Jacob
Pumasok ulit ako sa kwarto ni leah , at nakatulog na pala siya habang hawak yung tyan niya.
Hinawakan ko yung kamay niya at habang hinihimas din ang tyan ni leah. At kinakausap ko ito.
"Tapang mo naman baby. Kapit ka lang kay mama mo ah."sabi ko ito habang kinakausap yung baby namin na nasa loob ng tyan ni leah. Akala mo maririnig niya.
Pinag masdan ko si leah ang himbing ng tulog niya para siya si sleeping beauty hinawi ko ang mukha niya napakaganda niya.
At tsaka ko siya hinalikan sa noo habang ginagawa ko yun may narinig ako nag salita.
"Mahal na mahal mo siya no?"babae yung nag salita pero alam kung hindi si tita yun , nilingon ko ito para makilala ko kung sinu.
Parang nabagsakan ako ng langit lupa bakit bumalik pa siya , bakit andito pa siya sa harap ko.
"A-amanda?"yun lang ang sabi ko hindi ko alam bakit ganun , hindi siya pwedeng bumalik dahil masaya na ako. Masaya na ako kay leah.
"Anong ginagawa mo dito ah."hinawakan ko siya sa braso upang masaktan siya sa ginawa ko. Wala ako pake kung babae pa siya . Basta ang alam ko siya ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay noon ni leah , tas ngayon babalik siya para mangulo ulit
"Wag mo susubukan ulit gumawa ng kalokohan kundi hindi ako mag kakamaling papatayin kita."banta ko sakanya.
Agad naman niya piniglas yung kamay niya . At tsaka siya umalis.
___
Leah's Pov
Nag aayos na kami ng gamit dahil pwede na daw ako umuwi sabi ng doctor sabi ni mama dun muna siya sa condo para may makasama ako pag nag hanap ng work si jacob para saamin.
Bago kami umalis umalis sa hospital naka sched pa kami sa ultrasound para ma sure kung safe na si baby , at kailangan ko daw mag dagdag ng vitamins.
Habang nag lalakad kami ni mama sa ultrasound room wala padin si jacob hindi ko alam kung asan siya.
Pag dating namin dun nakiusap ako kay doc na wag muna , antayin namin si jacob para sabay namin makita si baby.
At mga ilang minuto lang ay dumating na si jacob. At sinimulan na ni doc na iultrasound ako.
"Ito ang fetus leah, hindi man siya formed pero may heartbeat na siya."tinignan ko yung monitor kung saan ko makikita yung baby ko .
At nag tungo ako kung saan nakapwesto si jacob nakita ko siya kung gaano siya kasaya nong nakita yung baby namin. Siguro tanggap ko na siguro na kami talaga .
Sana nga wala ng mangulo saamin at wala yung sisira saamin . Sigurado ako wala naman siya gagawin ulit.
Pag katapos ay nakauwi na kami sa condo at nag ayos sila ni mama ng gamit gusto ko man tumulog pero kailangan ko mag pahinga para hindi ako mabilis mapagod.
-
Jacob's Pov
Nagising na ako ng maaga dahil nnatanggap ako sa hinanap kong bagong trabaho.
Tulog pa si leah kaya kay tita nalang ako nag paalam at umalis na sana hindi masungit yung boss ko.
After 15mins
Nakarating na ako sa pinag tratrabahunan ko at pag datin ko may nakita ako isang babae , bloded ang buhok naka suot ng blazer at naka plada na fitted .
"Goodmorning maam"bati ko sakanya ito. Hinihintay ko ang sagot niya.
Hanggang sa lumingon ako. Si Amanda siya yung boss ko.
Lumapit siya sakin at hinimas yung mukha ko at nag paikot siya saakin.
"Parang natulala ka ata?"nag smirk smile siya saakin ano nanaman ba balak nito ng babae to ah.
Hindi na ako nakasagot at nag umpisa na ako sa trabaho ko , kailangan ko to para sa anak ko at kay leah , itatago ko nalang naman ito hindi dahil na nag sisinungaling ako sakanya.
Ayoko ng masira yung saamin ni leah okay na kami kaya hindi ko hahayaan na masira kami dalawa ng dahil kay amanda.
Kaya hindi ko magawang umalis dahil kakailangan ko ng pera para saamin ni leah at sa panganganak niya. Kaya kahit anong gawin ni amanda hindi niya ako makukuha , hindi niya ako maagaw pa kay leah.
-
Amanda's Pov
Ako nga pala si Amanda Perez ang isang babaeng nag huhumaling kay Jacob , lahat gagawin ko upang mapasaakin siya . Ako din yung nag plano ng lahat kaya nalasing siya at nakatabi niya ako ng panahon yun. Dahil ganito yung nangyare.
Flashback
Nag aya ako ng inuman with friends si zander at philip oo kilala ko sila dahil kaibigan sila ng matagal ko ng gustong lalaki si jacob , may ibang kasama din ako babae friends pero tanging ako lang nakaka alam ng plano ng ito .
Nag simula na ang inuman , medyo pinapalasing ko muna noon para hindi halata na may gagawin ako mali sa gabing iyon . Medyo nagiging okay na . Pumunta ako sa kusina at nag handa ulit ng alak.
Yung tatlong baso nilagyan ko ng pang patulog yun , panigurado kinabukasan na magiging mga yun , at yung samin wala .
Pag tapos nun iniabot ko yun sakanilang tatlo , agad naman nila itong ininum hanggang sa makatulog sila. At sinabi ko sa mga kasama ko na bahala sila kung anong gusto gawin nila kay zander at philip .
At agad kong itinungo sa kwarto noon si jacob hanggang sa may nangyare saamin.
End of flashback
Ayan yung nangyare nun dahil pag kagising ko nun wala na sa tabi ko noon si jacob panigurado ako araw na yun na masisira ko sila ni leah .
-
Leah's Pov
Nag handa ako ng pag kain dahil pauwi na si jacob wala kase mama dahil namili siya ng iba pang kakailanganin namin pag kain at nag sabay nadin yung iba pang damit ni baby .
Almost 3months na din yung tyan ko kaya medyo malikot na din siya .
Mga ilang minuto din ay nag doorbell na tinignan ko ito kung sinu . Si jacob na pala , agad kong binuksan iyon at niyakap ko siya siguro subrang namiss ko lang siya.
"Masyado mo naman ako namiss niyan."pinalo ko siya . At natuwa lang siya.
"Nag handa na ako ng pagkain mukha gutom kana."baka kase pagod siya dahil sa work.
Kumain na kami at nag pahinga na , tsaka dumating na din si mama.
Hindi padin ako makatulog dahil medyo sumasakit yung tyan ko kaya uminom ako ng tubig para mawala yung sakit ng tyan ko.
Hinimas himas ko ito at medyo nawala naman yung sakit ng tyan ko. Pumasok ulit ako sa kwarto at pag tingin ko sa cp ni jacob may text ito.
Tinignan ko ito kung sinu may nakalagay na
Amanda sent a message on you.
Amanda sinu naman kaya iyon . Binasa ko yung text niya.
Hi jacob , gusto ko lang sabihin sayo na gagawin ko lahat para maagaw kita kay leah.-amanda
Yung nakalagay sa text ng babae , tama ba ang nabasa ko . Kilala niya ako , pero sinu naman siya .
Halos hindi ako nakatulog dahil kakaisip kung sinu yung babae na yun.