Chapter 19: Chapter 18

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 26634

Devon's PoV

"Ehem! Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?"

Napatigil kami sa pang-aasaran. Sabay kaming napatingin ni Liam dun. Pero hindi nya parin tinatanggal ang pagkaka-akbay nya sa akin.

Medyo kinabahan ako dahil pamilyar sa akin ang boses.

"Who are you?!" tanong ni Liam sa tabi ko.

Wala akong narinig na sagot mula sa kausap. Kaya dahan dahan naman akong napatingin dun.

Nanlaki naman ang mata ko nang napagtanto ko kung sino ang nagsalita kanina.

"A-anong g-ginagawa mo dito, Tristan? " nakakunot ang noo kong tanong kay Tristan. Medyo nautal pa ako.

Pero nakahinga ako ng maluwag ng napagtanto ko kung sino ang nagsalita kanina. Akala ko kung sino na e.  Buti na lang at wala syang kasama.

Napataas naman ang kilay nya at napangisi na lang bigla.

"Diba dapat ako ang magtanong sayo nyan? Ikaw, anong ginagawa mo dito? Akala ko kasama mo si Calvin sa clinic?" nakangisi balik nya sa tanong ko sa kaniya.

Kinabahan naman ako dahil sa ngisi nya na pinapakita nya sa akin. Medyo umilap din ang tingin ko kay Tristan. Bakit parang may mali sa ngisi nyang yun?

Aish! Kung ano ano ang napapansin ko.

"Kilala mo ba sya kikay?" nakakunot ang noong tanong ni Liam sa akin.

Napatingin ako sa kanya ng matalim. Anong tawag nya sa akin? Kikay? Abat loko ang Liam na ito a. Hindi nya ba alam ang pangalan ko? Tawagin ba naman akong kikay.

"Devon ang pangalan ko hindi kikay. Kaya wag mo akong tawaging kikay. Sabunutan kita dyan e." mataray kong pagtatama sa pangalan ko. At sinamahan siya ng tingin.

Ngumisi naman sya sa akin." Alam kong Devon ang pangalan mo. Pero mas gusto kitang tawagin na kikay e. Wala kang magagawa." baliwala nyang sabi sa akin.

Langya. Kaasar ang Liam na ito. Ang gandang i-soccer. Psh.

"Tigilan mo nga ako." irap kong saway.

"Ehem!"

Mabilis naman akong napatingin kay Tristan sa harap namin. Nakita kong kanina pa palipat lipat ang tingin nya sa amin ni Liam.

Wag nyang sabihin type nya si Liam? Yuck! De joke lang.

Agad akong napakamot ng ulo dahil hindi ko pa pala nasasagot ang tanong nya sa akin.

"Ah! eh!" parang hindi ko masabi ang totoo.

Humugot muna ako ng buntong hininga para mabawasan ang pambabara ng lalamunan ko. Kinakabahan ako syet.

"Tinawag kasi ako ng principal kanina kaya hindi ko nasamahan si Calvin sa clinic. At isa pa, hindi na naman nya ako kailangan dun. May naggagamot na sa kanya." napakagat naman ako ng labi ng matapos kong sagutin ang tanong nya.

Napataas ang kilay nya bigla. At tumango tango pero nakataas parin ang kilay nya.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Wala na bang klase? " takang tanong ko naman sa kanya.

Anong ginagawa nya dito? Wag nyang sabihin na nag-cutting classes sya?

"Bumili lang ako ng tubig sa canteen. Nauuhaw kasi ako. Tapos napadaan naman ako dito, tapos nakita kitang nakikipagkulitan." simpleng sagot nya sa akin.

Nakita ko naman syang bumaling sa katabi ko. Pero agad din nyang inalis ang tingin at tumingin ulit sa akin.

"Sino siya?" tanong nya sa akin at tumingin ulit kay Liam.

Napalunok naman ako.

"Liam nga pala pre." bigla bigla na lang na pakilala ni Liam kay Tristan. At ilinahad nya pa ang kanyang kamay kay Tristan.

Hanep din ang isang ito a. Ang advance talaga. Hindi naman sya yung tinatanong e. Sumasabat na agad.

