Back
/ 78
Chapter 32

Chapter 30 Missing You But Hating You

One Stormy Night

Jhossa spend the rest of her week peacefully and quietly, but it is very dull. Wala kasing baliw na Kyshaun na nang iistress sa kanya at magpapa-alala sa kasunduan nila.

After kasi ng nangyari sa opisina ng binata ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanya, para pa ngang iniiwasan na naman siya nito.

At nagsisimula na naman siyang mapikon dito.

Is it possible na may sinabi na naman si Crizel dito noong iniwan niya ang dalawa para mag-usap? Her mind couldn't accept the fact na maaaring meron nga at pinaniwalaan na naman ito ni Kyshaun kaya nawalan na naman ito ng interes sa kanya at sa bagay na napagkasunduan nila.

Akala pa naan niya nilinaw na niya sa usapan nila na kailangang siya muna ang paniwalaan nito bago ang ibang tao, but sad to say it seems that history was just repeating itself again.

She sighed at inilugmok ang sarili sa kama niya. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa sa kanilang dalawa ni Kyshaun. Why can't he learn to trust her first before anything else?

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Tinatamad na inabot niya iyon at binasa ang message na nag flash sa screen.

It was from Glayssa, Shey and Angelica halos iisa lang ang laman ng mensahe ng mga ito and the message was written like this.

Miller Hospital now, Michelle is in danger, we need some helping hand ASAP.....

Nanlaki ang mata niya sa nabasa at agad na dinagsa ng kaba ang dibdib niya.

Shit! What could possibly be wrong?

Mabilisan siyang nag shower at nagbihis, habang nagbibihis ay tinawagan niya si Shey at doon ay nakompirma niya ang nangyari kay Michelle kahit na pautal-utal ang pagsasalita nito, narinig pa niya ang pag- hikbi nito pati na ang pag-iyak ni Umaga.

Kahit na may takot pa rin siyang nararamdaman ay napagpasiyahan niyang gamitin na lang ang sariling sasakyan because there is no time to call a taxi. Kinuha niya ang susi ng convertible niya at mabilis na minaneho iyon papuntang Miller Hospital.

Her heart squeeze painfully when she saw what happened to her friend, physically she is beaten almost black and blue and she acquired so many bruises all over her body na ikinagitla niya.

Oh my God! Naitakip niya sa bibig ang kamay upang hindi kumawala ang singhap na hindi niya napigilan.

Mas natuon ang pansin niya sa sinapit ng kaibigan.

She was so shocked on seeing Michelle on this state, she is not used to this. Never was, never will!

Mas malala pa ito kaysa sa aksidente niya. Tripleng higit dahil marahil ang gumawa nito kay Michelle ay gustong maniguro na hindi makakapanlaban ang kaibigan.

But she is tough, narinig niyang napuruhan nito ang isa sa attacker nito.

" You are one brave woman babe. Pagaling ka kaagad okay," mahinang bulong niya sa tenga nito.

Kyshaun was agitated. Mula sa nangyari kaninang rescue kay Michelle at hanggang dito sa ospital sobrang dami ng nangyari at hindi niya malaman kung paano ba kakalimutan ang mga pangit na pangyayari ngayon , isa pa sa pinoproblema niya ay hindi niya pa nakakausap muli si Jhossa, nagagalit siya dito dahil sa nakita niya pero wala naman siyang lakas ng loob na kausapin ito kaya naman dinadaan na lang niya sa kunway hindi pagpansin dito pero hindi naman niya maiwasang hindi ito isipin.

Katulad ngayon, alam niyang alam ni Jhossa na naroon lang siya sa iisang lugar kung saan naroon din ito, but she just refused to acknowledge him kahit pa pakunwari.

And damn mother fucker! Sa inaasta nito ay parang siya pa ang may nagawang mali dito.

Fuck it!

Damn it! Why does it even have to be so complicated? Balik na naman ba sila sa umpisa? Tang-Ina naman talaga! Nakakatang-ina lang talaga.

" What did you just say? " magkapanabay na tanong ni Jhossa, Glayssa at Shey kay Dylan. Pare-parehong nanlaki ang ng mga mata nilang magkakaibigan dahil sa tila bombang ipinasabog nito sa harapan nila.

" Kasal kayo? Kailan pa? " it was Shey, her eyes wide habang pinaglipat lipat ang tingin sa walang malay na si Michelle at kay Dylan na nakahawak sa kamay ng kaibigan.

