Chapter 59- Tactics
One Stormy Night
" And who the hell is Lyka? Kilala ko ba siya? What does she wants from me at bakit niya pinagbantaan at patuloy na pinagbabantaan ang buhay ko?" Jhossa ask Dylan, nasa bahay sila nila Umaga at Zachary sa Alfresco Island because typical of her oh so paranoid friends, naisip ng mga ito na ang bahay ng mag-asawa ang pinaka-safe na lugar para sa kanilang mag-ina.
Inilibot niya ang paningin at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan at pati na ang mga supportive na asawa ng mga ito.
Dylan cleared his throat at ibinaling ang tingin kay Kyshaun na nakaupo sa tabi niya. Kyshaun just nodded his head in approval.
"As I was saying Lyka Bonaobra Emstrong is the one whos behind the plot of killing you. Siya ang may pakana ng lahat. If only you remember the accident that you engage with noong may humarang sa sasakyan mo at sinuwerteng naisuro mo ang kotse mo sa basurahan, siya ang may pakana noon. And then your major accident that cause your condition today, siya rin ang may command doon, iniutos niya na tanggalan ng preno ang lahat ng sasakyan na ginagamit mo coz she doesn't want to take the risk na pumalpak ang mga plano niya at makaligtas ka because she is so keen on harming you, oh let me rephrase that, she doesn't want just to harm you, she wants you dead."
" B-but do I know this woman? Bakit hindi ko maramdaman na may atraso ako sa taong 'yun?"
" Well at first noong nagsimula kaming paimbestigahan muli yung kaso mo, akala namin simpleng vengeance lang ang dahilan ng lahat."
" What do you mean?"
" Lyka is Kyshaun secretary, the best one if I may say so, because on our point of view tanging siya lamang ang naging secretary ni Kyshaun na hindi nagtry mag flirt sa mga lalaking tuwina ay bumibisita sa opisina niya. She doesn't show any interest on getting the attention of everyone, iyon pala ay nakapokus na sa iisang lalaki lang ang atensyon niya, and that is to get Kyshaun attention and finally falling him to her trap, na hindi naman nangyari, because at that time Kyshaun is so crazy on pulling his weirdest revenge on you."
Naramdaman ni Jhossa ang paghigpit ng pagkakahawak ni Kyshaun sa mga kamay niyang nakakulong sa palad nito.
" At ano naman ang kinalaman ko doon?" This time ay para kay Kyshaun ang tanong niya, but he just shrugged at inginuso ulit si Dylan.
" There is one incident in Kyshaun's office, that I think really blows Lyka's mind away. Iyon ay noong sinesante mo siya bilang secretary ni Kyshaun,"
Namilog ang mata ni Jhossa. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. Really? She did that? She fired his secretary?
" Yes hon, you did!" Kyshaun whispered in her ears confirming the question that is forming on her head. " Nagalit ka pa nga noong akala mo ay kinakampihan at pinaniwalaan ko ang mga sinabi niya eh. You are so jealous at that time and you really look so hot while fuming mad, I had a hard on after that mind you,"
" Siraulo," lalong namula ang mukha niya sa mga ibinulong nito.
Dylan cleared his throat na naging dahilan ng paglayo niya ng kaunti sa kasintahan. But Kyshaun wouldn't let her dahil hinapit siya nito upang mapalapit muli dito. No distance at all.
" Just stay put hon, I like it better when we are this close," he keep on murmuring to her, his hands caressing her too, letting her feel the warmth his body.
" Shall I continue?" Tanong ni Dylan na nagpabaling sa tingin niya dito, and she almost gasped when she realized that all of them are looking at that little show they are putting on. Pakiramdam niya ay dinaig pa niya ang isang hinog na kamatis sa pagtaas ng init sa mukha niya. Lalo na ng biglang magsalita si Shey.
" You can continue doing that thing when you are alone okay, alam naman naming lahat kung gaano niyo na miss ang isa't-isa pero sa ngayon we need to focused on that little murderer na pinipilit makipag mind games sa inyong dalawa. We need to set a plan that could finally caught that criminal," medyo nakataas pa ang kilay nito habang nagsasalita.
