Chapter 16 KD's Promises
One Stormy Night
Kyshaun stared at the house that he just bought. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang bahay na ito. Lots of good memories were pile up in this house.
Nilingon niya ang swing na nasa kaliwang panig ng solar, his jaw clenched ng may alaalang biglang pumasok sa isip niya.
" Simple lang naman ang pangarap ko hon. Grumaduate sa college , pero syempre dapat sa graduation ko nandoon ka ah. Maipagpatuloy yung business ni daddy, para makapag-retire na siya and then makapag-travel na sila ng mommy para naman hindi na masyadong mainit ang ulo 'nun. Makapag-patayo ng jewellery shop. Maging asawa ka at magkaroon ng anak na ikaw ang daddy." Humilig si Jhossa sa balikat niya. Isiniksik nito ang sarili sa kanya .
Pinagsalikop ni Kyshaun ang kamay nila ng kasintahan. He was happy to hear her say her dreams to him
" Do you really want to be with me hon? I mean do you want to stay with me forever? Kasama ba talaga ako sa lahat ng mga pangarap mo?" He asked Jhossa who was comfortably leaning against him. Marahan niyang inuuga ang duyan kung saan sila ngayon naka-puwesto.
" Ano ka ba? Syempre naman no! Ikaw ang gusto kong makasama, mapangasawa at maging ama ng mga magiging anak ko. Gusto ko kasama kita hanggang pagtanda natin. Ikaw ang kabuuan ng mga pangarap ko Ky. Mahal na mahal kaya kita, kaya nga sobrang saya ko kasi ibinigay ka sa akin eh. And I know ikaw na talaga ang para sa akin. Destiny tayo eh." She said with a big smile at humarap sa kanya. Her smiling face always lit up his heart.
Marahan siyang napahugot ng hininga ng magtama ang mga mata nila ng kasintahan. Hanggang ngayon he was still mesmerized kapag napagmamasdan niya ang napaka among mukha ng kasintahan.
Parang kailan lang noong sinabi niya kay Dylan na hindi niya gusto ang isang katulad ni Jhossa hindi dahil sa kung anumang dahilan but because he doesn't like what Jhossa could do to her. Pero heto siya ngayon, head over heels in love with this crazy, fun, loving, young woman.
At aminin man niya o hindi, Jhossa is his happiness also. Sa kasintahan niya nakikita na binubuo niya ang mga pangarap niya na kasama ito.
And he once promised na kung kanino man niya maramdaman ang kasiguraduhan ng damdamin niya ay ito na ang paghahandugan niya ng lahat-lahat sa kanya.
And he has no doubt that it would be his hon.
Dahil si Jhossa rin ang kabuuan ng mga pangarap niya.
He cupped her face in his hands and trace her the outline of her beautiful face down to her sensual lips that were slightly parted, napakaganda talaga nito at kahit kailan ay hindi siya magsasawang pagmasdan ang napakaamo nitong mukha.
" Mahal na mahal kita Jhossa Joud Perkins. And I promise that I'll atone myself to you and only you. I also promised na kahit na anong mangyari hinding hindi ko hahayaan na may sumira sa kung ano man ang meron tayo. Just promise me na kung ano man ang maging problema, maliit man iyon o malaki, hindi ka mangingiming lumapit sa akin at magtanong at ganoon din ako sa iyo. Before I believe someone sisiguraduhin ko na natanong na muna kita, and promise hon I would never doubted you and I will always believe in you. Always! Tandaan mo iyan."
Her face beamed with so much happiness at nakangiting tumango ito.
" Sabi mo yan ah!"
" Promise. Cross my heart," sagot ng binata, planting a soft kiss on her temple.
Jhossa closed her eyes. The happiness that she felt was visibly written on her face.
Nakapikit pa rin siya kaya naman hindi niya nakita ng may hugutin mula sa bulsa niya si Kyshaun.
" I love you so much hon. And someday given the chance, lahat ng mga sinabi mong pangarap mo nandoon ako. I will be your husband and the father of our soon to be children. So I suggest that while waiting for that to happen, will you please do an honor of wearing this ring?" He slipped a tiffany ring on her fingers that fitted so perfectly on her. Napangiti siya ng makitang napaawang ang labi ni Jhossa dahil sa gulat.
" W-what's this?" She asked totally confused.
" That's a promise ring hon. It's also symbol of how much I love you at nakapaloob din diyan ang mga pangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko at na hinding-hindi kita pababayaan, I will never let you cry, not if I can help it kahit na anong mangyari." He whispered and embraced her so tight. Kasama ang pangako sa sarili na tutuparin niya ang lahat ng mga ipinangako sa kasintahan.
Namalayan na lang ni Kyshaun na nakatayo na siya malapit sa puwesto ng swing kung saan pinapalipas nila noon ni Jhossa ang oras nila, everytime that he visits her.
Yes! This is Jhossa's house na kasamang inilit ng bangkong pag- aari nila, it has been made as a collateral noong mga panahong nangutang ang ama nito para pantustos sa kompanya nitong unti-unting nalulugi.
Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya at binili niya ang bahay na ito. Clearly sa kanya na ito, pero may ipinabago siya sa mga papeles kaya naman kinakailangang bilhin niya ito ulit para maging malinaw kung sino ang talagang magmamay-ari ng bahay at lupa in case maisipan ng dating kasintahan na bawiin ito o kaya ay bilhin.
