Back
/ 78
Chapter 69

Chapter 66- That Miracle

One Stormy Night

" I thought you said she is out of danger already, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising? It's been what, forty-eight hours already and yet she's still unconscious and not waking up, what the hell is happening Michelle?"

Jhossa couldn't help but smile while hearing the worried voice of Kyshaun habang kinukuwestiyon nito ang kaibigang doktor, kanina pa siya gising but she wants to hear what he was asking kaya naman nagpanggap muna siyang hindi pa nagigising that way she will know what's he's  been up to and now he really sounded so worried and scared at hindi niya maiwasang pagtripan pa lalo ang kasintahan na hindi na maipinta ang mukha habang patuloy na nakikipag dayalogo sa mag- asawang doktor, her friend on the other hand wears this "I'm bored look"  habang ang asawa naman nito ay pangiti-ngiti lang.

" Ayaw na yatang gumising ni Jhossa, kasi ang alam niya ay ikaw ang mamumulatan niya pagbukas ng mga mata niya. Maybe she had regained her memories at natauhan na ulit siya kung kaya naman hinihintay ka niyang umalis muna bago siya gumising at ng makalayo na siya ng tuluyan sa iyo," nang-aasar ang boses na sagot ni Michelle, who  was looking at her kaya naman malayang pinandilatan niya ito ng mata. Her friend just playfully rolled her eyes.

Gosh! She was teasing Kyshaun at paranoid ang boyfriend slash fiance niya, baka mamaya ay —

" What? No! That's not gonna happen!" Kyshaun's loud but terse voice boomed in the four corners of her hospital room,sinasabi na nga ba niya eh, it would only take a couple of seconds for him to erupted like that.

" What's impossible to happen, Kyshaun? Ang pagbabalik ng  memorya ni Jhossa o ang paglayo niya sa iyo!" Michelle continued her "mild attack" on her man. Napailing na lang siya sa kaabnormalan ng kaibigan na sinesegunduhan pa ng baliw din nitong asawa.

" Akala ko ba okay lang na magbalik ang memorya ni Jhossa? Then why look so baffled Ky?" Dylan asked, faking a surprise looked on his face. Well she wants to hear his answer to, di nga kaya at nagbago na ang isip nito at napalitan na rin ang sagot na siyang palagi nitong sinasabi sa tuwing pinag-uusapan nila ang posibilidad ng pagbabalik ng kanyang mga alaala.

Nakita niya ang pagpihit ni Kyshaun upang lingunin siya, agad ang pagpikit niya upang hindi nito makita na gising na siya and that she's actually listening to their conversation.

" I'm not at all baffled or afraid that she might gain her memories back, hindi nga ba at sinabi ko na sa inyo noon na mas okay ako kung babalik ang mga alaala niya at magagalit siya sa akin at parusahan ako sa mga maling nagawa ko sa kanya keysa naman mawala na naman siya at iwanan ako muli, hindi ko kakayanin iyon, that would actually impaired and eventually kill me, you know how much I love her, she and my kids are my life, " his voice shook as he said those last sentences.

And Jhossa instantly melted.

This man is really something. Kahit na alam nito ang posibilidad na maaaring kamuhian niya ito sakaling bumalik ang alaala niya ay hindi ito nangingiming sabihin na mas gugustuhin pa nito na matanggap ang parusang ipapataw niya dito keysa ang malayo at mawala siyang muli.

Kyshaun would rather face her wrath than be left alone. Again.

She wanted to cry. Maybe she really deserves all those pain that she had felt and experience before, because right now she couldn't be more happier than she is before knowing that Kyshaun is willing to fulfill all those promises that  he once had broken, though bits and bits of those forgotten memoir still echoed on her brain, sinasadya man o hindi sometimes she wished na hindi na nga bumalik ang alaalang 'yun dahil nararamdaman niya na nakapaloob sa mga alaalang iyon ang nakaraan na ninais niya ring makalimutan noon. The memories that though haunted her in her dreams ay minamabuti na lang niya na ibaon sa nakaraan.

Besides she is happy now. More than happy because deep in her heart and through the depths of her mind, alam niyang ang Kyshaun na kasama at nag- aalaga at nagmamahal sa kanya ng lubos ngayon ay ang Kyshaun na ninanais at pinapangarap niya, kumpleto o kulang man ang kanyang alaala.

