Chapter 3: C2

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Words: 9125

🍒🍓Chapter Two : Aso🍓🍒

🍌Khaye POV🍌

"Bakit mo ba yun ginawa?!"inis kong tanong sakanya. Kasalukuyan na syang nagmamaneho papunta sa mansyon ni Granny.

"Tsk!" Abugh! Ang bait ng nilalang na toh ha.Grabe!

"Ang galing" i murmured!

"May sinasabi ka?"

"May sinabi ba ako?"

"May narinig ako"

"Narinig mo?"

"What the f—"

"Isa pang mura basag yang bungo mo"inis kong putol sakanya.Pano ba naman kase kanina pa to mura ng mura.Tsk!

"Arghh!"nagtitimpi na sya.Haha.Bagay lang sakanya yan.Hmp!

Nagtingin-tingin lang ako sa bawat dinadaanan namin.Marami na talagang nagbago sa hacienda ni granny.Dumami na ang mga matataas na kahoy.Dumami narin ang mga gulay at prutas na nakatanim.Halos lahat na ng paligid ay may tanim na.Maliban nalang sa gitna kung saan kami dumadaan ngayon.Mula sa sasakyan ay tanaw na tanaw ko na ang malaking mansyon ni granny.Napaka gandang tignan nito dahil sa ilaw.May iba't-ibang ilaw.

'Ano kayang ganap?' Tanong ko sa utak ko.

Habang nagtingin-tingin ako ay napahikab ako.Kaagad namn akong tinignan nitong katabi ko.Di ko nalang sya pinansin at bahagya na akong pumikit.

🍌Zion Lee POV🍌

Napatingin ako sa babaeng kasama ko ng humikab sya.Parang wala lang syang pake alam.Binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa labas.

'Ano kayang kaganapan sa loob?'

Baka birthday ni Lola kaya may party.Pero sabi ni Lola tapos na ang birthday nya.Baka trip lang nilang magpaparty.

Narinig kong humilik na ang babaeng ito.Hudyat ay natulog na talaga.Nakatungo lang sya.

'Di kaya sya mangangalay?'

Anong gagawin ko sakanya?Baka magka damage pa yang batok nya.Naramdaman ko nalang na hininto ko muna ang kotse at pinasandal sya sa balikat ko.Nakatingin lang ako sa mukha nya at bahagya pang hinawi ang kanyang buhok na kumalat sa mukha nya.Hindi ko masyadong aninag ang mukha nya dahil madilim.At wala akong planong tignan.Sayang lang sa oras.Pinaandar ko na ulit ang sasakyan at ilang sandali palang ay nakarating na kami.Mula sa loob ng sports car ko ay rinig na rinig ko ang makabinging ingay sa loob.Tinignan ko muna tong katabi ko bago ginising.

"Hmm"sagot nya sa pagtapik ko.

"Wowan,wake up"mahinang saad ko.Kaagad nyang minulat ang mata nya at napatingin saakin.Ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit na pala ng mukha namin.Bigla nalang akong kinabahan.

"S-sorry"sabi nya at kaagad ng bumaba sa sasakyan.Napa iling nalang ako ng ulo.At bumaba na rin.

Bakit kinakabahan ako kanina?Argh antok lang yun.

Pagkapasok namin sa loob ay tugtog at alak ang kaagad na sumalubong saamin.Wala namang ibang taong nandito kundi ang mga trabahador lang ni Lola.

"Tuloy po kayo Ma'am,Sir"nakangiting sabi nung isa sa mga yaya ni Lola.Kaagad na kaming nagtungo sa kusina dahil nandun daw si Lola.Kung sa sala pa kami baka failed lang.Baka alak ang makita namin roon.

Kaagad kong nakita si Lola na hawak ang isang wine.Iinomin na sana nya ito ng bigla itong agawin ng babaeng kasama ko.

"Granny bakit ka imiinom nag ganito?"may halong inis nyang tanong.Granny?Lola nya toh?

"Apo,ikaw pala!Kailan ka pa bumalik?"imbes na sagutin nya ang tanong ng apo nya ay nagtanong sya ng iba.Kaagad nyang niyakap itong babaeng maldita.

