Back
/ 78
Chapter 54

Chapter 52- Shadows

One Stormy Night

" Hello baby, I miss you!" Inilahad ni Jhossa ang kamay at tuwang-tuwang sinalubong ng yakap ang anak na agad na kumawala sa pagkakakarga ng yaya nito pagkakita pa lang sa kanila. " How are you? Did you miss mommy—" mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang bahagyang paniningkit ng mata ni Kyshaun na nagsasabi na tila may kulang sa mga sinabi niya. She smiled playfully at him, "—and daddy?" Dagdag niya ng makitang tumaas ang gilid ng labi nito sa paraang tila nagbabanta.

And she knew better than to provoke him. Baka mamaya niyan hindi na siya tuluyang makabangon sa kama dahil sa pagod.

She secretly giggled.  Damn! She felt giddy like a teenage girl na nakita at napansin ng crush niya, bawat kalandian sa katawan niya ay nagigising dahil sa mga walang malisyang tingin ni Kyshaun sa kanya.

O wala nga ba?

" I miss you too mommy," Karsten small arms wound around her neck at halos lahat ng bigat nito ay napunta na sa kanya, but she didn't mind instead she scooped her son in her arms for a tight embrace at tulad na ng nakagawian na nila sa Sta. Barbara ay walang kahirap-hirap na kinarga niya ito at saka nagpatuloy sa pagpasok sa bahay nila Dylan at Michelle.

Well unlike Kyshaun's house na pang bachelor ang peg, ang bahay naman ng mag asawa ay typical na parang playground, maybe to suited the taste of their twin and to all other childrens na dumadalaw sa mga ito, dito rin kasi ang paboritong lugar ng nga anak nilang magkakaibigan. Complete amenities ba naman eh, hindi na kailangang pumunta sa theme park, bawas gastos pa.

And besides sa nalaman niyang banta sa buhay nilang mag-ina, mas kampante siya na iwanan ang anak sa bahay ng mga kaibigan. After all the Miller's have the most tight security amongst them.

" So kamusta naman ang naging bonding niyong dalawa?" Michelle asked, she looks regal habang nakaupo sa couch na nasa pinakasentro ng sala sa likod nito ay nakatayo at nakapamulsa naman si Dylan, he just like Michelle have that knowing smile on their faces.

Bahagya siyang nagyuko ng ulo, bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng mukha ng maalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa ng binata. Her body literally lit up in fire habang umaagos sa isip ang ginawa nila ni Kyshaun, not only in bed but in every part of his house, talagang sinulit nila ang pagkakataon na napag-isa sila, at ng balingan niya ang binata ay nakita niyang tulad niya ay iyon din ang dumadaloy sa isipan nito.

His piercing green eyes look directly at her at nararamdaman na naman niya ang init na dulot nito sa kanyang katawan.

Gosh! Isang buong magdamag lang silang dalawa ni Kyshaun na magkasama and yet her body starts to be familiar with him. And to top it all that, it's aching to be touched by him... Again!

And again and again and again!

Goodness! Naroon na naman ang pagnanais niyang makulong sa mga bisig nito at maramdaman ang —

" It was fantastic! Superb actually. " Kyshaun answered ng talagang hindi na niya mahanap ang boses upang sagutin ang tanong ni Michelle. " Medyo nabitin nga lang, ang bilis kasing mapagod ng honey ko eh,"

She is glad that he fills in for her pero napamulagat naman ang mata niya at pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya sa huling sinabi nito.

What the? May balak ba itong ikuwento sa mag-asawang Ito ang mga namagitan sa kanilang dalawa?

" Kyshaun!" She hissed, horrified of what could be his next sentence. " Manahimik ka nga diyan," there was an obvious warning on her voice.

Gago tong lalaki na ito kapag nag kiss and tell ang hinayupak.

Ngumisi si Kyshaun at lumapit sa kanya. He took Karsten from her at ito na ang kumarga sa anak.

" What?" He asked innocently ng pandilatan niya ito ng mata. " I was just going to tell them how our little chit chat was worth a while," kumindat ito ng palihim sa kanya, " No worries hon, I don't kiss and tell." He whispered in her ears, sapat upang makahinga siya ng maluwag, but at the same time her body react to his closeness.

Shit talaga. Her body is burning. At si Kyshaun lang ang makakatupok ng pag-iinit na iyon.

Damn! Is she behaving like a wanton woman who wants nothing but to experience again being cuddled and being thoroughly loved by him? Again and again and again.

Agad na nagbago ang reaksyon ni Kyshaun  recognizing the hunger that is building up on her. His green eyes darkened, with desire and lust that they both feel at the moment

Nyeta! Pareho na sila. At ni hindi man lang nila magawang itago sa mga kaharap ang nararamdaman nila para sa mga ito.

" Don't look at me like that hon, I might ravished you here," may pagbabanta sa boses nito ng hapitin siya nito palapit sa katawan nito. " You don't know how much control I fought, para lang hindi ka hilahin at ipasok sa isa sa mga kuwarto dito and make love to you again and again," he whispered to her dahilan para magpiyesta ang mga lamang loob niya.

Peste ang landi ko!

Tumikhim si Dylan dahilan upang mabaling ang atensyon nila dito.

" Rated SPG is not allowed outside, narito ang mga anak ko," inginuso nito si Dyan at Estefan na mabuti na lang talaga ay abala sa mga ginagawa ng mga ito kung kaya hindi sila napapansin and Karsten who was so already fast asleep in his daddy's arms kaya naman hindi na rin nagrereact. " If you want get a room you too, Doon na lang ulit si Karsten sa kuwarto ng mga bata para hindi kayo maistorbo."

Pinamulahan si Jhossa  Ng mukha sa tinuran na iyon ni Dylan.

" Dylan ang bibig mo okay," hinampas ni Michelle ang braso ng asawa na bahagyang natatawa. " But my husband suggestion is great, bukas na lang kayo umuwi para naman magkaroon tayo ng mas mahabang bonding Jhossa, tamang-tama dahil off ko tomorrow and perhaps I can call the other girls para mapapunta rin sila dito," she stated.

Nagkatinginan sila ni Kyshaun.

" And besides I want to talk to you about something Ky," Dylan interjected, gone is his teasing look at pinalitan iyon ng seryosong aura.

Tumango naman si Kyshaun na bahagyang napatiim-bagang ang reaksyon.

" So it's settled then? Dito nalang kayo magpalipas ng gabi," Ani Michelle na tumayo at lumapit sa mga anak nito. " Kids, finished up already, it's past your bedtime hurry up, " binalingan nito Ang bantay ng mga anak " Yaya clean  this two for me okay, sige na mga anak, go with your yaya, I will come to your room later, ituturo lang ni mommy yung room ni tita Jhossa okay," Estefan and Dyan both nodded at agad na sumama sa mga tagapag-alaga.

" Do you really think I will allow you to be happy just like that. You bitch! Dapat hindi ka na lang talaga nabuhay, sana talagang napuruhan at natuluyan ka na noong tinanggal ko ang preno ng sasakyan mo. Pero may sa pusa ka eh no, tapos ngayon hadlang ka na naman sa kaligayahan namin ni Kyshaun,"

The person behind the shadow smirked and smiled coldly.

" Let the fun begin,"

A/N

Just a short update, guys...

Sorry sobrang busy lang talaga para sa thesis eh. Bawi na lang next time....

Thank you

Sinnersaintbitch

Share This Chapter