CHAPTER 7
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 7: "THE LEADER OF DARK CHAOS"
FRANCE LOPEZ
Wala kaming pasok ngayon, kasalukuyang nag lalakad kami ngayon apunta sa plaza, kung saan may court and bench. Dun tumatambay lahat ng nag-aaral sa university nato.
May mga senior students din akong nakikita dito minsan, iba ang kulay ng blazer nila saamin kaya alam kong senior ang iba.
Nasa malayo palang kami pero nakakarinig naagad kami ng mga tilian at sigawan, ang daming estudyante ang tumatakbo papunta sa plaza.
"Ano nanaman ang ganap?" Tanong ni Devi. "Tara dali, may papakilala ako sa inyo" Sambit ni Gab na para bang exited na exited sya.
Ang daming tao ang nag kukumpulan pabilog, nag bigay sila ng daan para kay Gab. Nasa likod nya lang kami na walang kaalam-alam, bumilog ang dalawa kong mata nang makita ko ang lalaking naka tayo sa gitna. Sa likod nya ay may mga naka maskarang lalaki din, pero sa kanan naman yung kanila, kulay red at ginto na pinag halo ang kulay nito.
Lumapit samain ang lalaki "Gab?" Wika nya sabay hampas sa balikat ni Gab, close sila ni unggoy?
"Mga peks.. Si Lucifer" Sabi ni Gab.
"Hi! Devi is my name" Masayang sambit ni Devi
"Alier pare" He smile
"Fae, Alier's Girlfriend" Maarteng sabi nya.
Tumingin saakin si unggoy este Lucifer? Nag hihintay ng sasabihin ko, maging sila Devi ay naka tingin narin saakin.
"Ah.. F-france Lopez" Pagpapakilala ko.
"Good to see you all" Walang emosyong sambit nya.
Hinila ni Gab si Devi papunta sa mga lalaking naka maskara, si Alier naman ay hinila si Fae papunta sa bench.. Ahh wala bang hihila saakin?
"Nice to see you again.. France" Malamig na sabi nya. "S.. Sorry" Wala sa sariling sabi ko
"For what?" Takang tanong nya. "Ah ano.. Kasi.. Tinawag kitang u-unggoy" Nauutal na sabi ko.. Well diba dapat naman akong mag sorry?
"Okay-" Di na nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla nalang may tumapik sa likod nyang lalaking naka maskara at bumulong sakanya. "Maiwan muna kita France" Wika ni Lucifer sabay alis na.
Naupo na kami nila Devi sa isang bench, may mga nag lalaro ng basketball at may mga naka upo sa damuhan. Sila Lucifer naman ay nakatambay sa ilalim ng malaking puno, parang may pinag-pupulungan.
"Demon? Lucifer? Kakaibang pangalan" Natatawang sabi ni Devi. Umiling nalang si Gab, "Sila ang dalawa sa may ari ng unibetsidad nato" Seryoso nyang sabi, lumingon naman kami sakanya dahil interidsado kami sa kukwento nya.
"Actually apat silang may-ari ng school nato, si Demon, Lucifer, Satan at si Lucio. Ang mga ama nila ang nag pagawa nito, lahat sila ay makapangyarihan at kilala. Lalo na ang ama ni Lucifer nasi Mr. Cassiano, sa sobrang kasakiman ng ama ni Lucio ay pinatay nya ang mga kaibigan nya na ama nila Demon, Lucifer and Satan. Hawak ngayon ng tatlo ang titolo at kapangyarihan, gustong agawin ni Lucio lahat-lahat kaya sya naging kaaway nila Lucifer. Nagka-watak-watak ang mag kakaibigang sila Demon, Lucifer and Satan dahil sa--" Napatigil sya at para bang kinakabahan na may masabi syang mali.
"Ah basta.. Galangin nyo sila Demon and Lucifer" Sambit ni Gab.
Ahh ganon pala yun! Sila pala ang may-ari nitong pisteng school nato! Tsk.
Nag-lalandian si Alier and Fae sa kanan ko habang si Gab naman ay sinusuyo si Devi, hays! Ano nanaman kaya ang ginawa ni Gab? Dipa sila ni Devi pero bugbog sarado na agad sya.
