Chapter 7 A Knight?
One Stormy Night
" Meron ka bang gagawin mamaya?" Iyon agad ang bungad sa kanya ni Angelica ng sagutin niya ang tawag nito.
Sandali siyang mag-isip at kinalkula sa isip ang mga appointment niya ngayong araw, kahit naman nasa Pilipinas na siya ay hectic pa rin ang kanyang schedule lalo pa at kumalat na sa social media na narito na nga siya sa bansa.
Thanks to that bastard Kyshaun at sa eskandalong iniwan nito sa kanya noong araw na ninakawan siya nito ng halik noong nasa elevator sila.
Hindi nga siya nagkamali ng isipin na may kumuha ng larawan nilang dalawa.
At ang hudyo, ni hindi man lang gumawa ng paraan para hindi kumalat ang mga litratong iyon. Kung susuriin nga niyang mabuti parang pinayagan pa ng lalaking iyon na mahantad sa publiko ang mga larawan nilang dalawa na naghahalikan dahil hindi man lang ito nag- pahayag ng pagtutol ng dinagsa at sinimulang putaktehin ng mga ususera at tsismosa ang isyu tungkol sa kanilang dalawa.
At ang pesteng lalaki tila nananadya pa dahil kung saan siya naroon ay palagi rin itong naroon, kaya tuloy hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanilang dalawa.
She's been here at the country for a month now. Ang plano niyang tatlong araw na pananatili dito ay hindi natupad, pinayuhan kasi siya ni Paul na huwag munang bumalik sa America habang mainit pa ang isyu nilang dalawa ni Kyshaun.
The international press would love to have not only a piece of her kapag bumalik siya doon na karay-karay ang bagahe nilang dalawa ng dating kasintahan.
At hindi niya alam kung anong palusot ang kaya niyang ibigay sa mga ito, just as not to bother her with that issue.
Kaya nga heto siya ngayon, hands on sa Engraves, her own business na naipundar niya sa tulong ng kinita niya sa kanyang pagmomodelo.
" I'm free tonight, ano bang meron?" Tanong niya sa kaibigan habang isa- isang minamarkahan ang mga ikakansela at itutuloy na appointment. Or maybe she can ask Savannah to attend some of them para naman hindi siya masira sa kanyang mga kliyente.
Engraves is a jewellery store. Maliban kasi sa pagmomodelo ay talento na talaga niya ang pagdedesign ng mga alahas.
At sa loob ng mahigit na isang buwan ay makailang beses na silang nag launch ng mga bagong design ng mga alahas. From simple to elegant to flashy. Sa pagdidisenyo niya muna itinuon ang buong pansin niya.
But of course hindi niya naman kinalimutan ang preparation ng retirement niya, but she still chooses to remain silent about it. Hindi niya gustong pati ang pag- iwan niya sa kanyang glamorosong trabaho ay gawing karnabal ng mga walang patawad na miyembro ng mga taga midya.
" Just a little celebration JJ, sa Cappussina. The girls will be all there kaya dapat naroon ka rin para naman makumpleto tayo. Don't worry, si Paul naman ang may-ari nun diba kaya sigurado kang walang mga reporters na makakalusot ."
" Ano naman ang ise-celebrate mo Umaga? Napapayag mo na ba si Zenith?" She asked with slight teasing on her voice.
Angelica groaned, " It's not about that JJ, pero close to it."
" And what is that?"
" Nag- champion ang team nila Zachary JJ. Alam mo naman na tradition na ng family na mag-throw ng victory party as a celebration, and I know I'm going to get bored in there kaya naghahanap ako ng karamay."
" Hmmmp, akala ko naman kung anong meron! Pero sige dahil ikaw naman ang nagyaya, I'll be there. What time ba?" Kunwari ay napipilitan lang na sagot niya dito.
" Sabi ni Shey, she'll pick you guys at around eight. Sa Cappussina na lang tayo magkita-kita okay?" Bilin nito.
She nodded her head na parang nakikita siya nito. " Oh, okay! See you then,' she said then hung up.
