Chapter 36 Revelations
One Stormy Night
" Sa Engraves ako pupunta Kyshaun, hindi mo na ako kailangan pang samahan, that is my office and I know my way thank you very much." Sumasakit na ang ulo ni Jhossa, kanina pa siya nakikipagtalo sa binata at medyo napipikon na siya dahil hindi naman ito nakikinig sa kanya.
" Gusto kong sumama. And besides wala naman akong ibang gagawin ngayon eh, my day is free and I want to spend it with you." Parang walang anumang sagot ni Kyshaun, he was even relax while driving his car, at doon lalong napipikon si Jhossa.
Kung makaasta kasi ng lalaking ito akala mo ay talagang okay na okay na sila.
" Bakit ba gusto mo pa akong samahan ha? Hindi ka pa ba nagsasawa, for three freaking weeks ikaw lang ang nakasama ko. Give me a break!" hiyaw niya dito, naniningkit na ang mata niya sa asar at napapadyak pa siya ng paa.
Umiling si Kyshaun. " Paano ako magsasawang kasama ka, eh mas gusto ko nga yung ganoon. I just want to be by your side every second, every minute, every hour of everyday. And if it's possible, ayaw ko ng pakawalan ka,"
Napasimangot na talaga siya ng tuluyan. Sa loob kasi ng tatlong linggong nakasama niya ito sa iisang bahay, she was never really out of his sight.
Kahit saan siya magpunta nakasunod ito, kahit pa nga ba panay ang taboy niya dito ay hindi talaga siya nito nilulubayan. He was always on a striking distance at kaunting galaw lang niya ay naroon na agad ito.
For Pete sake! He was acting like he was her shadow, and its freaking the hellish out of her. Dinaig pa nito ang isang real life stalker, kaya lang ang kaibahan ay nagpapakita ito at hantarang ginagawa ang pagsunod-sunod sa kanya.
Galit pa rin siya kay Kyshaun at alam niyang alam iyon ng binata. Hindi naman iyon basta na lang nawawala, but something in her stirred lalo pa at nakikita naman niya ang pagpipilit nitong itama ang lahat ng mga naging pagkakamali nito.
And he always says sorry, lalo na sa marahas na ipinakita nito sa kanya noong puwersahan nitong angkinin siya, and of course sa mga ginawa nito at sinabi sa kanya noong mga panahong nabubulagan pa ito ng galit.
At hindi siya ganoon kabato para hindi matunaw sa mga ginagawa nitong effort para bumawi. But there is a wall that she built deep within her and she still managed to maintain her distance with him, kahit pa nga ba may mga oras na gusto na niya itong patawarin ay hindi naman niya magawa.
There is still a part of her that is hurting. Still hurting at alam niyang matagal na panahon pa ang kailangang bunuin para tuluyang maglaho ang pilat na idinulot noon sa kanyang pagkatao.
But Kyshaun understand at hindi naman nito ipinupuwersa na kunin ang patawad niya.
But he is persistent. And his persistence is starting to annoy her.
" You didn't even let me use my phone, you idiot! Hindi mo ba naisip na puwedeng hinahanap na ako ng mga taong nag aalala para sa akin."
" Mahina ang signal sa lugar na iyon. In fact wala ngang signal kaya anong silbi ng cellphone natin kung hindi rin naman magagamit kaya itinago ko na lang. Baka kapag ginamit mo iyon at mapikon ka dahil nga sa poor signal ay maihagis mo pa, not that I can't buy you another one pero sayang din 'yun, but don't worry hon, kapag doon na tayo nakatira I will construct a satellite para magkaroon ng signal ang mga phone natin doon." Kyshaun answered with a little bit of suggestion, na ikinataas nang kilay niya.
" Huwag ka ngang feeling diyan Kyshaun. At bakit naman ako titira doon sa bahay mo? Saan mo nakuha ang ideya na iyan?"
Kyshaun just smiled and winked at her at ipinokus na nito ang atensyon sa pagmamaneho. He even hummed na ikinainis niya lang lalo.
" Baliw!" Paangil na bulong niya at saka ibinaling na lang ang pansin sa pagtingin-tingin sa mga dinaraanan nila. Ganoon na lang ang naging set up nila hanggang sa makarating sila sa Engraves.
She did not attempt to climbed out of his car kahit pa nga ba iyon na ang gustong -gusto niyang gawin, hindi naman niya kasi mabubuksan ang pinto since it was power locked at tanging ang binata lang ang makakapagbukas 'nun since he has the key. Kaya naman kahit labag sa loob niya ay hinintay niyang pagbuksan siya nito ng pinto, at ng makalabas siya ng sasakyan nito ay dire-diretso siyang naglakad papasok ng Engraves at hindi na ito hinintay pa.
