Back
/ 78
Chapter 40

Chapter 38 Grieving Hearts

One Stormy Night

Kyshaun was frantic, bawat segundong lumilipas ay napaka- halaga sa kanya kaya naman mabilis ang kanyang mga naging pagkilos.

He didn't have the time to wail on self pity matapos niyang mapakinggan ang lahat ng mga sinabi ni Paul kanina.

First thing first.

Kailangan na muna niyang malaman kung nasaan na si Jhossa ngayon, because right after she slapped the truth on his face ay nawalang parang bula ang dalaga, and that is almost three hours ago.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinitigilan ang paghahanap dito.

He still have to thank Paul though, dahil kahit na talagang nakakagalit na ang mga ginawa niya laban sa kapatid nito, at tinulungan pa rin siya nito sa paghahanap kay Jhossa, by saying the names of those places na palaging pinupuntahan nito.

At kahit ang mga bahay na tinutuluyan nito ay itinuro rin ni Paul, and that's where he was heading nagbabakasakaling makita na ang dalaga.

Hindi na nga niya nagawang maisa-ayos ang pagpapark ng kotse dahil sa pagmamadali niya, dahil pagkikita niya pa lang sa bahay na tinutukoy ni Paul ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at sunod -sunod na nagpakawala ng malalakas na katok, sinabayan pa niya iyon ng pagtawag sa pangalan ni Jhossa.

" Jhossa!" He called her name over and over again, " Hon, please if you're in there just open the door for me please..!" He knocked again, even more harder this time at talagang sinubukan niya rin kung mabubuksan niya ang pinto, by clicking it's knob.

" Ay ser! Wala 'hong tao diyan. Hindi pa po nauwi si ganda, baka ho nagpunta sa kapatid niya at sinasamahan ang hipag niyang buntis," anang isang katulong na nakatira sa katabing unit ni Jhossa.

Shit! Pati ang katulong na ito alam ang relasyon ni Paul at Jhossa? Anong klase siya, bakit hindi niya nalaman ang katotohanang iyon?

Was it because he was too damn busy relinquishing all of his pain sa dalaga kaya hindi na siya nakapag isip ng tama?

O sadyang tama lang talaga si Jhossa? Dahil totoo namang napakatanga niya para sa isang nag aral ng abogasya.

Damn! Mas nanaisin pa niyang masampal at masaktan ni Jhossa kaysa naman ganito na halos lahat nang taong nakakakilala dito ay ipinamumukha ang kahangalan na ginawa niya sa dalaga.

Bagsak ang balikat niya sa narinig na sinabi ng katulong. " Galing ako sa bahay ng kapatid niya," he said lying through the skin of his teeth, " hindi rin daw doon galing si Jhossa. Baka naman hindi mo lang siya napansin noong dumating siya."

Umiling ang katulong, " Nakow, sir! Malalaman namin kung dumating  na si ganda. Palagi iyong nadaan diyan sa grotto at nag-aalay ng mga bulaklak doon, at hindi pa iyon sumablay kaya nasisiguro ko na wala pa 'yun sa bahay niya."

Sasagot sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Dali-daling niyang hinugot iyon mula sa bulsa at sinagot ang tawag. It was Paul.

" Nasa bahay ng kaibigan mo ang kapatid ko. Ang sabi niya magpapaalam lang daw siya kila Shey and then she will leave."

" Leave? Bakit?" Kyshaun asked, agad siyang sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar yun patungo sa direksyon ng bahay ni Kaizer.

" She didn't say though, pero may pakiramdam ako na nagpapaalam na sa akin ang kapatid ko. You need to do something Kyshaun. Matagal na panahon na puro pasakit ang idinulot mo sa kanya. This time I'm counting that you can bring back her happinesses. Her true happiness , I mean!"

" I will," he answered, his face full of determination, mas binilisan pa niya ang pagmamaneho ng kotse, pagkatapos kausapin si Paul ay tinawagan naman niya si Kaizer. His friend pick up after a ring .

" What's up bud?" Kaizer asked. " Tagal mo ring hindi nagparamdam, busy ka pa rin ba sa kapaparusa at kapapahirap sa mahal mo?" Kaizer added sarcastically.

" Fuck you, Brockwell!"

" No thanks man. Mas gusto ko pa rin ang asawa ko keysa sa iyo," humalakhak pa ito sa kanilang linya.

" Damn it, umayos ka nga Brockwell! Nasaan ka ba? Andiyan ka ba sa bahay niyo ngayon?"

" Nasa SL ako. Maraming paperwork's na natambasi misis kaya ginagawa ko muna, alam mo na buntis 'yun kaya ayokong maistress siya, anyway bakit mo tinatanong?"

" I heard that Jhossa is in your house kaya papunta na ako roon. I need to see and catch that woman," Kyshaun answered, his voice held urgency again.

" Shit man, huwag kang pupunta ng bahay, galit sa iyo ang asawa ko dahil sa ginagawa mo sa kaibigan niya, baka mabaril ka ni Shey nang wala sa oras,"

Kaizer told him.