" Bakit hindi namin alam ang bagay na iyo? " Jhossa asked na hindi pa rin makapaniwala. Nakapako rin ang mata niya kay Dylan.

" How did it happen? " Glayssa said her hands clutching her big belly dahil kabuwanan na nito. " Oh my God manganganak ako sa inyo ng wala sa oras eh.." napabaling tuloy silang lahat dito.

Agad na lumapit si Meg sa asawa at umalalay dito " Easy babe, don't stress yourself .. I'm sure Dylan has the explanations, hindi ba pare.." baling nito kay Dylan.

Nasulyapan niya si Angelica who just rolled her eyes at hinayaan ang kapatid na sumagot lihim na ngumisi ito at tinitigan ang walang malay na kaibigan nila na nasa hospital bed.

" I married her five years ago, " panimula ni Dylan. His eyes focused on Michelle's still sleeping form. A tender smile formed on his lips habang binabalikan siguro sa isip ang mga pangyayari noon. " She was the epitome of a woman I wanted to share the rest of my life with at noon ko pa yun narealize kaya nga hindi ko na siya pinakawalan pa, but we were just a struggling medical students before kaya natakot si Michelle na ipaalam sa inyo ang mga plano namin. Gusto niya kasi established na kami sa mga napili naming field bago namin ipaalam na ikakasal na kami, but hey I'm just a man who wants to be with his woman every minute of every passing day and I'm not letting her get off the hook without me.. that's when I decided to bring her to a secluded church, and ask her if she could marry me in a haste.. without anything... including you guys.. oh well alam naman namin kasi na maiintindihan niyo ang rason kung bakit nagawa namin ang bagay na iyon."

Tahimik lang ang lahat habang patuloy sa pagkukuwento si Dylan. No one wants to interrupt na kahit na ang pinakamaingay na si Shey ay nagawang tumahimik.

" Judge Camposano, a friend of my father married us secretly and we had a blissful happy married life kaya lang may nangyari at kinailangan kong iwan si Michelle para maprotektahan siya.."

" This is the part when you left her without saying anything right ?" nananantiyang tanong ni Jhossa. " I believe that's also the worst part of her life at nagkaroon na siya ng trust issue sa kahit na sinong tao.."

Tumango- tango si Dylan. " Yes, that is the part that I really hated the most, dahil kahit hindi ko gusto na masaktan siya wala akong choice kundi sumunod sa iniutos sa akin and deliberately hurt her on purpose.." napahigpit ang hawak ni Dylan sa mga kamay ni Michelle..

" Ang labo Dylan... you just said na ayaw mo siyang masaktan but why leave her at limang taon ka pa talaga nawala huh .." nakatikwas ang kilay na tanong ni Shey.. Hindi na ito nakatiis sa pananahimik lang kaya nagsalita na ito.

Bumuntong hininga muna si Dylan bago nagpatuloy.. " I was instructed by her parents na layuan muna si Michelle. Apparently they know that we secretly wed ourselves at natakot ang daddy niya for her safety..."

" Lalong nagiging magulo Dylan .." Glayssa intervened.. " Paanong naging banta sa safety ni Michelle ang marriage ninyo..? " she asked confused.

" Because Armeo happened.." he answered nakikita nila ang pagtatapos ng bagang nito at ang pagpipigil ng galit.

" And who the hell is Armeo..? " sabay sabay ulit na tanong ng tatlo, seriously pare- pareho ba ng takbo ang utak nilang magkakaibigan ?

" Armeo is the man who is obviously carrying a torch for my wife to the point na na obsessed na siya dito. He learned the truth between me and Michelle, apparently Michelle's dad owed that man a lot at ang gusto nitong maging kabayaran ay si Michelle mismo at ng malaman niyang kasal kami ay tinakot niya ang magulang ng asawa ko na papatayin sila at pati na rin ang anak nila... her dad was truly afraid dahil alam niyang kayang gawin ni Armeo ang lahat mapunta lang sa kanya ang kinababaliwan nitong babae and that is my wife.. and he'd rather see Michelle's dead than happy with someone "

" Baliw nga talaga siya " Shey murmured. Jhossa and Glayssa both gasped in shock

Tumango si Dylan.. " Yes insanely crazy.. And I believe na siya rin ang may pakana nang mga nangyari ngayon kay Michelle..."

" How sure are you pare..?" Meg finally butt in.

