Chapter 10
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
DEVILISHLY MAY's P.O.V
"Hi miss." wika ko sa isang babae.
"Bakit po?" tanong nya.
"Bakit sila nag tatakbuhan at saan sila pupunta?" takang tanong ko.
"Ah sa likod ng academy." sagot nya.
"Bakit , anong meron don?" tanong ko.
"Nag lalaban kasi yung section ni King Zeus at King Drugo." sagot nya.
Napakamot naman ako sa aking noo. "Doon ka rin ba pupunta?" tanong ko at tumango naman ito. "Tara sabay na tayo." wika ko saka ko sya hinila.
At sa wakas nakarating nadin kami dito sa likod ng academy.
Hindi ko sila makita kung paano sila makipag bugbugan dahil maraming studyante ang nakapalibot sa kanila.
"Tara doon tayo." wika nya saka nya ako hinila.
"Ako mo na yung aakyat." wika nya saka naunang umakyat sa puno.
Nang tuloyan na itong maka-akyat ay umakyat na rin ako.
Di naman ako na hirapan kasi naka White t-shirt at pantalon lang ako.
Nang tuloyan na akong maka-akyat sa puno ay nakita ko sila na marami na silang mga pasa at sugat sa kanilang mga mukha .
"Hoy , saan ka pupunta?" sigaw na tanong nya.
Tumalon kasi ako. "Diyan ka mo na." pabalik na sigaw ko saka tumakbo papalapit sa maraming studyante.
"Excuse me."
"Pa-daan."
"Excuse po."
"Tabi."wika ko sa ibang studyante , hanggang sa makita ko na sila na nag rarambulan.
Nanlaki naman agad yung dalawang mata ko ng may nakita akong isang lalaking nag labas ng katana.
Akmang isa-saksak nya ito kay Bansa , Ngunit naka ilag si Bansa sa kaniya.
"HOY TUMIGIL NA NGA KAYO!" inis na sigaw ko.
Napa-tigil namn sila , except kay Haring Tanda at Kuya Drugo.
"HOY TIGIL!"
"KUYA DRUGO!"
"HARING TANDA!"
"DRUGO!"
"ZEUS!"
TONGONO! nakailang tawag na ako sa kanila , Ngunit patuloy parin silang nag bobug-bugan.
Nang dahil sa inis ko ay lumapit ako sa kanilang dalawa.
"O-Ouch!" mahinang daing ko ng ako yung nasuntok ni Haring Tanda na dapat para kay Kuya Drugo kaya napasinghap yung ibang istudyante.
"SABING TUMIGIL NA KAYO EH!"
*blag*
*blag*
Nang dahil sa inis ko ay sinuntok ko silang dalawa kaya napahiga ang mga ito sa damuhan.
"Mag si-alisan na kayo." malamig na wika ko sa mga istudyante.
At nag sitakbuhan naman ang mga ito paalis.
"At kayo!" turo ko sa mga matatanda. "Pumunta kayo sa clinic." wika ko. "At kayo din." turo ko sa kasection ni kuya Drugo.
"AT KAYONG DALAWA!" turo ko kina Haring tanda at Kuya Drugo. "Mag si-tigil kayo!" malamig na wika ko saka sila tinalikuran at naglakad.
"Tsk!"
"Oh ano pang tinutunganga niyo?!" inis na tanong ko sa kanila.
Di ko kasi naramdaman na sumunod ang mga ito sakin kaya binalikan ko silang dalawa.
"Babae ka ba talaga?"
"Sakit non ah, gaano ba katigas yang kamay mo?"
Naka-tulalang tanong nilang dalawa kaya nairap ako.
"Hindi lang yan yung matitikman niyo hanggat di kayo titigil!" malamig na wika ko saka nauna ng mag lakad.
***
"By the way, ako nga pala si Eliza." pakilala nong babaeng naka-sama ko kanina hanggang ngayon.
"I'm Devilishly." wika ko sa kaniya.