" Nah man! Wala akong pakialam sa galit ng asawa mo. What more important to me is to get to Jhossa and talked to her."

" Why do you need to talk to JJ? Why the sudden interest? Binabalaan kita Kyshaun, not in front of my wife. At saka puwede ba kung ano man ang ginagawa mo kay Jhossa, tigilan mo na. Hindi mo ba talagang puwedeng kalimutan na lang ang mga nangyari noon, move on brod it's eleven years since that shit happens, move on "

" You're so talkative Kaizer. And besides

I'll do nothing except to get my woman," may diin sa tinig niya ng sagutin ang kaibigan.

" Should I believe you? Eh sa nakalipas na taon wala ka namang ginawang maganda para kay Jhossa eh. Puro pamamahiya ang ginawa mo—"

" Shut it Kaizer! I'm going there to apologize!" Naibulalas niya dahil sa asar na biglang naramdaman.

Sandaling natigilan si Kaizer sa kabilang linya bago natawa ng pagka, he sounded so amuse ng muli itong nagsalita." Apologize really? Bakit? Don't tell me nauntog ka na, at nalaman mo ng ang totoo, o baka naman panibagong palabas mo na naman iyan to lure Jhossa to do whatever you want?"

" No this time I mean it!" He seriously said. " And I'll do whatever it takes mapatawad lang ako ni Jhossa."

Kaizer sighed, " I don't know what happened , at kung bakit niyang nagbago ang ihip ng hangin, but I'm happy that finally some senses took the courage to knock that stupid brain of yours moron. Daanan mo ako sa SL convoy na lang tayo pauwi. Mas maganda pa rin kung kasama mo ako sa pagpunta sa bahay para maagapan ko kung anuman ang balak gawin sa iyo ng asawa ko."

" Thanks man!" He said then disconnected at pinaharurot na tila hangin ang sasakyan patungo sa SL.

Malayo pa lang ay natanaw na agad ni Kyshaun ang dalawang babae na papalabas sa bahay nila Kaizer, he immediately recognize Jhossa kaya naman mas binilisan pa niya ang takbo ng kotse dahil sa hinuha niya, those two women were already saying their goodbyes. Bagama't habang papalapit sila ay nakikita niya na parang pag-aalangan ang asawa ni Kaizer na paalisin si Jhossa.

" Jhossa Joud!" Malakas na tawag ni Shey pero sinaluduhan lang ito  ni Jhossa at agad ng sumakay sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito palabas ng solar ng mag asawa, kasabay naman noon ay ang magkasunod na paghimpil ng sasakyan nila ni Kaizer.

" Is that Jhossa?" Agad na tanong ni Kaizer pagkababa nito ng sasakyan.

Tinaasan ni Shey  ng kilay ang asawa. " Eh ano naman kung si Jhossa yun? Why the sudden interest?" Anito at napasimangot pa ito ng makita na bumaba rin siya sa kotse niya. " What are you doing here, Lewis?" Pinameywangan siya nito.

" Tell me , Shey. Saan pupunta si Jhossa?" Kyshaun asked, his expression dark and depressed, desperately seeking for an answer.

Umismid lang si Shey, halata ang disgusto nito sa kanya. " Wala akong pakialam sa iyo, Lewis ha. And don't use that tone on me, nasa bahay kita. Baka hindi kita matantiya ngayon , lalo pa at ikaw ang dahilan kung bakit hindi na magpapakita sa amin ang kaibigan namin."

" What? What the hell are you talking about?" He asked dangerously.

" Letse ka! Don't play dumb asshole, kasalanan mo ang lahat, and I don't really care kung hindi na magpakita pa sa iyo si Jhossa. Serves you right and screw you! " Her eyes darted him a stone look bago nagmartsa papasok. Binalingan nito si Kaizer na amused na nakatingin sa kanila. " At ikaw, panget, pumasok ka na sa loob. Don't try helping that asshole friend of yours, kung ayaw mong tayong dalawa ang magkaroon ng problema, understood." Bago tuluyang pumasok ay inismiran muna siya nito at saka bubulong- bulong pa na tuluyan ng tumalikod.

Malakas na natawa ang kaibigan habang sinesermunan siya.

" See I told you, my wife hates you, kaya magpasalamat ka at kasama mo ako. Parang baliw ka kasi eh, sukat ba namang tratuhin mo ng ganoon si Jhossa samantalang mahal mo naman yung tao. You should have shown her how much you love her hindi yung pinairal mo ang pagiging bato mo. You could be heartless sa harapan ng Korte, but not in front of the woman you confessed your love with at gustong-gusto mong ariin. Man up man okay."

" I have to go," agad na sumakay ulit siya ng sasakyan at hindi na hinintay pa ang pagsagot ni Kaizer. His mind was set into one thing at iyon ay ang habulin si Jhossa kahit saan man ito magpunta.