She stretched ng mailapag niya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. She took a glance at the wall clock, it strikes eleven. Masyado pang maaga para sa lunch, but she needs to unwind kaya naisipan niyang magpunta ng mall, tutal naman ay alam na ng mga tao na narito siya sa bansa kaya hindi na niya alintana kung makilala man siya habang naglalakad sa mall.
" Savannah pupunta lang ako ng mall. Cancel my luncheon meeting with Radeon Trade, wala naman akong mapapala sa kanila. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag okay. I really need to unwind." Bilin niya dito.
Savannah smiled at her, " Sure thing JJ, buti naman at naisipan mong lumabas, I really thought magkukulong ka na lang dito sa Engraves eh. Halos ilang linggo ka na ring nakaburo dito sa opisina mo. May iniiwasan ka ba?" Tudyo nito sa kanya.
Napailing siya. Savannah is not different from Angelica, parehong mapang-asar.
" Sino naman kaya ang iiwasan ko Sav?" She rolled her eyes ceiling wards .
" I don't know, perhaps ang anino ng kahapon." Savannah's smiled knowingly.
" Wala na akong iniiwasan na anino ng kahapon Sav. Kung hindi man ako lumalabas ng opisina ay dahil gusto ko munang maranasan ang maging hands on ulit dito. It's been such a long time since I've done this with and I really missed designing for Engraves. Kaya huwag niyo nang bigyan ng ibang kulay okay." natatawang paliwanag niya. Alam naman niya kung saan patungo ang panunudyo nito, at kung maaari lang ayaw na niyang patulan ang mga ito.
" Okay sige. Hindi na kung hindi. Just take care of yourself okay at baka mapatay ako ni Paul kapag may nangyaring masama sayo. Just call me if ever na may mangyaring untoward incidents okay." Bilin nito sa kanya.
She nodded and grab her bag. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong naghihigpit sa kanya si Savannah ngayon, unlike before na talagang todo bantay ito sa kanya sa tuwing narito siya sa Pilipinas. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil nga naman ibinilin siya ni Paul dito.
Savannah was acting like a big sister that she never had and also a mother to her dahil nga rin siguro sa age gap nilang dalawa. ito at si Paul ang tumayong magulang niya ng naulila siya ng halos sabay na nawala ang daddy at mommy niya and she's somehow very thankful because of that.
" Babalik din ako after lunch. Bigla ko lang na- miss ang mag -mall. And perhaps I could look for a very good location para maglagay ng franchise ng Engraves. "
" Okay good luck! Bring your car okay at mag ingat ka JJ."
" I will," she answered at naglakad na palabas. Ngunit taliwas sa bilin ni Savannah ay hindi siya dumiretso sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, bagkos ay dumiretso siya sa abangan ng sasakyan at mabilis na pinara ang taksing unang dumaan.
" Can you take me to the nearest mall Manong?" Aniya sa matandang driver nang tanungin siya nito kung saan siya magpapahatid.
" Ay opo . Ang pinakamalapit na mall dine ay yung KDL mall mam. Natitiyak kong magugustuhan niyo doon, dahil sadyang napakaganda ng lugar na iyon, bagay na bagay sa inyo." Sagot ng driver.
" Sige Manong! Doon niyo ako ihatid." She instructed the driver at aliw a aliw na pinagmasdan ang mga lugar na nadaraanan.
Halos hindi niya namalayan nang iparada ng driver ang taksi sa harapan ng isang napakalaking mall, halos matulala siya habang pinagmamasdan ang napakagandang istruktura.
" Dito na po tayo mam," untag ng driver na nagpabaling ng paningin niya dito.
" A sige po Manong salamat Po, " inabot niya ang buong isang libo dito.
Napailing ang driver, " Naku po mam, eh wala po ba kayong mas mababa dito, singkwenta pesos lang ho kasi ang metro niyo?" Nakangiwing tanong ng driver.
" Naku manong, keep the change na po at salamat ho sa paghahatid." She answered beamingly at mabilis na bumaba ng taksi. Hindi na niya nilingon ang driver na tinatawag siya.