"Kanina palang po"sagot nya.Bait-baitan.jpeg.Tsk "Bakit ka imiinom ng ganun?Tsaka nasan ang magaling kong pinsan?"dagdag nya

"Nandun sa salas nakipag inoman"sagot ni Lola at bumaling ang tingin saakin.

"Zion,nandito ka rin pala hali ka't uminom tayo"feeling ko lasing na tong si Lola

"Granny,Argghh yung sakit mo"

"Kaya nga ako nagpaparty apo dahil wala na akong sakit"

"Kahit na Granny"inis nyang sagot.

🍌Khaye POV🍌

Kainis naman tong si Lola,Porket wala na syang sakit ay lubos-lubosin nya.Pano kung bumalik—Arghh kainis.

"Hoii ikaw paki bantayan mo muna si Granny"inis kong baling sa lalakeng toh

"Abugh!Dapat ako ang maiinis—"

"Balik lang ako"putol ko sakanya at pinuntahan ang magaling kong pinsan.

Nakita ko sya sa salas na may nakakandong na dalawang babae sakanya.Ang playboy talaga.Akala nya siguro nasa bar sya.

"Hoii Trevix!Nasa bahay ka wala ka sa bar!"inis kong singhal sakanya.Kaagad naman syang napamulat ng mata.Tinignan nya muna ako bago nanlake ang mata nya.

"Tangina!Umalis nga kayo"utos nya sa mga babaeng nasa kandungan nya.

"Hanggang ngayon parin ba—"

"Welcome back,Khaye"putol nya saakin at akmang yayakapin ako.

"At sa tingin mo magpapayakap ako sa taong galing lang kakalandi?"naka cross arm ko syang tinignan with matching mataray na boses.

"Sorry naman"nakangusong sagot nya.

"Tsee!Bat mo hinayaan na maglasing si Granny—?"

"What?!"gulat nyang tanong at nagtatakbo papunta sa kusina.Kaagad ko naman syang sinundan.

"Granny,baka bumalik ang sakit mo"naabutan ko syang pilit inaabot ang wine kay Granny.Ito namang kasama ko hinawakan si Granny dahil parang nahihilo na.

"Mas mabuti na yun mga apo,susundan ko na ang lolo nya—"

"Granny!"sabay naming sabi ni Trevix.

"I-akyat ko na sya sa taas"sabi ni lalakeng magnanakaw ng kiss.

"Samahan mo na Khaye—"

"Maglalandi ka na naman?Gusto mo isumbong kita kay Tita ha?!"

"Hindi na promise"sagot nya saakin at hinalikan ako sa noo.Tsk!Ganyan yan para di masumbong.Iniling ko nalang ang ulo ko at sinundan na si Magnanakaw ng kiss.

"Ang bigat mo Lola"reklamo nya.Kasalukuyan nyang binuhat si Lola paakyat sa hagdanan.Nakatingin lang ako sa kanila habang nakasunod.

"Aray!"daing ko ng may tumama sa paa ko.Nasa harap na kami ng pinto ngayon.

"Sorry"sabi saakin ng lalake.So sya ang tumapak saakin?

"Tsk!"yan lang ang naging sagot ko at pinagbuksan ng pintoan para papasukin sila.Kaagad ko namang binuksan ang ilaw.Sya naman ay pumasok na at inilapag si Granny sa kama.Sinundan ko na sila.Kinumutan na nya si Granny kaya napa upo muna ako sa kama dahil masakit talaga ang pagka apak nya.Kayo kaya apakan ng malaking tao.

"Let me see"sabi nya.Nanlake ang mata ko sa sunod nyang ginawa.Lumuhod sya sa harap ko at tinanggal ang isang sapatos ko kung saan nandun ang masakit.

"A-anong g-ginagawa mo?"kinakabahan kong tanong sakanya.

"Tinitignan"tipid nyang sagot.Di man lang ako sinulyapan.Ay bad!

"Whaaa!"tili ko ng bigla nya akong binuhat pina bridal style.

"Wag ka ngang maingay baka magising si Lola"inis nyang utos saakin at nagsimula ng maglakad.