"Sige, kita kits nalang tayo mamaya. May klase pa kasi kami eh." paalam niya.
Tumango lang ako saka ngumuti sa kaniya.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay naglakad na rin ako.
***
"Baby teacher, naman!" pagmamaktol ni Leoniel
"Masisira yung kapogian ko nito eh!" inis na wika ni Winzel.
"Hoy Bata , di ka ba naaawa sa amin?"wika nila kaya napairap ako.
Sabi kasi kanina ni Dean sakin ay ako na ang bahalang mag bigay ng parusa sa kanila.
Ilang bisis na kasi nilang nilabag yung isa sa mga rules dito sa academy.
At yung rules na iyon ay ang pakikipag rambulan na wala sa arena.
"Okay madali lang naman akong ka-usap eh, pero sa isang condition." seryusong wika ko.
"Ano yon?" tanong nila.
"Sasagutin niyo lahat ng mga tanong ko." wika ko.
"Ano ba yung tanong mo?" tanong nila.
"Tara sa room muna tayo." wika ko at naunang nag lakad.
"So , what is it?" tanong ni Haring Tanda.
"Anong dahilan kung bakit kayo palaging nag aaway?" unang tanong ko.
Nag si-iwas naman ang mga ito ng tingin.
"At sino yung tinutukoy ni Kuya Drugo na pinatay niyo?"
"Hindi kami ang pumatay sa babaeng yon." agad na sagot ni Hanz.
"So kilala niyo nga kung sino siya?" tanong ko.
"Yup." malamig na sagot ni Haring tanda.
"So sino nga siya?" tanong ko.
"She's Driana, Drugo's twin."
What?!
"H-huh?"
"Teka nga! Akala ko ba kapatid mo yung Drugo'ng yon, Bata?" tanong ni Calyx.
"Half." sagot ko.
"Pero bakit hindi alam ni mom at twin bro na may twin din si kuya Drugo?" takang tanong ko.
"May kambal ka?" gulat na tanong ni Bansa.
"Oo." deretsong sagot ko.
"Sino?" tanong nila.
"Yung lalaking nag hatid sakin dito noon." wika ko kaya napa-tango sila.
"Wait, eh kung hindi kayo yung pumatay. Sino?" takang tanong ko sa kanila.
"We don't know." sagot ni haring tanda.
"Kung hindi niyo alam , eh bakit parang alam na alam ni kuya Drugo na kayo ang pumatay kay Driana?" takang tanong ko.
Nag kibit balikat lang ang mga ito saka nag si-upo da kanilang mga upuan.
"Eh kung sabihin niyo kay Kuya Drugo yung totoo, na hindi kayo ang pumatay kay Driana." suggest ko sa kanila.
"Na subukan na rin namin yan , ngunit di nya kami pina-pakinggan. At mas lalong nagagalit lang ito." wika ni Aron.
"Bakit , may proweba ba siya upang kayo ang husgahan ni pumatay kay Driana?" tanong ko.
"I think he have." wika ni Haring Tanda.
"Dahil kung wala, hindi na-sira yung aming pinag-samahan." dagdag na wika ni Leoniel.
So mag kaibigan pala sila noon?
"Meron ba kayong picture ni Driana?" tanong ko.
"Wala." sagot nila.
"But she have a scar on her neck." sagot ni Haring Tanda kaya napatingin ako sa kaniya.
"Matangkad, morena, at conyo mag salita?" pag papatuloy ko.
"Alam mo namn pala eh, bat nag tatanong kapa?" takang tanong ni Bansa kaya napa irap ako.
"Hoy saan ka pupunta?"
"Hey little, come back here."
Rinig kung sigaw nila nang tumakbo ako palabas ng room.
Kailangan kung maikomperma kung si
Driana ba at si Ate Rhiana ay iisa.
..
Votes and comments are highly appreciated!ð
Follow me on my social media accounts;
Fb: Maystearypiece Wp
Gp: Maystearypiece Story Updates
Pg: Maystearypiece Stories