" I am sorry," nahihiyang hingi niya ng paumanhin, mariin din niyang pinisil ang kamay ni Kyshaun ng mag-akma itong sasagutin ang kaibigan. " J-just continue Dylan," she then instructed on Michelle husband.
Dylan chuckled before proceeding, " As I was saying, nag-snap siguro si Lyka noong sinesante siya ni Jhossa as Kyshaun's secretary, kaya siguro nadagdagan ang galit na dati na niyang nararamdaman para sa iyo. And if I remember it correctly ilang beses na nagmakaawa si Lyka na pabalikin siya ni Kyshaun as his secretary telling him that it was you Jhossa who initiated the first insult and she just retaliate just to defend herself, at sa hindi mabilang pa na pagkakataon, she always beg Kyshaun to bring her back to her old job, and that was also the time na umamin ito na may nararamdaman na ito para kay Kyshaun, telling him that they are the one who is really meant for each other at na walang ibang babaeng puwedeng makasama si Kyshaun kundi siya lamang, " Dylan paused for a while trying to see her reaction to what he was saying, but she remains passive. Ano ba ang dapat na maging reaksyon kung hindi naman niya alam at natatandaan ang mga nangyari noon, lalo namang hindi niya kilala kung sino ang Lyka na tinutukoy nito.
" She even say na inagaw mo raw ang lahat ng bagay na dapat ay para sa kanya. According to her para sa kanya ang lahat ng dapat ay tinatamasa mo, naging suwapang ka lang daw at naging maramot kaya inangkin mo ang lahat. Dumating na rin ang mga pagkakataon na pinagbabantaan ni Lyka si Kyshaun , saying that something big will happen kung hindi papayag si Kyshaun na hiwalayan ka, pero hindi nakinig si Kyshaun at ipinagwalang- bahala lang ang lahat thinking that Lyka is just a big mouth, that's when she started doing her moves. At nakatulong pa kay Lyka ang dispute niyo ni Crizel kaya hindi natin namamalayan na unti-unti na kayong bumabagsak sa mga patibong na ginawa niya. On that Stormy Night, the time that Kyshaun finally knows the truth about your relationship with Paul ay ang pagkakataon na hinihintay ni Lyka. You angrily drove off to Shey's house, at alam na alam ni Lyka na doon ka didiretso after niyong mag-away ni Kyshaun. She perfectly set the time kung kailan gagana ang pagkawala ng preno ng sasakyan mo at itinaon niya iyon sa pagdaan mo sa bangin, no hassle because all of your act that time dance rythmically according to her plans, and then boom, your car went on spiralling on that cliff, we just have to thank fate because it changes the mind of that one person at tinulungan kang makalabas ng sasakyan bago pa man iyon tuluyang sumabog."
Naguguluhang nagtaas siya ng paningin kay Dylan. May tumulong sa kanya kaya siya nakaligtas mula sa posibleng kamatayan, but who? At saka bakit kanina pa sinasabi ni Dylan na may atraso siya sa Lyka na iyon? Sino ba talaga siya? She doesn't even know her, posibleng kahit noon pa ay hindi na talaga niya ito kilala. So why so angry to the point na papatayin pa siya?
" Remember Mirla?" Dylan asked, Jhossa shooked her head, sino naman ang isang iyon? " She is your biological mother Jhossa, nagpabayad siya ng malaking halaga para maalis ang lahat ng karapatan niya sa iyo bilang ina niya. She is also Lyka's mother. Meaning to say, magkapatid kayo ni Lyka sa ina. Siya rin ang nagsilbing kanang kamay ng babaeng iyon lalo na at patungkol sa iyo ang usapan. It was Mirla's men who took off the break on your car, at siya rin ang taong pasimpleng nagmamanman sa lahat ng galaw mo. She is also the person who haul you out of that car, ang taong nag-alaga sa iyo sa loob ng tatlong taon na nawala ka. Do you remember manang Linda?"