"Marunong akong maglakad kaya ibaba moko"inis ko ring utos sakanya.

"Such a hard headed,wowan"bulong nya na rinig ko naman.

"Ewan ko sayo"sagot ko nalang at hinayaan syang buhatin ako.Matigas din kaseng ulo nito kaya wala na tayong magagawa.

"Where's your room?"tanong nya saakin habang nakatingin sa tatlong pintoan na nasa harapan namin.

"Sa gitna"walang ganang sagot ko.Bahagya kong pinikit ang mata ko at di na sya pinansin.Narinig kong bumukas ang pinto but still pikit parin.Hanggang sa naramdaman ko na ang malambot kung kama.Dun na ako nagmulat.Nakatayo pa ang lalake toh at nakatingin saakin.Walang planong lumabas dre.

"Anong tinitingin-tingin mo jan?"mataray kong tanong sakanya.

"Yung gamot"sabi nya

"Aanhin mo?"

"Para sa paa mo!Tsk"inis nyang sagot

"Ako nang maggamot sa sarili ko.Labas na"

"Ganyan ba ang tinuro ng manager mo sayo?"

"Hindi"

"Nung natumba ka sa pag papractice ng 5 inches na high heel.Ikaw ba ang naggamot?"

"Hindi"

"Nasan na ang gamot?"

"Wala"tipid kong sagot sakanya at nag cross arm.

"Tsk!"sambit nya at nagtungo sa lalagyan ko ng make-up.Kaagad nyang nakita ang hinahanap nya at bumalik na saakin.

"Yung paa mo"utos nya

"Ayaw ko nga"sagot ko at inirapan sya

"Bakit ba ayaw mo?"inis nyang tanong

"Pake mo?"tanong ko rin

"Siguro mabaho yang paa mo kaya ayaw mong gamotin ko—Fvck"

"Tangina mo!"sigaw ko sakanya matapos ko syang tapunan ng unan.Inirapan ko muna sya bago padabog na binigay sakanya ang paa ko.Napangisi naman sya at umupo na sa kama.

Arghh!Sarap sapakin ng lalakeng toh.

Sabay kaming napatingin sa selpon nya ng nag vibrate ito sa tabi ko.Nahulog siguro toh.Agency ang nakapangalan kaya ako na ang sumagot.Aangal na sana sya ng samaan ko sya ng tingin wala na syang nagawa at pinagpatuloy nalang ang pag gagamot.

"Sir Zion Ken Lee.May photo shoot ka this coming Saturday.Makaka partner mo si Ms.Keira Khaye Vitale"bungad saakin

"Ano?"para akong nabingi ng marinig ko ang pangalan ko.Alam na nila na andito na ako sa pilipinas?

"Sino ka?"

"Keira"tipid kong sagot

"Pasensya na po Ms.Pero mabuti narin at ikaw ang nakasagot ng tawag.Btw yung photo shoot nyo ng jowa mo sa Saturday na—"

"Jowa?"

"Di ba kayo mag jowa ni Sir Zion?"

"Dzuh!Never!"sagot ko nalang.Napatingin naman sa gawi ko si Zion.Sandali lang yun pero parang matagal.Parang nag slow mo ang paligid.Arggh antok na ako.

"Ms?"

"Y-yes?"tanong ko ng magsalita ulit ito.Iniwas ko ang tingin ko at napatingin nalang sa paa ko habang ginagamot nya.

"Nanjan ba ang jowa mo—"

"Miss,Never nga!Di ko jowa ang asungot na yun"bulong ko.Parang narinig ni Zion dahil tumingin sya saakin.

"Pwede ko ba syang maka usap?"

"Alright!Ito na baka magwala na tong aso nyo"

Nakita kong umigting ang panga nya ng marinig nya ang ASO.Bago pa sya maka angal ay kaagad ko ng binigay sakanya ang selpon nya at humiga nalang.Kinuha ko nalang ang selpon ko.Maka Facebook na nga lang.

"Alright"yan lang ang narinig ko bago nya pinatay.

"Labas na"utos ko dahil baka pagalitan ako.