Leah's Pov
Andito padin ako sa condo hindi ako pumasok kahit ilang weeks nalang ay graduation na namin at hindi padin ako nag take ng mga exam dahil sa mga problema ko hindi ko alam kung ano dapat kong unahin dahil naguguluhan ako.
Habang nag hahanda ako ng pagkain nagulat ako ng may nag door bell hindi kaya alam na nila na andito ako sa condo. Tinignan ko kung sinu yung si ace lang pala , oo nga pala naalala ko na pinapunta ko siya dito. Binuksan ko yung pintuan mukhang hindi naman siya nasundan.
"Wag ka mag alala sinugarado kong walang nakasunod saakin."nakahinga naman ako ng maluwag dun sa sinabi niya, at nagdala pa siya ng mga stack ng pag kain tapos may inabot na mga lecture sinabi niya daw sa teacher namin na may sakit ako kaya hindi ako makapasok.
"Salamat ace ah , hindi ko alam yung gagawin ko kapag wala ka."sabi ko sakanya.
"Wala yun kaibigan kita eh."sabi niya naman saakin.
HIndi naman siya nag tagal sa condo ko at umalis naman siya agad , agad ko naman sinara yung pinto at nag ligpit yung mga pinagkaininan ko. Nagulat ako na may nag doorbell ata , siguro may nakalimutan lang si ace.
Agad ko naman ito binuksan yung pinto.
"May naka-hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil hindi si ace yung nasa harap kundi si jacob.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis kana bago ako mag patawag ng guard."sabi ko sakanya.
"Hindi ako aalis dito , leah umuwi kana nag alala na sayo si tita. "wow naman nagawa pa niya mag alala saakin.
"Umalis kana sabihin mo hindi mo ko nakita."pag tataboy ko sakanya.
"Hindi ko magagawang magsinungaling kay tita."tang ina talaga lang ba?
"Wow talaga ba? Anong sa tingin niyo ginawa niyo ni mama ? Hindi ba pag sisinungaling yun ah."nag simula nanaman ako maiyak bakit ba ang babaw ng kaligayahan ko , hindi ko kaya mag salita ng deretso kay jacob.
"Alam mo okay na tayo eh, pinagkatiwalaan na kita pero sinira mo lang yung tiwala ko. Umalis kana ."tinulak ko siya palabas at sinira yung pinto at patuloy padin ako sa pag iyak .
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak ko , ang sakit sakit padin bakit kase kailangan pang gawin nila yun pwede naman nila ako kausapin kung gusto nila kami maayos eh.
-
Jacob
Hindi ko nagawang pauwiin si leah , kasalanan ko to eh dapat hindi na ganito yung plano dapat sinabi nalang namin ng mas maaga para hindi siya nagalit.
Ilang week nalang graduation na namin pero ilang days na din siya hindi nakakapasok paano kapag bumagsak siya at hindi naka graduate kasalanan ko lahat ng ito eh.
Nag muni muni muna ako dito sa park kung saan favorite placr namin ni leah , binalikan ko yung mga araw na masaya kami dalawa noon . Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako , sana non palang hindi na ako uminon nun para hindi kami nasira edi sana walang ganito ngayon sitwasyon namin.
"Sayang luha mo."nagulat ako sa nag salita tinangala ko kung sinu ito.
"L-leah."hindi ako makapaniwala na anditi siya sa harap ko feeling ko paaginip lang ito.
Sinampal yung sarili ko nasaktan lang ako sa ginawa ko nag taka din si leah sa ginawa ko sa sarili ko hindi nga panaginip to. Andito nga siya sa harap.
"Ihahatid mo ba ako o mag titigan lang tayo."malamya yung sagot niya at magta din yung mga mata niya siguro umiyak siya kanina.
Nag simula na kami mag lakad para ihatid ko siya sa bahay nila hindi kami nag sasalita dalawa , subrang tahimik namin dalawa nakakanibago.
Nasa harap na kami ng bahay nila at sakto andun din si tita. Bigla naman niya itong nilayakap si leah , alam kong hindi matitiis ni leah si tita. Umiiyak si tita pero naka tulala padin si leah . Na para bang hindi niya naririnig yung sinasabi ni tita.