" Hundred percent.. I run into Kyshaun at sinabi niya na natiyak na ng father niya na may kinalaman nga si Armeo sa dalawang lalaking dumukot kay Michelle.. and I swear to all the gods that I know ako mismo ang papatay sa lalaking iyon kapag nagkaharap kami.. " his voice full of determination and anger habang muling pinagmamasdan ang itsura ng asawa, iniwas na lang niya ang paningin ng marinig ang pangalan binanggit lang nito.

" Oh my!... we didn't know na may ganyan na palang nangyayari sa buhay ng babaeng yan. We all thought na tahimik ang private life niya iyon pala ay may demonyong nagpipilit na makapasok sa sistema niya..." obviously Glayssa is angry habang nakatingin kay Michelle.

" Do you know the whereabout of this Armeo man..?" Shey asked

Umiling si Dylan.." Matinik ang hayop na iyon.. Hindi ipinapakita ang mukha niya sa publiko.. it was always a dummy na nakukuhanan ng picture posing as him kay hindi pa namin alam ang concrete na pagkakakilanlan sa taong iyon. Her dad knows him kaya lang noong huli niya raw na nakita si Armeo he was barely eight twenty years na ang nakalipas noon and since then sa telepono na lang daw sila nagkakaroon ng transaksiyon at kung minsan naman ay mga bodyguards nito ang kumokolekta ng interest nito sa mga pautang nito ayon na rin sa mga sources. Mahirap hulihin but I believe kilala ni Michelle ng personal ang lalaking iyon dahil halos lahat ng galaw niya sa ospital at sa kahit na saan siya magpunta ay alam na alam nito.."

" May pinagdududuhan ka ba..? " Meg asked, inakbayan nito ang asawa na matamang nakikinig sa sinasabi ni Dylan.

" Isa lang ang taong alam ko na may ganoong paghanga sa asawa ko kagaya ng kay Armeo.."

" Sino? " five pairs of inquiring eyes looked at him. Lahat ay naghihintay sa pangalan na babanggitin nito.. very eager to know the name of the person na maaring may kinalaman sa nangyari kay Michelle.

Ang paglipas ng mga araw ay talagang naging kabagot-bagot para kay Jhossa. Talaga yatang kinalimutan na siya ni Kyshaun dahil hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Kung bakit hindi man lang ito nag abalang kamustahin siya at ang usapan nilang dalawa is still a puzzle to her, kaya naman talagang nasemento na sa utak niya na baka nga may sinabi na naman si Crizel na talagang nakapag-pabago ng isip ni Kyshaun kaya naman back to square one na naman ang dama nilang dalawa.

And for the last couple of months na walang Kyshaun na umaaligid-aligid sa kanya ay naging automatic routine na lang sa kanya ang mga ginagawa niya sa araw-araw.

Para na siyang robot na naka program na ang lahat ng ginagawa.

Sa umaga ay nasa Engraves siya ang tried to occupy herself sa trabaho. She always made sure na pagod na pagod siya upang hindi pumasok sa isipan niya si Kyshaun, na pagdating niya ng bahay ay mahihiga at matutulog na lang siya without worrying or thinking about that pest of man.

Katulad ngayon she was in Engraves, pretending to get busy kahit hindi naman because Kyshaun thoughts filled her at kahit pa sobrang dami ng tinanggap niyang trabaho na halos hindi na makita ang ulo niya dahil sa mga naka tambak na papers sa kanyang mesa ay heto pa rin siya at tulala lang na nakatingin sa cellphone niya.

She was waiting for Kyshaun to call, and she was tempted to make a call to him.

Either way napapraning pa rin siya.

Kung bakit ba naman kasi talagang kasing labo ito ng kalawang eh, hmmp!

Hindi nga niya alam kung paano natagalan na hindi man lang kausapin at tanungin ito because she is so afraid of rejection. Baka mamaya kapag nagpunta siya kay Kyshaun ay mangyari na naman ang nangyari noon. Hindi na nga siya pinakinggan itinaboy pa siya at hindi pinaniwalaan.

She was busy choosing of  what to do ng biglang magbeep ang message tone niya.

It was from unknown number.

Hey sorry to interrupt you JJ but can you please go to Miller Hospital now, it's about Michelle and it's urgent please... Dylan

Nasa ospital na naman si Michelle? What could be the problem now?

" Sav, sa Miller lang ako. Kapag hinanap ako ni Paul tell him that I'm running some errands okay," paalam niya sa kaibigan ng mapadaan siya sa puwesto nito.