Nabaling naman ang paningin ko kay unggoy este kay Lucifer na naka tayo at naka sandal sa puno habang nag si-sigarilyo. Yuck! Napa-sulyap sya saakin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Ahhh!" Lahat kami ay napatingin sa loob ng court dahil may babaeng tumili, ang dami agad naki chismis. Lahat sila ay nag takbuhan papunta duon, at kami naman ay syempre! Pumunta din...
Nang mapunta kami sa harap ay tumambad saamin ang lalaking naka higa at walang malay, may sak-sak sya ng pana sa kanyang noo.
Kulay itim ang pana pero ang dulo nito na matulis ay may pula, alam kong hindi dugo.
Humati sa gitna ang mga tao kaya napagilid kami nila Fae, nangunguna si Lucifer sa daan habang nasa likod nya yung mga naka maskara.
Agad nya hinugot ako pana sa noo ng lalaki at sinuri ito. "F*ck" Bulong ni Gab, shems! Ang dami na talagang alam ni Gab.
"Ang aga-aga. Gusto nyo agad ng gyera?!" Sigaw ni Lucifer na umalingaw-ngaw sa buong paligid.
Lahat kami ay natameme at walang gustong mag salita, ket nga pag hinga ng lahat ay pinipigila nila eh. Hinawakan ni Lucifer ang pana at shems! Nahati sa gitna yung pana. Tumingin-tingin sya sa paligid na parang may hinahanap, ganun din ang ginawa nang mga naka maskara pati narin si Gab.
"Anyari?" Mahinang tanong ni Devi, walang sumagot kaya napasimangot nalang si Devi, hayss! Ang etuc!
"Lahat ay bumalik na sa kanya-kanyang dorm nyo!" Utos ni Lucifer, Agad namang nag laho ang mga tao sa paligid kaya wala kaming nagawa kungdi ang bumalik nalang sa dorm.
-
Nakatitig lamang ako sa bintana, si Devi ay nakaupo nag hahanap ng signal, si Fae ay nag me-make up, si Alier ay tulog nanaman. At si Gab, syempre wala nanaman
Walang katao-tao sa paligid, napaka tahimik lang at may mga armadong lalaki ang nag papaikot-ikot sa paligid, naka itim silang lahat at naka face mask.
"Ano kayang meron?" Biglang tanong ni Fae, "Hayss daming ganap. Ayaw naman mag kuwento netong si Gab, kainis" Inis na sambit ni Devi habang kinakalikot ang selpon nya.
"Ang pogi nung Lucifer noh?" Patanong na sabi ni Fae... Oo pogi sya, ehr?
"Tsaka si Demon" Dagdag pa ni Fae, nakita ko namang tumaas ang kilay ni Devi kaya napa ngiti nalang ako.
Well oonga may point ka Fae, pogi naman talaga sila pero ang layo nila sa isat-isa, si Demon ay parang lagi nalang galit, umiigting yung panga nya,laging naka ngiti. Habang si Lucifer naman ay halatang cold harted, lagi blangko ang ekspresyon nya, nerd din sya kung manamit. Pero mga shir, and merm ang fogi! Akr!
Wala kaming ginawa kungdi mag titigan at mag usap lang, tsk! Ang boring na dito. Gustuhin man naming lumabas ay di pwede!
May mga naka bantay sa paligid, lagi silang nag papa-ikot-ikot kaya mahirap maka takas.
-
Gabi na at kakadating lang ni Gab, may dala syang pagkain kaya nag salo-salo na kami. Pawis na pawis din sya kaya nag punas muna sya bago umupo.
"Gabriel anong meron?" Tanong ni Devi sabay subo ng lomi. "May umataki kanina.. Hinanap namin pero wala eh" Sagot ni Gab.
Teka ano? Hinanap namin? Namin?
"Bat kasama ka?" Takang tanong ni Alier, "Kasali ako sa Dark Chaos" Halos maibuga ko na yung tubig dahil sa sinabi ni Gab... Ano?