Pagkapasok pa lang niya ay sinalubong agad siya ng alanganing ngiti ng kanyang mga tauhan, tila nagdadalawang-isip pa nga ang mga ito dahil nakasimangot talaga siya at naka kunot noo pa.
Hindi niya pinansin ang mga ito at agad na siyang dumiretso kanyang opisina, hindi pa man niya nailalapat ng husto ang sarili sa kanyang upuan ay hayun na at humahangos na pumasok si Savannah .
" Jhossa, my God! Saan ka ba nanggaling huh? Hindi ka namin makontak sa phone mo, walang tao sa bahay mo, walang nakakaalam kung nasaan ka, even Paul have no idea of your whereaboutsâ," natigil sa pang interrogate si Savannah ng biglang pumasok din sa office niya si Kyshaun na nakasunod pa rin pala sa kanya.
" Hon you forgot your bag," he said at iminuwestra pa nito ang hawak na Hermes bag, " where should I put this?"
" H-hon? A-attorney Lewis? What's going on? Kayo na ba ulit?" Jhossa rolled her eyes sa nakikitang ekspresyon ni Savannah, napahawak pa ito sa umbok ng malaking tiyan nito and she really looked shocked upon seeing him here at her lairs.
" Huwag kang kabahan Sav, totoong tao yan at hindi multo. And to answer your question, yes siya ang kasama ko sa mga araw na nawala ako, kinidnap ako ng baliw na abogadong 'yan, at dinala sa lugar na hindi pa uso ang satellites at signal ng mga phone," matabang na sagot niya her eyes darted an angry looked at Kyshaun who just gave her a smug look at ang loko, tila balewala lang dito ang nagugulat na tingin na itinatapon dito ni Savannah. It was as if nag-e enjoy pa ito sa pagkamangha ni Savannah.
" K-kinidnap?" Savannah muttered still confuse, " how could that possibly be? Did he drag you out of your own free will, o tinakot ka niya? Teka hindi ba at abogado ka? Bakit mo naman kinuha si Jhossa ? Alam mo ang parusa sa ganoon hindi ba?" sunod-sunod na tanong ni Sav kapagkuwan, nawala ang pagkailang nito sa binata at ngayon ay nakapameywang na na humarap kay Kyshaun. Pakumpas-kumpas pa ang kamay nito na animo'y teacher na nanenermon sa isang eatudyante.
But Kyshaun just grinned at Savannah tila nag enjoy pa ang baliw sa mga panenermon nito. " Guilty as charged mam, but don't worry pananagutan ko naman po ang mga nangyari sa amin ng honey ko, lahat-lahat, every kiss and every touch not to mention every thrust that I made into her." he boldly answered na ikinalaki ng mata niya at ikinabaling ng tingin niya dito.
What the hell?
Ano ba ang pinagsasasabi nito?
Pakiramdam tuloy ni Jhossa ay pulang-pula na ang buong mukha niya, lalo pa at ng tingnan niya si Savannah ay halos mapanganga na ito sa gulat.
" Kyshaun! What are you saying?" She darted him a sharped look, but Kyshaun just gave her a lopsided grin that nearly melted her heart away.
" What?" He answered innocently. " I'm just telling the truth kay Miss Savannah here, gusto kong malaman niya na inangkin na kita at nakahanda akong pananagutan kaâ"
" Tumigil ka nga!" Napahampas siya sa lamesa niya. " Sav, please labas ka muna, may pag- usapan lang kami ni Attorney Lewis," napahilot siya sa sentido niya, parang gusto yata nitong sumakit ng todo dahil sa mga sinasabi ni Kyshaun.
Savannah gave her a sympathetic look bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina,
Pagkasarang- pagkasara ni Savannah ng pinto ay agad na tumayo siya at biglang nilapitan si Kyshaun, she slapped him hard sa dibdib nito.
" Ano bang problema mo huh? Bakit kailangan pang sabihin mo kay Savannah ang tungkol sa mga nangyari sa atin huh? Don't you know the meaning of the word Privacy? At saka bakit mo naman ako pananagutan? You didn't have to say that, wala ka namang pananagutan sa akin, bagay lang sa akin ang mga nangyari, hindi mo na kailangang ipagduldulan sa mukha ko yang sinasabi mong kabaliwan!"
" It's the truth, hon. I am more than willing to marry you. Hindi ko puwedeng isawalang bahala ang mga nangyari."
