Chapter 5: CHAPTER 3

I Hate You , I Love You | UNFORGOTTEN SERIES 2Words: 9585

-------------------ASTON'S POV---------------------

"Hoyyyy ano bang problema mo ?"pagatatanong ni Asher ng makaakyat kami sa kwarto na sinabi ni kuya

"Ha?"

"Bakit inis na inis ka kay Carlos ?muka namang mabait "imik ni Ashwin

"Mabait ?hindi nyo ba nakita yung ugali nya kanina ?"imik ko

"Ikaw din naman kasi.Bakit mo ba kasi sinampal ?"

Hinalikan ako ehh . First kiss ko kaya yun

"Diba nga sinabi ko na sa inyo kung bakit?Saka bakit ba kinakampihan nyo Yun ?hello! Ako yung Kapatid nyo ohhh "imik ko dito

"Aiii Ton kapatid ni Carlos si Kuya Clint na boyfriend ni Kuya Aiden kailangan makisama tayo sa kanila .Diba yun ang gusto ni kuya ?"

"Kay Kuya Clint kaya Kong makisama .Pero sa Carlos na yun?hhhhmmm walang pag asa ,Basta kumukulo dugo ko pag nakikita ko sya "sagot ko dito bago ako tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.

Sa dami ng kanto at likuan sa loob ng bahay hindi ko alam kung saan ako pupunta basta hinanap ko lang ang daan papunta sa may hagdan para bumaba at kumuha ng tubig .

Pag kakuha ko ng tubig ay nag ikot ako sa bahay kakatingin ko sa mga paintings at hindi ko na namalayan kung ano na ang dinaanan ko at saan na ako nakarating.

Para kasing museum yung bahay napakaraming art works

"Lost ?"napahinto ako at muntik pang mabitawan ang basong hawak ko ng biglang na lang may sumulpot sa harapan ko . Si Carlos

Self kalma .......

"Baliw ka ba !?bakit bigla ka na lang sumusulpot dyan?paano kung nabitawan ko yung baso ?"imik ko dito

"Heeehhh May period ka ba ?palagi ka na lang galit "imik nito

Yan na naman sya sa Tagalog nya

"Hayysss umiinit dugo ko sayo,Dyan ka na nga "imik ko dito at nilampasan lang ito

"Do you know how to go back ?"imik nito ng napansin nya sigurong hindi ko alam saan ako pupunta kung kanan o kaliwa dahil hindi ko na alam kung saan na nga ang kwarto namin

Kasi naman mag babahays na lang napakadami pang likuan

"A-alam ko ....."lakas loob kong sagot dito bago lumiko ay sa kaliwa pero napahinto ako ng mag salita ito

"That area is going to my brother and Kuya Aiden's room "imik nito kaya bumalik ako at sa kanan naman lumiko

"Are you sure that's the area for the guest room ?haha there's no room in there "imik nito ng muli

Sheeeettt.........

"Hhmm Sir Ashton bakit po kayo andito ?Good evening po sir Carlos "imik ng isang tauhan ni Kuya Clint ng Makita kami nito

"Ahhh-"

"Take him back to the guest room"utos ni Carlos dito bago ito tumalikod at nag punta sa dulo ng hallway kung saan sya biglang lumabas at pumasok sa isang pintuan doon .Maybe kwarto nya

"Kuya anong pangalan mo ?"pagtatanong ko sa lalaking nag hatid sakin pabalik sa guest rooms na nasa pangalawa kanto lang pala pag akyat ng hagdan

"Riz po , personal body guard ni Sir Aiden "sagot nito

Maka sir naman to .

