Back
/ 40
Chapter 23

Chapter 21

The Ex-Wife Of The Billionaire Playboy

Chapter 21

Samantha Icey's PoV

Pagkatapos kung kumain nagpaalam na akong aalis.

"Azaki, ikaw na bahala sa kapatid ko ah." Sabi ko.

"Sige queen." Sabi naman ni Azaki.

"What?" Gulat na tanong ni Kim.

"Watawat." Sabi naman ni Azaki.

"Ate iiwan mo talaga ako dito kasama itong lalaking mang-aagaw." Sabi ni Kim at nandidiring tumingin kay Azaki.

"Kaikan pa ako naging mang-aagaw, at isa pa ayaw din naman kita kasama ah, feeling ka." Sabi niya.

"Ano." Galit na sabi ni kim kay Azaki.

Napabuntong hininga nalang ako, hysst kaya di nagkakajowa eh. Iniwan lang nag ex naging ampalaya na agad.

"Bahala kayo diyan, basta azaki ang sabi ko sayo ah bantayan mo yang kapatid." Sabi ko at agad ng umalis.

Andrew's PoV

"Manang." Tawag ko sakanya.

Kakatapos ko lang maligo si Andrei hindi sumama saamin kagabi pauwi, tapos si Brayden hinatid ang kambal.

Kaya kami lang dalawa ni manang. Hysst baka nasa labas lang siya.

"Manang." Tawag ko ulit.

Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi parin siya sumasagot.

Sh*t! Sana nasa garden siya. Agad akong papuntang garden pero wala siya aalis na sana ako pero may nakita akong papel.

Kaya agad ko itong pinulot at binasa.

Pumunta ka sa lumang building ng ***** kung gusto mo pa makita ang mahal mong yaya ms. ICEY.

Your handsome Enemy;

ELIAS.

"The H*ll." Galit na sigaw ko at agad na sabi ko at agad sinuntok ang puno.

Pumunta agad ako sa Parking lot! Kailangan kong iligtas si Manang Carmena mahalaga siya kay Sis.

***

Pinuputakan ko lahat ng mga tauhan ni Elias dahil sa inis hanggang sa nakahiga na sila at naliligo sa sarili nilang dugo.

Hanggang sa may pumalakpak at lumapit saakin. Si Elias.

"Galing galing, walang mentes magkapatid nga talaga kayo ng walang kwentang mong kapatid na  si Sam." Sabi niya at tumawa ng malakas, tsk parang tanga lang.

May nakakatawa ba sa sinasabi niya, siya lang naman natawa.

"Nasaan si Manang Carmena?" Galit na tanong ko.

"HAHA, Tawagin mo muna ang kapatid mong si Icey at ipapakita ko sayo ang walang kwentang niyong yaya." Sabi niya.

"Ipakita mona siya saka ko tatawagan si Sam." Sabi ko.

"Ayaw ko nga." Sabi niya.

"Ganito nalang bato bato pick nalang tayo?" Tanong ko sakanya.

"Sige, sige masaya yan." Natatawang sabi niya, tsk! Isip bata ft uto uto ang p*ta.

Nag bato bato pick na kami at siya yung natalo ko.

"Nakakainis naman." Inis na sabi niya.

"Ano, ilabas mona siya." Sabi ko.

"Sige na nga, boys ilabas niyo na." Sabi nila.

Agad ko naman nakita si manang carmena hysst buti naman at wala siyang pasa.

Agad kung tinawagan si Sam. Magdala ka sana ng armas sis.

"Sis, pumunta ka sa lumang building sa *****." Sabi ko at agad binaba ang tawag.

•

Samantha Icey's PoV

Nakauwi na ako ngayon sa at papasok na sana ako pero agad tumawag si Kuya Andrew.

"Sis, pumunta ka sa lumang building sa *****." Sabi niya saakin. At agad pinatay ang tawag.

Ang lakas ng kutob kung kinuha siya nina Elias. Damn it! Subukan niya lang sila saktan papatayin ko sila.

Agad akong tinawagan si Brayden.

"Hello Love." Sabi niya.

"Bray, where are you?" Tanong ko.

"Pauwi na ako, ako naghatid sa mga bata." Sabi niya.

"Mag tawag ka ng pulis at papuntahin mo sila sa  Lumang building sa *****." Sabi ko.

"Ano bang nangyayari." Tanong niya saakin.

"Gawin mo nalang ang gagawin ko, sasabihin ko din sayo bye." Sabi ko at agad na pinatay ang tawag.

Agad akong tumakbo papunta sa kama ko, agad kung kinuha ang mga baril ko sa ilalim ng kama ko.

