Back
/ 78
Chapter 59

Chapter 57- The Unknown

One Stormy Night

" Hindi yun puwedeng mangyari!" Pabalibag niyang ibinagsak ang hawak na kopita ng marinig ang ibinalita sa kanya ng kanyang tauhan na siyang ginawa niyang taga-bantay sa bawat kilos ng pamilya ni Jhossa at Kyshaun, more specifically sa magkasintahan lalong- lalo na si Jhossa.

Jhossa Joud Perkins.

Just the name of that woman made her sick.

Hindi niya alam kung ano ang meron sa babaeng iyon at halos lahat na lang yata ng gustuhin niya ay walang pakundangang bumabagsak dito.

Palagi na lang ito ang nakakasalo ng magagandang bagay, samantalang siya, kung hindi pa ipipilit na makuha ang gusto ay walang tsansang makuha niya ito.

Samantalang kung tutuusin naman ay hindi siya nalalayo sa babaeng iyon kung pagandahan at paseksihan ang labanan.

She could match that forgotten superstar of the runway. Baka nga malagpasan pa niya ang mga narating nito, if only she has given the chance, katulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa babaeng mang-aagaw na iyon.

Mula pa pagkabata palaging ito na lang ang pinapaboran. She was raised in a very well off family, prinsesang itinuring ng mga magulang nito. Her set of friends was really her strong pillar dahil galing din sa mga buena familia ang bawat miyembro ng grupo nito, not to mention that she have her own share of stocks sa mga negosyong naiwan ng mga magulang nito.

And most of all Jhossa have Kyshaun. Ang nag-iisang lalaking pinangarap niya mula noon hanggang ngayon.

But how can she have her man kung palaging balakid sa kanya ang babaeng iyon?

Maayos na sila eh, for almost three years that's what she really thought of, dangan nga lamang at bumalik ulit ang Jhossa na iyon.

Now she is back to square one. Iyong panahon na hindi na naman siya napapansin ni Kyshaun.

Because his attention is focus to Jhossa only. Her and her alone.

Tapos ngayon malalaman niya na buntis na naman ang babaeng iyon sa pangalawang anak nila ng lalaking mahal na mahal niya.

Hindi pa nasiyahan sa isang asungot sa katauhan ng Karsten na iyon, nagdagdag pa talaga.

Eh di mas lalo na itong hindi hihiwalayan ni Kyshaun, now how can she do her job to push Jhossa away from Kyshaun one more final time?

" You have to calm down. We can't do anything about it, nangyari na eh, nabuntis na siya ulit."

Tiningnan niya ng masama ang nagsalita. Ito pa ang isang buwisit sa buhay niya eh. Dahil sa babaeng ito kaya puro kamalasan ang inaabot niya ngayon.

" Calm down?" She asked snickering. " How can you expect me to calm down after hearing that hellish news? Alam mo ha, ikaw talaga ang may kasalanan nang lahat ng ito eh. Kung bakit ba naman kasi hindi mo siniguro na talagang napuruhan niyo si Jhossa noong tanggalan niyo ng break yung kotse niya? Gagawa ka na lang ng plano, number one disaster pa! Pinaasa niyo lang ako na sa akin na ng buong-buo si Kyshaun, iyon pala pahiram lang ulit. May expiration at may due date! Ang masaklap pa, siya pa rin ang kaagaw ko sa kanya. Simula noon hanggang ngayon, yang anak mong yan talaga ang hadlang sa kaligayahan ko. Lahat na lang nang dapat ay sa akin was taken away by that bitch, tapos hindi mo iyon ginagawan ng paraan. Hinahayaan mo lang siya na pahirapan ako ng pahirapan."

Lumapit sa kanya ang ina at mabilis na inalo siya.

" Hush sweetheart of course that is not true. Ikaw ang kinakampihan ko kaya huwag na huwag mong iisipin na pinapaboran ko si Jhossa okay. You have my one hundred percent support at kahit kailan hindi ako papanig kay Jhossa. Sige na kasalanan ko na kung bakit hindi ko noon nasigurado ang sitwasyon ni Jhossa noong nahulog at nasunog ang kotse niya, but you have to understand also that there are cops who arrived immediately after the incident, that's why we need to hide also para maiwasang maikonekta sa amin ang nangyari kay JJ and I  have to protect you also dahil kahit hindi mo aminin, alam na alam ko na isa ka sa mga taong ilalagay nila sa profiling ng mga person of interest kapag lumabas sa imbestigasyon na sinadyang tanggalin ang preno ng sinasakyan ni Jhossa, mahahalungkat ng mga pulis ang kaugnayan natin sa kanya , do you really want that during that time?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Yes she is right, this old witch really has a point. She didn't want those investigator to see and know her connection with that woman, ayaw niyang mabulilyaso ang mga plano niya, the more that they are clueless with her identity the better her plan would ran along, and they is to wreck Jhossa's life until the end. But still the seething fury that she feels inside didn't waver. Mas lalo lang tumindi ang galit na nararamdaman niya para dito.

" Okay I'll forgo that incident, dahil kahit ano pang magic ang gawin natin, that little Karsten is already there," there's a devilish smile written on her face. " I can be her mother when that Jhossa bitch is already out of the picture, at siyempre kasama na roon ang ipinagbubuntis niya."