" Have you sign the papers that I ask you to sign?" Savannah asked.

Umiling siya. " Nasa kotse ko yung kontrata, I need to reread it Sav, there's a clause in there na hindi ko masyadong maintindihan. I think I need some advise from a lawyer, contact someone you knew then set up a meeting later pupunta ako after ko sa Miller." She told her at mabilis nang lumabas ng gusali.

She will just checked on Michelle then she will be off to that meeting.

Nadatnan niya sa labas si Shey at Angelica na kasama si Zachary, ito rin ang nagbalita sa kanya na ayos na raw ang kalagayan ni Michelle kaya naman nakahinga siya ng maluwag at agad na pumasok ng silid nito.

She gasped suddenly ng pagpasok niya ay nahampas ng pintuan ang papalabas namang si Kyshaun.

She wanted to say sorry pero naalala niya ang pambabalewala nito sa kanya kaya ang planong paghingi ng paumanhin ay nakulong sa lalamunan niya bagkos ay inirapan niya ito at saka dumiretso sa kama ni Michelle.

Kasabay naman noon ay nagsalita si Kyshaun.

" Whatever fucker! Dito lang ako sa labas may masamang hangin akong nalalanghap, if I were you mag iispray ako baka contamination ang dala ng pumasok " tinitigan pa muna siya nito ng masama bago tuluyang lumabas ng silid, but she barely spare him her attention.

But her heart couldn't stop complaining.

Dahil nasaktan na naman ito ni Kyshaun.

Kyshaun stared at the hospital windows, kasama siya ni Dylan nang isinugod na naman nito ang asawa kanina sa ospital because Michele had some panic attack na naging dahilan ng pag- sakit naman ng tiyan nito and Dylan immediately panic also dahil na rin siguro sa kalagayan ng asawa nito.

He was with Dylan dahil naisip ito na bantayan muna niya ng asawa nito, habang inaasikaso ang sana'y pormal na pagsasampa ng kaso kay Armeo at pati sana sa ilang legal matters na may kaugnayan sa ospital, but since the memory of her brutal attack comes to form in Michelle's mind ay nagpanic ito ng husto, kaya naman pati ang kaibigan niya ay nataranta at agad na pinagnaneho siya mula sa bahay ng nga ito hanggang dito sa ospital.

And he was busy and dead tired. Ilang linggo na rin siyang walang tulog dahil sa pagtulong kay Dylan tungkol sa kaso ng asawa nito.

Pati ang pagkompronta kay JJ ay hindi na niya nagawa.

Naalala pa niya ang nangyari noong sundan niya ito upang iassure ito na hindi naman niya papanigan si Crizel, that he only wants to clear the air between him and that woman pero  mukhang minasama naman ito ni Jhossa,  but he was also stunned ng pagdating niya sa bahay nito ay nakita niya itong kausap at kayakap ang Paul Mendres na iyon.

He doesn't want to jump to any conclusion but his jealousy attcked like a possessed madman, he was about to lunge in them kaya lang tumawag sa kanya si Dylan, and the rest is history.

At talagang nawalan siya ng oras na balikan si Jhossa. Ngayon nga lang lumuluwag ang oras niya kaya mapaplano na naman niya ang mga gagawin kay Jhossa.

You disobey me hon, face the consequences of that, he whispered to himself.

Ibinaling niya ang paningin kay Dylan na kasalukuyang kausap ng doktor, kinumpirma ng doktor ang hinala ng kaibigan na buntis nga ang asawa nito and he couldn't contain his laughter ng makita ang natatarantang itsura nito.

" I never thought na darating ang araw na makikita kong natataranta ang isang Dylan Chase  Miller because of a woman."

" Fuck you Kyshaun ! Hihintayin ko ang araw na ikaw naman ang malalagay sa sitwasyon ko ngayon.." bulyaw sa kanya ni Dylan na tinawanan lang nila ng doktor.

Lalong lumakas ang tawa niya.." That would never happen.." buong kompiyansiyang sagot niya at pumihit na para lumabas, eksakto namang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa doon si Jhossa na nagulat dahil natamaan siya nito dahil nasa malapit na siya sa pinto. " Fuck !" he exclaimed dahil sa gulat and was ready to fume ng makilala niya ang pumasok.

It was her.

Mukhang nagulat din ito pero agad na nakabawi dahil hindi siya nito pinansin.