At agad akong lumabas. Habang mabilis akong naglalakad may papel at parang pinipilit akong kunin yun.

Kaya agad ko yung kinuha at binasa ang nakasulat.

Pumunta ka sa lumang building ng ***** kung gusto mo pa makita ang mahal mong yaya ms. ICEY.

Your handsome Enemy;

ELIAS.

"Handsome face wala ka non ul*l. Mali ka ng kinakalaban." Galit na sabi ko.

Agad akong pumunta sa parking lot at kinuha ang ferrari car ko.

****

Pagkapasok ko maraming naka handusay na tauhan ni Elias.

Hanggang sa nakita ko sila kuya Andrew ko at si Manang Carmena na may nakahawak sakanyang tauhan ni Elias.

"Ako ang hinahanap mo diba? Pakawalan mo sila." Galit na sabi ko at nakatotok sakanya ang baril.

"Wag kayong magpakialam boys, ako ang bahala sakanya." Sabi ni Elias sa tauhan niya.

"Chill lang my ex girlfriend." Sabi niya.

"G*go! Di kita naging tayo." Galit na sabi ko habang nakatotok parin ang baril sakanya.

"Sakit naman! Pero sabagay kailan mo pa ako pinili." Sabi niya.

"Elias please, tigilan mo na ako." Sabi ko at binaba ang baril.

"Ako ang gusto mo diba? Gusto mong mong mag higanti gusto mo akong saktan gawin mo, pero please lang wag si kuya wag si Manang." Umiiyak na sabi ko.

Pagkababa ko non ay agad na pinutakan ng bala si Kuya.

Agad akong pumunta kay kuya na nakahiga na.

Agad ko siyang niyakap.

"Kuya." Umiiyak na sabi ko.

"Wag kang umiiyak, di pa ako mamatay." Sabi niya.

Agad akong lumapit kay Elias.

"Elias, ayaw ko na." Nakayukong sabi ko.

Agad sana akong babarilin ng tauhan ni Elias pinikit ko ang mata ko at hinihintay ang sakit ng bala.

Agad kung minulat ang mata ko ng  may biglang may yumakap saakin.

•

"Elias?" Gulat na tanong ko.

"Traydor ka Dan." Sabi ni Elias.

"Sinabi kung wag mong idamay si Samantha dito." Galit na sabi ni Elias.

At babarilin na sana ang tauhan niya pero agad niyang hinila si Manang Carmena kaya siya ang nabaril.

"Manang Carmena." Umiiyak na sabi ko.

Dahil sa galit ko agad kung kinuha ang kutsilyo at agad kong sinugod ang lalaki at sinaksak sa leeg kaya nawalan ng malay. Agad kung sinipa ang tauhan niyang isa at kinuha ang baril at binaril siya sa ulo.

"Manang Carmena." Sabi ko at niyakap siya.

Niyakap ko lang sila ni kuya.

at sakto non ang pagdating ng pulis kasama sina mommy, brayden at tita Elyzze (Mother ni Elias)

"Samantha, Andrew." Tawag ni Mommy.

"Love." Tawag ni Brayden.

"Ate Carmena." Sabi ni Tita Elyzze.

"Kilala mo siya?" Gulat na tanong ko.

"Siya ang nawawala kung kapatid." Sabi niya.

"Brayden, dalhin mo sa hospital si kuya please." Umiiyak na sabi ko.

"Kuya pulis, kunin niyo na siya." Galit na sabi ko at tinuro ang mga tauhan ni Elias na humihinga pa.

"T-tita?" Gulat na sabi ni Elias at lumapit kay Manang Carmena.

"Mamaya ka ng mag drama, dalhin niyo na si Manang." Umiiyak na sabi ko.

Halos nakayuko ako kakaiyak.

"Anak." Tawag saakin ni Mommy at niyakap ako.

"Mommy, si kuya Andew." Umiiyak na sabi ko.

"Magiging ayos din siya." Sabi ni mommy.

"Kuya Andrew, Manang Carmena." Umiiyak na sigaw ko.

Hanggang sa nahihirapan akong huminga dahil sa kakaiyak. Agad akong natumba.

"Love."

"Sam."

Narinig ko pa ang pagtawag nila saakin bago ko ipikit ang mata ko.

-----

Don't forget to vote, comment and Share. Pbstars!🦋

Eedit ko nalang ito kapag wala ng ginagawa haha. Loveyou all. Aral ng mabuti. ❤️

Fb page; Shinelikeastar_13

YT Channel; Shinelikeastar_13

Share This Chapter