Napatiim-bagang siya ng muli niyang pasadahan ang swing na saksi sa mga pangako nila ni Jhossa sa isa't-isa.
He clenched his jaw habang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na labing-isang taon.
Sinubaybayan niya si Jhossa. True to his promise, he had been able to fulfill some of it.
Hindi nga lang siya nagpapakita.
He was there ng namatay ang magulang nito, watching from afar habang pinagmamasdan ang kasintahan ng ihatid nito sa huling hantungan ang daddy at mommy nito.
He knows that she was devastated during that time pero ni hindi niya nilapitan para aluin ito. Never try to hold her in his arms and say that everything will be okay dahil naroon naman siya.
Because that time ay galit na galit siya dito, at iyon ang pagkakamali niya.
Nagpakain siya sa galit niya. Nabulagan siya ng emosyon at hindi na naalala ang pangako niya na ito lang ang paniniwalaan niya.
And before he even realized his mistake ay wala na ito, after she graduated from college ay umalis na ito ng bansa at itinuloy na ang pagiging modelo.
At nakuntento na siya na tingnan na lang ito sa malayo, while she continue that damn modelling of her na unti-unting nagpasikat dito at nagpatanyag upang makilala ito hindi lang locally but internationally. She was an overnight sensation at magpahanggang ngayon ay taglay pa rin nito ang kasikatang iyon. While he was trying so hard to forget her, his damned mind and heart wouldn't listen to him. It always stay rooted on her. Palaging ito ang isinisigaw ng bawat himaymay ng pagkatao niya. Samantalang ang dalaga ay nakapag move-on na sa kanya, dahil kabi-kabila naman na ang nababalitaan niyang nakaka date nito.
That's when he decided to use a different approach on her. Ginamit niya ang galit niya dito upang makalapit sa dalagang naging sobra ang ilap.
She has become his obsession. At naging misyon na niya ang pahirapan ito.
He even buy MuMendres because he wants to cut her ties to that Paul Mendres, siya ang lalaking kasama ni Jhossa sa litrato. Ang lalaking ipinalit nito sa kanya. But he was way too late dahil hindi na pala hawak ng agency na iyon ang kontrata ni Jhossa. Still he manage to shake Paul Mendres businesses and he was thinking that by letting Paul fall down ay mas masasaktan niya si Jhossa lalo pa at nalaman niyang hanggang ngayon ay nananatili ang closeness ng dalawa.
And he wants to break both of their neck sa sobrang galit niya dito kaya naman kahit hindi kasama sa kontrata ng MuMendres ay inalok niya kay Paul ang kontrata sa Pilipinas, just to make sure na hindi na ito palaging nakakalapit kay Jhossa.
And now she is back in the country, at ayon sa mga impormasyong nakalap niya she is back for good.
Tinuldukan na nito ang halos isang dekadang pagtatago sa America. Which of course cause him to celebrate. At least kapag narito na ito sa Pilipinas ay wala ng hadlang sa mga plano niya na pahirapan ito.
Bahagya siyang napaigtad ng biglang tumunog ang cellphone niya, letting him wake up from his deep thoughts. Hinugot niya ng cellphone mula sa bulsa at sinagot ang tawag.
" What?" He asked using his strict voice.
" She's leaving the vicinity sir, ayon po sa asset natin, she get bored that's why she decided to go to Missha." Imporma ng tauhan niyasa kanya.
" Which direction she use?" Tanong niya, habang naglalakad papunta sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Mabilis siyang sumakay dito at pinaandar iyon at kung tama ang kalkulasyon niya ay baka nga makasalubong pa niya ang dalaga sa may sanggang daan.
" North sir! She's using a Mercedes-Benz Black Convertible."
" Okay keep distance, baka mahalata kayo."
Parang malalaglag ang puso ni Kyshaun ng makita ang pagbulusok ng sasakyan ni Jhossa sa pagsisikap nitong iwasan ang sasakyan na biglang lumitaw sa harapan nito.
Hindi niya alam kung sino ng pasasalamatan niya ng makitang imbes na sa konkretong dingding ay sa pumpon ng basura nito naisiro ang sasakyan.
And when he was back to reality ay agad niyang tinakbo ang distansiya niya at ng pinangyarihan ng aksidente.
He opened the door and called her name.
Agad ang galit na naramdaman niya ng makita ang itsura nito.
Jhossa was shivering in pain, and in terror.
Tang Ina eh kahit naman sino siguro ay kakabahan kapag may nangyaring disgrasya sa iyo.
At iyon ang hindi niya mapapatawad.
No one has the right to scare her or put her into that kind of situation.
Malilintikan talaga sa akin kung sino man ang may pakana nang nangyari ngayon.
I swear . I will haunt them ang give them a surprise they never imagine they will have.
Mabuti na lang din at mabilis ang reflexes niya, dahil agad niyang nasalo si Jhossa ng unti-unting pinapanawan ng malay.
Shit! Was his thought habang inililipat si Jhossa sa kanyang sasakyan. Tuluyan ng nahimatay ang dalaga.
Double shit!!
ðªðªð¯