Chapter 31: Epilogue

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 17111

Ten years later......

Sampung taon na pala ang nakalipas.. Sa sampung taon na iyon. Ang daming nagbago, maraming hindi nagbago, may mga dumating na hindi inaasahan.

Sa sampung taon na iyon, nakamit ko ang mga pangarap na inaasam ko. Isa na akong ganap na teacher sa sariling paaralan namin. At isa din akong principal. Hanep di'ba. Sa akin pinamana nina papa at mama ang paaralan na iyon. Kaya naging busy na din ako, ginawa ko ang lahat para makamit ko itong posisyon ko na ito. Nagsikap ako.

Si kuya Devin na ang nagha-handle ng mga properties namin dahil sina mama at papa  may katandaan na sila. Pero malakas parin naman sila. Gusto kasi sila ang mag travel kung saan saang lupalop ng mundo. Kaya inako ni kuya lahat ang responsibilidad sa kompanya namin. Kaya isa na siyang successful businessman.. Napalago naman niya ang  kompanya. Kaya proud sister ako. Hindi ko inaakalang na mapapalago ng ganun. Alam kong proud na proud sila mama sa kanya.

Sa mga kaibigan ko naman tayo pumunta... Grabe, parang hindi parin sila nagbabago kahit may kanya kanya na silang lovelife.

Si Ross at Tanya, malapit nang ikasal. :))Nag-iipon na lang sila nang pera para daw sa kasal nilang dalawa. Bilib din ako sa kanilang dalawa e. Parehas silang doktor. Hanggang doon ba naman ayaw nilang mahiwalay sa isa't isa. De joke lang:))ayun kasi ang lagi nilang sinasabi noon na gusto nilang maging doktor na dalawa. Kaya nag click silang dalawa, tapos 'BOOM' nakainlaban silang dalawa. Hindi ko inaakala na magkakatuluyan sila, siyempre magkakaibigan kami noon. Parang walang talo talo. Tapos ngayon sila din pala ang nagkatuluyan. Hanep. Kinikilig ako sa kanila. Kaya masayang masaya ako sa kanilang dalawa ngayon :))

Si Tyron at Trisha, ayun halos langgamin kami  dahil sa kasuwitan nila. Kapag nagbabonding kami, parang wala lang kami sa paligid nila. Ang sweet sweet nilang dalawa kulang na lang ang nagpalitan sila nang mukha e.. Psh! Pero masaya ako sa kanila dahil sa sila parin ang isa't isa. Mag-ex silang dalawa, pero hanggang ngayon hindi ko parin ang dahilan kung bakit sila noon nagkahiwalay. Hehe!! Kasal na silang dalawa. At buntis na ngayon si Trisha. Ang bilis di'ba? Wala e, malandi talaga si Trisha. Joke lang. Hehe!! Si Trisha ay isang ganap nang designer ng nga gown ganun.. Kita nyo yun..haha! Hindi ko inaakala na magiging designer na siya sa future. Si Tyron naman, isa na siyang professor sa eskwelahan ko. Hindi niya daw maiwan iwan ang nag aralan nya. Haha!

At sina Megan at Tristan naman, ayun hanggang ngayon parang aso't pusa parin ang dalawa. Para silang tubig at langis na hindi magkasundo. Pero kahit hindi sila magkasundo sundo, makikita mo parin sa mga mata nila na mahal na mahal ang isa't isa. Yes, sila po ang nakatuluyan. Hindi talaga mawala wala ang sa kanila ang bangayan. Pero itong mas nakakagulat ha. Sila ang naunang kinasal sa aming lahat. Jusko ko, hindi na lang ako makapaniwala na kinasal na sila nang maaga. Katatapos lang namin grumaduate noon sa college, makalipas lang nang isa o dalawang buwan, agad silang inanunsyo na magpapakasal na sila. Parang ang hirap paniwalaan ang sinabi nila noon e, aso't pusa ang mga iyon. Pag-ibig nga naman oh. Hindi mo talaga alam kung kailan darating o darating pangaba.... Pero masayang masaya ako sa kanilang dalawa. :))

Pero hanggang ngayon, wala pa silang anak. Isa na kasing model ang best friend naming iyon. Sikat na sikat na siya. Kita niyo yun, ang maingay kong kaibigan naging model. Pero binabalak na nila ni Tristan ang magkaanak, ewan ko lang kung kailan. Si Tristan naman, isa na siyang assistant ni Megan. De joke lang. Isa na siyang chef.. Marami na din siyang napatayong restaurant. :)) kaya nga hindi sila nagkasundo ni Megan e. Kaya tumataba siya dahil lagi siyang pinapakain ni Tristan nang masasarap na pagkain. Haha! Grabe sila!