"Ahhh Kuya Riz salamat sa pag hatid sakin ha , pasensya na nakakalito kasi yung bahay daming kanto parang maze "imik ko dito bahagya naman itong natawa

"It's okay sir.Si sir Aiden ganyan din noong una dito,masasanay din po kayo"sagot nito ngumiti lang naman ako bago ay nag paalam na itong umalis

"Ah talaga ba ha?"imik ko ng marinig ang sinabi ni Ashwin tungkol sakin.Naroon din si Kuya sa kwarto na nakabihis pangtulog na

"San ka nangaling?"tanong ni kuya

"Dyan lang nag pahangin ako dun sa baba hindi ako makatulog ehh "sagot ko dito

"Buti hindi ka naligaw pabalik dito?" Pag tatanong ni Asher

Naligaw....napahiya pa ego ko sa bwisit na Carlos na yun

"Naligaw actually may nakakita lang sakin at hinatid ako dito,Riz yung pangalan "

"Yan kung san -san ka kasi nag susuot hindi mo naman pala alam pabalik "imik ni Ashwin

"Abahhh malay ko bang pinag lihi sa maze ang architect nitong bahay na to "sagot ko dito

"Ganda kaya "imik ni Asher napailing na lang ako

" Akala ko naman nakipag friends kana sa kapatid ni kuya Clint "pang aasar pa ni Asher

"Ako ?makikipag friends dun ? Frenemy pwede pa "inis na sagot ko dito

"Ahhhh sus baka mausisa mo-"

"Tigil mo yan Ashwin baka hindi kita matansya "banta ko dito

"Sungit "

"Tabi matutulog na ako "pag papausod ko dito bago nahiga at nag tago sa ilalalim ng kumot

"Sige na mag pahinga na kayo lalabas na ako "rinig kong paalam ni Kuya Aiden .

Habang nasa ilalalim ng kumot naalala ko na naman kung paano ako napahiya kanina na hindi ko alam kung saan ang daan pabalik tapos nakita nya pang naliligaw ako .

Hayyyssss kainis .......

********

Kinabukasan nauna akong magising sa dalawa kaya nauna na akong nag toothbrush at nag hilamos bago ay saka ginising yung dalawa .Hinintay ko lang silang makapag ayos bago saka kami bumaba saktong labas naman namin ng kwarto ay nakasalubong namin si Carlos

"Good morning"bati nito sa dalawa Saka tumingin sakin at umiling lang bago nakapamulsang bumaba ng hagdan

Pag baba naman namin ay nandon na sina kuya Aiden at Kuya Clint na mukang kakababa lang din

"Come let's eat breakfast"pag aaya ni kuya Clint bago ito nag lakad na hawak ang kamay ni kuya Aiden

"What food is this ?Where's the Ham ?the bacon ? croissant?" Imik ni Carlos ng makaupo ito sa lamesa

"Carlos....your behavior "saway dito ni kuya Clint

"Is this because of this Angry Bird ?"imik nito na sakin nakatingin

"Hoyy ikaw-"

"Ton...."saway ni kuya sakin ng hayaan ko ito ng bread knife

"Carlos there's an egg and loaf and pasta .Kumain ka na "imik ni kuya Clint at wala na itong nagawa sinamaan ako ng tingin at masama ang loob na kumain

Yung mga hinanap ko kasing pag kain nung gabi ang mga inihanda nilang pag kain para sa almusal at hindi ang usual na breakfast nila dito sa mansion nila

Habang kumakain ay nagulat kami at muntik pa kaming mabilaukang tatlo ng dumating si Kuya Clyd doon .Nalaman namin na Pinsan siya ni Carlos at kuya Clint

Tumingin ako kay Kuya pero sinenyasan nya lang kami na huwag mag salita ,turns out hindi pala alam ni kuya Clint ang tungkol sa kanilang dalawa kaya ipinakilala nya kami dito na para bang hindi talaga kami kilala nito.

Pag katapos kumain ay nag ikot - ikot kami sa paligid ng bahay at kung titingnan sa labas ng bahay parang sa loob din ito dahil tila Maze ito sa daming Lugar na pwedeng puntahan sa buong compound.

Habang nag iikot yung dalawa na may kasamang body guard para hindi naligaw ay naiwan akong kasama si Kuya Aiden dahil sa nag tatalo lang kaming tatlo kung mag kakasama kami

Nung tanungin ko si kuya Aiden kung Masaya ba sya at mahal nya ba talaga si Kuya Clint kitan kita sa mga mata nya ang sagot ,Wala pa mang mga salitang lumalabas sa bibig nya ay alam ko na .Lalo na ng nag paalam sa kanya si Kuya Clint ng paalis na ito dahil kita ko kung gaano sya kasaya .

