Chapter 39: C38

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Words: 6346

Chapter 38 : Her Parents

KHAYE POV

Thursday!

Kasalukuyan na akong papunta sa kwarto nina Mommy at Daddy para makapagpaalam. Mabait ako ngayon ehh. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may narinig akong nagtatalo sa loob. Saka tsismosa ako ngayon ehh. Kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig nang maayos ang pinagtatalonan nilang dalawa.

"Ayaw ko nga diba?" Sigaw na tanong ni Daddy kay Mommy.

"Di kaba naaawa kay Khaye? Deserve nyang sumaya Greg! Deserve nyang maranasan ang magkaroon ng totoong pamilya. Totoong pamilyang magmamahal sakanya nang higit pa sa pagmamahal natin. Ayaw mo bang maging masaya ang anak natin?"kalmadong sambit ni Mommy. Bigla namuo ang katahimikan sakanilang dalawa.

" Kaya ayaw kong sabihin kay Khaye dahil ayaw kung iwanan nya ako—tayo"sagot ni Daddy maya-maya. " Mahal ko si Issabella. Mahal na mahal kahit hindi natin sya kadugo"dagdag ni Daddy na nagpatulo sa luha ko. Umiiyak na naman ako?

"Mahal ko rin sya Greg. Pero dahil sa pagmamahal natin naging selfish tayo. Ilang beses na syang gustong kunin ni Shan pero di parin natin binigay. Dahil sa pagmamahal natin naging miserable ang buhay ni Khaye" sambit ni Mom. " Habang tumatagal sya sa pangangalaga natin magiging miserable ang buhay nya" dagdag ni Mom. Napasandal ako sa pinto habang mahinang humikbi.

" Ayaw ko lang namng iwanan tayo ni Khaye"

"Greg! Habang pinapatagal natin toh sigurado akong kasusuklaman tayo ng anak natin. Kaya sa ngayon palang ay aminin na natin sakanya. Ayaw kung kamuhian nya tayo Greg"umiiyak na sambit ni Mommy.

" Ayaw ko ring kamuhian nya tayo"

"Greg... Mukhang panahon na upang bitawan na natin si Khaye" mahinang sambit ni Mommy pero para saakin parang sinigaw nya yun.

" Ayaw ko mang bitawan ang anak natin. Pero... Tama ka deserve nyang sumaya. Deserve nyang magkaroon ng totoong pamilya na kayang iparanas ang higit pa sa pagmamahal natin sakanya"

Di na sila nagsalita. Narinig kong pinihit na nila ang pintoan kaya kaagad akong lumayo para makalabas sila. Habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

"A-anak" rinig kung sambit ni Mommy. Hinarap ko sila sabay pahid ng luha ko.

"A-anak narinig m-mo?" Malungkot na tanong ni Daddy.

"Di kopo sinasadya" nakangiting sagot ko sakanila. Kita ko sa mga mata nila ang lungkot.

"Anak pasensya na" nakayukong sambit ni Daddy

"Sana di ka m-magalit saamin" sambit ni Mommy at luhaang tumingin saakin.

"Mom... Dad... Mahal na mahal ko po kayo" nakangiting sambit ko. Dahilan ng pagtingin nila saakin. Gulat na gulat.

"A-anak..." Paos na saad ni Mommy.

"Hindi ko po kayo kamumuhian dahil unang-una po. Sinagip nyo ako. Pangalawa. Inalagaan nyo ako. Pangatlo. Tinuring nyo akong parang tunay nyong anak. At pang-apat. Minahal nyo ko gaya ng pagmamahal saakin ng totoo kong parents. Maraming salamat po sa lahat mommy daddy. Maraming salamat talaga. Dahil sainyo nabuhay pa ako. At hindi ko magawang kamuhian ang taong nagligtas sa buhay ko. Kaya wag po kayong mag-isip ng kung ano mom. Dad dahil hinding-hindi mangyare ang mga iniisip nyo. Dahil mahal na mahal ko kayo" mahabang lintanya ko at kaagad silang niyakap. Humagulhol si Mommy sa bisig ko.

