Back
/ 78
Chapter 66

Chapter 63- Her Enemy

One Stormy Night

" Basta huwag mong ipahalata na kilala mo siya. Just let her think na kasama siya sa mga alaalang nakalimutan mo. Play her well, that's how were gonna caught her!"

Paulit-ulit na ipinapaalala ni Jhossa sa isip ang mga bilin ni Kyshaun. Actually hindi nga ito magkamayaw sa kabibilin sa kung ano ang mga safety precautions na dapat niyang gawin sa sandaling magkaharap na sila ng kanyang estranged sister and her life threat na si Lyka.

Napangiti siya ng maalala ang nag-aalalang mukha ni Kyshaun, habang inihahanda siya nito kanina. He was briefing her non- stop, na siguro kung hindi pa niya naawat ay baka hindi pa siya nakarating ng hospital ngayon.

" That is Lyka hon. Its been almost three years since you last saw her kaya alam kong mahihirapan kang kilalanin siya, thats why i asked Mirla for her picture para maging reference natin in case you don't remember her face. You have to familiarize her face dahil sigurado ako na hindi siya mag-aaksaya ng oras at lalapitan ka niya agad, at gagawin ang kung ano man na binabalak niyang masama to you and to our baby."

Jhossa eyed the picture that Kyshaun gave to her. Well Lyka doesn't look so bad, kung ang litratong hawak niya ang pagbabasehan, hindi mo nga aakalain na makakaya nitong makagawa ng mga masasamang bagay.

Oh well, according to Shey nga pala, the devil likes in the face of an angel.

At kung tama ang sinasabi nilang kapatid niya ang babaeng ito, then why can't she feel anything to this woman, except the boiling anger that she is trying to surpress.

Wala siyang maramdaman kahit na katiting na lukso ng dugo para dito. Kahit awa na natural na maramdaman sana ng isang tao a humiwalay na sa pagkatao niya.

Ang gusto lang niya ay matapos na ang problemang idinudulot ni Lyka para sa kanya at sa pamilya niya.

And she knows she won't feel any remorse at all.

" Hon, are you okay? Tell me, gusto mo bang ituloy natin ang balak natin about this woman o mas gusto mong iba na lang ang pagawin natin ng bagay na ito, you know I could actually hire someone to pose as you, just to get Lyka's attention," Kyshaun rattled.

Nilingon niya ang kasintahan at umiling she flashed him a tight smile.

" I'm okay hon. Don't worry okay, I can handle Lyka well. And beside, hindi ko man ikaw katabi while doing the act, Alam ko naman na nasa malapit ka lang, you wouldn't let her touch me right?"

Lumapit sa kanya si Kyshaun at ipinaloob siya sa mga bisig nito.

" I won't hon! I will not let that bitch hurt you in any ways possible, and I want to say sorrry,"

" Hmm, para saan naman yang sorry mo?"

" For putting you in this situation. Kung ako lang ang masusunod, I wouldn't hesitate to just handcuffed and put Lyka behind bar, kaya lang we need a more solid evidence para tuluyan ng mapanagot and babaeng iyon for what she did to you before. Hindi naman kasi natin maaasahan si Mirla, because she doesn't want to testify against her daughter, sapat na raw na sinabi na niya ang mga plano nito, at hanggang doon na lang daw ang tulong na kaya niyang ibigay sa atin, and sorry also, kasi hahayaan kitang harapin mag-isa ang babaeng iyon, alam ko namang kaya mo, but I can't help but blame myself for putting you in this kind of misery, dahil sa akin kaya ginagawa ni Lyka ito sa iyo—"

" Shhh!," She pressed her fingers on Kyshaun's lips to silence him. " It is not your fault okay, and I am not blaming you for that. Hindi mo kasalanan na gustong gawin ni Lyka ang mga bagay na iyon. Hindi mo naman siya sinabihan o inutusan na gawan ako ng masama, so stop blaming your okay. It is Lyka's fault that we are in this dip shit, just because she can't control her haywired emotions pagdating sa akin. Nilamon na ng inggit ang utak niya, kaya ganoon na lamang siya mag-isip, kaya hindi mo kasalanan iyon. She has a mind of her own, and she thinks on her own accord, and she will pay for that, natitiyak ko sa iyo yun!"

" But I won't be holding you habang kaharap mo siya!"

" Pero naroon ka naman, yeah gusto kong maramdaman na yakap mo ako habang kausap ko ang babaeng iyon as she lay her plans on torturing me and making me miserable, but I don't want to see any amount of success on her face kapag nakita niyang natatakot ka sa mga maari niyang gawin sa akin. I won't let her be satisfied nor had a taste of fleeting triumph because she thought that she can win you, because of you falling for her trap. Kahit na isang tabas ng ngiti mula sa kanya, ayokong makita. Huwag kang mag-alala okay, I will handle Lyka just like what we had it planned,"

Kyshaun didn't say anything after that. He just smiled and circled her more tightly in his embrace.

