Chapter 3: CHAPTER 1

I Hate You , I Love You | UNFORGOTTEN SERIES 2Words: 8486

--------------------ASHTON'S POV-----------------

"Hoyyy!" Si Asher

"Hhhmm?"

"Alam mo kagabi ka pa lutang.Ano ba kasing nangyayari sayo?"pagtatanong ni Ashwin habang nag lalakad kami sa university

"Kasi......Ano ....."

"A-ano ?"

"May sasabihin ako sa inyo pero— wag ninyong  sasabihin kay kuya ha?"

"Ano ba yun?"

"Remember yung mga bullies sa kabilang university? nakasalubong ko kasi sila kahapon hinarang nila and like palagi nilang ginagawa pinilit nila akong bigyan sila ng Pera ."

"And then ?"

"Sinaktan ka ba nila?"

"Ha?huhh?H-hindi  naman pero kasi......"

"Aston Amores ?"

"May hinalikan akong lalaki....Este may—lalaking humalik sakin"

"Huhhh?" *Asher , Ashwin

"I- I mean ganito kasi yun—"

"Ashton Amores...... Alam mo namang triplets tayo paano kung....."

"Sandali lang kasi I explaine ko okay?.May lalaking —"

"Lalaki ?"

Paano ako mag papaliwanag sarap busalan ng bunganga nitong si Asher

"Sandali ! kasi.May lalaking lumapit samin nung hinarang ako nung mga bullies tinulungan nya ako.Actually hindi ko alam kung tinulungan nya ba talaga ako o ano kasi — sinabi nyang wala akong Pera at walang mapapala sakin Yung mga bullies.So yun na nga nag kagulo sila nag suntukan tapos yung lalaki na yun bigla na lang akong hinila ."

"Hinila ?Sa-saan ?"

"Hinila nya ako at nag tatakbo kami hangang dun sa may likod ng statue nung department nyo sa may likod ng pader kasi nga hinabol sya nung mga bullies pagkatapos nyang pakipag sapakan , nagalit pa nga ako sa kanya kasi sinama nya pa ako sa pag takbo ehh sya lang naman yung hinahabol ."

"Ohhhh ,okay. Na bully ka ,may tumulong sayo.So anong iniisip mo ?bakit naman iniisip mo yun?Saka sinong hinalikan mo ?este hinalikan ka ?"pagtatanong ni Ashwin

"Yung lalaking nanghila sakin "

"HUHHH!? "

"Abaahh Gago yun ahh sino Yun?"

"Ton?"

"Hhhmm ?"

"Satin - satin lang naman.Hindi makakarating kay kuya,promise .tanong lang........Are you gay ?"

"Ha ?sira ka ba Win ?hindi no "sagot ko dito

"So bakit mo nga iniisip yun ay nawawala ka sa sarili mo ?"

"Kasi nga sinampiga ko sya ....."

"Oiiiiii,Bakit naman ?"

"Kasi nga hinalikan nya ako ,nabigla ako kaya nasapak ko Malay ko bang pinatatahimik nya lang pala ako .ehh ayun nagalit ata ,hindi ko naman kilala kung anong pangalan kaya....."

"Dito nag aaral ?"

"Oo kita ko sa uniform nya ,hindi ko lang alam kung anong department"sagot ko dito

"Hhhhmm sino kaya yun?pero kasi......bakit mo ba naman kasi sinapak tinulungan ka na nga nung tao ."Saad ni Ashwin

"Nabigla nga lang ako ,okay ?bigla ba naman akong halikan ,sumakit pa yung paa ko kakatakbo "sagot ko dito

"Sinapak mo kahit tinulungan ka lang naman nya so deal with it .Wag mo ng hintayin na mag file ng report yun.Pag nakarating kay Kuya Aiden problema pa ehh halos hindi na nga umuuwi si Kuya sa bahay kaka trabaho "

"Kaso—"

"Kaso ano ?"

"Hindi ko kilala kung sino ehh "sagot ko sa kanila

"Oiiiii Ashton ga-graduate na tayo dito siguro naman nakikita mo na dito yun noon pa ?"

"Well siguro ,bagong student o kaya baka ibang department kaya hindi ko kilala .Kasi nun ko lang talaga sya nakita "paliwanag ko

"Ton !"

"Hhhmm ?"

"Pogi ba ?"natatawang tanong ni Asher

Parang sira

"Hhhmmm sakto lang....kaso kahit anong itsura mo kung hindi naman maganda ang ugali diba....."

"Baka naman na judge mo lang agad yung tao dahil hinalikan ka ?"

"Nako.....naknakan ng yabang ,Well muka namang may Pera sya pero— sabihan ba naman akong wala daw akong Pera ...like ,hello! May pera ako no "

"Mag Kano ?"

"Singkwenta "sagot ko napailing na lang yung dalawa

"Haayyyysss tara na Win may saltik na naman tong Kapatid na tin.Dyan ka na see you mamaya pag uwian ,bye "pag papaalam nung dalawa

Pag alis nung dalawa sana ay aakayat na ako sa building namin ng tawagin ako ng mga kaibigan ko na kakarating lang din

"God..... friend okay ka lang ba ?"pagtatanong ni Z at inikot ikot ako nag taka naman ako

"Teka , taka! Ano bang problema nyong dalawa ?"

"Kahapon daw naharang ka ng bullies sa kabilang university?we heard na nag kagulo kahapon malapit sa kabilang department"Saad ni Ellie

"Ahhh yun?Wala yun okay naman ako "

"So kamusta?"

"Okay nga lang."