Jhossa just looked at him, pagkatapos ay umismid ito, halata pa rin ang disgusto sa mukha nito at dumiretso na sa kinahihigaan ni Michelle.

It was Dylan's turn to laugh " You were saying..?"

Napatiim bagang na sinundan niya ng tingin ang dalaga but Jhossa wouldn't spare him a glance,  asar na lumabas si Kyshaun. " Whatever fucker! Dito lang ako sa labas may masamang hangin akong nalalanghap, if I were you mag iispray ako baka contamination ang dala ng pumasok " tinitigan niya ng masama si Jhossa bago tuluyang lumabas.

" Don't mind—"

" How is she? Ano ba ang nangyari bakit nasa ospital na naman kayo ?" Jhossa cut Dylan  off hindi nito pinansin ang sasabihin sana nito.

Napabuntong hininga si Dylan. Siguro iniisip nito kung ano ba ang dapat na gawin sa kanilang dalawa ni Kyshaun dahil talaga namang hindi na sila nagkakaintindihan.

" Don't worry.. okay lang siya.. Sorry to bother you , pero bakit ka pa nandito? Sinabi ko kay Umaga na huwag na kayong abalahin pa eh " may pagtataka sa mukha nito at tila nagulat pa na nandito siya sa hospital, samantalang ito naman ang nagpupunta sa kanya diti

" You texted me.. sabi mo pa nga emergency and that you needed a hand para may kasama si Michelle dito hindi ba..." aniya na hinawakan ang mukha ni Michelle.." Poor baby, palagi na lang laman ng ospital.." medyo natawa siya sa huling sinabi. Natural nga lang pala na laman ito ng ospital dahil doktor nga pala ito.

Rumehistro ang kaguluhan sa mukha ni Dylan. Parang wala ito sa sarili.

" I..." Dylan was about to answer ng muling pumasok si Kyshaun sa loob ng kuwarto. Itinuon niya ang pansin kay Michelle at hindi tinapunan ng tingin ang pumasok na binata kaya naman hindi niya nakita when he signalled something to Dylan she just heard him cleared his throat.. . " I... y-yeah ... it was me.. salamat at nakarating ka..."  Dylan eyed his friend na nakatitig sa nakatalikod na si Jhossa. He mouthed fuck you na sinuklian naman nito ng dirty finger. Dylan shook his head. Malala na si Kyshaun.

" There seems to be no problem Dylan saka hindi mo naman yata ako kailangan dito, kaya aalis na ako. Just take care of Michelle okay.." she kissed Michelle's forehead at tumango sa lalaki bago nagmamadaling lumabas, not bothering to even take a glance sa lalaking nasa kabilang panig ng silid.

Nang makalabas ito ay binalingan siya ni Dylan.

" Gago ka talaga, ano pang ginagawa mo diyan bakit hindi mo pa habulin. Papupuntahin mo dito tapos hahayaan mong umalis na lang ng basta basta.." Dylan scolded him,

His eyes flashes uncertainty , gusto niya itong sundan. Gustong -gusto! But there's something in him that stops him from doing so." Malaki na iyon, kaya na niya ang sarili niya.." iyon na lang ang isinagot niya sa kaibigan.

" Bahala ka.."  umiling-iling si Dylan sa sagot niya at binalingan na ang asawa na unti unti ng pinanunumbalikan ng malay..

Maybe not now. Dahil alam niya ang kapasidad niya kapag nilalamon ng selos ang buong sistema niya. Hindi na niya napapairal ang tamang pangangatwiran kung kaya naa madalas siyang nakapagbibitaw ng masasakit na salita, at ayaw niyang makapagbitiw ng kung anuman kay Jhossa sa ngayon.

Madadagdagan lang ang bigat na dinadala niya sa dibdib because of his uncontrollable, unthinking mouth.

Makukuntento na muna siya sa pagmamatyag kay Jhossa mula sa malayo.

" NO EFFING WAY Dy... Not in a million times na gagawin ko ang sinasabi mo dammit! " malakas na tutol ni Kyshaun ng pumunta si Dylan sa bahay niya para sabihin ang pabor na kailangan nito sa kanya.