Masaya ako sa kanila dahil, may kani kanila na silang pamilya. Naalala ko pa lang noon, lagi kaming nagtutuksuhan. Kung ano ano ang mga biruan namin noon. Kung saan saan kami gumagala at nagpupunta. Tapos ngayon, masayang masaya na sa buhay. May kanya kanya nang pinagkakaabalaan.

Napangiti na lang ako sa isipan ko. Ang dami talaga ang nangyari makalipas ang mga maraming taon. Masaya na ang lahat.

Kung tatanungin niyo kung may lovelife na ako? Huwag nyo nang tanungin dahil hindi ko naman din sasagutin... Buwahahaha! :))

Pero biglang pumasok sa isipan ko si Calvin. Tss. Yaan nyo na ang lalaking iyon. Psh. Hanggang ngayon naasar ako sa kanya..

"Ma'am, mukha kang baliw dyan. Bakit po kayo ngumingiti mag-isa at bigla bigla na lang kayo sisimangot? Alam ko kung sino iniisip nyo.." katyaw ng mga estudyante ko.

Dahil dun nabalik ang ulirat ko. Jusko, hindi ko namalayan nakatulala na pala ako habang may klase pa.

Tumingin naman ako sa estudyante kong nagsabi nun.

"Ikaw Kris ha, lagi mo na lang akong inaasar. Titirisin ko yang tainga mo o baka naman gusto mong hindi kita ipasa sa mga test mo? Ibabagsak kita." pagbabanta ko sa kaniya.

Pero binibiro ko lang siya. Eh sanay na ako sa batang ito e. Lagi akong inaasar, minsan nga iniinis ako. Pero hindi ako nagagalit dahil masaya ako na lahat sila nakikinig sa akin habang nagdi-discuss ako. Ang gagaling nila sa subject ko. Lagi din akong nakikipag-biruan sa kanila pero alam naman nila kung hanggang saan sila. Hindi naman sila lumalagpas doon.

Nakita ko siyang napakamot. Alam kong may baon itong sagot sa akin e.

"Eh ma'am matagal niyo nang sinasabi nyan sa akin, mula pa noong first year ako. Ngayon, second year na ako, iyan parin ang sinasabi niyo. Hay naku, ma'am. Aminin, hindi niyo iyon magawa dahil mahal mo ako bilang estudyante. Parang ako nga ang paborito mo e. Hehe!!" bungisngis nyang sagot sa akin..

At ang lokong bata, binigyan nya ako nang nalawak na ngiti..

Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Tama nga siya, ako parin ang guro nila noong first year sila at ngayon na second year na sila, ako parin. Haha.

At itong si Kris, ang hilig magbiro ito. Parang lahat nang guro binibiro nya.

"Ikaw talaga bata ka, hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago. Ikaw parin yung batang ang hilig magbiro." tawang tawa na sabi ko.

Kaya lahat sila natawa dahil sa sinabi ko. Napakamot na lang siya nang ulo.

"Naman po ma'am."

Napailing na lang ako at ini-ayos ang mga gamit ko.

"Pwede ka kayong lumabas para makapag meryenda. Mag review kayo dahil may quiz tayo bukas. Kung sino ang makaka perfect ng test niya bukas, may premyo siyang banana que." nakangiting sabi ko.

Nang dahil sa sinabi ko, lahat sila napahiyaw. Bakas sa mukha nila ang pag-excited.

"Whoa! Yes! Matitikman na naman natin ang luto ni ma'am na banana que." hiyaw nila.

Lagi kasi silang may premyo sa akin. Lulutuan ko sila nang banana que. Lahat sila mabibigyan. Pero siyempre, yung mas mataas ang nakuha, iyon ang mas marinig ibibigay na banana que. Hehe!