"Kamusta ang maligtas ng isang Carlos Xavier ?"Saad ni Z

"Ha?Ca-Carlos Xavier ?"pagatataka ko

Yun ba yung lalaking mayabang ?

"Oo si Carlos ...hindi mo kilala ?galing sya sa ibang department campus crush kasi sobrang gwapo....."

"Gwapo ?hindi naman "

"Yun yung lalaking tumulong sayo kahapon may nakakitang ka department natin.Ito ohh "pag papakita ni Ellie ng isang video

Kita dun yung pang haharang sakin at pag dating nung isang lalaki hangang sa pag hila nya sakin nung tumakbo kami

"Nag hugas ka ba ng kamay ?"tanong pa ni Z

"Huhh?O-oo kanina "

"Bakit ka nag hugas sana pinahawak mo muna sakin."dismayadong Saad ni Ellie

Juskong babae to .....

"Ang OA "imik ko

"Ayyy friend.....hindi OA yun.Carloa Xavier is know for having that face card , charismatic aura ,amoy baby at higit sa lahat mayaman ...... perfect boyfriend."Pg d-describe ni Ellie

"Naka ilang take na nga lang ng college tapos palit ng palit ng course kaya hindi na nakagraduate .I think matanda sya satin ng mga 2years ganun "

"Hayyysss puro pa gwapo kaya hindi maka graduate .Hayy"imik ko bago nauna ng mag lakad

"Ayyyy ang bitter ha?Hindi ka ba thankful na tinulungan ka nya ?"

"Thankful?kung alam mo lang ang nangyari sobra pa sa ginawa nyang tulong yung binayad ko sa kanya "sagot ko sa kanila

"Ha?bakit anong nangyari ?"si Ellie

"Wag!"

"Ayyyy"si Z

"Wag nyo ng alamin nakakamatay "sagot ko bago kami tuluyang nakarating sa classroom namin.

Nag simula ang ilang klase namin na inabot ng ilang Oras hangang sa nag lunch .Habang kumakain naman kami ay nakatangap ako ng message sa family GC namin na pinapauwi kami ni Kuya Aiden ng maaga dahil may sasabihin daw ito at nakabalik na sya from Cebu

"Mall tayo mamaya ,dalawa na lang klase natin this afternoon"pag aaya ni Ellie

"G ako may bagong ramen house sa mall ,treat ko "sagot ni Z

"Ikaw Ashton ?"pagtatanong ni Ellie

"Ahhh pinapauwi kami ni kuya ng maaga ehh nakabalik na sya galing Cebu may importante saw syang sasabihin samin .So baka hindi ako makasama "sagot ko

"Ohhh yun lang.Diba....sa condo na kayo umuuwi ?"

"Oo ilang linggo narin nakuha ni kuya yun kasama ng promotion nya "sagot ko

"Ashton tingin mo yung Boss ni Kuya Aiden may gusto sa kanya ?Well kahit lalaki si kuya Aiden  mas maganda pa sakin yun.Tingin mo ?"

"Hayyyss ano ba kayo,Wala .Kaka hiwalay lang ni kuya Aiden sa Boyfriend nya heart broken pa yun.Saka kung may gusto sa kanya yung boss nya  sa tagal na ni Kuya Aiden sa company na yun dapat noon pa diba? Sa tingin ko din kasi ayaw pa ni kuya Aiden mag mahal .masyado syang busy sa trabaho at dun sa utang namin"Paliwanag ko

"Well sabagay .......pero ang pogi nung boss ni Kuya Aiden huhh nakita ko na yun once nung hinatid sya sa dati nyo pang bahay "sagot ni Z natawa at napailing na lang ako

After lunch may 1hour vacant pa kami bago ang next class namin kaya nag lakad lakad lang Muna kami sa area ng department namin hangang sa nakasalubong namin ang isang teacher namin

"Ashton buti nakasalubong kita,I actually going to your classroom to talk something to you "imik nito

"A-ohhh ako po yun Ma'am?"

"May mga tinuturuan ka ba ngayon?"pagtatanong nito

"Ahhh meron po akong isang tinuturuan ngayon junior po from this Department din "sagot ko

"Hhhmm Good then.....Gusto mo bang tumangap pa ng Isa ?He said he'll pay kahit magkano per session ng tutorial nyo .gusto mo pa bang tumangap?"paliwanag nito

"A-ahhh saang department po ma'am ?Saka Junior po ba ?"

"Hhhmm hindi sya Junior he is in the same level as yours kaso nanganganib grumaduate so nag suggest ako na kumuha sya ng tutor para matulungan sya sa academics and you know you are the only one who is capable to do that kaya gusto ko Ikaw ang tumulong sa kanya .Do everything para maayos ang grades nya at matuto sya .What can you say ?"

"Ahhh heeehh Sige ma'am tinatangap ko po . I'll do my best ma'am "sagot ko dito

"May tiwala ako sayo ....Sana nga matulungan mo sya "Saad nito nago umalis

"Bagong tuturuan na naman?at same level natin ha ?paano nakakapasa yun?Saad ni Ellie

"Hhhmm hayaan nyo na baka.... kailangan talaga nung tao ng tulong tulungan na lang natin diba?Hindi ko pa lang kilala kung sino but I know matutulungan ko sya gaya ng iba.Sana lang mag kasundo kami ,mas madali turuan pag komportable sa isat -isa "paliwanag ko dito .

Pumasok kami sa klase hangang sa natapos ito bago kami sabay -sabay umuwing mag kakapatid .

Ms.Lizzie : Bardagulan na...........