Chapter 40 Hello, Stranger
One Stormy Night
Kyshaun sat silently inside his car, kanina pa siiya doon at nakatingin lang sa bahay na sadya niya talaga sa lugar na ito.
He was nervous. Actually his breathing is uneven. Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman niya.
Natatakot siya na kinakabahan at syempre masaya pero nalulungkot din.
Jhossa is alive...
Natatakot siya, well who wouldn't be?
Kinakabahan siya na baka kapag nagkita na ulit silang dalawa ni Jhossa ay hindi niya magawang pigilan ang sarili niyang hawakan ito at muling ikulong sa mga bisig niyang kay tagal na nanabik na muli itong mayakap.
Pero ang talagang nagbibigay ng takot sa kanya ay ang kaisipang hindi siya makikilala nito at maaaring hindi na muling makilala pa lalo na at ayon mismo kay Michelle na siyang tumitingin sa kondisyon ni Jhossa ay ito mismo ang humaharang upang hindi bumalik ang mga nawawalang alaala nito sa kanya. Jhossa is blocking him to resurface in her life, kahit pa nga ba memorya na lang iyon.
Naalala pa niya ang mga sinabi ng mga kaibigan ni Jhossa noong ibalita ng mga ito na nakita na ng mga ito ang dalaga. At kung paanong napunta sa ganoon ang kalagayan nito.
We all believe na hindi aksidente ang pagkahulog ng sasakyan ni Jhossa sa bangin, and we are right.
Sinadya iyon may nagtangkang pumatay sa kanya at tinanggalan ng preno ang sasakyan niya, that cause that accident.
Pero kung sinuman ang nasa likod ng krimen na iyon ay hindi pa namin nakikilala. But we already know where Jhossa is
Because of the accident, something happened to Jhossa
May parte sa buhay niya ang hindi niya maalala. She remembers all of us, except you Kyshaun
Selective amnesia, and she chose to forget you. So how can you get her back, when she doesn't even remember you
You have a son!
Fuck! Kung tama ang kalkulasyon niya, he impregnated Jhossa the first time na may mangyari sa kanila.
And he was really a pompous ass, because instead of asking her sa kung ano ba talaga ang relasyon nito kay Paul ay nagpakain siya sa selos na nararamdaman and call her name's that was really uncalled for, and before he knew it, she was gone.
But God really provides for him, dahil ngayon ay binibigyan siya nito ng pagkakataon upang itama ang mga maling nagawa niya, and proved not only to Jhossa but to their son that he is worth giving a second chance.
A chance that he promised not to blew, because for the first time he was very certain to attain this goal.
And that is to make Jhossa remember him. Kahit ang mga maling nagawa niya ay gusto niyang maalala nito, para mapagbayaran niya ang bahay ng kamaliang mga nagawa niya.
He wants to correct his self by proving to Jhossa that he is willing to be at her mercy makuha lang ang buong pagpapatawad nito, pati na rin ang pagmamahal nito.
And of course he wants to be a father to their son. A proud one to be exact. And he promised that he'll do anything, anything just to get them again.
Be it hell or high water!
" Papasok ka ba o mananatili ka lang na nakaupo diyan? Don't tell me umurong na ang tapang at umusbong na ang hiya mo kaya ayaw mong bumaba diyan sa sasakyan mo?" Ang naiinip na boses ni Shey ang narinig niyang nagsalita mula sa labas ng kanyang sasakyan.
Kyshaun blinked and stared at the figures that were popping out of his sight.
Ang mga kaibigan niya kasama ang mga asawa nito ay nakakunot halos lahat ang mga noo habang nakatunghay sa kanya. All of them were wearing an impatient look on their faces. Lumabas siya ng kotse and set his eyes on each of them.
" Pupuntahan ko na siya," he said, determination on his face. Hahakbang na sana siya ng pigilan siya ni Dylan sa mga balikat niya, causing him to halt on his steps.
" Huwag mo silang biglain huh, especially Jhossa. Be careful of your words to her. And if you can do, be gentle for she is so vulnerable. Ilap siya sa mga taong hindi niya kilala." Dylan remind him. " And she doesn't remember you." Pahabol pa nito, causing his heart to tighten dahil ang sakit na pilit niyang iniinda simula ng malaman niyang hindi siya nito natatandaan ay biglang nangibabaw.
" I know what to do, bud. Don't worry, hindi ko siya hahayaang matakot sa akin," he answered heavily. Masakit ang katotohanang ito, but if this is the consequences of Jhossa's reappearance in his life then he would gladly accept it.
Mas okay na itong ganitong sitwasyon, kaysa naman patuloy siyang nangangapa sa kahahanap dito at kaiisip kung buhay pa ba ito o patay na.
Hindi nga ba at iyon naman ang gusto niya? Ang makitang buhay ito at maaaring makapiling pa niya ng mahabang panahon.
" Well, good luck to you, sana ay hindi mo sayangin ang pagkakataong ibinigay namin sa iyo," Glayssa said, bahagya na lang niya itong tinanguan and with a long swift stride ay pumasok na siya sa loob ng kabahayan.