He was driving like a madman, and he was beyond the speed limit, but Kyshaun doesn't give a fuck, ang nasa isip niya lang ay maabutan si Jhossa and asked.. no ... no not just asked but beg for her forgiveness at alam niya na hindi magiging madali para sa kanya ang nga susunod na mangyayari but he is willing to do everything and anything patawarin lang siya ni Jhossa.

But his real problem is just starting dahil paano naman siya makakahingi ng tawad kung ang taong pag-aalayan niya nito ay hindi niya makita-kita.

He was pretty sure na maliit lang ang distansiya nila ni Jhossa, dahil hindi naman siya nagtagal kila Kaizer at hindi naman ganoon kabilis magmaneho si Jhossa, but darn it! Ni anino ng kotseng ginamit ng dalaga ay hindi niya maaninag.

" You are the reason kung bakit hindi na namin makikita ang kaibigan namin,"

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Shey at hindi niya maitatanggi ang pagkaramdam ng kaba at takot sa isiping baka nga aalis na si Jhossa at iyon ay dahil sa kanya, dahil sa mga maling paratang niya laban dito.

" You cannot leave me hon, please tell me where you are. Don't do this to me,"  he keep on repeating  to his self, hoping na sana ay narinig ni Jhossa ang piping hiling niya.

He was scanning all those cars na nakakasabay niya , kahit pa nga yung mga nauuna pa sa kanya hoping to get a glimpse of Jhossa, pero hindi niya ito nakita.

Palabas na siya ng Batangas kung saan nakatira ang mag asawang Brockwell nang biglang tumagal ang takbo niya.

Sa unahan kasi ay mayroong aksidenteng nangyari, may dalawang police mobile at isang ambulansiya ang nakaantabay na umookupa sa isang lane ng kalsada, may isa kasing sasakyang nahulog sa bangin, at kasalukuyang inaahon ito to see if there was a survivor.

Kyshaun didn't  want to poke his nose on others business lalo pa at mayroon pa siyang pansariling problema, pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan

Someone was telling him that something is wrong, at halos manlaki ang mata niya nang makita ang inaangat na sasakyan.

" Fuck it! No!" He stopped his car  at tinakbo ang distansiya mula sa pinangyarihan ng aksidente, and his face leave all its color nang napagtanto ang nangyayari.

Agad na nilapitan niya ang mga pulis at nagtanong.

" What happened officer?" He asked as he sauntered his way to the policeman. Ikinakaila ng maawtoridad na boses niya ang kabang namamahay sa dibdib niya ngayon.

" Nawalan ng preno sir, kaya dumausdos sa bangin kumalang naman sa mga puno ang sasakyan, pero mukhang natuluyang malaglag ang sakay nito. We need to confirm first before announcing anything. Pero sa hinuha ko ay patay na ang sakay dahil malamang na nahulog na ito sa bangin. Kilala niyo po ba ang may-ari ng sasakyan?"

Nanghihinang napatango si Kyshaun, what the hell just happened? Ibig bang sabihin nito ay naaksidente....nonono! Hindi puwedeng naaksidente si Jhossa, she is very careful at hindi nito ipapahamak ang sarili.

Pero hindi naman niya maipagkakaila ang katotohanang sasakyan naman talaga ito ni  Jhossa na ginamit nito kanina.

" Search the whole area, hindi puwedeng hindi niyo makita ang sakay ng kotse,"

" Eh sir, kilala mo po ba ang may-ari?"

" She is my girlfriend, kaya naman I'm asking you to search for her, hindi puwedeng mawala siya." Oh God! Damn it! It couldn't be Jhossa. Hindi maaaring si Jhossa nga ang sakay ng kotseng iyon.

Hindi kayang tanggapin ng utak niya ang posibilidad na si Jhossa nga ang lulan ng sasakyang nahulog sa bangin.

It couldn't be! It's impossible.

Hinugot niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Dylan.

" Ky? What's up?"

" Code Red Dy, I need your help," hindi niya maiwasang panginigan ng boses bagay na hindi niya naitago sa kaibigang matalik.

" Saan?"

" North exit. Brockwell's place."

" Who?"

" Jhossa... Please Dy... Pull some strings I need to find her. I don't believe those fucking idiots na nagsasabing nahulog sa bangin si Jhossa, and that she is d-dead,"

" Shit man!"

" Just fucking do it Dylan!" He almost shouted, at pinatay na ang tawag, at muling hinarap ang mga pulis. " Search the whole area please. Hindi kayo puwedeng huminto hanggat hindi niyo nakikita ang sakay ng sasakyan. If you fucking stop searching I'll sue all of you and will see all of you in court," he threatened at tinanaw ang bangin na sinasabi ng kinahulugan ng kotse.

This is all a joke hon, isn't it? Don't do this to me please, tatanggapin ko ang lahat ng galit mo because I was very wrong , but not this one. Please Jhossa Joud, lumabas ka na... Dont torture me like this,

He closed his eyes nang naramdaman ang panunubig ng mga iyon. And without him even noticing it, for the first time in his adult life, Kyshaun Drake Lewis wept.

A/N

Bitin...

Palagi naman eh wahahaha

good mornyt

Sinnersaintbitch

Share This Chapter