Chapter 28: Tinatangi Kong Musika

Metrical ScribblesWords: 286

Isang luma na tugtugin,

Sa puso ay iibigin.

Sa tuwing pinapakinggan,

Parang wala itong hanggan.

Ang magulo kong isipan,

Naglaho ang kalungkutan.

Pakiramdam ay gumaan,

Mula sa kapayapaan.

Alam kong kailangan kong;

Umibig ang binubulong.

The Carpenters ang kumanta,

Sa tinatanging musika.