" You are helpless dude! You are so in love with Jhossa samantalang dati ay —"

" Don't mention it Dylan! I know already my mistakes at alam mo na kung ano ang siningil sa akin dahil sa mga kamalian na iyon and just like you, I want to be a better version of myself to be worthy of Jhossa's love and affection. I want to spend the rest of my life proving and letting Jhossa know that I am the man that would complete the word happiness, contentment and love for her,"

" Yeah, heart. You're friend here is helpless. Kung ako kay Jhossa, hindi muna ako gigising dahil ang corny ng isang it. But on the other hand, sige gigising na lang din para umpisahan na ang pagpataw ng parusa sa lalaking iyan," Jhossa heard some shuffling beside her, she tried peeping through her life kaya nakita  niya ang kaibigan na kunwari ay may tinitingnan at sinisuri sa kanya, at dahil nakaharang ito at natatakpan ang pigura ni Kyshaun ay malaya niyang naidilat ang mga mata, just enough for her to scold her friend.

" What the hell are you thinking?" She mouthed.

" Trip," Michelle whispered back. " Nakakatuwa kasing pagtripan eh, patola," may kasamang ngisi na dugtong nito, tapos kunwari ay mulling tsinek ang IV na nakakabit pa sa kamay niya.

" Stop it okay! He is worried already for Pete sake!"

Nagkibit balikat lang si Michelle, " Sabi mo eh," anito at tumalikod na sa kanya at muling hinarap si Kyshaun, " Hmmm, well her vitals is good at wala naman akong nakikitang irregularities sa breathing and sa pulse also ng baby niyo. They are fine, and it is safe to say also that all the poison that were input on her body has totally been washed out, kaya wala ka ng dapat ipag-alala. And don't worry also dahil " magigising" na rin iyang pasyente mo. Kausapin mo na lang paglabas namin, then pour you heart out, malay mo magkamilagro, dumilat bigla yang girlfriend mo," may diin at makahulugan nitong sabi. " Let's go heart, I cannot take any melodramatic scenes na puwedeng mangyari sakaling magka milagro," she meaningly said at nagpatiuna ng lumabas ng silid, kasunod ang ngingisi-ngising si Dylan.

" Narinig mo yun, Ky? She is out of danger ganoon din ang baby niyo, kaya puwede ka ng magrelax. Hintayin mo na lang yung milagrong sinasabi ng asawa ko," with that Dylan exited also, mabilis na sinundan nito sa labas ang asawa.

Kyshaun sat on the chair besides Jhossa's bed. He silently watched his girl who bravely fought to finally end their battle with Lyka, but thinking about it brought shivers down his core. Paano pala Kung nahuli siya ng dating, there is a possibility that Lyka would landed her second blow on Jhossa using that poisoned knife. At maaaring mas lethal ang magiging tama at pagkalat ng lason sa katawan nito.  Kinuha niya ang kamay ng kasintahan, at dinala iyon sa labi niya.

" Hon, please wake up. I'm sorry! Please I'm sorry kasi hindi ko nagawa yung ipinangako ko sa iyo na hindi ka masasaktan. I came a little late at baka kung mas na late pa ako baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko. I'm really sorry hon, kasi inilagay ko kayo sa panganib, I'm sorry for taking you as an option para mahuli ang kapatid mo. I'm sorry dahil nagkulang ako sa pagprotekta sa inyo ni baby. I'm sorry for putting you in this bed. I am sorry for this failure, hayaan mo pag gising mo babawi agad ako. And I promise you that I won't fail you again, kaya sige na gumising ka na. Please hon, don't torture me like this, kahit na bumalik pa yung mga nakalimutan mong alaala, at kahit na parusahan mo ako habang buhay, it won't matter to me basta ba masiguro ko na ligtas at ayos ka at pati na rin ang mga bata, I would gladly welcome your wrath, so please hon please wake up. I really miss you, you know. "

Ilang minuto pa na tinitigan niya lang ang magandang mukha ng kasintahan, but just like earlier nanatili lang itong nakapikit. Her face looked relax.

" Sige gusto mo ba munang magpahinga. Okay I will let you rest but on one condition okay, pagkatapos mong magpahinga gumising ka na. I will ask Umaga to bring Karsten here okay. He misses you already, and I missed you so damn fucking much," ang kamay ni Jhossa na nakakulong sa mga kamay niya ay muli niyang dinala sa labi. " I love you Jhossa Joud, please wake up already para patunayan sa iyo kung gaano."

And to his surprise, he saw her eyes fluttering to open.

Then Jhossa spoke

Damn miracles!

Share This Chapter