" What do you mean?" Mirla asked, her frown was visible on her forehead. " Don't tell me you want to eliminate that baby?"

She laughed evilly. " Bingo mother! Finally you were able to grasp the things that I truly want. Oh my gosh? Now I believe you really are my mother," napakalaki ng pagkakangiti niya, uncaring if her mother looks so aghast.

" B-but, y-you c-cannot do that to a baby—"

" That's not even a baby yet!" She shouted her eyes red with fury she's starting to feel again. " At saka hindi naman mararamdaman ng anak mo ang sakit ng mawalan ng anak, because you see, pagsasabayin ko sila ng ipinagbubuntis niya, then I can have Kyshaun all by myself," aniya na  tila balewala lang ang pinaplano, it was as if she's just swatting a fly at hindi buhay ang pinag-uusapan nila.

" Now now don't worry about your beloved apo, he will not grow up without a mommy, because I promised that I will be a good mother to him. Aalagaan ko siya at buburahin ko sa alaala niya ang malandi mong anak. I will take care of him at pati na rin kay Kyshaun, we will build a new family, yung walang panggulo at walang epal sa kaligayahan namin."

" B-but—"

" Just know her check up, at alamin niyo rin kung saan ang mga lugar na madalas niyang pinupuntahan, who she is with at gaano siya kadalas lang na walang kasama. I want you to maroon her. The sooner I get rid of her and her baby, the sooner na magagampanan ko ang pagiging mabuting ina kay Karsten, at maging isang ulitang asawa ni Kyshaun my love," she directed at them. " Alam niyo kung saan ako tatawagan." With that she turned around at sumakay na sa elevator patungo sa kanyang silid, na nasa ikatlong palapag ng bahay

Mirla rooted to her feet.  Nanatiling nakapako ang tingin niya sa nakasarang pinto ng elevator. Her mind is running wild. Hindi niya alam kung paano susundin ang iniuutos ng anak, or kung susundin nga ba niya ito katulad ng pagsunod niya sa utos nito noon na alisin sa landas nito si Jhossa. How can she voice out that she doesn't agree to her twisted plans ng hindi nito iisipin na hindi niya ito kinakampihan, kilala niya ang anak, makaramdam lang ito ng kaunting pagdududa sa kanya o sa kahit na sino, she will snap!

Of course she knows that she won't hurt her, physically!

Pero babawi ito, at si Jhossa ang magiging receiving end.

She will do something regrettable, at ayaw niyang gumawa ito ng kahit na anong balak na hindi niya alam.

Because in her own stupid and twisted ways, pinoprotektahan niya pa rin si Jhossa.

She might not want to show it dahil wala naman na siyang karapatan kay Jhossa simula noong isinuko niya ang pagiging ina niya rito. But she can't help it, dahil kahit man lang sa maliliit na bagay ay naipamalas niya ang pagiging ina dito.

Call it human nature, siguro nga ganoon na lang iyon, but despite her shortcomings as a mother to her abandoned and sold daughter, she in her own ways protected her and even Karsten  na hindi naman niya alam na ipinagdadalang-tao nito noon.

And she was still hiding that secret, na alam niyang kapag sumabog ay magiging dahilan ng pagkakasira nila ng anak na siyang kumakandili at nagbibigay sa kanya ng kung anuman ang meron siya ngayon.

And that secret will be kept unspoken until her grave. She doesn't want everyone to know that, especially Jhossa, dahil alam niyang kahit na ginawa niya ang ginawa niya noon hindi iyon sapat upang pagtakpan ang lahat ng mga pagkukulang at kasalanan niya dito.

And now this!

Ano na naman ang kailangan niyang gawin to protect both of her daughters?

And this time she knows and well aware that there is an innocent baby na madadamay sa kagustuhan ng isa na makapaghiganti sa isang taong walang naging kasalanan kundi ang naging abandonadong anak niya.

What to do Mirla? What to do?

A/N

Ayun oh sorry na agad....😭😭😭

Dinumog ni practice eh, Kaya palaging pagod tapos si CP nababaliw na naman hahahaha...

But I'm doing my best to have a draft that could finally turn into an update.... At kapag natapos post ko agad pamis.....✌✌✌✌

Bukas Baccalaureate namin.. pagdarasal ko kayo hahahaha😇😇😇😇

Pagdarasal ko na manatili kayong mabait at mabuti Kay ate niyo author....❤💓❤💓❤💓

P.S

Saka na ulit Yung 👅👅👅👄👄👄 medyo may pagka solemn at inosente 😇😇😇😇 Ang utak ko ngayon eh✌✌✌✌..

Saka Wala pang umaalembong Kay author😭😭😭😭😭, Kaya Wala pang inspirasyon hahahahah 😂😂😂😂

Comment Kayo ah yung madami reaksyon para damang - dama ko namimiss ko na Kasi Kayo kausap...😋😋😋😋

April 16, 2018- Graduation Day ko Yun Kaya walang update nun hahahaha...

Yun lang....

Happy reading...

Good night..

Sinnersaintbitch

Share This Chapter