Mabilis na pumasok siya ng mall at nasiyahan siya ng mapansin na halos lahat ng stalls dito ay pawang mga sikat na brand, pero napangiwi naman siya ng mahagip ng paningin niya na halos lahat ng mga nakadisplay na malalaking larawan ng mga modelo doon ay ang nga larawan niya.
Shit! She cursed. Wala bang ibang makitang litrato ang mga ito. Bakit puro mukha niya ang nasa billboard ng mga ito?
Kinapa niya ang shades na nasa bag niya at agad na isinuot iyon, lalo pa at may mangilan-ngilan ng tinitingnan siya tapos ay babaling sa kinatatayuan niya at magbubulungan.
She began to walk, at hindi na binigyan ng pansin ang mga ito. She came here on purpose at iyon ang gagawin niya.
Pumasok siya sa Hermes at namili ng bag na ibibigay niya sa mga kaibigan. She remembered na wala nga pala siyang nadalang pasalubong para sa mga ito, because of her unplanned travel.
" Oh my God! Is that Miss Jhossa the supermodel?" Halos mapangiwi ulit siya ng maulinigan ang bulungan ng dalawang customer at ng isang sales lady na nag- aassist sa mga ito.
" Baka naman kamukha lang." Sagot naman ng isa pang babae. Pasimpleng pinasadahan siya nito ng tingin.
" Grabeng pagkaka- mukha naman yata 'yan. Lahat kuhang- kuha. I mean look at her so classy, rang hindi naman kapani-paniwala na kamukha niya lang iyan, at ang balita ko pa narito raw siya sa bansa kaya there is a big possibility na si JJ nga iyan." pagpipilit ng unang babae na nagsalita.
She's starting to feel uncomfortable. Mali yata ang desisyon niya na mag mall ah.
" Excuse me mam, " one the sales assistant called her attention. Nilingon niya ito and flashed her an awkward smile. " Pay out na po natin itong mga ito?"
Napatango siya, next time na lang ulit siya mamimili or baka mag order na lang siya online ng mga gamit na puwedeng ipang pasalubong mga kaibigan.
" Don't worry mam, we value your privacy kaya po hindi po kayo malalapitan ng mga tao kung ayaw niyo po. Our security is ready to assist you at any moment."
" You knew me?" She asked surprised on her tone.
Napatango ang sales assistant, itinuro din nito ang napakalaking billboard niya na katapat lang ng outlet ng nga ito.
She grimaced. " Why do they have to put all my pictures there?" Bulong niya sa sarili.
" Yun po kasi ang gusto ng may-ari ng mall mam, pasensya na po."anang S.A na narinig pala ang bulong niya. " Ang sabi niya po ay gusto raw niyang nakikita ang mukha ng pinakasikat at pinakamagandang modelo nang bansa."
Napakunot noo siya. Hindi niya alam kung masisiyahan ba siya o hindi. Why the hell does the owner wants to see her billboards all over this place?
Should she be scared or what?
She shrugs, marami pa siyang kailangang asikasuhin and to hell with the owners reason. Hanggat hindi siya nito iniistorbo, then they're good.
Binayaran niya ang mga pinamili at ipinaayos ang nga iyon sa nag-assist sa kanya and as she turned around to leave the counter she accidentally bumped into someone na papunta naman sa direksyon niya.
" I'm sorry." Hinging paumanhin niya sa taong nakabanggaan. Kahit pa nga ba pakiramdam niya ay sinadya nito na banggain siya.
The person just chuckled. Huminto pa ito sa mismong harapan niya, blocking her way through the exit.
" Well, well, well. Look who's here! Isn't it the supermodel Jhossa Joud or should I say the super bitch. So you're back! Ano to pang matagalan o pang madaliang pananatili dito?"
That voice! It sounded so familiar.
Though matagal na niyang hindi naririnig ang boses nito, the pain that the owner of that voice inflicted on her was still fresh at hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya. In her subconscious mind, she can still her mocking and insulting her habang nakayakap ang mga braso nitong tila tuko kung kumapit sa mga braso naman ni Kyshaun.
She raised her head and look at the woman in front of her.
At tama nga siya.
The woman was no other than Crizel Sy.
