Chapter 10 Unfocused
One Stormy Night
" You seem to be distracted JJ, what's wrong with you? You are not supposed to be like that , tell me is there any problem?" Mattie asked her. Ito ang photographer niya ngayon sa photoshoot na ginagawa niya para sa Maybelle's, siya kasi ang napailing endorser ng mga ito sa bagong product ng make up na ilalaunch nang mga ito.
" Am I bad?" Aniya at sinilip ang mga kuha nito sa kanya, hindi niya sinagot ang tinatanong nito.
" I'm not referring to your pictures JJ. You have a very remarkable and stunning beauty and your photos were all good and people will be able to see that once this ad had it's release, but there's something different on you, I just can't pinpoint where , but really JJ, that is not so you."
" It's nothing that I can't handle Mattie. Just a mild headache," pagdadahilan niya dito. Though Mattie is one of those friends na naestablished niya sa kanyang career as a model, hindi naman niya gustong dito isambulat ang lahat ng sama nang loob na nararamdaman niya magmula pa noong umalis siya ng Pilipinas dalawang linggo na ang nakararaan.
And worst is, Paul is not here also! The minute her feet landed on US was the same time that Paul's feet had it's feast on the Philippine. Nagkasalisi silang dalawa.
And Paul said that he can't go back, dahil marami itong natanguang shows doon para sa iba nitong mga modelo, and that would take him at least a year to finished all those contracts that he have on hand.
And knowing Paul, he will not jeopardize nor bypass those contracts, lalo pa ngayon at naibenta na pala nito ang pinakamalaking shares nang MuMendres.
" Are you sure?" Mattie looked at her intently.
" Yeâ," natigilan siya sa pag sagot ng biglang bumukas ang pinto ng studio at humahangos na lumabas doon si Nasie, ang kanyang assistant cum PA. "What's the rush , Nasie?" Amuse na tanong niya dito.
" T-the new b-boss is here," humihingal na sagot nito. " And he's looking at you JJ!"
" Huh?" Kumunot ang noo niya, hindi niya alam na nandito ba pala ang bagong may-ari ng MuMendres at saka bakit naman siya agad ang hahanapin ng bagong "boss" daw nila? Espesyal lang ang peg. " Why me?"
Umiling-iling si Nasie. " I have no idea, but you really need to go and meet him, he looks mad though J." Bakas sa mukha nito ang pagkabagabag, she got curious though kung ano ang meron sa taong iyon at ang carefree at wild na si Nasie ay kinabahan pagdating dito.
" Masakit ang ulo ko Nasie and Mattie knows that, at saka wala naman na akong hold dito sa Mu dahil hindi na ako empleyado dito so I don't see any reason for me to meet up with your boss. At saka bakit hindi na lang siya magpatawag ng meeting sa board of directors, at least doon may malalaman siya about the company. " Napapikit siya ng pumintig ang ulo niya dahil sa sakit. Inihilig niya ang ulo sa headrest ng kinauupuang silya, ang kamay niya ay bahagyang hinilot ang sentido.
" But JJ, that man is mad! At base sa itsura niya kanina he looks very eager to see and talk to you. Hindi ang board ang gusto niyang makausap. Ikaw lang daw. Wala siyang ibinigay na rason basta gusto ka niyang kausapin at kung hindi ka pupunta he threatened to fire all the people who's working here na hinire ni Paul. Please JJ pumunta ka na at baka tine-terrorise na nun si Sally." Sally is Paul's long time secretary at alam niyang ipinangako ni Paul dito na kahit na anong mangyari ay mananatili ito sa puwesto nito bilang sekretarya ng MuMendres kahit na iba na ang magmamay-ari dito.
She sighed. That freaking man! Hindi pa man niya ito nakikilala ay naaasar ma agad siya dito. How can he be a monster to give threat just like that sa mga taong wala namang ibang ginusto kundi ang magkaroon ng stable job?
At hindi niya kayang tikisin ang mga taong ito, because they are the one who accompany her sa lahat ng mga nangyari at pinagdaanan niya sa buhay. They are friends na itinuring na niyang mga kaibigan.