" Of course," kaagad niyang sagot. She wouldn't forget that old lady na siyang nagkandili sa kanya noong araw na magising siya sa ospital at hanggang sa makalabas siya. Ito ang nagpala sa kanya at tumulong na maisaayos niya ang buhay niya after her accident. Manang Linda is her one army man. Katu-katulong niya rin ito sa pag- aalaga kay Karsten lalo na noong bagong silang pa lamang ito at hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin because she is a first time mom. She guided hersa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa isang bagong silang na sanggol.
All in all she owe Manang Linda a lot.
" Manang Linda is actually your mother Jhossa. Si Mirla iyon, and because you couldn't even remember her that time, sinamantala niya ang pagkakataon upang makabawi sa lahat ng mga kasalanan at pagkukulang niya sa iyo bilang ina. She also hid you upang protektahan ka sa mga nakaambang panganib lalo na sa kamay ng kapatid mo. She chose to let other people believe that you are dead upang hindi magalaw ni Lyka ang anak mo, because she believes that Lyka wouldn't even blink an eye upang ipapatay ka kasama na ang anak mo. And Mirla choose to protect you by pretending that she already killed you."
" In a way Jhossa, Mirla choose to be a good mother to you and a grandmother to Karsten even if you have no knowledge on that, " Glayssa said.
" At ngayon balak niya ulit na iligtas ka at ang magiging anak mo sa kamay ni Lyka. Because that bitch is planning to kill you and terminate again your baby, " Umaga interjected.
" That's why we set a plan to finally get that bitch," It was Michelle. " We will play and change our tactics so she can dance in our music the way we wanted her to be. "
" According to Mirla, she is planning to attack you on the day that you are supposed to have a monthly check up. Pinalabas namin na hindi mo kasama si Kyshaun during that day, we told Mirla to tell Lyka that Kyshaun will be attending a conference in Palawan kaya malamang na sa clinic ka ni Dr. Arbois atakehin ng babaeng iyon," biglang ginapangan ng kaba si Jhossa. What if may mangyaring masama sa kailangan dalawa ng baby niya? She couldn't take that risk could she? "Don't worry we already told Doc Ren about this kaya relax ka lang okay. Just pretend that you don't know anything and go with the flow okay. Let her think that she outsmart us when all along it was her whom we are playing with."
" Just relax hon okay. I am there, that is something I can assure you. Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng babaeng iyon, and I wouldn't allow her to even touch our baby. I will protect you okay. Just trust us on this one, para sa ikatatahimik natin." Kyshaun said, he was cupping her face at nagsusumamo ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
" Basta siguraduhin mo lang na naroon ka Kyshaun okay. I'll try to be brave for you, for Karsten and for our baby, hindi madali yung pinapagawa niyo but I will do my best not to feel scared and worried, " she honestly answered, Kyshaun then imprisoned her on his tight embrace.
" Don't worry Jhossa, we already set a plan, at nangako naman si Mirla na makikipagtulungan siya, so I am one hundred percent sure na bago ka pa man mahawakan ni Lyka ay mahuhuli na siya ng mga kinauukulan, " Kaizer spoke for the first time. Tumango siya at bahagyang ngumiti. Dumadagundong ang dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog nito, but the support of her friends and even Kyshaun's friends ang nagpapalakas ng loob niya upang lumaban sa babaeng nagtatangka ng masama laban sa kanya.
" Remind me to talk to Mirla okay. I owe her big time," she whispered to Kyshaun, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan na ang babaeng minsan ay nakagawa ng maraming kamalian sa kanya ay ang taong siya ring pinaghugutan niya ng lakas noong mga panahong wala siyang makakapitan.
She really have a lot to say to her.
A/N
Ayan ah hinabaan ko na...
Nang very slight nga lang...
Saka na ang mahabang A/N
Comment and vote na lang Kayo hahahahaha...
Lab you guys...
Happy Mother's Day sa lahat ng Magaganda at Mababait na Ina.
Hopefully you can relate this chapter to what are we celebrating today....
Sinnersaintbitch