Ang babaeng alam na alam niyang siyang sumira sa kung anuman ang mayroon sila ni Kyshaun noon.
The woman who ruined not only her name but also her credibility as a person.
Ang babaeng mas pinaniwalaan ni Kyshaun kaysa sa kanya.
The woman whom she wants to take her revenge with!
Naningkit ang mata niya nang isa-isang bumalik sa kanya ang lahat ng mga kasamaang ginawa ng babaeng ito sa kanya.
" Crizel." She said her name na tila ba may asido ang kanyang bibig. She couldn't hide the contempt on her reactions.
" Yes it's me Jhossa.Were you so surprised to see me here? Grabe ha you're expression is so priceless, parang katulad lang noong nalaman ko Kyshaun na isa ka palang manloloko."
Gustong -gusto niyang sumbatan ang babaeng ito pero may kung anong pumipigil sa kanya na gumawa ng eksena, and besides that's not her cup of tea.
But she also wants to send a message to this girl.
Hindi na siya ang babaeng napaglanlangan nito noon, she is not as unforgiving as before. At kung noon ay naisahan siya nito, this time it's different.
She is different!
She smiled cunningly and knowingly. If Crizel wants to play, then let her be.
But this time she would also play along.
" Kahit naman sino kapag nakakita ng ahas sa harapan niya magugulat hindi ba Crizel? Especially if that snake happens to get a special treatment from her prey , magiging priceless talaga ang reaction mo. Biruin mo kasi 'yun, itinuring mo na siyang kaibigan, I mean yung ahas, pero nakuha ka pa rin niyang tuklawin. What a shame for that snake? Nawalan na ng ibang option kaya pati yung kamay ng nagpapala sa kanya, tinuklaw na niya , how pathetic, right?" Her voice though mild punched through Crizel dahil nakita niya ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nito dahil sa mga sinabi niya .
She smiled triuamphantly ng makitang namula ito, marahil ay sobrang naranasan sa kanyang mga sinabi.
" How dare you!" Crizel shouted, drawing attention to some shoppers.
" Oh why? Hindi naman ikaw ang pinatutungkulan ko ah, don't tell me tinamaan ka?" Jhossa taunted the woman.
" Buwiset ka talagang babaeng ka! Bakit kasi bumalik balik ka pa dito? â"
" Tsss...poor Crizel. Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? Don't tell me you're threatened on me. Huwag kang mag-alala hindi ko naman sasabihin kay Kyshaun yung mga ginawa mo noon eh, kaya naman you're secrets remains safe."
" Hindi ka naman paniniwalaan ni Kyshaun. He never was, never willâ"
" Marahil hindi talaga. Eh tanga iyon eh. But then again who cares? Certainly not me. Walang wala na akong pakialam doon."she said dramatically for some effects.
Umismid lang si Crizel, ngali ngaling humulagpos ang pasensya niya para dito pero nagtimpi pa rin siya.
" Oh I think you are wasting my time already. This meeting is not so pleasant at all. I hope that I will never bumped with you again. Goodbye!" Tinalikuran na niya ito, but she never expected the next thing Crizel did.
She pushed her nang makatalikod na siya dito.
At dahil hindi inaasahan ay nawalan ng balanse si Jhossa.
She would land heavily sa mga istante kung hindi lang dahil sa mga brasong sumalo sa kanya.
The strong arm cage her to prevent her from landing on those glass.
She gasped in horror and look at her saviour.
Only to gasped again ng makilala ito.
Si Kyshaun!
And his face spell danger as it looks past her.
His look was about to kill the person who is responsible for her near fall.
" What the hell was that, Crizel?' his look menacingly . " What the hell was that stunt? Hindi mo ba alam na puwedeng mapahamak si Jhossa dahil sa iyo? Dahil sa ginawa mo?" He shouted furiously.
Namilog ang mata ni Jhossa dahil sa gulat.
What the hell was that?
Did Kyshaun just sided on her?
Or he is fucking kidding her again?
A/N
Sorry for late update, but hopefully this will be enough for the mean time.
Bawi ako sa susunod .
Thanks for understanding
Sinnersaintbitch