Ganun na ba kasarap ang luto kong banana que pati na ang mga estudyante ko naaadik na rin? Psh!

"Bye ma'am." nakangiti nilang paalam sa akin.

"Bye!" ngumiti naman ako nang pabalik sa kanila.

Agad silang nagsitakbuhan papalabas. Gusto ko pa sanang suwayin sila dahil baka madapa sila pero nakalayo sa sila sa akin. Kaya umiling iling na lang akong at binalik ang tingin sa inaayos kong gamit.

******

Nandito ako ngayon sa loob nang office ko. Katatapos ko lang na kumain. Tinatapos ko na lang ang mga dapat tapusin para maaga akong uuwi. Wala nnaman akong klase mamaya. Vacant ko.

Dahil excited akong umuwi dahil miss na miss ko na siya...

Habang nagsusulat ako, medyo sumakit ang  ulo ko kakasulat kung ano ano. Mga lessonplan. Napatigil ako bigla ng tumunog ang cellphone ko sa table, sa harap ko lang.

Agad ko namang kinita sa screen kung sino ang tumatawag.

Napangiti agad ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello, baby?!" nakangiti kong bungad sa kanilang linya.

Biglang nawala ang sakit nang ulo ko nang marinig ko ang mahina niyang bungisngis. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa bungisngis na iyon..

"M-mah!! mhamaaa!!...."medyo nahihirapan nyang tawag sa akin...

Napabungisngis naman ako dahil dun..

"Anong kailangan ng baby ko? Hmm" malambing tanong ko.

"M-momaa!! Mahh!!" sabi nya na naman sa pangalan ko.

Natawa na lang ako dahil dun. Parang gusto kong pisilin ang pisngi niya ngayon.

"Oo na, baby, uuwi na si mama mamaya, okay. Miss na miss na kita.." nakangiti kong sabi kahit hindi nya naiintindihan...

"Mishu....m-m-mahh.." ang sarap nang pakiramdam na naiintindihan nya ang sinasabi ko. Para akong naiiyak na ewan..

"Kanina ka pa hinahanap nang anak natin, hon. Bayaan mo na ang ginagawa mo diyan at umuwi ka na..." pag uutos nang nasa kabilang linya.

Napaikot na lang ako nang mata...

"Hoy lalaki ka, tinuruan mo na naman ba ang anak natin kung ano ano 'no? Magsabi ka nang totoo kundi papalayasin kita." nakataas ang kilay kong sabi sa kaniya.

Tumayo na ako at iniligpit na ang mga gamit ko. Sa susunod ko na lang itutuloy ang ginagawa ko. Mas mahalaga ngayon ang makauwi agad ako. Kahit hindi pa sana pwede.

Akin naman itong school e, uuwi ako kung kailan ko gusto. Kaya huwag tularan. Haha!

"Hindi kaya, bakit ko naman siya tuturuan nang ganun?" painosenteng sa akin.

Napaikot na lang ako ng mata kahit hindi niya kita. Lokohin mo lelong mo. Masasapak ko talaga ang lalaking ito kapag nakita ko.

"Ibaba ko na ito. Makakatikim ka talaga sa akin nang sapak pagkauwi ko. Hmp!" hindi ko na siya pinatapos na magsalita nang pinatay ko na agad ang tawag.

Alam kong nakasimangot na naman yun dahil sa binabaan ko nang tawag.

Nang maiayos ko ang lahat, agad akong lumabas nang principal office and naglakad papuntang parking lot at pumasok sa kotse ko...

****

Nang maipark ko ang sasakyan ko sa garahe namin, agad akong lumabas at pumasok sa loob ng bahay.

Nagtaka ako nang bakit medyo madilim ang loob. Hindi pa nakabukas ang kurtina nang bahay.

Aba't walangyang lalaking iyon, ano naman kaya ang ginawa niya para hindi nagbukas ng mga bintana?

Agad kong binuksan ang pinto ng bahay.

*boom!!!*

*boom!!!*

*boom!!!"

"ANNIVERSARY HONEY!!!!"

Napapikit na lang ako ng mata.

Hindi dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko ang nagpapikit sa akin.