Tumingin naman si Tristan kay Liam at inabot ang pakikipagkamay nito.

"Tristan, pre." nakangiti din na pakilala ni Tristan. Agad din nilang inalis ang pakikipagkamay.

"Sige maunana ako sa inyo, baka mapapagalitan ako kung magpapatagal pa ako dito. Hindi ka pa ba sasabay sa akin Devon?" kunot nong tanong ni Tristan sa akin.

Syet! Oo nga pala. Nalimutan kong pumasok sa next subject ko. Dahil sa nasaksihan ko kasi kanina, nawalan kaagad ako ng gana na mag aral.

Sana wag maapektuhan ang grade ko dito. Ayoko po naman na matanggalan ng scholarship. Sayang pa naman nun.

"Sige, sige sasabay na ako sayo. Ugh! Nakalimutan kong may next subject pa tayo." taranta kong sabi sa kaniya.

Medyo natawa naman silang dalawa sa sinabi ko. Anong tinatawa tawa ng mga ito? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko a. Hay naku.

Bumaling naman ako sa Liam na ito at binigyan sya ng masamang tingin. Kaya mas lalo syang natawa.

"Bakit nyo ako pinagtatawanan ha? Anong nakakatawa?" nakasimangot kong tanong sa kanila.

Dahil sa tanong ko, mas lalo silang tumawa. Kaya dahil sa inis ko. Agad akong naglakad palayo sa kanila. Hmp. Kaibigan ko ba talaga ang mga yun?

"Sige pre una na kami." narinig kong papaalam ni Tristan sa Liam.

"Sige pre."

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para hindi ako maabutan ni Tristan. Ang lakas pa naman yun mangtrip. Baka mas lalo lang nya akong asar asarin.

"Hey Devon! Wait up!" tawag nya sa akin.

Wala sa sariling napatigil naman ako sa paglalakad. At tumingin sa kanya ng masama at ikinatawa naman nya.

"Ang bilis mo talagang maglakad. Haha!" natatawa nyang komento.

"Hmp!!" agad naman kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang nakarating kami sa labas ng room namin. Hindi kami kaagad na pumasok sa loob.

Tumingin naman sa akin si Tristan.

"Ikaw na ang mauna. Lady's first." ngiti ngiti nyang sabi sa akin.

Agad akong umapila. "Bakit ako ang mauuna? Ikaw na lang, nahihiya ako e." dahilan ko.

Napabuntong hininga na lang sya. "fine."

Agad nyang binuksan ang pinto at agad agad na na pumasok sa loob. Pagpasok nya, agad akong pumasok din sa loob.

Napatingin naman ang lahat sa amin.

"Sorry sir kung natagalan akong bumili." paumanhin ni Tristan.

Tumango naman ang subject teacher namin. Medyo nagulat ako ng bigla syang bumaling ng tingin sa akin.

"Ikaw Ms. Acosta? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong may klase pa?" baling nyang tanong sa akin.

Napayuko naman ako dahil sa tanong nya. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Tapos na pala ang klase namin kay Mrs. Thompson. Sa isip ko.

"Sir, tumambay ako po ako sa field. At nakipagkulitan kay Liam yung soccer player. Kung tatanungin nyo kung ano ang ginagawa ko dun. Ang sagot ko ay pinapakalma ko ang puso kong wasak na wasak dahil sa nasaksihan ko kanina sa clinic. Hindi ko na kaya kasi yung sakit na bumakat sa puso ko. Kung hindi po sana mainit dun sa field e, baka nagbunot na din sana ako ng damo. Ikaw sir, gusto mong magbunot ng damo sa field?"

Medyo hiningal pa ako dun a.

Huwag kayo. Hindi ko sinabi yun. Hindi pa ako nasisirahan ng ulo para sabihin ang nasa isip ko.

Pagsinabi ko ang nasa isip ko. Baka mamaya totohanin talaga ng subject teacher namin na pagbunutin talaga ako ng damo.

Ang itim ko na nga tapos mabibilad pa ako sa init. Edi magiging uling na ako.

"P-pinatawag po ako kanina ng principal s-sir. M-may s-sinabi lang sya sa akin." magalang kong sagot sa tanong nya.