Naihilamos ni Dylan ang kamay sa mukha. " Fuck napaka arte talaga ng gagong ito, akala mo guwapong guwapo kung makatanggi ka eh. Sapakin kaya kita. Kyshaun, my friend, ayaw ko rin namang ipagawa ito sa inyo eh kaya lang, matitiis mo ba na mawala sa akin ang napakaganda at buntis kong asawa at mamuhay ako ng walang direksiyon dahil lang hindi ka pumayag na isuot ang batman na costume at ipakita ito sa asawa ko." Tila nangongonsensiya pa ang itsura ng kaibigan.

" Tang ina mo Miller, huwag mo akong gamitan ng ganyang drama mo huh, nakakasuka 'yang arte mo, huh!"

" Pare naman sige na, para sa inaanak mo.." pangungumbinse pa nito .

Nag- aalangan talaga siya sa gusto nitong ipagawa sa kanya. He will be a laughing stock.

Pagkalipas ng ilang sandali ay napangisi siya at tumingin kay Dylan tila walang gagawing matino ang itsura niya base sa ngiti niya. " Sige papayag ako in one condition. "  He said stroking his chin in a very prominent style.

" Shoot.."

" Kailangan mo ring isuot ang costume ni superman para partners tayo..." sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.." Ang lagay eh ako lang ang magsusuot ng brief na nakapatong sa thights.."

Natawa si Dylan at itinulak siya sa puwesto ng sasakyan nito." Hindi ako ang partner mo ngayong gabi..." aniya ng nakapasok na sila sa sasakyan ng kaibigan.

" Uh -oh sino naman ang magiging partner ko, don't tell me its Kaizer or Zach..?"

Umiling ito at nilingon ang backseat kung saan nakaupo ang isa pa siguro nitong hiningian ng pabor.

" Ang tagal niyo naman. Nakakainip kayang maghintay dito.." Jhossa said tinanggal nito ang head set na nasa tainga at binati sila, and he almost shrinker to his seat in surprised. He stayed in his seat unmoving bago marahas na binalingan ang babae na nasa likod.

" Ikaw?..."

Ngumiti si Jhossa.." Hello Kyshaun, how are you doing?.." anito pero hindi na hinintay na sumagot siya at muling ibinalik ang headset sa tainga nito at ibinaling na sa labas ang paningin.

" No freaking way—" hindi pa rin makapaniwalang binalingan ni Kyshaun ng tingin.

" Wag ka ng magulo pare " Dylan said at pinaandar na ang sasakyan pauwi ng bahay ng mga ito . Angelica must be there already dahil ito ang inutusan niya para dalhin ang mga costume na kakailanganin nila.." Remember para kay Michelle ito at sa inaanak mo and of course sa iyong bestfriend..Me! "

" Fuck you Dylan.." Kyshaun muttered under his breathe..." Bakit hindi mo sinabi na ang babaeng iyan ang makakasama ko. Alam mo naman na ayaw kong makakasama ang manlolokong iyan.." tumingin ito kay Jhossa na busy sa katitingin sa labas ng bintana.

" Ano ka ba Ky...?  Eleven years na yang away niyong dalawa, give it a rest.. magpahinga ka naman sa galit na iyan.."

Sumandal sa upuan si Kyshaun at pumikit  saka nagbuga ng marahas na hininga ng magmulat ito ay wala ng emosyon ang ng mata nito.." Easy for you to say dahil hindi ikaw ang ginawang gago ng babaeng iyan. Hindi mo naranasan ang maloko at gawing siraulo dahil sa pekeng pagmamahal ng isang flirt at bitch at ng multiplayer na babae.."

Nakita niya mula sa rearview mirror ang bahagyang pag igtad ni Jhossa. Does it mean,  naririnig sila nito? But her face was blank and devoid of emotion. He shrugged his shoulder.. what's the use kahit pa marinig sila nito o hindi?

Wala namang magbabago.

Dahil muli inulit na naman nito ang panloloko at pagsisinungaling sa kanya.

But this time, hindi na galing sa iba ang ebidensiya niya.

Because he saw it himself!

And whatever chance he gave to him at para sa babaeng ito ay talagang nawala na ng tuluyan.

He is now keen on punishing her.

No emotions attached.

Gusto na lang talaga niyang gumanti.

At iyon ang gagawin niya.

After all she was still chained and compromised to the deal that they had months before.

He will use it to his advantage, to hell with reasons!

A/N

Another twisted plot..

I told you so...

Sorry kung natagalan ang Ud dahil kinonek ko na yung nga magkakarugtong na kuwento from my other stories ayun.

Hope you will like this.

Hayaan niyo malapit na itong matapos

Sinnersaintbitch

Share This Chapter