Kundi ang pinapatuk nilang pag surprise sa akin. Tamang tama naman na tumama sa mukha ko. Kaya dahil dun napapikit ako.

Huminga muna ako nang malalim bago magmulat. Pero naramdaman ko na napatigil silang lahat.

Unti unting minulat ko ang mata ko. At tumingin sa may gawa. Nakita ko siyang biglang napangiwi.

"Patay." bulong nang mga kaibigan ko.

Wow ha! Kumpleto lahat. Nandito pa sina mama at papa, meron din si kuya Devin at nanay. Mga kaibigan ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kanila. Ibinalik ko ang tingin sa kaharap ko. Gusto ko tumawa nang malakas pero pinipigilan ko.

Natatawa ako sa itsura niya na parang kuting. Isama mo pa ang anak namin na buhat buhat nya. Ang cute talaga ng mag-ama ko. Itong anak ko namang lalaki, nag-puppy eyes. Parang sinasabi nya na huwag ko daw bubulihin ang papa nya.

Yiee! Ang cute ng baby namin. Nakakagigil ang pisngi nya. Hehe!

"Na———?!"hindi ko pa natatapos ang magsalita nang bigla siyang nagsalita.

"Will you marry me, Devon Miles Harris?"

Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong sinabi nya.

Hindi naman ako bingi diba?

Dinig na dinig ko talaga ang sinabi nya.

Tama ba magkadinig ko?

Gusto niya akong pakasalan?

Sapakin niyo nga ako?

Napatitig na lang ako kay Calvin na nakatingin sa akin nang seryoso. Kitang kita ko na kinakabahan siya ng sobra..

Punong puno nang pagmamahal sa mata nya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Habang nakatitig ako sa kanya. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari, ten years ago.

Flashback.....

"Please, tigilan mo na ako, ayoko na." matapos kong sabihin yun, bigla akong tumalikod ang biglang tumabok papalayo sa kanya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako...

Pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran, kaya napatigil ako sa pagtakbo.

"Ano ba, bitayan mo nga ako." nagpupumiglas kong utos sa kanya.

Pero hindi siya sumunod, mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"P-lease babe, s-sabihin mo naman ang problema o? Bakit ka ba nagkakaganito? Nasasaktan ako kapag binabaliwala mo ako at parang hangin lang ako sa paningin mo. Ano bang k-kasalanan na nagawa ko sayo? G-gulong gulo na t-talaga ako?" nagmamakaawa nyang tanong sa akin kung ano ang problema.

Nanikip ang dibdib ko. Naramdaman kong medyo basa ang likod ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapagtantong umiiyak na pala siya.

Hindi ko din namalayan na umiiyak na rin ako habang yakap yakap nya. Hindi parin tumitigil sa paninikip ang dibdib ko..

"B-bakit ka n-nagsinungaling sa akin? B-Bakit? P-pinagkatiwalaan kita, na hindi mo ako lolokohin. a-akala ko gusto mo ako? pero bakit nagsinungaling ka parin?." humihikbi kong sabi na may kasamang hinanakit..

Napatigil naman sya. Bigla siyang kumalas sa pagyayakap sa akin at hinarap niya ako sa kanya. Kaya kitang kita ko ang pagkakunot ng noo nya.

"Anong n-nagsinungaling ang pinagsasabi mo?" naguguluhan nyang tanong..

Tsk! Nag-maang maangan na naman siya.

"Huwag ka nang mag maang maangan pa. Bistong bisto ka na e, ipagkakait mo pa. Tinawagan kita noon, natatandaan mo ba?" walang emosyon kong tanong sa kaniya.

Dahil sa sinabi ko, bigla siyang natigilan. Sabi ko na e.

"Oo, naalala ko..." kinakabahan nyang sagot.

"B-bakit ka n-nagsinungaling nang araw na iyon sa akin? Bakit hindi mo sinabi ang totoo kung n-nasaan ka? Bakit ayaw mong m-nalaman ko kung n-nasaan ka ha? Bakit k-kasama si Chelsea nang time na yun? B-bakit lagi mo na lang akong s-sinasakatan?" nanginginig kong tanong sa kaniya...

Sunod sunod na ang hikbi ko.