"Papahinga na po ako madami pa ako hahabulin na exam bukas."agad siyang pumasok sa loob at naiwan kaming dalawa ni tita.
"Kailangan padin matuloy yung plano jacob, pagtapos ng graduation dun kayo sa condo tumira dalawa , at dun mo din susubukan na mahulog siya ulit dun."sabi ni tita .
Hindi ako makasagot nginitian ko nalang si tita at pumasok na si tita sa loob . At nag umpisa na ako mag lakad papunta sa bahay.
-
Leah
Nasa bahay na ako nakahiga , at nag basa ng mga notes na ibigay saakin ni ace . At natulog na din ako.
Kinabukasan
Tinignan ko yung oras 6:30am na naligo na ako at nag bihis . At bumababa para kumain ng almusal. At hanggang ngayon hindi padin pinapansin si mama.
"Anak."tawag niya saakin pero hindi ko siya pinasin.
Oo na pride na kung pride bakit ba! Nasaktan ako eh.
Tumayo na ako at nag paalam sakanya.
"Alis na ho ako."sabi ko sakanya.
Nag lakad lakad muna ako dahil maaga pa naman eh. Pero imbis na patungo ako ng school nag tungo ako sa park .
Umupo ako sa swing at inaardar yun na para akong bata . Habang nag swing ako parang nawala bigla yung mga problema ko.
Tinignan ko yung oras , 7:00 am na umalis na ako sa park at nag lakad na papuntang school.
Pag dating ko sa room agad ako nag take ng mga exam tas umuwi na ako agad , feeling ko mag kakasakit ako , hindi ko alam kung bakit .
Nag lakad nalang ako dahil wala ako masyado sa mood sumakay tas medyo nahihilo ako siguro gutom lang siguro ako .
Tas medyo nag blurd yung paningin ko tas hindi ko na alam yung nangyare.
-
Ace
Nagulat ako biglang tumuba si leah buti nalang nasalo ko siya medyo mainit siya , bakit ba kase pumasok siya.
Saktong padating nadin yung sasakyan namin . At dun ko muna siya sa bahay para makapag pahinga siya.
Pag dating ko sa bahay namin inilagay ko siya sa kama ko at nag handa ng maligamgam para mabawasan yung init ng katawan niya.
Tinawagan ko na din yung nurse para matignan siya . At nag luto muna ako ng sopas.
"Sir anjan na po yung nurse na itinawag niyo"sabi ng yaya namin.
"Sige papasukin niyo na."sabi ko sakanya.
Pag tapos ko mag luto ng sopas ay kasabay ko na yung nurse para tignan si leah kung anong nangyare sakanya.
"Stress lang siya sir kailangan niya lang mag pahinga."sabi ng nurse.
"At tsaka po bawas bawas dahil nakakasama sakanilang dalawa."dalawa?nag taka naman ako kung bakit?
"Dalawa?"tanong ko dun sa nurse
"Opo sir buntis po siya."b-buntis s-si l-leah.
"Ah sge iwan mo muna kame."sabi ko dun sa nurse.
Si jacob siguro yung ama ng bata ng dinadala niya , hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sakanya yun.
Habang mahimbig yung tulog niya iniwan ko muna siya dito sa kwarto ko para makapag pahinga siya ng maayos.
-
Leah
Medyo nahihilo pa ako inikot ko kung asan ako . Pag tingin ko nasa bahay ako ni ace dahil nakita ko agad yung picture niya dun sa gilid .
Tas bigla nalang ako nakaramdam na parang mag susuka ako. At pumunta ako sa cr .
Subrang sama ng pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit. Nagulat ako na nag bukas yung pinto ng kwarto baka si ace na yun.
"Gising ka na pala."sabi ni ace saakin.
"Salamat ah, ano bang nangyare sakin?"tanong ko sakanya
"Nahilo ka kanina. Ah leah?"tinawag niya ako
"Bakit?"tanong ko naman sakanya.
"Buntis ka."buntis ? Ako ? Huh ?
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sasabihin ni ace sakin.
"Pinatignan kita sa nurse ko, yun yung sabi niya."sabi niya saakin.
May inabot siya saakin.
"Uhmm gamitin mo yan binili ko yan para sayo para malaman mo."Pregnancy kit yung binigay niya saakin .