Tumango naman sya at suminyas na umupo na ako. Kaya agad akong sumunod sa kanya at umupo sa upuan ko.

Pero bago ako umupo. Nagulat ako ng napansin ko si Calvin sa sariling upuan nya. Kaya kunot noo naman akong umupo sa upuan ko.

Tinignan sya ng pasimple, pero agad ko ding iniwas. Naalala ko naman kasi ang nasaksihan ko sa clinic kanina. Hay.

Pero ewan ko kung guni guni ko lang ang nakita ko o ano. Nakita ko kasi na pasimpleng tinignan nya si Tristan ng masama.

"N-nandito ka na pala. A-akala ko nandun ka pa sa c-clinic, ginagamot ang s-sugat sa labi mo? O-ok na ba?" medyo utal kong tanong sa kaniya at tinignan ng simple.

Tinignan naman nya ako ng konti. Pero agad ding umiwas. Problema ng lalaking ito? Bakit ramdam ko na malamig ang pakikitungo nya. Dati dati naman hindi sya ganyan sa akin?

May ginawa ba ako sa kanya na masama? Baka tinopak na naman ang Calvin na ito.

"Okay na. No need to worry." malamig nyang sagot sa akin na hindi man lang tumingin ng matapos nyang sagutin ang tanong nila.

Dahil sa walang emosyon na makikita mo sa mukha at malamig ang boses, bigla na lang ako nainis.

Ganun na nya ba ako hindi kagusto? Pati boses at mata nya na malamig ang tingin sa akin. Biglang nanikip ang dibdib ko.

Kung si nurse Kristine ang kausap nya, ang saya saya nya. Kulang na lang magpuso puso ang mata nya. Psh! Kaya tinamaan ako ng matinding selos. At may kaunting irita. Naiirita ako dahil nakababaero talaga ang Calvin na ito.

Edi bahala na sya sa buhay nya. Hindi porket gusto ko sya.

Pabebe lang ang peg ng lalaking ito. Bipolar. Sarap bitukan ng malakas para bumalik sa dati.

Bahala na nga. May dapat pa akong isipin. Hindi lang sya ang iniisip ko.

Biglang may pumasok sa isip ko. Muntik ko ng nakalimutan na sasamahan ko pala ang bago naming kaklase na si Devin. Na ang weird ng nararamdaman ko sa kanya.

Isa din ito e. Isa din sa mga iniisip ko. Naguguluhan ako sa nakaramdam ko sa kanya. Kung nagtatama man ang paningin namim. Parang may something sa mata. Parang may tinatagong emosyon sa likod ng malalamig nyang tingin. Pero hindi ko lang ito mapangalanan.

Nagululuhan talaga ako. Parang may naghahatak din sa akin na lapitan sya. Nung nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, parang biglang tinamaan ng kidlat ang puso. Parang may pumisil na hindi ko alam.

Nung una kaming nagkabungguan sa corridor noo. Nang napatingim ako sa mga mata noon, parang ang lungkot lungkot nya. Tinatago lang nya sa malalamig nyang tingin. Yun ang unang pakiramdaman ko na may parang kumirot sa dibdib ko. Parang epektado din ako.

Parang may past kami.

[a/n: di wow! Edi kayo na ang may past, tapos ako wala. Nganga lamg. Kainggit. De joke lang, hindi ako inggit. Inggit na inggit lang. Buwahaha!!]

Parang.... Ay ewan ko....hindi ko maipaliwanag. Abangan nyo na lang.

Tumitig ako sa likod ng lalaking isa nanggugulo sa isip ko. Parang nakita ko na sya dati e. Parang matagal ko na siyang kilala.

Agad kong winaksi sa isipan ko ang mga iniisip ko. Kung ano ano na nanan kasi ang nasa isip ko e. Baka mamaya mabaliw na ako.

Baka kung nagkataon, baka nagtatatalon na ang Liam na yun. Baka tama sya, baliw na ako.

"Aishh! Ugh! bwisit!" mahina kong daing.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang mapatingin konti sa akin ang Calvim na ito.. Ano namang tinitingin tingin ng lalaking ito? Tusukin ko yang mata nya e. De joke lang.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ako kay sir na kanina pa nagtuturo. Kahit turo sya ng turo sa harap. Wala naman akong naintindihan sa tinuturo nya. Hay naku.

