Chapter 36 : The Bitch Is Back
ALIAHYANNA KENSLEY XYVERYX POV
"MOMMY!!!" Inis kung sigaw kay mommy
"Baby! HAHAH" mommy!!!!!
"Mommy naman"
"Tsk! Ang hirap nyo talagang pakisamahan. " Inis na sambit ni Kuya
" Kuya Aki ang KJ mo talaga"sambit ko at hinalikan sya sa pisngi.
" Eww! Lumayo ka nga saakin Kensley. Baka magka germs pa ako"inis na saad ni Kuya at bahagya akong tinulak.
" Bakla ka talaga kuya noh?" Pang-asar ko sakanya. Sinamaan nya ako ng tingin kasabay nun ang pag-irap. Ay anlaa bakla talaga tong kapatid ko.
"Nga pala baby. Saan mo gustong mag celebrate ng 13 birthday mo?" Biglang tanong saakin ni mommy kaya nabaling ang tingin ko sakanya. Bahagya akong napa-isip.
"Sa hotel ni Daddy" nakangiting sagot ko.
"Tsk! Umuwi na tayo, mom" nakangusong sambit ni Kuya. Cute! Narinig kong napatawa si Mom.
"Alright! Baka kanina pa tayo hinihintay ng daddy nyo"
Kaagad na kaming lumabas sa Mall.
" Psst"rinig kong tawag saakin? Ata. Nilingon ko yun. Babae? Sino yan? Napatingin ako sa gawi nina Mommy diretso lang silang naglakad papuntang sasakyan habang nasa likod nya si Kuya. Napatingin ulit ako sa babae. Pero nawala na. Nakita kong kinawayan nya ako sa gitna ng kalsada. Dahil curious ako sinundan ko sya. Tumakbo sya kaya tumakbo rin ako para maabutan sya.
Boogshh!
"KENSLEYY!!!"
"Mommy!" Sigaw ko at napabangon sa hinihigaan ko. Grabeng panaginip yun ahh. Nilibot ko ang paningin ko. Puti lahat.
"Anak ayos ka na ba?" Nag-alalang tanong saakin ng... Sino ba toh?
"Uhm okay na po ako. Salamat po sa pag-alala"
"Ano kaba Khaye. Bat ka ganyan? Pinag-alala mo kami"
Khaye?
Biglang nagsink-in ang lahat ng mga nangyare noong bata pa ako. Hanggang sa nabangga ako at nawalan ng alaala at nung kinupkop ako ni Daddy Greg at tumira kami sa States. Hanggang kay Zion at ang pagkabangga ko ulit. At yung babaeng sumagasa saakin.
"Where's Daddy?" Tanong ko kay Mommy Stella. Tinuro nya si Daddy Greg na natutulog sa sofa. Kasama sina Zion, Lucille, Yumie, Saab, at Alex.
Nasaan si Kuya Khiro? Bat hindi nila kasama?
"Mom" tawag ko sakanya. May kukumpirmahin lang ako
"Bakit nak?" Takang tanong nya.
"Wala po" sagot ko nalang. Mukhang wala talaga syang balak na sabihin saakin kung nasaan ang totoo kong pamilya. Nasaan na kaya sina Daddy? Mommy? Tas kuya Khiro. Di ba nila alam ang nangyare saakin? O baka di pinaalam nina Mommy. Aish! Ang selfish namn kunh ganon lang.
"Khaye" napalingon ako sa pintoan nang may pumasok. Si Kuya Khiro.
"Kuâuhm Khiro" sa halip na sambit ko. Taka naman akong nilingon ni Mommy. Nginitian ko lang sya at tinignan ulit si Kuya Khiro. Gusto ko na syang yakapin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nginitian ko nalang si Kuya.
"Thank god you're awake" napatingin ako sa nagsalita. Si daddy na kakagising lng. Kaagad akong nilapitan ni daddy at sinunggaban ng yakap. " Pinag-alala moko anak" dagdag nya.