Kring... Kring

Napabitaw ng yakap si Daddy at tinignan ang selpon nya nang may tumawag. Napatingin sya saakin at ngumiti ng mapait. Saka sinagot ang tawag.

"T-today" mahinang sambit ni Daddy at kaagad na pinatay ang tawag at hinarap ako. "Khaye should I say Aliahyanna Kensley Xyveryx" nakangiting sambit ni daddy. Pero sa likod ng mga ngiting yun ay may nakatagong lungkot, pait at sakit. "Maging masaya ka sana. Dahil sa araw na ito i-ibabalik kana namin sa t-totoo mong mga m-magulang"dagdag ni Daddy at sunod-sunod na tumulo ang luha nya.

" A-anak. You deserve to be happy" napalingon ako kay Mommy. Mapait syang ngumiti matapos nyang banggitin ang mga iyon.

"M-mom d-dad. Mahal na mahal ko kayo. Pangako po dadalawin ko kayo dto"sambit ko. Muli. Niyakap ko sila. Damang-dama ko ang yakap nila. Yakap na matagal ko pang maramdamang muli.

"Naghihintay na ang mo sayo nak" sambit ni Daddy kaya napakalas kami sa yakap.

" Tara na"yaya ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. Sabay naming tinahak ang pinto palabas.

Kaagad sumalunong saamin ang tatlong butler na sa tingin ko ay kay Daddy. Sa totoo kong ama.

"Anak" napalingon ako kay mommy nang tawagin nya ako pagkahinto namin sa tapat ng kotseng sasakyan ko pauwi sa bahay namin.

"Mahal na mahal ka namin"

"Mahal na mahal ko rin po kayo" sagot ko at hinalikan ang pisngi nilang pareho.

" Mag-iingat ka"sabay nilang sambit kaya napangiti ako. Napatingin naman si Daddy sa isang Butler na nasa gilid ko.

"Paki-ingatan ang anak namin. At siguraduhin mong makaka-uwi sya nang ligtas kung ayaw nyo pang matanggal sa trabaho nyo"seryosong sambit ni Daddy.

" Masusunod po sir"sagot nilang tatlo.

Maya-maya ay napagpasyahan ko nang sumakay na.

* * *

Nakarating na kami sa bahay. Sa totoo kong bahay. Sa bahay kung saan ako lumaki.

"This way po Ma'am Aliahyanna" nakangiting sambit ng isang butler matapos akong pagbuksan ng pinto. Nginitian ko sya at sumunod na sakanila papasok.

Huminga ako nang malalim nang nasa harap ng kami ng pinto.

"Yanna anak" kaagad na usal ni Mommy nang pagbuksan na namin ang pinto

" Kensley"sambit nman ni Daddy. Kaagad akong tumakbo papalapit sakanila at sabay salubong ng yakap.

" Mom Dad I miss you" sambit ko.

"Mas miss ka namin Yanna" mahinang sambit ni Daddy.

" Andaya. Pasali ako"rinig naming sambit ni Kuya Khiro. Napatawa kami bago sinenyasan ni Daddy si Kuya na lumapit.

"GROUP HUG!" rinig kung sigaw ng pamilyar na boses ng babae kaya kaagad akong napakalas sa yakap at tinignan kung sino iyon. Ganun nalang ako kagulat ng makilala ko ito.

"A-alex" di makapaniwalng usal ko.

"Youre one and only pretty sis a.k.a bunso" nakangiting sambit nya at lumapit saakin.

Bunso?Bat iba ang surname nya?

"Nung nawala ka Yanna saka sya lumabas." Sambit ni Daddy.

" Kung nagtataka ka kung bat kayo magkapareha ng grade level. Well, excited sya ehh tas tong kuya mo naman binabantayan lang si Alex" nakangiting sambit ni Mommy. So may kapatid pa pala ako? Kyaahhh!!

"Ohh goshhh Lil sis" tili ko at kaagad syang niyakap.

" Bat di pala kau pareha ng sn ni Kuya?" Tanong ko sakanya nang kumalas na kami sa yakapan.

"Trip lang namin" sagot nya. Biglang napatawa si Mom, Dad at Kuya

Akhiro Keith Xyveryx

Aliahyanna Kensley Xyveryx

Alexandra Karren Xyveryx