****

Agad akong nagligpit ng gamit ng matapos ang lahat ng subjects namin. Dahil tapos na ang klase namin. Recess time. Yehey!!!...

Pero agad napawi ang ngiti ko ng naalala ko na sasamahan ko pa pala si Devin na maglibot libot sa buong school.

Devin ako ng Devin e, parang close lang kami. Hehe. Anong itatawag ko sa kanya? Mr. Harris? Ganun? Parang ang pormal naman. At isa pa, nahihiya akong tawagin syang ganun.

Hayts!. Bahala na nga. Psh. Feeling close na lang ako mamaya. Hehe! Kapal.

Bumaling naman ako sa kaharap ko kung saan ang lalaking sasamahan ko na maglilibot. Ayung pagtapos na syang magligpit ng gamit nya. Kaya mas lalo ko ding bimilisan ng pag-aayos ko.

Nang maayos ko. Tamang tama mamam na nakaayos na sina Megan ng mga gamit nila.

"Mukhang nagmamadali ka Devon? May pupuntahan ka ba?" takang tanong sa akin ni Ross nung napansin nya ako.

Napabaling naman silang lahat sa akin. Pati tong katabi kong lalaki. Nakatingin sa akin ng nakakunot. Pero halata ko ang paniningkit ng mata nya.

Nang yari sa taong to? tanong ko sa aking isipan. Pero agad ko ding winaksi.

Agad akong bumaling sa kanila ng tingin at binigyan sila ng alinlangan na ngiti.

"Ah! eh! guys, h-hindi ako m-makakasabay sa inyo ngayon e. M-may importante kasi akong g-gagawin." nakangiwi kong anunsyo sa kanila.

Nakita ko naman silang naningkit ang mga mata.

"Ano ang importante mong gagawin?"

"Anong importante mong gagawin? Mas importante ba yan kaysa sa akin este sa amin na kaibigan mo ha?"

Sabay sabay nilang tanong sa akin. Pero ang mas nakapukaw sa akin ng tanong nayun ay yung tanong ni Calvin.

Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi nya dahil sabay sabay silang nagsalita. May may iba pa kasi syang sinabi. Ugh! Kahit kailan talaga, ang gulo nyang kausap. Bahala na nga sya dyan.

"Eh!"

sasabihin ko ba kung saan ako pupunta?

Sige na nga sasabihin ko na.

"WHAT?"

napatalon naman ako sa gulat ng biglang sumigaw si Calvin ng malakas. Pero hindi naman gaanong malakas. Walangya! Problema ng lalaking ito? Kung makasigaw akala mo magkalayo lang kami ng distansya.

Pati sina Megan napatingin sa kanya. Pero sya, parang wala lang ang pagsigaw. Psh.

"Anong sinisigaw sigaw mo dyan Calvin ha? Anong akala mo sa amin, nasa kabilang bundok? Kung makasigaw. Tss." masungit na pahayag ni Trisha kay Calvin.

"Tsk!" ayun, nauna ng lumabas. Bipolar. Nagwalk out ang lolo nyo. Haha!

"Walk out ang peg. Tssss." komento nila. Then, sabay sabay silang tumingin sa akin. Nagsasabi na magsalita na ako.

Pero bago yun, tumingin naman ako sa harap ko, kung saan ang Devin na yun. Medyo nataranta ako ng makita kong wala na sya dun.

Taranta naman ako tumingin ulit sa kanila.

"Ililibot ko kasi ang bago nating kaklase. Ako ang naatasan na samahan sya, hindi kasi nya alam ang pasikot sikot dito. Sorry kung hindi ako makakasabay sa inyo. Bye."

Agad kong kinuha ang bag ko sa deck ko at dali daling lumabas ng room. Dahil sa kamamadali ko hindi ko na narinig ang mga sinabi nila sa akin.

Inayos ko ang salamin ko sa mata habang hinahanap ko ang lalaking yun. Saan na pumunta ang lalaking yun?

Napakamot ako ng buhok. Saan naman ako magsisimulang maghahanap? Ang laki naman kasi ang school nila.