"Pasensya na po" sagot ko at niyakap sya pabalik. Kahit sa konting panahon ay napalapit ako sakanya. Tinuring nya akong tunay nyang anak. Kumalas na si Daddy at tinignan ako
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman po" nakangiting sagot ko.
" Ehem! "Napatingin kami sa tumikhim. Si mommy na nakatingin kay Daddy. "Greg! Usap muna tayo sa labas" dagdag nya
"Labas muna kami ahh"sambit ni Daddy saakin. Tinanguan ko sila saka naman sila lumabas kasabay nun ang pagtabi saakin ni Kuya Khiro. Kaagad ko syang niyakap.
"Khaye! Baka masuntok ako ni Zion" bulong nya saakin
" Ako bahala"sambit ko.
Greg's POV (Daddy² ni Khaye)
"Greg may napansin ka bang kakaiba kay Khaye?" Bungad saakin ng asawa ko nang makalabas na ako sa silid ni Khaye.
" Wala naman. Bakit? "Sagot kong tanong
"Kanina kase. Nagpasalamat sya na nag-alala tayo. Di naman sya ganun" sagot nya saakin habang nakatingin sa malayo. Nangunot ang noo ko sa sinagot nya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sakanya. Nilingon nya ako at ngumiti ng pilit.
"Baka bumalik na ang alaala nya" pilit ngiting sagot nya.
Bigla kong naalala ang araw nung sagipin ko si Khaye. Nagpanic kase ang ina nya imbes na dalhin ito sa ospital and then boom nawalan ng malay. Kaya dinala sya ng anak nyang lalake sa ospital. Naawa ako kay Khaye kaya kami nalang ang nag-dala sakanya sa ospital. Nung magising sya ay tinawag nya agad akong daddy. Gusto ko pa sanang sabihin sakanya na di ako ang ama nya kaso di ko magawa. Hanggang sa lumaki na si Khaye at kami ang tinuring nyang pamilya. Mapait akong ngumiti habang inaalala ang mga araw na kung saan masaya pa kami. Sobrang napalapit na saakin si Khaye kaya kahit mali ay pinili nalang naming di sabihin ang totoo.
"Greg" nabalik ako sa realiadad nang tawagin ako ng asawa ko. Nakita kong may namumuo ng luha sa mga mata nya kaya kaagad ko syang niyakap at tuluyan ng umiyak.
"Mahal tayo ni Khaye. Di nya tayo iiwan" sambit ko kahit walang kasiguraduhan kong di ba nya kami iiwan. Hinagod ko ang likod ng asawa ko na patuloy parin sa pag-iiyak.
"S-si Khaye ay si Kensley?" Napakalas ako sa yakap at napatingin sa lalakeng nagsasalita. " Sya ba ang kapatid ko? "Pansin kong may tumulo ng luha sa mata nya.
"I-ihoâ"
"Sabihin nyo sya ba?!" Sigaw na putol ng batang ito sa asawa ko.
" O-oo"nakayukong sagot ng asawa ko.
" Oh damn!"inis na sambit ng batang ito at pumasok sa loob ng silid ni Khaye.
Khaye's POV
Napatingin ako sa may pintoan ng bumukas ulit ito. Si kuya na naman. Teka. Bat sya namumula?
"Umiiyak kaba Kuâ i mean Khiro?" Taka syang lumingon saakin.
"May naalala kana ba?"
Aamin o magpapanggap? Ano selp? Tripan ko muna si Kuya
"Alaala? Bat naman may maalala ako?" Kunyare taka kong tanong.
"Haist! Una na ako" sambit nya at tumalikod na. Aba bad din tong batang toh ahh.
"Kuya teka lang" tawag ko sakanya na ikinatigil nya. Dahan-dahan syang lumingon saakin.
"Naalala mo na ako?" Di makapaniwalang tanong nya saakin.
" Kanina lang"sagot ko. Kaagad syang lumapit saakin at niyakap ako. "I miss you Kuya" dagdag ko.
"We miss you too sis" sagot nya. "Oh god! The bitch is back"napatawa ako ng mahina sa sinabi nya.
Tama sya.