Chapter 23
Goal on the Pitch
Bahagya akong napayakap sa aking sarili nang maramdamang umihip ang hangin nang malamig. Disyembre na sa susunod na buwan kaya naman talagang lumalamig na. Lumalamig rin naman noon sa Manila ngunit hindi gaano.
"Ang bagal talaga ni Keance, eh. Napakabagal, actually," pagrereklamo ni Kyle. Malakas ang boses niya habang naglalakad kami sa pasilyo galing sa canteen. "Dapat noong nagrereview silang dalawa, duma-moves na siya ro'n pero ano? Natulog lang siya!" Madrama niyang itinapon ang isang kamay sa ere. Ang isa kasi niyang kamay ay may hawak na kape.
Kanina pa siya nagrereklamo tungkol kay Keance. Naiintindihan ko siya pero sadyang torpe lang talaga si Kean. Bahag ang buntot, sabi ni Kuya Jaspi nang maikuwento ko.
"At heto pa." Humarap siya sa akin dahilan upang maglakad siya nang pabaliktad. "Naaalala mo noong nakulong sila sa storage room?" Nagtaas siya ng kilay kaya naman tumango lamang ako. "Perfect na iyong timing ro'n, eh pero mas pinili niyang asarin si Haniâ"
Biglang nawalan ng balanse si Kyle nang may kung sino mang bumangga sa kaniya. Napalapit sa akin ang katawan niya. Kasabay noon ay naramdaman ko ang pagguhit ng tubig sa aking damit na nanggaling sa kape ni Kyle na natapon.
"Hoy!" mabilis na paghabol ni Kyle sa estudyanteng iyon. Tumayo siya nang maayos at dinuro ang taong iyon.
Nang lingunin ko ang aking likuran ay nakita ko ang estudyanteng iyon na tumigil sa pagtakbo at yumuko sa amin. "Pasensya na. Nagmamadali kasi ako," paumanhin niya at nagmamadaling pinagpatuloy ang pagtakbo.
"Alam kasing hallway ito tapos tatakbo-takbo. Kinulang ba siya sa utak?" dakdak ni Kyle. Guhit na guhit sa kaniyang nok ang kunot roon. Lumamlam ang kaniyang ekspresyon nang tumingin siya sa akin. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang matapos akong eksaminahin. "Naku! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba napaso?" Ginamit niya ang dalawang kamay upang paypayan ako.
"Kyle, malamig ang kape mo."
Natigilan siya sa ginagawa. "Oo nga pala." Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay at tumayo nang tuwid. "Pero hindi ka ba nalalagkitan?"
Pinakiramdam ko ang sarili at naramdaman ngang tukuyan nang kumapit ang kape sa aking damit at balat. Lalo ring lumamig ang aking pakiramdam dahil malamig nga ang kape ni Kyle. "Malagkit nga," sagot ko. "Wala pa naman akong baong damit."
"Loko kasi iyon. Lagot siya sa kin kapag nakita ko siya." Muling bumalik ang simangot sa kaniyang mukha.
"Hindi mo naman nakita ang mukha niya, eh..."
Nagbuga siya ng hangin bago tumingin sa aking muli. "May extra shirt ako. Kunin natin para makapagpalit ka?"
Gustuhin ko mang tumanggi ngunit nakakahiya. Hindi ako puwedeng pumasok sa aming klase nang basa. Maayos sana kung pauwi na kami ngunit hindi naman..
"Suot mo muna ito." Tinanggal niya ang kaniyang suot na bag at binigay sa akin.
Nang hawakan ko iyon ay halos mabitawan ko dahil sa gaan. Para bang isang ballpen lamang ang laman. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi ba sila nagkaklase? Ang alam ko ay hapon na lang muli ang practice nila sa soccer.
"Isuot mo paharap para 'di ka pagtinginan," aniya at tumango pa.
Ginawa ko ang kaniyang sinabi. Isinuot ko nang paharap ang kaniyang bag. Ang akala ko ay hindi ako pagtitinginan ngunit mas lalo akong nakakuha ng atensyon. Sa bawat lakad na aming ginagawa, napapatingin ang mga estudyanteng babae sa aming direksyon. Hindi ko alam kung dahil kasama ko si Kyle o dahil suot ko ang kaniyang bag.