Bigla ko syang natamaan na papalabas ng canteen. Kaya napatigil na ako sa kalalakad. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang salamin ko.

Agad akong naglakad papalapit sa kanya.

"Nandito ka lang pala. Napagot ako sa kakahanap sayo." sabi ko ng makarating ako sa hatap nya.

"D*mn it!!." napamura sya sa gulat.

Pffss! Kyutt!

Pinipigilan ko naman ang wag timawa dahil sa reaction nyang gulat na gulat. Halos matapon na ang kinakain nya.

Tumingin naman sya sa akin ng masama. Kaya nagpeace lang ako sa kanya at nginitian ng sobrang lawak. Dahil dun, biglang nawala ang masama nyang tingin sa akin.

Nailang naman ako ng bigla syang tumitig sa akin. Unti unti din na napalitan ng ngiwi ang malawak kong ngiti.

Wala sa sariling napakamot ako ng buhok. Napayuko naman ako dahil sa biglang tinamaan ako ng hiya. Aish! Feeling close talaga ako. Kahit hindi kami magkakilala.

"aish!" nakasimangot lang ako dahil dun. Nakakahiya. Baka pinagtatawanan na ako ng lalaking ito sa isip. Baka akala nya sa akin, baliw.

"Pffs! haha!"

Sa pangalawang pagkakataon. Narinig ko na naman ang tawa nyang totoo. Parang ang sarap sa pandinig ang tawa nya.

Wala sa sariling napatitig din sa kanya ng tingin. Kitang kita ko parin ang tawa na ang gaan. May kung ano sa dibdib ko ang naramdaman ko. Nakakahawa ang tawa nya. Sana lagi kong nakikita ang ngiti sa labi nya.

Nakatitig lang ako sa kanya na hanggang ngayon, tumatawa parin. Hindi ko namalayan na may gumuhit na palang ngiti sa labi ko.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko kung nakikita kitang tumatawa? Bakit pati din ako, parang may humahaplos sa puso ko? Pag nakikita ko ang mga mata mong walang ka emo-emosyon, bigla bigla na lang naninikip ang dibdib ko? Parang nahahawaan ako? Parang konektado tayong dalawa?" wala sa sariling sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa dalawa nyang mata..

Dahil sa mahaba kong sabi sa kaniya. Napansin ko na napatigil sya at napatitig din sa akin. Parang hindi makapaniwalang sinabi ko yun.

"Ehem!"

Nabalik na lang ako ng sarili ng bigla na lang syang tumikhim. Iniwas ko ang tingin sa kanya at napapikit nalang ng mata dahil sa kahihiyan.

Parang hinihiling ko na lang na bumuka ang lupa at kainin ako dahil sa kahihiyan o di kaya bula na lang para mabilis akong mawala sa harapan nya. Parang gusto kong batukan ang ulo ko.

Namula na din ang buo kong mukha. Nagmistulang kamatis sa kapulahan.

"Nakakahiya." bulong ko.

Tumikhim naman ako. At nag-angat ng tingin sa kanya.

"A-ako pala ang n-naatasan ng principal na s-s-samahan ka na maglibot libot dito sa school. Hindi ka daw p-pamilyar dito." medyo utal kong sabi.

Ako na ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin. Parang wala naman kasi syang balak na magsalita. Baka nailang sya sa pinagsasabi ko.

Tumingin naman sya sa akin at tumango. Kaya tumango din sa kanya.

"S-saan ang una nating pupuntahan na gusto mo?" bigla kong tanong sa kaniya at binalingan ng tingin. Pero hindi kami tumigil sa paglalakad.

Tumingin naman sya sa akin.

"Ikaw na ang bahala?" kabit balikat nyang sabi sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sagot.

Bakit ang tipid magsalita ang isang ito? Ayaw nya ba akong kausap? Mabaho ba ang hininga?

Baka nga. Yung kasi ang sinabi ni Calvin e. Mabaho daw ang hininga ko. Tsss.

Saan nga ba ang una naming puntahan? Bakit kasi ang laki ng school nila e? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hmp.

Tumingin ulit ako sa kanya. Napansin ko naman na may kinuha sya sa bag nyang nakasabit sa balikat nya. Napakunot naman ako ng may nilabas syang chitchirya.