Nakita ko na bigla nanlaki ang mata nya..

"Babe, l-let's me explain."

Napaatras ako bigla nang tangkain niya akong hawakan..

"Don't!" umiling iling kong pigil sa kanya. Napaiwas ako nang tingin nang may dumaan na sakit sa mata niya.

"B-babe?!"

"H-huwag kang lalapit." pagbabanta ko.

"Mali ka, kahit kailan hinding hindi kita niloko.. Noong araw na iyon na nagsimungaling ako. Hindi ko sinabi ang totoo dahil ayoko ko lang nag isip ka kung ano ano. Hindi naman inaakala na tatawag ka nang time na yun. At higit sa lahat, kapatid ko si Chelsea. Hindi ko siya babae, dinamayan ko lang siya nang time nayun dahil nasasaktan siya dahil naghiwalay sila ng boyfriend niya. Iyak lang siya ng iyak at ako ang tinawagan para samahan siya. Kaya sa sobrang alala ko sa kapatid ko baka kung ano ang mangyari sa kanya na masama." mahaba niyang paliwanag sa akin.

Para akong nanghina dahil dun. Nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kanya...

M-Magkapatid sila?!

Ang lagi kong pinagseselosan na babae ay kapatid pala ng taong mahal ko.

Syet! Parang gusto ko nang lamunin ako nang lupa ngayon dahil sa kahihiyan.

Tumingin ako sa kanya pero pilit kong tinago ang kahihiyan na nararamdaman ko. Pero ang g*go, ang lawak nang ngiti nya.

"Nagseselos ka ba sa kanya?" nakangising tanong nya sa akin.

Naningkit ang dalawa kong mata.

*bogsh!*

End of the flashback......

Sobrang hiya ko nang araw na  iyon dahil sa nalaman ko. Magkapatid pala sila.

Matapos na nalaman ko iyon. Sinapak ko siya ng malakas. Walangya, bakit hindi nya kasi noon sinabi ang totoo sa akin. Ugh! Bwisit na bwisit ako noong time na yun.

"Hon?!"

"OO NA, PAPAKASALAN NA KITANG GAGO KA!!" malakas kong sagot sa kanya. May kasama pang mura. Hindi namalayan na isinigaw ko na pala iyon.

Nang dahil dun, biglang umiyak ang anak namin sa bisig nya. Natawa ako nang mahina nang makita ko siyang tarantang taranta na pinakalma ang baby namin.

Pero ang mga kaibigan namin at pamilya. Binati kaming dalawa.

Lumapit ako sa mag-ama ko tinulungan siyang magpatahan kay baby Kairon Ace. Isang taon at kalahating buwan na siya. Kung tatanungin nyo kung paano nagawa si baby Kairon, hindi ko sasagutin. Bahala na kayong mag-isip kung paano namin siya ginawa. Buwahaha..

Baka nagtataka din kayo kung paano kami nagkaanak e, hindi pa kami kasal.

Ganito kasi.....

Sikretong malupit.... Buwahaha!!

Hindi ako makapaniwala na ang isang Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy

Na magiging Devon Miles Harris— soon to be Mrs. Calvin Jace Monteverde.

This chapter would be the end of the story.

————————————————————————————————————————————

a/n: THANK YOU SO MUCH GUYS! naiiyak ako guys, dahil dito na lang nagtatapos ang istorya nila Devon Miles at Calvin Jace. Hindi talaga ako makapaniwala na natapos ko din ito. Mamimiss ko ito. Hay naku, tama na nga ang drama.

Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil sa walang sawang pagsuporta sa story ko. Sa mga silent readers ko kung meron man, salamat dahil suportahan nyo itong story ko, at sa mga maiingay kong mga readers na laging pinapasabog ang notifications ko, maraming maraming salamat din sa inyo, hindi ko talaga kayo malilimutan..... Inuulit ko po, maraming maraming salamat sa inyong. God bless. ^_^♡

-wait guys, sorry kung may mga hindi kayo maintindihan sa sinulat ko ha. Hindi kasi ako magaling magsulat ng story. Hehe!

Sana suportahan niyo din ang iba kong stories.

PreviousContents
Last Chapter
PreviousContents
Next