Umiling siya, " Hindi na kailangan pang umabot sa ganyan Attorney, hindi ko naman sinabi sa iyo na pakasalan ako, hindi naman ako naghahabol. What happened was inevitable, hindi maiiwasan but it's not a reason for us to marry off each other,"
" Bakit hindi?"
" Dahil ayoko!"
" And care to tell me why?"
" Kailangan ba may rason pa ako? Hindi ba puwedeng ayaw ko lang?"
Umiling si Kyshaun. " Hindi puwede ang ganoon hon. Tell me, bakit ayaw mo akong pakasalan, why can't you accept that idea?"
" Because I hate you!" She bursted out. Natigilan naman si Kyshaun at napatingin ng diretso sa kanya. She nodded at him. " I am sorry, pero iyon ang totoo eh. Galit na galit ako sa iyo Kyshaun. You took everything away from me. Y-you r-ruined me. Kaya paano sa palagay mo, kaya ko bang pakitunguhan ang nga bagay na sinasabi mo just because you say so?"
" Honâ"
Umiling-iling si Jhossa at humakbang paupo sa kanyang upuan.
" Umuwi ka na muna Kyshaun, J-just this once please, pakinggan mo naman ako. I need to think, sobrang sumasakit na ang ulo ko at hindi ko magagawang makapag-isip ng matino kapag palagi kang nariyan sa tabi ko, so please back off muna, okay?"
Kyshaun walked closer to her at ayun na naman ang pakiramdam ng dalaga na parang hindi makahinga ng maayos when he is near her.
Huminto si Kyshaun sa tapat ng kinauupuan niya. He squatted at pinagpantay ang paningin nila.
" Sige kung iyan ang gusto mo, I will leave just for now okay. Hahayaan muna kitang mapag-isa. I am so sorry hon, for being insensitive dahil hindi ko inisip kung ano ang nararamdaman mo, and believe me naiintindihan ko ang nararamdaman mo. I understand that you hate me, pero huwag kang mag-alala I am willing to do everything just to get your forgiveness. " Hinawakan nito ang kamay niya at ikinulong sa mga kamay nito, feeling his warmth.
" Salamat," she whispered.
" But don't forget hon, you are mine. No matter what the circumstances is, akin ka na. I already marked you as mine kaya kahit nakadistansiya ako, bear that in your mind. I am so possessive when it comes to you kaya huwag mo akong pagselosin ha," he warned her na kahit paano ay nagpangiti sa kanya.
Wala pa ring pagbabago.
" Baliw ka talaga. Sige na umalis ka  na, " pagtataboy niya dito. Pushing him lightly on his shoulders.
" Puwede bang pa-kiss,"
" Sapak gusto mo?" Iniamba niya ang kamao sa mukha nito.
Kyshaun laughed heartily, " Sabi ko nga eh aalis na ako." Anito at tumayo na. " I will be back okay."
Tumango siya. " Huwag kang mag- madali." She said na ikinasimangot ng binata. She just shooked her head at inginuso na ang pinto. Kyshaun reluctantly walked past it, at nang tuluyang makalabas ang binata ay saka pa lang siya tuluyang nakahinga ng maluwag.
What now?
Months had passed, at patuloy lang ang ganoong set-up nila Kyshaun at Jhossa. He even asked her if he can court her again, ang tawa niya talaga ng narinig na sinabi iyon ng binata.
Parang ang tanda na kasi nila para sa ligawan na iyon, at saka kahit naman paano ay okay na sila ni Kyshaun, though hindi nga lang one hundred percent okay, but at least she can say na may improvement naman ang mga ipinapakita sa kanya ng binata.
And she is indeed happy.
But maybe happiness is not really her forte.
" Paul, kailan ka pa dumating?" She asked nang sa pagdating niya sa opisina ay ito agad ang sumalubong sa kanya. " Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Sav na darating ka na. So how's your trip?" She asked happily at sinugod ito ng yakap. Na miss niya talaga ang lalaking ito. Ilang buwan din silang hindi nagkita dahil nag venture ito ng bagong business sa Italy.
" Eh di sana hindi ka nasorpresa ng ganyan. How are you, princess. Marami akong naririnig tungkol sa iyo ah, mukhang marami-rami kang ikukuwento sa akin." He hugged her back at hinalikan siya sa noo. Inakay siya nito paupo sa sofa. " I heard that you and Kyshaun are okay now, is it true?" Paul queried. His hands gently holding hers
" We are not that one hundred percent okay, but we are making a progress. He is different now, marunong na siyang makinig,"
'' Oh well, sana tuloy-tuloy na nga iyang pagkakaayos niyo ni Kyshaun dahilâ"
" Dahil ano Mendres? Anong gagawin mo kung sakaling hindi kami magkaayos huh?" Kyshaun voice thundered through her whole office.