Nang nakita ko ang kinuha nya sa kanyang bag, agad nagningning ang mata ko. Parang nakakita ng ginto. Buwahaha!

Paborito ko kasing chitchirya ang hawak hawak nya. Medyo napalunok ako ng buksan nya at biglang sumubo.

Para akong aso na naglalaway sa kinakain nya. Kaya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, bigla syang napatigil sa pagkain. Kumunot naman ang noo at bumaling sa kanya ng tingin, napatigil din sya paglalakad.

Napatigil naman ako sa paglalakad.

"You want?" pag-aalok nya sa kinakain nyang piantos.

Nagningning agad ang mata ko dahil dun. At tumango tango sa kanya.

"Here, take this!" sabay bigay nya sa piantos na hawak nya. Bukas na ito pero konti lang ang nakain nya. Mukhang wala pang lima ang kinain nya.

Hindi ko tinanggap ang bigay nya sa akin. Tinamaan ako ng hiya e. Para akong pulubi sa harap nya.

Umiling iling naman ako sa kanya. Hindi sa ayaw kung kuhanin a dahil sa nabuksan na. Nakakahiya talaga e.

Naningkit ang mata nya habang nakatingin sa akin. Medyo kinabahan naman ako dun. Bakit ganyan sya makatingin sa akin? Wala namang akong ginawa na masama sa kanya a.

"Kukunin mo o ano?" seryosong tanong nya sa akin.

Parang nanuyo naman ang lalamunan ko. Kaya napalunok ako ng paulit ulit. Wala akong nagawa kundi kuhanin ang piatos sa kamay nya.

"Good!" komento nya bigla ng matapos kong kinuha sa kamay nya ang piatos.

"S-salamat pala dito." mahinhin kong pasasalamat sa kanya at medyo napayuko.

Nagulat ako ng bigla syang sumabay sa akin sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit nawala na ang nararamdaman ko kanina sa kanya na kaba. Bumalik agad ang nararamdaman ko na ang gaan gaan.

Sumilip naman ako saglit sa kanya. Nagulat ako ng makita ko na nakatingin pala sya sa akin. Habang may ngiti sa labi.

Bigla namang nakahinga ako ng maluwag. Iba talaga ang ngiti ng lalaking ito. Napakakagaan ng pakiramdam.

Inalis naman nya ang tingin sa akin at may kunuha na naman sa bag nya. Napakunot ulit ang noo ko ng makita ko na ang kunuha sa bag.

Pero mas ang mas nakakagulat e, ang dami nyang pagkain na piatos sa kanyang bag. Napaawang na lang ang labi ko dahil dun. Wag nyang sabihin na yan lagi ang kinakain nya?

"Bakit ang dami mo namang ganyan sa bag? Nakakain mo ba yan lahat? Nakakasama din yan sa kalusugan" hindi ko mapigilan ang magtanong sa kanya ng ganun.

Napakagat ako ng labi dahil sa hindi ko mapigilan na magkomento.

Tumingin naman sya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang pagkairita o inis sa mukha nya. Akala ko kasi magagalit sya sa akin dahil sa tanong ko na yun.

Baka kasi sabihin nya ako ng pakialamera. Matinding kahihiyan ang aabutin ko kung nagkataon.

"Sorry! Hindi ko kasi mapigilan ang magtanong. Kung ano ano kasi ang tinatanong. Aish!" pagpapaumahin ko sa kanya.

"Nah! it's okay." simpleng sabi nya at binuksan ang piatos na kinuha nya sa kanyang bag.

Pinagpatuloy naman namin ang paglalakad kahit hindi namin alam kung saan kami dadalhin ang mga paa namin.

"Favorite mo ba ito? Napansin ko kasi na ang dami ng ganito mo sa bag." pagtatanong ko sa kanya.

Ano ba yan. Hindi man lang nagsasalita itong kasama ko. Kung hindi ko na kakausapin, hindi na din magsasalita.

Tumingin naman ako sa kanya pero agad ko ding binalik ang tingin sa dinadaan namin. Ganun din sya.