Agad naman ako pumasok sa cr ulit at ginamit yung Pregnancy test. Tas nag antay lang ako ilang minutes.
Tinignan ko yung result POSITIVE yan yung nakalagay dun pregnancy test . Ibig sabihin buntis nga ako. Pero hindi pwede dahil mas lalo nila ako ilalapit kay jacob.
Lumabas ako ng cr at naka antay si ace sa sasabihin ko , pero imbis na mag salita ako umiiyak ako sa harap niya.
Hindi ko alam halo halo na yung problema saakin , niyakap nalang ako ni ace . At humiling na dun muna ako sakanila. Ayoko muna umuwi , dahil bukas graduation na.
Nag pahinga muna ako dahil bawal sakin mastress , at naki usap nadin ako kay ace na wala siyang pag sasabihan nun.
Nag pahinga muna ako para bukas may lakas ako para sa graduation , tinatawagan na din ako ni mama at madami na din siya message nag aalala nanaman siya saakin.
-
Kinabukasan
Pag gising ko agad ako pumunta sa cr dahil nag suka nanaman ako .
"Okay ka lang ba leah ? Gusto mo ba punta tyo ng hospital?."tama nga siya kailangan ko na mag patingin sa doctor hapon pa naman yung graduation.
"Sge ace mag bibihis lang ako "lumabas naman siya at nag bihis na ako nag dala na din ako jacket .
Pag labas ko agad na kaming umalis ni ace papuntang hospital nag pa sched kami ng ultrasound .
"Miss Gonzales tingan niyo po yung baby niyo. Its been 2weeks na siya kaya ka mabilis mag suka."two weeks na pala yung nakakaraan noong may nangyare saamin ni jacob
Pag tapos ko mag ultrasound binigyan niya ako ng vitamins at ibinigay yung kopya ng ultrasound ng baby ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis , dapat ba ako mainis dahil si jacob yung ama ng dinadadal ko o matutuwa ako dahil blessing saakin to.
Nag handa na kami ni ace para sa graduation para mamaya tas agad na kaming dumertso dun sa school dahil nakadress naman din ako.
Pag dating ko andun na pala sila mama at papa niyakap nila ako.
"Anak saan kaba galing ?"alalang tanong ni mama saakin.
Pero hindi ko ito sinagot , nakita ko na din si jacob , bumilis bigla yung tibok ng puso ko , siguro dahil may nag uugnay saamin dalawa .
Iyon ang bata sa tyan ko . Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila tungkol dito . Hindi ko alam kung dapat malaman ni jacob ito tungkol sa bata.
"Anak okay ka lang ba ? Namumutla ka"tanong ni papa saakin.
"O-okay l-lang h-ho a-ako."utal utal kong sabi kay papa.
Natapos na yung ceremony nasa bahay na kami kasama si jacob at pamilya , syempre ano pa ba ang pag uusapan nila , sa kasal lang.
Ng nasa lamesa kami hindi ko masyadong napinta yung amoy ng pag kain at pumunta ako sa lababo at nag suka ulit.
"Anak okay ka lang?"tanong ni mama saakin. Dapat ko na nga sabihin sakanila.
Nakatayo ako sa harap nila hindi ko alam kung dapat kong sabihin sakanila. Panigurado mas matutuwa sila dahil nabuntis ako.
"B-buntis h-ho a-ako"yan ang lumabas sa bibig ko. Lahat sila hindi nakapag salita lahat sila nakatulala saakin.
Tas mamaya
"Talaga anak? So matutuloy yung kasal."sabi na eh kahit hindi ko sabihin yung tungkol dito sa bat matutuloy padin.
"Pag katapos niyo kumain dumeresto na kayo sa condo"ibig sabihin dun kami mag stay ni jacob.
--
Nag handa na ako mga damit sa bag dahil bukas uuwi kami ni jacob dun sa condo , habang nag aayos ako hinawakan ko yung tyan ko.
Kahit hindi ko pa siya maramdaman sa ngayon natutuwa ako na meron baby sa tyan ko . Kaya iingatan ko to.
Pag katapos kong mag ayos ay bumababa na ako agad naman kinuha ni jacob dala kong bag. At tapos nun ay nag paalam na kami na aalis na kami.
A/N: sa saturday na ulit ako mag UD :)