Sabay silang napalingon ni Paul sa may pinto kung saan naroon ang binata. He took a long stride upang makalapit sa kanila at walang sabi-sabing hinila siya nito palayo kay Paul.
" At layuan mo si Jhossa." He shouted at Paul. " Wala kang karapatang hawakan ang pagmamay-ari ko,"
Jhossa can see the anger in Kyshaun's face at nararamdaman niya rin ang tensyon na inilalabas ng katawan nito.
" Kyshaun," She tried calling him, tried to catch his attention pero bingi ang binata.
Matalim ang tingin nito kay Paul, ayaw magpatalo and he was clutching her sides na halos ikinangiwi na niya.
" Pare nagkakamaâ" Paul didn't even finished his sentence when Kyshaun fist landed on his face.
Napatili siya ganoon din si Savannah na kapapasok lang sa opisina.
" Oh my God Paul!" She pushed Kyshaun at dinaluhan si Paul na agad na pumutok ang labi dahil sa lakas ng suntok ni Kyshaun. " Are you okay?"
" What's happening? Paul? Jhossa?" Savannah asked at inalalayan si Paul
" Ano bang problema mo? Bakit nanununtok ka kaagad? Can't you see si Paul 'yan, myâ"
" Yeah, I know that fucker. Isa siya sa mga boy toy mo eh. Kaya ba hindi mo ako makuhang patawarin ng lubusan dahil diyan sa gagong iyan? Bakit Jhossa, siya na ba ang ipapalit mo sa akin? Tapos na ba yung anim na buwan na trial period ko huh? Are you going to jump into bed with him?"
Nanlaki ang mata ni Jhossa. Hindi makapaniwala na heto na naman ang ugali ni Kyshaun. Nagpapauna na naman sa galit nito.
" Kyshaun, h-hindi ganoon,"
" Then what?" He shouted. " Are you his whore? Binabayaran ka ba niya para ipagamit yang katawan mo sa mga lalaking mapeâ" how she wished na kung gaano kalakas ang suntok na ibinigay nito kay Paul ay ganoon din kalakas ang impact ng pagsampal niya dito.
" I- I c-can't believe y-you." She choked back her sob. " Akala ko nagbago na yung pagtingin mo sa akin simula ng mapatunayan ko sa iyo na hindi ako ganyang klase ng babae, but once again you proved me wrong." Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya. All the pain that she felt came rushing to her once again. Making her heart squeeze painfully in her chest. " Bakit ba kasi napakadali para sa iyo na husgahan ako. Bakit hindi ka muna magtanong before jumping into any conclusion? Why do you have to call me names over and over again? Do I look like a whore? Do I prostitute myself on you?"
" Kunsabagay ano pa nga ba ang dapat kong asahan sa iyo? Nagawa mo nga akong kamuhian sa loob ng labing isang taon dahil sa katangahan mo, anong pagkakaiba ng sa ngayon?"
" You are fooling me Jhossa. You are leading me on!" Galit na bulyaw pa rin ni Kyshaun.
" I'm not!" Ganting bulyaw niya. Her green eyes matching the same darkness as his eyes.
" Do not take me for a fool. I saw you hugging and kissing each other tapos magkahawak pa ang mga kamay niyo, anong gusto nitong isipin ko? Na wala kayong relasyonâ"
" Dahil iyon ang totoo. Marumi ka lang talagang mag isip."
" That's bullshit!"
" I mean it! Oo may relasyon kami â"
" See! So the truth just finally unfolded, so talagang niloko mo lang ako,"
" Gago!" Lumapit siya kay Kyshaun and  pushed him palapit kay Paul at Savannah na pareho nang natulala sa panonood ng palitan nilang dalawa ng salita ni Kyshaun. " Oo may relasyon kami pero hindi katulad at kasing dumi ng iniisip mo. And after this I really don't think I can forgive you. Sinayang mo lang ang pagkakataon na ibinigay ko sa iyo Kyshaun."
" What? At ikaw pa talaga ang â"
" Meet Paul, my dearest brother, at si Savannah his wife," she introduced then softly.
At kung bomba ang pinakawalan ni Jhossa, then Kyshaun is smuttered into tiny pieces dahil sa gulat sa nalaman nitong sikreto.
A/N
'Em back...
Anebeyen..
Careful sa comments nakakatampo wahahaha...
Lalo na doon kay ikot-ikot lang....
Ayan special mention ka na huh... Last mo na yan!ðð
Sinnersaintbitch