Chapter 69- Double Happiness
One Stormy Night
" They're so lovely," manghang usal ni Glayssa, " I just couldn't take my eyes off them. Very beautiful!," Her voice was full of emotion habang nakatunghay sa salamin ng nursery room.
" Yeah, they really look alike. Halos lahat ng anggulo walang ipinagkaiba," it was Angelica, na katulad ni Glayssa ay may paghanga ring nakatingin sa nasa harapan nila. " I am wondering now how could they be identified by their parents, lalo na at para silang biniyak sa iisang bunga."
" Well that wouldn't be too hard," Michelle butt in. " Kapag pinagmasdan niyo silang maigi, you will see a slightest difference from them, and beside each baby have their own unique features. Baby number one has a heartshape birthmark on her navel, while baby number two had this star shape, so binigyan nila ng madaling trabaho ang mga magulang nila para kilalanin sila, isn't that funny?"
Shey chuckled, " And here I thought na araw-araw bubulyawan ni Jhossa si Kyshaun for this upcoming headache. Mabait na mga bata,manang mana sa ina, mabuti na lang talagaâ"
" Anong mabuti naman, my queen?" Kaizer asked from behind them, kasunod nito sila Meg at Zach.
" Hmmp, wala! Ang sabi ko lang at mabuti naman at mukhang hindi nagmana ang kambal na ito sa ama nilang puno ng saltik ang utak! "
" You're still harsh on Kyshaun my queen . Akala ko ba past is past?" Masuyong tanong ni Kaizer sa asawa, inakbayan pa nito si Shey na bakas na naman ang iritasyon sa mukha.
" Can't blame me! Alam mo naman na hindi ako madaling makalimot, but on his part, medyo na eexcempt na siya lalo pa at alam kong masaya si Jhossa sa piling niya. But I cannot promise that I will be very good to Kyshaun, unless he really goes beyond everything to prove that he will never do anything that will cause the smile on Jhossa's face to vanished again."
" Let him do his way, Shey! Huwag ka na lang maging extra kontra bida okay. I am sure na ngayong nakapanganak na si Jhossa, Kyshaun had a plan on his own. Let us not ruin it!" Angelica gently reminded Shey, who just shrugged.
" Whatever fits the fist first, my friend. Whatever!"
Kyshaun stared at Jhossa's sleeping form. Hanggang ngayon ay may epekto pa ang Demerol na ininject sa kasintahan kung kaya naman hindi pa ito nagkakamalay. Kababakasan man ng pagod ang mukha nito ay may mabining ngiti pa rin ang nakapagkit sa mga labi nito. Must be because she is very happy to deliver their babies in this world.
Babies!
Yes. He and Jhossa welcomed their two precious little princess in their life. Kala Jyena Jui and Karissa Devi Jui.
He was shock alright nuong malaman niya Kay Dr. Ren na kambal ang magiging anak nila. He couldn't contain his emotion, he was okay with them having their second child but having a twins is such a gift that goes beyond what he expected,and he is very happy and at the same time very proud of his Jhossa for she was able to give a natural birth to their twins. Nag-alala pa nga siya na baka hindi nito kayanin ang natural birth but Dr. Ren assured him that Jhossa already prepared herself to deliver their babies safe in normal way.
And she did!
Bravely!
And when he first hold the babies in his arms, he couldn't help the tears that flows freely in his eyes. Iyon pala ang pakiramdam na mahawakan mo ang anak mo sa unang pagkakataon. He missed the chance of holding Karsten the day that he was born at may panghihinayang siyang naramdaman because he is his heir. His first born! And besides alam naman na niyang hindi na niya mababawi ang nakalipas na panahon kaya naman ginagawa niya ang lahat upang mapawi ang lahat ng pagkukulang niya sa kasintahan at sa anak.
He might not be able to meet Karsten every first, but he sure as hell won't miss everything in his life now that they are together as a family. And it's a promise that he surely will fulfill.
Idagdag pa ang pagdating ng dalawang prinsesa niya.
His life couldn't even be more complete.
Bahagya pa siyang nagulat ng biglang gumalaw ang kamay ng kasintahan na kanina pa niya hawak. Jhossa stirred in her slumber at dahan- dahang nagmulat ng mata.
" Hey, there brave mommy," He gave her a soft smile. " How are you feeling?" He asked ng makita niyang bahagyang napangiwi ang kasintahan ng subukan nitong itaas ng bahagya ang katawan.
" I'm fine, hon," Jhossa's voice though weak held some happiness. Mabilis nitong inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Probably looking for their newborn babies. " Where are they?" She added ng mapansin na wala pa sa silid ang mga anak nila. " And where is Karsten?"