And now their fate relies on her ng dahil lang sa kabaliwan ng isang tao.
Muli siyang bumuntong -hininga at saka nagmulat ng mata. Tiningnan niya si Mattie at Nasie na parehong nakatunghay sa kanya.
" Okay fine! Pupunta na. If I just didn't love and care for you guys, I wouldn't give a damn kung gibain man ng taong iyon ang buong MuMendres. Goodness, hindi naman na ko parte ng company na ito!" Muli niyang himutok , she pursed her lips at saka tumayo at tinungo ang pinto ng studio.
Nasa pintuan na ang kamay niya ng tawagin siya ni Nasie. Lumingon siya at hinintay ang sasabihin nito.
" What?"
" FYI JJ, that man is lethal. Ingat ka baka mabiktima ka." Kumindat pa si Nasie sa kanya.
She rolled her eyes ceiling ward. " I don't give a thinkers damn about that asshole." She answered at tuluyan nang lumabas ng studio. Hindi na niya pinansin ang pagpapalitan ng makahulugang ngiti sa labi ng dalawang kaibigan.
Nang makarating sa opisina nito ay naabutan niya si Sally na halos hindi na maipinta ang mukha palakad-lakad ito sa puwesto nito, bakas sa itsura ang takot na nararamdaman.
" JJ, finally your here," Sally's face lit up at parang nawala ang tensyon dito ng makita siya nitong papasok.
" What's going on Sal? Bakit ba ako hinahanap ng boss mo?" Takang tanong niya dito. Her eyebrows furrowed at mababakas ang iritasyon at pagod sa kanyang mukha.
Tired physically and mentally!
Bago pa nakasagot si Sally ay tumunog na ang intercom sa lamesa nito.
" Send Miss Perkins in!" A smooth commanding baritone voice ordered from over the line. " Now!"
Jhossa threw a shocked glanced at Sally, " How did he know that I â"
" CCTV, JJ. Sige na pumasok ka na at baka lalo pang magalit yan kapag pinaghintay mo pa ng matagal." Sally urged at halos ipagtulakan na siya nito papasok sa opisina, ipinagbukas pa siya nito ng pinto. " Sir, andito na po si JJ." Sally called the attention of the man. Nakatalikod ito kaya naman hindi niya mabistahan kung ano ang itsura nito.
" Leave us!" Hindi lumilingon na utos nito, napasimangot na naman siya. This man is so rude. Saang lupalop ba ng mundo nanggaling ang taong ito at bakit ganito ang inaasta nito?
And heavens! His voice sounds so familiar. Parang kaboses ni Kyshaun. Pero paano namang mangyayari iyon? Nasa Pilipinas ito at milya-milya ang layo ng America dito.
She shrugged and erase that thoughts. Napaka-imposible namang mangyari ang bagay na iyon.
Sally looked at her with concern on her face bago nito tuluyang isinara ang pintuan .
" Sit down Miss Perkins," he instructed. Hindi pa rin ito humaharap sa puwesto niya.
Jhossa's irritation went to the highest level. Ito ang may kailangan sa kanya at gustong kumausap sa kanya pero ito pa ang may ganang hindi siya pakiharapan ng maayos.
" What do you want?" Pilit niyang itinago ang nararamdamang inis, but deep inside she's boiling up. Buwiset na lalaki.
" Sit down first Miss Perkins. Ayokong kausapin ka ng nakatayo ka."
What the ?
Imposible!
But it's possible. Lalo na ng pumihit ito paharap sa kanya.
And the familiar face of the man who haunts her in her sweetest dream and even on her beautiful nightmare appears in front of her.
Napaawang na lang ang labi niya sa gulat.
At pagkamangha.
" Do you really think that by going in America, you can escape from me honey? I really don't think so!" His voice sarcastic as he stares at her coldly.
" What the â?" Jhossa exclaimed bago kinain ng kadiliman ang buong kamalayan niya.
A/N
Midterms always makes my head spin in 360 degree.. buti na lang tapos na....
Next stop, thesis and final exam....
Missed both Ky and JJ?
Your thoughts?
Sinnersaintbitch