Kyshaun was welcomed with silence, napakatahimik sa loob at ang tanging maririnig lamang ay ang tunog ng chimes na sumasabay sa mabining haplos ng hangin.
He closed the door gently at agad na tinalunton ang daan patungo sa likod bahay kung saan madalas raw na pinupuntahan ni Jhossa.
He gulped habang papalapit, biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya and a sense of familiarity envelopes his whole being, iyon ang sa tuwina ay nararamdaman niya sa tuwing magkakalapit silang dalawa ni Jhossa.
There's no doubt that Jhossa is somewhere near.
Narating niya ang pinakadulo ng patio, iginala niya ang buong paningin, and as his eyes settle on that familiar figure over the flowery garden, lalong lumakas ang dagundong ng dibdib niya.
The woman who's bending and picking up flowers were so fuckingly familiar.
Ang mabining kilos ng dalaga na siyang nakabighani sa kanya. And when Jhossa smiled as she inhaled the scent of that flower, kulang na lang ay igapos niya ang sarili upang hindi tawirin ang distansiya nilang dalawa and circle her in a tight embrace, and never let her go again, pero alam niyang maaaring ikabigla iyon ng dalaga lalo pa at hindi naman siya nito kilala.
So he just stand there and watch as she playfully have fun with those beautiful flowers.
Napapangiti siya sa tuwing ngumingiti si Jhossa, and she is actually talking to the flowers like a nymp in the forest.
He closed his eyes, natatandaan niya rin ang ganitong eksena noong magkasintahan pa lang silang dalawa, even before Jhossa is intoxicated with flowers, at doon niya rin nalaman kung anong klaseng bulaklak ang hilig nito.
Tulips.. not just any tulips but a brighter yellow one. Para daw buhay na buhay. Kaya nga iyon ang ipinadala niya nito noong maghanda siya ng sorpresa upang salubungin ito sa airport ng nalaman niyang uuwi na ito sa Pilipinas at dito na maglalagi.
But he was still a coward back then, dahil imbes na siya ang sumalubong sa dalaga ay nagpadala pa siya ng mga bata, at pinalapit niya lang ang nga bodyguards niya upang tulungan ito sa pagbitbit ng mga bulaklak.
He just stand there sa lugar na alam niyang hindi siya makikita ni Jhossa, but he knows from her expression that she knows very well kung kanino nanggaling ang mga bulaklak, after all siya lang naman among others ang nakakaalam na iyon ang paborito nito.
" Are you alright, mister?" Kyshaun froze in his spot when he heard that familiar voice. Hindi niya agad makuhang magmulat ng mata, he was unable to move. Nararamdaman niya ang kakaunting distansiya niya mula sa taong nagsalita. " Hey, ok ka lang ba?" Muling tanong nito ng hindi siya agad nakasagot.
He slowly opened his eyes, and look at the owner of that voice.
And for the first time after three years, Kyshaun came face to face with the woman he loves for so long now.
" Okay ka lang ba mister?" Muli nitong tanong in a very worried and concerned tone and again, pain he never felt before assaulted his being dahil totoo ngang hindi siya nito nakikilala o mas tamang sabihing hindi na siya nito kilala.
Kyshaun tried to smile, " I'm okay," he answered na gusto niyang pagsisisihan dahil umusog palayo si Jhossa sa kanya. " Ahmm, are you the owner of this place? Ang sabi kasi ni Dylan at Michelle, babae raw ang may-ari ng flower shop na ito." Kaswal na pagtatanong niya at hinayon ng tingin ang buong paligid.
Jhossa's face lit up, " Kilala mo sila Michelle? Are you the new buyer my friends referring too?" Tumango si Kyshaun na tuluyang nagpangiti kay Jhossa and he was again mesmerized by her smile.
" I'm sorry, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa iyo, I am Jhossa and I run this little heaven," inilahad ni Jhossa ang kamay sa kanya, " What is your name, mister stranger?"
Tipid siyang napangiti at iniabot ang kamay nito. " It's not mister stranger, Miss Jhossa. It's Kyshaun Drake Lewis." Pagpapakilala niya sa sarili, squeezing her hand gently.
Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang ang nakita niyang pagkislap ng galit sa mata ng dalaga, dahil ng muli niya itong titigan, ay nakapirmi na ang ngiti sa labi nito and no trace of animosity was found on her face.
" Kyshaun Drake," nakangiting ulit nito, he was looking for any sign of familiarity but there is none. Jhossa's face is blank at parang wala man lang itong kahit na anong naramdaman ng banggitin nito ang pangalan niya. " So, Mister Lewis, are you here to buy plants or flowers?"
I am here to get my heart back, Kyshaun muttered in his mind, and instead of talking and to her surprise he pulled Jhossa into a tight embrace.
" I miss you, hon," he said closing his eyes and savoring the sweet haven of having her in his arms once again.
A/N
Your comment is valuable because I get the chance to hear and know all your thoughts, but sometimes we have to limit our pagiging pakialamero. Puwede naman ang PM eh...
Deleted comment already... No worries just be careful...
Sinnersaintbitch...