" They are still in the nursery, si Karsten naman ay kasama nila Lida at Letty, nagugutom na raw siya kasi ang tagal mo raw gumising, " he answered while reclining her pillows upang bahagyang tumaas ang katawan nito. " Do you want to see them?"
Tumango si Jhossa, " How are they? Okay lang ba sila? Did they get any infection or what? Baka kasiâ"
" Hon, they are fine. Wala silang infection or kahit na anong sakit, they are as normal as they can ever be. Kumpleto rin ang mga daliri nila if that's what you're going to ask next. And very beautiful too."
" Mabuti naman kung ganoon," tila nakahinga naman ng maluwag si Jhossa sa mga narinig. " When will I see them?" Kapagkuway tanong nito, and as if on cue, pumasok ang mga kaibigan nila kasunod ang dalawang nurse na bitbit ang kanilang kambal.
" Hello there, mommy." Bati ng mga ito. Each one of them are holding a gift na agad na kinuha ni Kyshaun at idineposito sa mahabang sofa na naroon. " Here are your princesses," Michelle said at iniabot sa kanilang dalawa ni Kyshaun ang kanilang mga anak.
Jhossa almost burst out crying when she held her babies in her arms, pinakatitigan niya ang mga ito. Her heart swelled with so much happiness and pride habang masuyong pinaglalandas ang paningin sa kanyang mga anak.
" They are so tiny," she whispered. Carefully tracing their soft and tender face. Natatandaan niya pa, this is the same old feeling that she felt when she first held Karsten noong isilang niya ang unang anak. She couldn't help but be emotional lalo pa at noong mga panahon na iyon ay mag-isa lang siya, she couldn't share her emotions and happiness to others, sarili lang niya ang tanging nakasama niya while she celebrates the arrival of Karsten in this world. But now is different. She had her friends in here celebrating with her at gayundin kasama niya rin si Kyshaun, ang ama ng kaniyang mga anak, who seems elated habang kasama niya ring nakatunghay sa kanilang mga munting anghel. " Hello Kane," she said to the twin with heart pranela all over her.
Binalingan niya ang isa pa na nababalot naman ng pranela na mayroong mga star designs, " And hello to you too, Kade, I am your mommy, and this man beside me is your daddy. " She introduced lalo pa at nakita niyang parang gising ang dalawa. " We love you so much, thank you for coming into our life, later I will introduced you to your Kuya Karsten okay, I am sure that he can't wait to see you both. And your Kuya loves you also," she feel so content habang hawak at patuloy na nakatunghay at pinagmamasdan ang kanilang mga anak.
" So how are you feeling? Anong pakiramdam ng mag-ire ng kambal?" Shey suddenly interrupt, kahit kailan talaga ang babaing ito, panira ng cozy mood eh.
" Bakit parang hindi mo alam kung paano ang mag-ire ng bata? " Angelica asked, amusement laced in her voice. " Hindi ba at normal delivery ka rin naman?"
Pinukulan ito ni Shey ng irap, " Isa lang ang lumabas sa akin noong mga panahon na iyon, Umaga. While our friend here took the blow two at a time, so malay ko ba kung ano ang mas mahirap, or kung same lang ba ang hirap, pabebe kasi si Doc Michelle, ayaw ikuwento yung experience niya nung ipinanganak yung kambal niya eh," Michelle just laughed at Shey's antics.
" Syempre same lang iyon no. Kung ano ang naranasan mong hirap noong ipinanganak mo ang mga anak, ganoon din ang naranasan ni Jhossa habang ipinapanganak si Kane at Kade. Saka bakit mo ba itinatanong? Don't tell me balak mo ring mag-anak ng kambal?"
Ngumisi si Shey, " That is an idea, pero gusto ko paternal twin, a boy and a girl," bumungisngis pa ito. " Pero etong pangit na ito, ayaw ng sundan ang bunso namin, nangangatog na sa takot, sobra daw akong nahirapan last time na nanganak ako eh."
" I just don't want you to feel that pain again my queen, alam mo naman na ayaw kong nahihirapan at nasasaktan ka eh." Kaizer said that made their friends rolled their eyes ceilingward. " Pero Kung gusto mo sige gawa tayo ng sarili nating kambal
" I know right!" Shey said and give Kaizer a smack that made everyone grimace.
" Get a room you too, dito pa talaga kayo naglambingan huh,"
Shey just smiled teasingly. " Zachary, will you please hold your wife like how my husband is holding me. Mukhang naiinggit si Umaga eh," baling nito kay Zach, na agad na lumapit kay Angelica.
" Huwag ka ng maging dragon, baby! I will cuddle you also." Zach said na ikinapula ng husto ni Angelica.
" Masyado kayong maingay, mabuti pa umuwi na tayo and let this new parents have their own family celebrations. Makakagulo lang tayo. " Glayssa said ng makitang nagkalaasaran ng lang sila.