Hindi madaling kalimutan ang kung anong pinagdaanan namin sa malukupit na kamay nila but when I saw and heard how happy Kuya Aiden being with person na realize ko na happiness nya na lang ang tanging maibibigay ko sa kanya bilang kapalit sa lahat ng ginawa nya para saming tatlo . Kaya't hindi ko man alam kung paano ,pinangako ko sa kanya na hagawin kong tangapin at mahalin ang taong mahal nya at nag papasaya sa kanya .

*****

Kuya Aiden san pupunta si Kuya ?kasama na naman nya ang mga tao nya ?"pagtatanong ni Carlos Kay Kuya ng makabalik kami sa loob ng bahay matapos makaikot sa buong Lugar

"he said may kailangan syang ayusin sa Cebu kaya baka gagabihin sya  ng uwi.Bakit dito kaparin ba matutulog?"

"No uuwi na ako mamaya pasabi na lang kay Kuya "sagot nito

Uuwi ?so hindi sya dito talaga  nakatira ?

"W-wait so you mean hindi pa ito yung bahay mo ?"takang pag tatanong ni Asher kay Carlos

"Bahay to ni Kuya regalo sa kanya ni Dad,while me I'm living with my Dad sa Main house ng mga Solis "paliwanag ni Carlos dito

"Wow diko kinakaya ang yaman ha "bulong ni Ashwin

"Ehhh di kayo na maraming bahay "bulong ko

"Are you saying something?"imik ni Carlos napatingin naman sakin si Kuya

"Ha?a-ako ?w-wala ,hahaha .Sabi ko ang sarap nitong juice "imik ko dito bago uminom ng juice kita ko naman ang masamang pag titig nito sakin

Anak ng tinapa parehong pareho sila ng Kuya nya ng Aura ,I Wonder kung anong ginawa ni kuya Clint kay Kuya sa first meeting nila .To kasing mokong na to nanghalik ,hayysss nakakainis naalala ko pag nakikita ko sya .

"Dito na kayo mag dinner mag tatlo,kayo rin Clyd ,Carlos bago kayo umuwi "imik ni Kuya Aiden ng mag dilim na at patayin na ni Carlos ang TV matapos ang pinanood namin

"Hindi na po kuya Aiden "

Wow may PO ang bait ahh ,hindi bagay sa itsura

"Sa bahay NA LANG" imik nito tumingin pa sakin bago ito tuluyang umalis kasama si Kuya Clyd

"Hhhhm Ashton ano bang nangyari sa inyo ni Carlos bakit parang ang init ng dugo nyo sa isat -isa?"pag tatanong sakin ni Kuya

"Kasi Kuya si Carlos hinal—"

"Ahhhh ahhh ahhh mabuti pa ayusin nyo na gamit nyo sa taas para makaalis na tayo may gagawin pa ako may pasok na bukas bilis na "imik ko kay Asher ng sasabihin nito kay Kuya ang sinabi ko sa kanila .Na hinalikan ako ng mokong

"Wala yun Kuya ,Siguro mainit lang dugo namin sa isat -isa yun lang yun.Ganun naman diba?Minsan may mga tao talagang hindi natin gusto "sagot ko kay Kuya Aiden tumango lang naman ito

"Hhhhmm kung ganun mabuti naman,I hope you two get along with each other ."imik nito

Heehhh paano nga ?Kung sa tuwing nakikita ko sya yung lintik na pagnanakaw nya sa first kiss ko ang naalala ko ?

"Madalas dito si Carlos ,Every Saturday pwede kayong pumunta dito tapos balik kayo sa condo nyo ng Sunday para maging close kayo ,para narin mapalapit kayo Kay Clint "imik pa ni kuya Aiden

"Pwede naman kuya"sagot ko dito

Pwede naman hangang buhay ang Isa saming dalawa

Ms.Lizzie : First Kiss naman pala kasi......Carlos naman ehhh

: Ashton wag ka ng mag tanong Anong ginawa ni Clint sa kuya mo nung First Meet nila .Hindi mo kakayanin bawal sa Bata