"Yeah! Piatos is my favorite junk food." maikli nyang sagot sa akin. Napansin ko na may ngiti sa labi nya ng matapos nyang sabihin yun.

Wala sa sarili naman akong napangiti. Parehas pala kami. Mahilig kasi ang sa mga junk food. Lalong lalo na ang piatos. Kaya naglagay ako kanina nung nakita ko kung ano ang kinakain ni Devin.

Lagi nga ako pinapagalitan ni nanay kung nakikita nya akong kumakain ng chitchirya.

"Parehas pala tayo na mahilig sa piatos. Ang sarap kasi ng lasa." nakangiti kong komento sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin. Medyo nagulat ako ng ngumiti sya sa akin. Kaya ngumiti ulit ako sa kanya.

"Lagi nga akong pinapagalitan ni nanay kung nakikita nya akong kumain ng junk food. Ayaw nya ayaw nya kasi akong nagkakasakit. Kaya ang ginagawa ko, nagtatago ako kung kakain ako. Medyo sakitin din ako, kaya alagang alaga sa akin si nanay." nakangiti kong pagkukwento sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit kinukwento ko sa kanya ang mga bagay nayon. Kakakilala lang namin, at hindi ko pa sya lalong kilala. Pero may nagtutulak sa akin na magkwento sa kanya. Ang gaan gaan pa kasi ang pakiramdam ko sa kanya kung sya ang kasama ko.

Nakangiti naman akong humarap sa kanya. Pero napangiwi ako bigla ng makita ko na parang malalim ang kanyang iniisip.

Problema niya? Ayaw nya ba ng maiingay na kagaya ko?

Kaya napabuntong hininga na lang ako.

"S-s-sorry kung m-maiingay ako ha. H-hindi ko kasi a-alam na ayaw mo pala sa mga m-maiingay" nahihiya kong sabi sa kaniya at biglang yumuko.

"Psh! What are you talking about? I didn't say anything... Haha!" natatawanyang sabi sa akin.

Napatanga na lang ako sa sinabi nya. Namula naman konti ang mukha ko dahil sa nadagdagan na naman ang kahihiyan ko ngayong araw.

Ang malay ko namang araw na ito. Parang sunod sunod ang kahihiyan na sinadanas ko. Huhu!

Napasimangot din ako sa kanya. "A-akala ko ayaw mo sa akin kasi maingay ako. Parang ang lalim pa kasi ng i-iniisip mo e. Yan tuloy."

"Don't worry it's not your fault. May iniisip lang ako." simpleng sagot nya at ngumiti sa akin ng totoo.

Nagulat na lamang ako ng bigla nyang inangat ang kamay nya at inilagay sa ulo ko. Bigla akong napasimangot ng bigla nyang ginulo ang buhaghag kong buhok.

"Wag mo ngang guluhin ang buhok ko. Ang buhaghag na nga e, mas lalo mo lang ginulo." nakasimangot kong reklamo sa kanya.

Tinawanan naman nya ako ng bigla. Parang nasisiyahan sa inaasta ko. Hmp.

*kruuu!!*

Sabay kaming napatingin sa isat isa ng may narinig kaming tunog ng tyan. Parang nanghihingi. Buwahaha!

Tristan's PoV

Hindi na ako magpapakilala dahil kilala nyo naman na siguro no. Tinatamad din kasi akong magpakilala. Kaya wag na.

"Nakita nyo ba si Calvin kung saan pumunta? Naguguluhan ako sa lalaking yun, bigla bigla na lang nagwo-walk out. Parang babae lang." naguguluhan na sabi ni Ross.

"Tongek! Kami pa ang nagtanungin mo, pare-parehas lang tayong magkakasama dito. Aba malay namin kung saan saan nasusuot ang lalaking yun... Tsk. Pagong!" pambabara ni Megan kay Ross.

Nakapamaywang pa si Megan habang nakatingin kay Ross.

Humarap naman si Ross sa kanya na nakataas ang kilay at naningkit pa ang mata. Napabuntong hininga na lang ako. Heto na naman tayo. Alam kong walang magpapatalo sa dalawang ito. Ewan ko kung anong nakain ng mga ito at nag asaran.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pagkainis habang nakikita ko silang nagtatalo. Parang gusto ko lang na ako ang nang aasar ng ganun kay Megan.