" Palakas ka J, and congratulations on your twins, alagaan mo sila Kyshaun okay," bilin pa nito sa kasintahan.
" Thanks for coming. At salamat din sa mga regalo."
Tumango lang ang mga kaibigan niya at saka magkakasunod na lumabas na ng pinto.
" Are you okay?" Tanong ni Kyshaun ng sila na lang ang nasa kuwarto.
" Yeah, " she answered at nginitian ito. " I just feel so lucky and blessed to have those crazy, bratinella girls as my friends. Masyadong malaki ang pasasalamat ko sa mga iyon kahit na gaano pa sila kaluka-luka. "
" And I am thankful also that they are your friend. Kahit na alam ko na hindi pa sila ganoon nagtitiwala sa akin when it comes to taking care of you and your heart, hinayaan pa rin nila akong lumapit at muling makabalik sa iyo. I couldn't thank them enough lalo pa noong nahanap ka nila after those three years that I believed na wala ka na. Sila ang gumawa ng paraan para mabuo tayo ulit para magkaroon ulit ng direksyon ang buhay ko, and I am glad na hindi nila sinubukan o pinagtangkaan man lang na ilayo at itago ka, bagkos ay ipinaalam agad nila sa akin na nakita ka na nila. And assured me that I can have you back again without them interrupting and without them showing contempts. Masuwerte talaga tayo dahil sila ang mga taong nakapalibot sa atin. They have the biggest understanding and forgiving hearts that I've known and I couldn't take them well enough, " Kyshaun answered. " Kaya ang gagawin ko na lang ay mahalin at alagaan ka, kayo ng mga anak natin. I don't want to justify my mistakes by saying that I was blinded by the truth, pero ipinapangako ko sa iyo, hon. I would never ever doubted you ever again. At tulad ng sinabi ko noon, you first before anything else. And this time I mean it."
She was closed to crying. Her eyes were misty and her voice choked on her throat. She was about to answer Kyshaun ng biglang bumalandra ang pintuan ng hospital room niya, at mula roon ay hangos na pumasok ang kanilang panganay na si Karsten.
" Mommy, Daddy!" And matinis na boses nito ang pumuno say kanilang silid. " Tita Michelle said the babies are here. Can I see them? Please, please!" Pumapalakpak pa ito habang nagtatalon pa. He was very excited to see his siblings.
Nagkatinginan na lang sila ni Kyshaun, ang medyo mabigat at madramang atmospera kanina ay biglang nawala dahil nahawa na rin sila sa excitement na ipinapakita ni Karsten.
" I love you!" Kyshaun muttered .
" I love you too!" She mouthed back, habang inaalalayan nito si Karsten upang makasampa sa kama at upang makita nito ang mga kapatid.
Though battled with so much of a bad experience, alam ni Jhossa na hinding hindi na niya mulling mararanasan muli ang mga sakit na naranasan niya noon.
She believed in Kyshaun, kung paanong pinaniwalaan niya na ito ang tanging lalaking nakatadhana para makasama niya sa habang buhay.
Those troubles and agonies, heartbreak and pain that she felt before ay natakpan at nabura na ng kaligayahang nadarama niya ngayon.
Tama nga sila. Love coveres multitude of sins and mistakes, at kung hahayaan mo na lamunin ka ng sakit at paghihiganti, you will never get the happy ending that you want in your life.
But if you have successfully overcome all those, the grandest rewards is the happy ever after you are dreaming of.
At sa kaso nila ni Kyshaun, they live for each other, though it's not perfect ang masasabi niyang siyang gumamot sa mga puso nilang nasaktan.
Because their love for each other conquers the pain and anguish
and strengthen and tighten their bond with each other.
She smiled happily. After a long One Stormy Night, Jhossa Joud is finally home. Home that calms her soul. Home that ease her worries. Home that made her feel secure.
Home! And that is Kyshaun Drake Lewis.
End....
A/N
The clock is ticking... And it finally ended.
Thank you for bearing with One Stormy Night for almost a year.
Ito talaga ang pinakamahaba at pinakamatagal kong natapos na story, and I salute you guys for being with me as I embarked on their journey.
Jhossa and Kyshaun is saying their goodbyes... For now..
Salamat sa lahat ng sumuporta, nagalit, naiyak, kinilig, nakikapit, nagpatawad at nagmahal sa dalawang ito.
I am grateful for each and every one of you..
Ever After Series Volume 1 is finally closing in.
They are taking their bows as they close the chapters of their life.
PS..
Kung familiar ka sa pangalan ng babies na nabanggit at Alam mo na ikaw ang nagbigay noon, then congratulations sa iyo.
I hope you like the combination though.
Maraming salamat sa pagsuporta..
Hanggang sa susunod...
Sinnersaintbitch