay abot saakin ng quiz paper.
Kumaliwa na si maam ivy, ako naman ay pumasok na sa second subject namin. Haysss! Nang tignan ko ang paper quiz ko ay napamura ako. Shems! Diko maintindihan toh! Umiikot ang mga letra saa utak ko, wala akong magets!
Tinanong ko sila Devi kung ano yung sagot nila pero sabi nila is zero! Zero ang nakuha nilang score. Tsk! Wala na talaga akong maaasahan.
-
Nakalipas ang isang oras at recess na, sila Devi ay nag tungo na sa cafeteria habang ako naman ay nag tungo sa duyan kanina. Wala kasi masyadong tao duon kaya mas gusto ko dun, tulad ng kanina ay naupo ako sa duyan. Iniisip kung ano ba ang isasagot ko sa quiz nato!
"Kailangan mo ng tulong?" Dali-dali kong binuklat ang mga mata ko at tumambad sa hatap ko si unggoy este yung lalaki kanina..
Naupo sya sa tabi ko sa kabilang duyan, "Alam mo bato?" Tanong ko sakanya saka ipinakita ang paper quiz ko.
Tumango lamang sya at kinuha ang paper quiz ko, "Sagutan kona toh ah" Sabi nya. Pumayag nalang ako dahil mukha naman syang matalino.
Ako ay nag du-duyan lang habang sya naman ay sinasagutan ang paper quiz ko, parang nga alam na alam nya eh. Seryoso lang ang mukha nya habang ako ay may pa-pikit-pikit pa dahil sa mahinang hangin.
Ilang minuto ang naka lipas at binigay nya na saakin ang paper quiz ko. "Sure kaba na tama lahat toh?" Tanong ko habang pinag mamasdan ang paper quiz ko.
"Sapakin moko pag zero ang nakuha mong score" Malamig na wika nya, tumayo sya kaya napatingin ako sakanya.
"Teka aalis kana?" Tanong ko, "Saglit! Ano ba ang pangalan mo?" Dagdag kopa.
"Malalaman mo din yan" Giit nya saka alis na, pinag masdan ko lang sya habang nag lalakad, hanggang sa lamunin na sya ng dilim.
-
Sa dorm naako dumiretso, dun narin ako kumain na parang aso. Sana naman ay tama tong quiz ko! Sasapakin ko talaga si unggoy! Pero feeling ko ay tama toh, sana nga...
Naligo naako at ibinag-sak kona ang katawan ko sa kama katabi ni Devi, si Fae and Alier ay parang linta kung mag-akapan, si Gab naman ay nasa labas ata, diko pa kasi sya nakikita eh.
Shems! Diko makalimutan si unggoy ang lakas ng aura nya at ng apil nya, napaka cute ng mga cheeks nya kumpara kay Demon na umiigting yung panga. Diko naman sila kinukumpara pero kasi... Ewwan! Basta!
Hindi ko magawang makatulog! Parang tumira na sa utak ko si unggoy, ano kayang pangalan nya? Hayss! Pa misterious pa!