Hindi naman ako ganito dati na naasar. Kahit na makikita ko silang nag aasaran. Tapos ngayon naiinis na ako ng makita ko silang nag aasaran.

Ang labo ko, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. D*mn it.

Kung pwede nga lang lagyan ng electrical tape ang mga bunganga nila, edi matagal ng may roon sila kung magbabatuhan ng salita.

Ang sakit nila sa tainga pati na rin sa mata. Tsk. Bwisit.

"Ikaw ba ang tinatanung ko ha, matsing? Wag ka nga sabat ng sabat kung nag uusap ang mga tao." pang-asar ni Ross kay Megan.

Tumingin ako kay Megan. Ayun, halos umusok ang ilong dahil sa sobrang inis.

"Abat ikaw lalaki. Sumosobra ka na ha." gigil na sabi ni Megan. Konting konti na lang, parang sasabog na bulkan. Psh.

"Sumosobra sa kagwapuhan? Eh alam ko na yan e, mapagal na. Ikaw ha! Nagagwapuhan ka pala sa akin." pang aasar parin ni Ross kay Megan.

Tumaas naman dalawang kilay ni Megan.

"Yuck! Mahiya ka naman. Sinong nagsabi sayo na gwapo ka ha? Ugh! Youuu!!! Walangya ka talaga." gigil na bulyaw ni Megan. Ang pula pula na din ang pisngi nya.

Ang asot pusa nilang dalawa. Pero nakakaramdam talaga ako ng selos. Hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Oh! Awat na, baka saan pa mapunta nyan." pang-aawat ni Tanya sa kanila.

Buti pa itong best friend ko na ito. Hindi ganoong kalakas ang boses kung naiinis.

"Saan pupunta best friend?" nakangisi kong biro sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at tinaasan ang kilay.

"Huwag mo nya akong asarin Tan, makakatikim ka sa akin ng batok." masungit nyang saway sa akin. Kaya napakamot na lang ako ng ulo.

May pagkamasungit din pala ang best friend kong ito. Hehe!

Napanguso na lang ako dahil dun. Bumaling naman ako ng tingin kina Tyron at kay kambal. Napakunot ako ng makita ko silang walang imik sa isang tabi.

Anong problema ng dalawang ito? tanong ko sa aking isipan. Pero agad ko ding pinagsawalang bahala. May past kasi ang dalawang yan e. Psh.

"Hindi pa ba kayo tapos diyan? Nagugutom na ako e." reklamo ng kakambal ko.

Kahit kailan talaga ang kakambal kong ito. Ang reklamador. Tsss. Medyo mainitin din ang ulo minsan kung naiinip na.

"Saan tayo kakain guys?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Dun na lang sa dati nating tambayan." wow! Sabay sabay talaga sila. Prinaktis ba nila ang sinabi lang yun?

"Hindi pa ba natin hihintayin si Calvin?" bigla na lang tanong ni Tanya.

"Wag mo ng hanapin ang taong wala dito. Ang mahalaga makakain na tayo. Tsk." masungit na sigaw sa amin ni Trisha at nauna ng pumunta sa tambayan namin.

"Nangyari dun?" sabay sabay naman naming tanong.

Someone's PoV

Parang gusto kong umiyak ngayon sa kinatatayuan ko dahil sa halo halong emosyon na nag uumapaw sa dibdib ko.

Tanaw na tanaw ko silang dalawa na masayang nag uusap sa ilalim ng puno. Ang ganda gandang panoorin ang mga ngiti nilang yun.

May parte din sa puso ko na nanikip bigla.

Sobrang sayo ko dahil sa wakas nagkakilala din silang dalawa. Ang nakakausup. Kung nakikita lang nya ito, alam kong matutuwa din sya.

Dahil sa wakas, nagtagpo ang landas nila.

Pinagsisihan ko ang nangyari noon. Araw araw, binabangungot ako ng nakaraan na hindi maalis alis sa isipan ko.

Sana mapatawad nya ako. Sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Sana matanggap nya ako. Nagsisi na ako ngayon.

I'm sorry.

A/N: sino 'yun? ðŸ˜