" Hello Miss Perkins, or should I call you Mrs. Lewis already?" Nakangiting bati ni Doc Ren sa kanya ng pumasok siya sa clinic nito.

She smiled and extended her arms on her OB.

" Hi doc, long time no see ah, but do call me Perkins, wala pa naman akong go signal kay Attorney para gamitin ko ang pangalan niya, " natatawang sagot niya sa doktor.

Well, tama naman siya. Oo nga at nagpropose na sa kanya ang kasintahan, but it doesn't mean na dadalhin na niya ang apelyido nito noh. Hindi pa naman nila napag-uusapan ang mga detalye, he just proposed and slip a ring on her finger, then nothing.

Hindi naman niya it ginagawang big deal, because she knows how Kyshaun is very intent on having Lyka fall on their trap. Makakapaghintay naman ang kasal nila.

" But I see a ring," patuloy na panunukso ni Dr. Ren

" It's just a ring, wala namang nakalagay na pangalan, puwede pang hubarin," she tried to removed the ring when she thought she heard a harsh breathing, akala niya at may ibang tao sa clinic maliban sa kanila ni Doc Ren, pero ng pasimple niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid at wala naman siyang napansing kakaiba.

" Hmmm, ikaw rin. If you tried to remove that ring baka may magwala. You know how possessive Attorney can be right." Nakangiting paalala nito.

Lumabi siya. " Let's not talk about him, nakakaasar siya. Hindi niya nga ako sinamahan dito ngayon, dahil inuna pa niya yung IBP conference niya, then he will pose as a possessive boyfriend, sapakin ko pa siya eh,"

Nakarinig ulit siya ng pagsinghap, and this time Doc Ren seems to have heard it also, dahil ng tingnan nila ang CCTV monitor ay nakita nila si Lyka.

She is eavesdropping! Nasa likod ito nang pintuan ng clinic na bahagyang nakaawang. Her eyes showed triumph, siguro dahil narinig nito ang mga sinabi niya, napatunayan siguro nito na hindi nga niya kasama ang kasintahan.

She looked at the doctor, tumango lang ito na parang sinasabi na umpisahan na nila ang plano.

" So Miss Perkins, kamusta naman ang pagbubuntis mo? Do you feel anything, may sumasakit ba sa iyo? Are you feeling some strees or what? Or do you crave for any foods or anything yet?"

Umaktong nag-iisip si Jhossa.

" Hmmm, okay lang naman kami ni baby. She's growing bigger, I think. Hindi naman ako stress, because we are perfectly. Sa cravings , wala pa naman akong napagtitripan ngayon kasi halos lahat kinakain ko pa eh,"

" Ok good. So have you taken all the vitamins that I required you to drink?"

" Yes doc."

" Good! So hanggang doon na lang muna ang session natin for today. Well I advise you to eat more healthy foods okay, para yung nutrients at masalo lahat ni baby. At kung sakaling dumating yung time na magke-crave ka, it is also recommendeble to satisfy yourself more than anything, para hindi magtampo si baby sa loob ng tummy mo, sa next visit mo, we'll do your first ultrasound para makita natin ang progress ni baby sa tummy mo, okay!"

" Okay, thanks doc," Jhossa said at saka nagpaalam na sa doktora.

" Til' next month Miss Perkins, have a great day!"

" Of course I will," Jhossa answered, with double meaning.

Nang makalabas sa clinic NG OB niya ay agad na nakiramdam ang dalaga. She knew it would only takes less than a minute at magpaparamdam na sa kanya ang babaeng siyang pakay niya talaga dito.

At hindi nga siya nagkamali. The minute she started walking ay naramdaman na lang niya ang pagbangga sa kanya ng isang pigura.

This must be her!

At hindi naman siya nagkamali.

" Oh, I'm sorry," the woman muttered pero wala naman sa itsura nito na humihingi ito ng dispensa.

Kahit mahirap, Jhossa tried to smile sa babaeng nasa harapan niya.

" It's okay, mukhang hindi mo naman sinasadya," she controlled herself ng makita ang pag-ngisi nito. " Are you a patient here?" Kunway tanong niya.

Lyka looked at herself, bago ipinokus ang paningin sa kanya. Nakapamulsa pa ito.

Ngumiti ito, iyong nakakapangilabot na ngiti.

" Nah, but I think you will be," she said, at inilabas nito ang kamay na nakasuksok sa bulsa.

She is now holding a knife,and it is pointing at her.

Pakiramdam ni Jhossa ay nalusaw ang tapang niya, ng makitang iwinawasiwas nito ang patalim na hawak.

Oh God! What the hell?

"B-bakit?" She tried to ask.

" Bitch! This time, sisiguraduhin ko na ang pagkawala mo sa mundo. At may bonus pa ako, dahil isasama ko iyang batang ipinagbubuntis mo," Lyka hissed and pose to strike her.

"N-no, Kyshaun!"

A/N

Pabugso-bugso Lang..

Pasensya na guys...

Busy Lang sa work...

Soryna agad!

Sinnersaintbitch

Share This Chapter