Pinili ko na lamang ituon ang aking paningin sa daan. Nakakailang ang kanilang mga tingin.
"Ayos ka lang?"
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil rin si Kyle. Nang iangat ko ang aking ulo, nakita kong nasa harapan na kami ng mga locker na siguro ay sa kanilang klase.
"Uh.. Hm." Tinanguan ko siya.
Binuksan niya ang isang locker at timambad sa aking paningin ang mga naka-hanger na jersey. Iba-iba iyon ng kulay at disenyo. Iyong iba ay mayroong mga kamay at iyong iba naman ay wala.
"Pili ka na lang."
Napatingin ako sa kaniya.
Mahina siyang napangiti at nagkamot pa siya ng batok. "Iyan lang kasi ang meron ako ngayon."
Ngumiti ako at ibinalika ng tingin sa kaniyang mga damit. Kinuha ko lamang roon ang pinakasimple sa aking paningin. Pinakamaliit ang kinuha ko dahil iyon lamang ang sa tingin ko ang kakasya sa akin. Ang disenyo ay simpleng puti at may magaang asul na nakakalat sa magandang paraan. Sa harap ay mayroong disenyong bola ng soccer na nasamahan ng pangalan ng aming paaralan. Sa likod naman ay apelido lamang ni Kyle at numero.
Crisostomo
06
Papunta na sana kami sa banyo ngunit tumigil siya. "Teka lang. May kukunin lang ako sa loob," aniya at tumungo sa kanilang classroom.
Hinintay ko lamang siya at pagdaan ng ilang minuto, bumalik naman siya agad. Ang akala ko ay magpapatuloy na kami ngunit hindi naman siya naglakad kaya napatingin ako sa kaniya.
Nakatingin siya sa akin. Ang kaniyang mga labi ay nakalapat sa isa't isa. "Gamitin mo 'to," mabilis niyang ani at inabot ang isang pack ng wipes.
"Saan mo 'to kinuha?" tanong ko nang matapos iyong tanggapin. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.
"Sa room lang."
Tumango na lamang ako. "Maraming salamat."
Pumasok ako sa banyo ng mga babae. Gibamit ko ang wipes na binigay ni Kyle upang pamunas sa aking sarili. Amoy ko ang aroma ng kape niya kanina. Matapang iyon dahil hindi siya mahilig sa matamis na kape. Pampagising raw ang nais niya.
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Kyle sa gilid. Nang tignan ko siya ay nakita ko ang namumula niyang pisngi. Mabilis na kumalat ang pag-aalala sa aking sistema.
"May sakit ka ba?" agaran kong pagtatanong. Ang aking mga kilay ay bahagyang umangat. "Bakit namumula ka?" Inunat ko ang aking kamay upang idampi sa kaniyang leeg. Hindi naman iyon mainit. Normal lamang ang kaniyang temperatura.
"Wala lang 'to, Isa. Naiinitan lang siguro ako." Ngumiti siya nang kampante sa aki.
"Huh?" Lalong tumaas ang aking mga kilay. "Hindi naman mainit. Tsaka hindi ka naman namumula tuwing nabababad ka sa araw sa paglalaro ng soccer..?"
"Ayos lang talaga." Umiling siya. "Hatid na kita sa room niyo."
Inilingan ko naman siya. "Hindi na. Dito ka na lamang at magpahinga."
Mahina siyang humagikhik. "Ayos lang talaga ako. Magiging maayos lang ako kapag naihatid na kita. Tsaka may sasabihin ako kay Cleo."
Puwede namang i-chat na lamang..?
Hindi na lamang ako nagreklamo at naglakad na kami. Binilisan ko na lamang ang paglalakad upang makabalik siya kaagad sa kanilang kuwarto.
"Kamatis ba concept mo? Namumula na mukha mo," natatawang bungad ni Cleo nang makarating kami sa amin.
"Pero hindi naman siya mainit, Cleo," tugon ko. "Ano sa tingin mong problema?"
Mula sa natatawang ngiti, tumaas ang isang gilid ng labi ni Cleo nnag ituon nuya sa akin ang mga mata. "Kinikilig lang iyan siya."